Chapter 18

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

~3rd person

“Napapagod?” ngumiti si El pero halatang pilit na ngiti ito “nakakapagod nga ang magtago ng nararamdaman” sabi nito saka binaling ang tingin sa gawi kung saan sila Jennie, ayaw nang tignan ni Jisoo ang tinitignan nya kaya pinanatili ang kanya ang mga mata dito habang naghihintay ng sunod na sasabihin nya “na makita ang gusto mong may kasamang iba. Na masaya sa iba” tumingin sya kay Jisoo, bigla naman nakaramdam ng kaba sa tingin nyang iyon si Jisoo lalo na sa sinabi nya.

“Magkaibigan talaga kayo ni Jennie noh?” nakangiting dagdag nito “pero bakit minsan subrang close nyo then suddenly may awkward na aura sainyo bigla?”

“Awkward?” napalunok na tanong ni Jisoo, kinakabahan sya parang may gustong sabihin si Doc sa kanya.

“Nararamdaman ko yon ang nararamdaman mo” seryosong sabi nito “At may dahilan kung bakit ganun kayo, alam kong alam mo kung ano ang dahilan na yon. Sya ba ang sinasabi mong nakadurog ng puso mo na nakwento mo kay Wendy?” tanong ni El na nakapagpatigil kay Jisoo.

Ganun ba sya kadaling basahin? Ganun ba kagaling na doctor sa utak si Doc na nababasa nya ang hindi masabi ni Jisoo.

“Hindi ako magagalit” mahinahon at nakangiting sabi ni El sa kanya. “And there’s no point on denying it, ideny mo man alam ko na”

Hindi agad sumagot si Jisoo, huminga ng malalim saka tumango

Sabi nya nga there’s no point on denying it.

“Sya nga. Pero hindi mo kaylangan mangamba, doc. Alam kung may jowa sya at hindi ako gagawa ng bagay na makakasira sa kanila” pagpapaliwanag naman ni Jisoo ng biglang umepal ang isip nya at nagsabi, Really. Let’s talk about what happened last night?

Hindi ko naman ginawa yon para sabihin kay King at sirain sila. Hindi ko lang napigilan sarili k, oo na ayaw kong pigilan. Pero hindi ko yon gagamitin para masira sila, depensa naman ng isang bahagi ng utak nya.

Ngumiti si El, nasasaktan din ito sa nakikita nya at nahahalata nya lalo na ay may gusto sya kay Jisoo. Nasaktan sya nung mabasted sya pero hindi nya gustong mamroblema si Jisoo kaya naman pinakita nya ok lang, na tanggap nya at maghihintay sya na mahalin din sya ni Jisoo.

“I know. Hindi ikaw ang taong ganun” sabi nito.

Kaya nga minahal kita dagdag nito sa isip nya.

Dahil sa sinabi at ginagawa nya ngayon ay mas bumibigat ang sakit na nararamdaman ni Jisoo. Nasasaktan sya dahil sa hindi sya pwede kay Jennie at nasasaktan din sya dahil sa mabait at mapag-unawang lalake sa harap nya.

“Sorry”

Sorry kasi mali ang lahat ng naiisip mo sakin. Hindi ako ganun, nakagawa ako ng kasalanan na pwede silang masira. Sorry kasi nasasaktan ka ngayon dahil sakin pagpapatuloy ni Jisoo sa isip nya.

Ngumiti ito “Masakit sa totoo lang” pag-aamin ni El “pero wala akong magagawa. Hindi natin natuturuan ang puso. Nakakatakot lang na pati ang pinsan ko masaktan” sabi nya na nakapagpayuko kay Jisoo

“Hindi. Sya ang bf kaya hindi sya masasaktan kasi sya ang pinili at sa nakita naman natin sya parin ang patuloy na pipiliin” sabi nya, saka nya naalala yong yakapan ni Jerome at Jennie.

“Minsan hindi mahalaga ang titulo na nasayo kung ang kalaban mo ang totoong nararamdaman ng tao. Madaling magbigay ng titulo o label sa ibang tao ang masakit lang sa panahon na ito mahirap panindigan iyon. Madaling sabihin ang mga bagay bagay pero mahirap patunayn kung totoo ang mga yon” sabi ni El na nakapagpatango kay Jisoo.

Hindi lang madali yong salita kundi may mga bagay din madaling gawin pero mahirap panindigan tulad ng ginawa namin kagabi. At hindi ko sya pipilitin na panindigan iyon dahil lang sa nangyari sabi ni Jisoo sa isip nya.

“Sa mga tingin nya sayo...” pabitin nasabi ni El kaya napatingin sya dito “ano sa tingin mo ang nararamdaman nya sayo?”

Sa mga tingin nya? Sa galaw? Sa nangyri kagabi? Hindi ko alam. Sa totoo lang gusto kong maniwalang meron pero dahil kay Jerome alam kong wala Pinili na lang ni Jisoong sagutin ito sa isip nya.

“Pano kung malaman mong ikaw din ang gusto nya? Gagawin mo ba lahat para maging sayo sya?” dagdag na tanong ni El habang nakatingin ng maigi kay Jisoo na ngayon gulong gulo na kung ano ba talaga ang intensyon nito kung bakit ganun ang mga tanong sa kanya.

“Kung wala syang bf oo. Pero ngayon na meron sya hahayaan ko sila”

Hahayaan na ang lahat ng nangyari. Hayaan ang lahat ng pinadama nya sakin dahil sa alam kung hindi iyon tama Napabuntong hininga si Jisoo dahil sa naisip nya.

***

“San kayo papunta?” tanong ni Jennie ng ipaalam ni El na mauuna na sila ni Jisoo.

“Hindi ko alam” sagot ni Jisoo habang nag-iimpake.

“At sasama ka kahit hindi mo alam?” Medyo asar namang sabi ni Jennie “Bat kaylangan pang umalis kayo ng una pwede naman sabay sabay?”

Napabuntong hininga si Jisoo dahil sa ayaw nya sanang makausap si Jennie pero nang magpaalam si El sa kanila ay nangunulit na ito, tanong ng tanong “actually nagpaalam na akong uuwi sa kanya mag-isa, pero hindi sya papayag kung hindi daw sya kasama”

“Uuwi? Bakit? May nangyari ba kaya gusto mo nang umuwi? May emergency sainyo?”

“Hindi. But I can’t stay here after what we did…” natigilan si Jisoo tumingin sya kay Jennie na napatigil “mali yon at ang pagkakamali ay mananatiling pagkakamali kahit ganu ko pa ito nagustuhan o kahit ganun pa ako napasaya nito” dagdag nya, sasagot naman sana si Jennie pero hindi nya ito binigyan ng pagkakataon, tinaas nya ang kamay nya na hudyat na wag muna itong magsalita kaya naman hindi ito nagbigay komento at hinintay ang susunod nyang sasabihin.

Ako muna, hayaan mo muna akong magsalita. Minsan lang ako maglakas ng loob sabihin lahat ng gusto kong sabihin kaya hayaan mo muna ako.

“I want you” seryoso nyang sabi na nakapangiti sa kausap. huminga sya malalim, pinipilit ang sariling sabihin lahat ng gusto nyang sabihin sa pagkakataon at sitwasyong ito.

Dito sya mahina eh, yong ipaalam ang totoo nyang nararamdaman. Na mas pipiliin nya na lang itago ito para walang mamroblema sa nararamdaman nya. Nasanay syang isipin na resposiblidad nya ang mga nararamdaman nya. Sya ang nakakaramdam nito hindi ang ibang tao kaya lagi nya pinipiling sarilihin lang ito. Iniisip nya hindi obligasyon ng tao ang pagaanin ang loob nya dahil sa hindi nila piniling iyon ang maramdaman nya.

“I want to be with you. Mukha ding alam mo, nararamdaman mo at nakikita na gusto kita, pero hindi sa ganitong paraan”

Ayokong manatili kasama ka habang kasama mo sya. Pagkasama ka hindi ko maiwasang umasa at makagawa ng hindi tama.

“Hindi sa ganitong sitwasyon”

Ayokong na mamagitan, ayokong pangalawa, ayokong patuloy maguluhan at hindi alam ang lugar ko sayo, ayoko na ng patago. Ayoko na ng ganito lang ako.

“Mahal kita, Jennie” sabi ko sa kanya, kasabay nito ang pagbagsak ng luha sakin mga mata.

Sa wakas nasabi ko na. Sa wakas napakawalan ko na yong matagal ng nakabara sa dibdib at sa isip ko.

Lumapit naman sya sakin habang naiiyak na din at pinunusan yong luha sa mga mata ko.

Naiiyak ba sya dahil sa naawa sya sakin? Naiiyak sya dahil sa alam nyang masasaktan ako na hindi pareho ang nararamdaman namin.

O naiiyak sya dahil sa saya, dahil sa sinabi ko?

“Pwede na ba akong magsalita?” tanong nya, umiling iling ako.

Hindi pa ako tapos.

“Gusto kong maniwalang may pag-asa tayo dahil sa pinaramdam mo sakin at ginawa nating magkasama kagabi o kaninang madaling araw, pero hindi ako tuluyang magiging masaya na alam kong ginagawa natin ito sa paraang hindi tama” dagdag ko at sa pagkakataon ngayon ako naman ang nagpunas ng mga luha sa kanyang mga mata “Hindi ko sinasabi ito para malaman agad ang sagot mo ngayon. Ayokong sabihin mo lang, gusto ko ng patunay. Sawang sawa na ako umasa sa walang kasiguraduhan. Kung mahal mo ako, please don’t just say it back, o wag ang katawan mo ang pagpagalawin mo, mas gusto kong patunayan mo sa paraang hindi na ako maguguluhan at hindi na ako magiguilty” sabi ko sayo “Mahal kita at kung mahal mo din ako, maging single ka muna. Kung hindi naman…” sabi ko saka humikbi “ipagpapatuloy mo yong kayo ni Jerome at maiintindihan ko. Atleast sa pagkakataong ito may siguradong sagot na sa tanong na matagal ko ng gustong itanong”

Sa tanong kung mahal nya ba ako higit pa sa kaibigan tulad ng pinaparamdam nya sakin o binibigyan ko lang ng maling pag-asa ang sarili na ang totoo naman ay hanggang kaibigan lang ako sa kanya.

“Jisoo…” magsasalita pa sana sya pero pinigilan ko sa pamamagitan ng halik.

Kung ito man yong huling halik na maibibigay ko sa kanya, ok na ako. Atleast alam kong alam nya ang nararamdaman ko. Kung magtapos man ang pagkakaibigan namin dahil sa pag-amin ko tatanggapin ko. Ano man ang mangyari handa na akong tanggapin iyon.

Bago pa sya tumugon sa halik na ginawad ko sa kanya ay pinutol ko na ito pero nanatiling magkadikit ang mga noo namin, hindi ko din inalis ang mga palad ko sa pisngi nya.

“Tulad ng sabi ko, hindi ko kaylangan ng salita ngayon. Kaylangan mo lang mamili kung ano ang gagawin mo” sabi ko habang nakatingin sa kanya. Medyo hindi na malinaw ang paningin ko dahil sa nababalot ng luha ang aking mga mata, narinig ko naman ang paghikbi nya bago nya ako yakapin.

“Sorry, alam kong umiiyak ka ngayon dahil sakin. Dahil sa hindi ko agad napagtanto ang…” naputol ang sinasabi nya dahil sa hikbi nya.

Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya “sssssh! Kaya ayokong sabihin sayo kasi magiguilty ka eh”

Kumalas sya sa yakap ko, tinignan nya ako “May sagot na ako, ayaw mo ba talaga marinig?” tanong nya.

Umiling iling ako “Ayokong marinig, gusto kong makita. Sa ngayon hayaan mo munang magkaroon tayo ang oras para maayos ang dapat ayusin. Piliin mo ang ikasasaya mo hindi dahil sa awa? Kung hindi ako yan, matatanggap ko” sabi ko habang tumatango, nakanguso na sya ngayon habang umiiyak. Napangiti ako kahit lumuluha dahil sa ginagawa nya.

***

“Hoy. Ok ka lang? Kanina pa parang malalim iniisip mo” tanong naman ni Cole sakin habang karga si Celine.

Pag-uwi ko, nagbihis muna ako saka dumiretso dito kila V dahil sa alam kong wala silang pasok. Nabigla naman ako ng maabutan ko nandito din si Wendy. Kanina pa sya nagtetext o kahapon pa nga nangungumusta hindi ko lang nasagot dahil sa lowbat nga ako kahapon. Kanina ko lang sya nasagot at sinabing pauwi na ako.

“Nagconference lang kayo ganyan ka na umuwi” pagpapatuloy ni Cole habang sila V at Wendy nakatingin lang sakin.

“May ginawa ba yon sayo kaya nag extend kayo don, na kahapon pa tapos yong seminar ngayon lang umuwi?” tanong naman ni V

“Magsabi ka ng totoo. Babaliin ko mga boto boto nun kung may ginawa sayong masama” sabi ni Cole

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus