Chapter 24

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

Nakahiga na sila Jisoo at Jennie pero hindi tulad ng lagi nila ginagawa pagmagkatabi ay hindi sila magkayakap ngayon. Si Jennie nasa kaliwang gilid ng higaan habang si Jisoo ay dahan dahan umuusog papatabi sa nakatalikod sa kanyang si Jennie.

“Jisoo” tawag ni Jennie na may pagbabanta ang boses kaya napatigil si Jisoo. “Sabi ko lumayo layo ka sakin ah” dagdag pa nito.

“Pero mahuhulog na ako, sweetie” nakanguso at paawang sabi naman ng isa kaya napatingin si Jennie sa likod nya at napataas ang kilay ng tignan nyang nasa gitna si Jisoo at madaming space sa kanan nito. Kung titignan para ngang si Jennie ang mahuhulog dahil sa nasa gilid na gilid na ito.

Mula umuwi sila ay hindi pa sila ok dahil sa nangyari ngang pagbitaw ni Jisoo kay Jennie ng dumating ang doctora kanina. Nagpaliwanag naman si Jisoo pero alam ni Jennie na may higit pang rason kung bakit ginawa ito ni Jisoo. Wala naman maibigay na ibang rason ang kasintahan nya dahil kahit ito ay hindi nya alam kung bakit napabitaw at parang nataranta ito ng marinig nya ang boses ng doctora.

“move” seryoso nyang sabi kaya walang nagawa si Jisoo kundi makinig na lang.

Tinalikuran ulit sya ni Jennie “sweetie” tawag ni Jisoo.

Huminga ng malalim si Jennie na uubusan na talaga ng pasensya. Makulit si Jisoo lalo na pag alam nitong nagtatampo sya pero pagod si Jennie ngayon kaya kahit anong gawin ni Jisoo ay hindi nawawala ang inis nya.

“I swear to God Jisoo, if you will not stop you will sleep on the couch outside. I’m tired. Let’s just sleep” sabi ni Jennie.

“Wala man lang good night kiss?” sagot naman sa kanya ng nobya.

Lumingon ulit si Jennie at sinalubong sya ng nakangiting si Jisoo saka ito ngumuso at pumikit. Ayaw nya man ay napangiti sya ni Jisoo. Ang cute! Pero agad din nya binawi ang ngiti dahil sa ayaw nya itong makita ni Jisoo pagkatapos ay dinampian nya ito ng halik.

“Good night” sabi nya saka tumalikod ulit.

“ganun lang?” rinig nyang reklamo ng nobya.

“Jisoo” may pangbabanta nya ng tawag pero parang hindi narinig ito ng isa.

“it’s sweetie. Sweetie mo ako. Kanina mo pa ako tinatawag na Jisoo” pagtatampong sabi nito.

“Because it’s your name” sagot nya naman.

“yeah. But I’m your sweetie. Call me sweetie”

“Nah” sagot nya

“Sweetie” panlalambing na tawag ni Jisoo

“Lumabas ka na lang. Kung hindi ka matutulog, labas dun”

“Bakit ako lalabas? Aming bhouse ‘to” pagmamatigas na sabi ni Jisoo kaya napaupo si Jennie.

“Then ako na lang matutulog dun sa sofa” tatayo na sana si Jennie pero pinigilan sya ni Jisoo.

“Hindi. Hindi. Ito na nga hindi na nga mag iingay. Higa ka na sweetie” natatarantang at nanglalambing sabi ni Jisoo.

Inirapan lang sya ni Jennie saka humiga na lang ulit.

Ilang minuto na ang nakakalipas at akala ni Jennie ay nakatulog na si Jisoo ng marinig nya ito magsabi “Ang lamig. Parang ang lamig. Hindi ako sanay na walang kayakap” pagpaparinig nito kaya napairap ulit si Jennie saka iniharap hindi lang mukha nya kundi katawan nya kaya napangiti si Jisoo.

Sabi ko na. Hindi mo matitiis ang sweetie mo. Masayang sabi ni Jisoo sa isip nya pero agad din napababa ng nakaangat na labi nya ng ibigay ni Jennie sa kanya yong stuff toy na si Jennie bear.

“ok na?” inis na sabi ni Jennie. “Matulog na” sabi nito saka tumalikod ulit.

Napabuntong hininga na lang si Jisoo. Ayaw nya mang matulog na may tampo si Jennie ay parang ayaw talagang makipag ayos ang nobya.

“Yakapin mo naman ako Jennie bear. Ayaw na nga akong yakapin ng nagbigay sayo para ayaw mo din” patuloy na pagpaparinig ni Jisoo kaya napapikit si Jennie ng marahan umarteng hindi narinig ang sinasabi ng nobya.

Ilang minuto na ang nakaraan ay hindi pa rin dinadalaw ng antok si Jennie kahit tahimik na ang nasa likod nya.

Tulog na kaya sya? Tanong ni Jennie sa isip nya. Huminga sya ng malalim saka inikot ang leeg para makita si Jisoo at nakita nya ito parang batang antok na antok na ang mata habang nakayakap sa stuff sabay pa nito ang paglabi.

Hindi maiwasan mapangiti ni Jennie saka umikot sya para tuluyan na syang makaharap sa nagpapaawang nobya. Umusog sya papalapit dito kaya napangiti naman ito at inalis ang pagkakayakap sa stuff toy para salubungin ang yakap ni Jennie. Tulad ni Jisoo ay ayaw din matulog ni Jennie na hindi sila ayos lalo na dahil sa simpleng bagay lang.

Naramdaman nya naman ang labi ni Jisoo sa kanyang ulo. “I love you” saad nito kaya napangiti at napatingala sa kanya si Jennie. Sasalubungin na sana nya ang labi nito ng labi nya pero pinigil ito ni Jennie sa pamamagitan ng hintuturo nito.

“Akala ko ok na tayo?” tanong ni Jisoo.

“oo nga. But no kissing” pang aasar ni Jennie kaya napanguso si Jisoo.

“Tsk! Pasalamat ka mahal kita” pabirong bwela naman ni Jisoo.

Napatangong si Jennie “Thank you for loving me. Salamat dahil sa hindi mo lang ako minahal, nandyan ka pa lagi para intindihin ako kahit inaabot ako ng topak ko” seryosong sabi ni Jennie.

Hinawakan naman ni Jisoo ang magkabilang pisngi nito dahil sa may mahalata sya “May problema ba sweetie?” tanong nya dito dahil sa halatang may iba pang iniisip o gumugulo sa isip ng nobya nya.

Umiling iling si Jennie saka yumuko pero tumingala din agad. “Sasabihin ko na kila dad about satin”

“Kaya mo na ba? Kung kaya mo na sige sweetie pero kung gusto mong gawin ito dahil lang sa sinabi ni Cole na mababawasan ang mga nakakainteres at nagpapansin sakin hindi mo kaylangan gawin iyon. Kahit ata sabihin pa natin sa buong mundo na tayo hindi mo pa rin sila mapipigilan sa paghanga sakin. Sa ganda kong ito?” pagmamayabang ni Jisoo kaya pabiro namang pinaikot ang mata ni Jennie pero nakangiti ito dahil sa alam nyang pinapagaan lang ng nobya ang usapan. Sa mga ganitong seryosong usapan alam ni Jennie na may pabiro mang banat lagi si Jisoo ay alam nyang sinasapuso at seneseryoso din ito ni Jisoo.

“Dapat napaghandaan mo na yan sweetie. Jojowa jowa ka ng subrang ganda tapos magtataka ka na madaming aaligid dyan?” pagpapatuloy ni Jisoo at nang maramdaman nya na ang daliri ni Jennie sa tagiliran nya para kurutin sya ay tumawa at agad ito pinigilan “pero gusto kong sabihin na hindi lang kaya ikaw ang nakakaramdam nun. Dami din na umaaligid sayo ah pero kahit ganun ayokong pilitin mo sarili mo mag out. Sabi ko naman sayo maghihintay ako hanggang maging handa. Wag mong isipin ang iba dahil sa hindi nga ako naghanap o nagintertain ng iba kahit nung panahon na iniisip kong wala tayong pag asa ngayon pa kayang tayo na?” seryosong sabi ni Jisoo saka ngumiti.

“Hindi naman yon ang naiisip ko. Alam ko namang hindi mo ako ipagpapalit. Sa ganda kong ito, ipagpapalit mo pa? Ang yabang o bobo mo namang kung ganun” sa pagkakataong ito ay si Jennie naman ang pabirong nagyabang. Kahit na naiisip nya din ang ganun. Na baka mapagod si Jisoo at maghanap na lang ng iba pero pagbinabalikan nya ang mga ginawa ni Jisoo at pinaramdam nito sa kanya ay nawawala ang pangambang yon at naniniwala syang handa nga itong mahintay. Ngunit may isa lang na bagay ang nakakapagpagulo sa kanya, yon yong naramdaman nya pagkatapos na bitawan ni Jisoo ang kamay at irason nitong baka isipin ng doctora na sila.

Natawa si Jisoo “Cuuuuute!” sabi ni saka nya pinisil ang malalambot na pisngi ng nobya at akmang hahalikan na ito sa labi ng pigilan sya nito at inilayo ang mukha nya gamit ang pagtulak ng noo nya gamit ang hintuturo nito. Napanguso na lang sya saka tinaas ang hintuturo at paawang mata na parang gustong sabihin na isa lang na kiss habang patango tango ito, sinagot naman sya ng nobya ng iling habang nakangiti.

Gusto man nang ibigay ni Jennie ang gusto nito ay nasisiyahan din sya sa panglalambing at panunuyo nito sa kanya nobya para lang makatanggap ng halik mula sa kanya. Lagi kasing paggusto nito ng kiss ay agad nyang binibigay dahil yon din ang gusto nya kaya naman ang ganito pagkakataon ay malimit na mangyari kaya sinusulit na ni Jennie. Isa pang rason ay baka pagnagsimula na nyang pagbigyan ang jowa ay hindi na nila maipagpapatuloy ang usapan na gustong nyang pag usapan. Alam nya sa sarili nya na pagnagsimula na silang maglambingan at mauwi sa halikan ay hindi lang isang halik ang mangyayari kundi madami na pwede pang mauwi sa alam nyo na. Madaming oras sila para dun pero ngayon gusto nyang malinawan sa nagpapagulo sa kanya. Tulad ng sabi ng mga kaibigan nila ay mahina sila sa komunikasyon. Na para bang ang mga bagay na dapat pag usapan ay sinasantabi na lang kaya nagkasakitan at namis understood nila ang isa’t isa at nauwi sa maling desisyon, halimbawa na lang yon magkaroon sya ng jowa dati imbes na marealized nagusto nya si Jisoo. Kaya ngayon mas gusto nyang hindi lang sya kundi si Jisoo ay open sa totoong nararamdaman nito.

“Pero seryoso sweetie. Nasaktan ako nung bitawan mo ako kanina na para bang ayaw mong may makaalam na tayo” seryoso nyang sabi na agad naman nakapagbura ng pilyang ngiti sa labi ni Jisoo at napaseryoso din.

Ang ayaw na ayaw ni Jisoong mangyari ay masaktan nya si Jennie, intentional man o hindi. Kaya nga nya kinukulit ito kanina para magsabi ng totoong nararamdaman nito sa nangyari kanina dahil alam nyang hindi ito nasayahan sa nagawa nya at ngayon nga ay sinasabi na ito. Isa ito sa mga gustong gusto ni Jisoo katangian ni Jennie, na hindi nya magawa sa sarili nya, ang diretsong sabihin ang nararamdaman nya sa mga bagay bagay.

Magsasalita na sana sya ng magsalita ulit si Jennie “sorry” sabi nito na kinabigla at taka ni Jisoo.

Sya ang nasaktan pero sya parin ang nasosorry? Tanong ni Jisoo.

“Naisip ko kung sa simpleng ganun lang nasaktan na ako pano pa kaya kung nasa posisyon mo na ako. Na ang gf hindi kaya sabihin sa ibang kayo. Na mas gustong itago. Sorry. Gusto ko naman talagang sabihin na pero---” natigilan si Jennie sa sinasabi nya ng yakapin sya ng mahigpit ni Jisoo. Napaiyak sya dahil dito.

Hindi lang ang pagkakaroon ng kasintahang babae ang bago ngayon kay Jennie kundi yong mga nararamdaman nya kay Jisoo. Alam nya nung una palang na mas higit ang nararamdaman nya kay Jisoo kaysa sa mga nauna nyang naging karelasyon. Na kung ganu nya gustong pasiyahin ang mga naging karelasyon nya ay mas kay Jisoo. Na gusto nya ibigay lahat ng kaligayahan sa mundong ito sa nobya nya pero pano nya maibibigay ito kung sa simpleng pagsabi lang sa ibang taong sila ay hindi nya magawa?

May mga bagay talaga na kahit gusto gustong mong gawin para sa taong mahal mo ay hindi nagagawa dahil sa maaring makasakit din ito o salungat ito sa kagustuhan ng mga taong napakaimportante sa buhay mo, sa sitwasyon ni Jennie yon ay ang magulang na kumupkop sa kanya. Si Jisoo ang dahil kung bakit gusto nyang mag out pero ang mga magulang nya ang dahilan kung bakit ang hirap hirap. Gusto nyang mapasaya si Jisoo pero ayaw nya madisappoint ang mom at dad nya. Hindi sya takot sa sasabihin ng ibang tao, takot sya sa mararamdaman o sasabihin ng mga taong nagbigay ng pangalawang pamilya sa kanya.

Napag usapan man na nila ni Sunny ang ganitong topic ay hindi parin ito maalis sa isip nya.

“Alam ko, sweetie. Alam ko” pag aalo sa kanya si Jisoo “Kung ako ang iniisip mo ok lang ako sa sitwasyon na ito. Hindi ako nasasaktan. Gusto ko alam na nilang tayo pero kung hindi ka pa handa ok lang. Ang mahalaga sakin ay ang nararamdaman mo. Sa ngayon sapat na sakin na alam natin na tayo. Naging tayo naman dahil sa gusto o mahal natin ang isa’t isa at dun palang masaya na ako. Maniwala ka pagsinabi ko sayong maghihintay ako”

“Sigurado? Maghihintay kahit walang kasiguraduhan kung kaylan ako magiging handa?”

“Siguradong sigurado dahil sigurado ako na hindi magbabago ang nararamdaman ko sayo, wala sakin ang paghihintay kung ikaw yon. Wala sakin ang sakit o pangangamba dahil sa nawawala iyon dahil sa may isang ikaw sa buhay ko. Sa libo libong pangamba, sakit o tanong sa buhay ko ay nasasagot o napapahilom lang ito ng isang sagot, yon yong ikaw. Yon yong pagmamahal mo. Sana ako din mabigay ko sayo yong kapanatagan na naibibigay mo sakin. Kasi ako yakap lang kita ng ganito masaya at panatag na ako” sabi ni Jisoo mas yinakap sya ng mas mahigpit pero saglit lang dahil sa ramdam nyang gustong kumawala ang jowa sa yakap kaya madahan nya pinaluwagan ang yakap at tumingin dito pero sinalubong lang sya nitong ng halik na masaya nyang tinugunan.

No kissing pala ah pagdidiwang nya sa isip nya dahil sa nakuha nya na naman ang gusto nyang matanggap sa nobya kanina pa.

Nakangiti sila pareho pagkatapos ng kiss pero agad naman nagseryoso si Jennie “Pero hindi parin sakin ok yong doctora ah. Hindi ko gusto ang tingin nya sayo. Hindi sya yong ibang babaeng mahahalata mong may something sayo pero parang meron” sabi ni Jennie na nakapagpagulo kay Jisoo. Ang labo ng paliwanag ng jowa nya.

Hindi na lang sumagot si Jisoo, yinakap na lang sya at nakangiting pumikit na. Sa wakas makakatulog na sya. Kanina pa sya inaatok pero ayaw nyang matulog dahil nga sa hindi sila kanina ok pero ngayon ok na, kaya masaya nyang pinagbigyan ang kanina pang request ng mga mata at katawan nya yon ang matulog. Pero bago pa sya tuluyan makatulog ay humiling pa sya.

Sana ok na talaga si sweetie. Sana hindi masyado nyang isipin ang mga bagay bagay na ganun. Hindi naman talaga sya nagmamadali sa mga ganun bagay. Hindi na din kasi kailangan dahil sa tanging kailangan nya ay kayakap nya na ngayon.

***

“Jisoo naman eh!” pag aalburuto ni V sa kausap sa cp “Anong oras palang? Gigisingin mo ako para lang magpaturo magluto? Pwede pa pagday off na lang natin? 3am palang eh” asar at pakampagkampag ng paa habang nakahigang sabi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus