Chapter 10

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

“Hmn, bakit kasi kaylangan pa ng OJT eh” nakanguso nyang sabi ng makita nyang nag iimpake na ako dahil sa bukas ay magsisimula na kaming magOJT at hindi na ako mag-uuwi uwian dahil sa matagal ang byahe mula dito papunta sa kompanyang pagOOJT-han ko.

Ang plano namin ay makitira sa bahay ng tita ni Bev at mag uwian na lang pagsabado at lingo.

Ang naging usapan lang namin ni Jennie ay hindi mawawala ang komunikasyon namin at magkakasama kami dapat pagsabado at lingo. Malapit naman sana yong kompanyang pag-OOJThan ko pero ang nakakapagpatagal ay traffic. Masyadong mapapagod ako sa byahe tapos ang pahinga ay kunting oras lang saka balik na naman. Toxic masyado kaya kahit ayaw namin ang yon lang ang nakita naming paraan na makitulog kami sa bahay ng tita ni Bev na walking distance lang dun.

Isang lingo palang ang nakakaraan pero ramdam na ramdam ko na ang pagkamiss ko sa kanya. Hindi naman ako ganito kila V at Cole. Hindi ko sila masyadong namimiss dahil sa lagi naman kaming nagkukumustahn sa group sya pero kay Jennie kahit araw araw, pagbreak o kahit hindi break basta hindi masyadong busy sa pag oOJT ay nakakachat o text ko sa kanya pero miss ko pa rin sya.

Mali ata na sinanay ako ang sarili ko sa tabi nya.

Lasing na kaya sya ngayon? Tanong ko na lang sa sarili ko ng tignan ko ang cp ko. Wala syang text baka nag eenjoy kasama ng mga katrabho nya. Nagsabi sya kanina na napag usapan ng mga katulad nyang OJT hospital na mag inuman.

Binaba ko na lang cp ko na kahit gusto ko syang kamustahan ay hindi ko na ginawa. Baka makaabala. Kung gusto naman ni Jennie kausap ako ay kumukusa sya. Bibigyan ko din sya ng oras na makapagsaya kasama ng iba nyang mga kakilala.

Yinakap ko na lang ang stuff toy na hugis rabbit na hawak ko kanina at tinignan ito habang nakangiti.

Sigurado ako magugustuhan nya ito.

Malapit na ang fiesta sa lugar na tinutuluyan namin kaya naman ay naisipan naming pumasyal dahil gustong gusto ni Bev na gumala. Pangrelax man lang daw. Pareho kami hindi mahilig uminom. Sya nainom pero hindi lagi lagi o malakas, kaya naman ang naiisp namin na pangparelax ay gumala na lang.

Sumama na lang ako kahit hindi ko hilig ang gumala. Sa peryahan kasi. Gusto ko din ng mga laro dun at makakuha ng premyo. Pero hindi ako kagalingan sa mga larong nandun kaya sa ilang ulit kong triny yong baril barilan at hindi ako nakakuha ay sumuko na ako at nagpatulong kay Bev.

Kaya itong hawak ko galing lang sa pera ko ang pinangtaya pero si Bev ang nakakuha. Simpleng stuff toy lang ito. Pagong sya na design, sapat ang size nya para yakapin. Malaki na para sa stuff toy at balak ko itong ibigay kay Jennie ng makita ko ito dun sa perya.


Sa pagsasama namin ni Jennie ay minsan ay naiinis sya sakin dahil sa ang tagal ko daw gumalaw lalo na ang gumising. Sarap kasi matulog eh, kaya naman ang tawag nya sakin ay pagod. Para din kasi daw akong pagong na laging gusto sa bahay. Kulang na lang ay dalhin ko ang inuupahan ko kahit san mapunta para maging ganap na akong pagong sabi nya.

Kaya sya agad ng makita ko ito at ginustong makuha para maibigay sa kanya. Lagi din nya kasing sinasabi na namimiss nya na ako, ako din naman namimiss ko sya tuwing weeekdays pero sya madalas magsabi dahil saming dalawa sya ang vocal at mas clingy. Ibibigay ko ito sa kanya para kahit hindi nya ako makasama ay may yayakap yakapin sya sa gabi na makakapagpaalala sa kanya sakin.

Gusto ko sanang magpicture at sabihin sa kanya tungkol sa stuff toy kaso parang busy sya eh. Tinignan ko ang ulit cp ko.

Nandun parin ang message kong nakauwi na ako pero hindi nya pa rin viniview. Kachat ko naman sya kanina at kwenento ko sa kanya kung ganu kasaya ko na umiikot ikot sa maliit na perya sa pinuntahan namin hanggang sa hindi na sya nagreply dahil siguro naging busy sya.

Maglaro na lang kaya ako? Antok na ako pero gusto kong hintayin muna na magtext sya o chat na nakauwi na sya bago matulog.

FB na lang kaya ako? Binuksan ko ang FB at agad na bumungad sakin ang picture na itinag ng kaklase ni Jennie na kung saan nandun sila. 2 minuto palang ito na popost. Tinignan ko naman sila isa isa at syempre kay Jennie tumagal ang tingin ko. Madami silang mga babae at tatlo lang ang lalake.

Nakapagpapukaw ng atensyon ko ay yong caption na Love is in the air. Like if you see it. Saka ko tinignqn ulit sila Jennie saka ko nahalatang nakangiti sya na nakatingin sa lalakeng nakatingin at nakangiti din sa kanya.

Busy nga.

Sigurado akong sila ang inaasar na dalawa dahil sa tinag sya sa comments ng isa na Nasa hangin ba talaga ang love o nasa katabi @Jennie.

Hindi bago saking mata ang lalakeng katabi sya. Sya amg doctor na kwenento nya sakin na kaibigan ng dad nya at kinita nila nung nakaraan sa restaurant. Si… sino nga ba yon? King ang apelyedo nya basta.

Habang inaalala ang buong pangalan ng lalake ay biglang nag pop out contact nya sa cp ko.

Sweetie ko: We’re still here.

Nagreply naman ako na Enjoy sweetie. Text or chat ka kung nakauwi na kayo ah? Mukhang nag iienjoy ka dyan

Sweetie ko: Yeah. Thanks. Nag eenjoy ako dito tulad ng pag eenjoy mo kasama ni Bev. Wag kang mag alala.

Reply nya na nakapakunot ng noo ko. Napakamot ako ng batok. Badtrip ba sya? Pano ako magrereply? O baka nakakaabala lang ako sa pag iinom nya?

Nagtype ako ng irereply at sinend ito Sige na sweetie baka nakakaabala ako sa pag inom mo. Chat ka pagnagkauwi ka na

Sweetie ko: hindi ka abala ko baka ako ang nakakaabala sayo.

Hindi ah. Reply ko. Hindi ko alam kung tama ba o hinndi iyon. Pero hindi ko na talaga alam ang irereply. Badtrip ka ata sweetie? May nangyayari ba dyan na hindi maganda na nakakapagpabdtrip sayo. Tanong ko dahil sa alam kung hindi dahil sa alak kaya ganun ang reply nya dahil kahit nakakainom sya ay hindi ganun ang chat nya. Hindi ko alam pero parang may iba sa chat nya.

Medyo ganun na sya magreply kanina pa bago sya uminom. Ok naman kaming magkachat kanina pero nung papauwi na sya habang ako nagchat na kasama ko sa Bev mag peperya ay natagal sya magreply at nung magreply naman ay iinom daw sya.

Naisip ko na baka pagod lang sya kaya parang tumamlay kanina reply nya. O kung hindi pagod ay may problema sya kaya din sya nakaisip uminom. Gusto ko sanang tanungin kaso pag dating sa kanya hindi na kailangan pa syang tanungin ng gumugulo sa kanya o problema nya dahil sa kusa syang nagkukwento.

Ngayon naiisip ko na baka busy lang sya o nakaabala ako sa pagsasaya nya kaya kung hindi tipid ay parang walla sa mood syang nagrereply. O baka mas gusto nyang makipagkwentuhan at ngitian kay doc kaysa sa kachat ako?

Habang nag hihintay sa chat back nya ay tumabi sakin si Bev. Nasa sofa kami ngayon.

“Ang dami talagang likers ng post ko pag mukha mo ang nakalagay” sabi nya saka pinakita ang post nyang picture ko habang nasa peryahan pa kami na nakatingin sa hawak na stuff toy at nakangiting bonggang bonga na may caption na Wow! Hindi halatang gustong gusto mo yang stuff toy ah. Pasalamat ka magaling ako dun at nakuha ko yan.

“Ok lang naman na ipost ko pagmumukha mo diba?” tanong nya. Tumango naman ako habang ngiti saka tumunog ang cp ko.

Sweetie ko: Nothing. I just miss you.

Ngumiti ako saka nagreply Miss na din kita

Sweetie ko: Then, go home. I miss your cuddle. I miss you everyday.

Sa friday sweetie ok? Uuwi ako sayo.

Hmn. Tagal.

Isang araw na lang yon sweetie. Hahaha. Sagutang chat namin.

“Hai naku mukhang wala na akong kausapa dito” sabi ni Bev na nakalingon sakin sa gawi nya.

Nandyan pa pala sya. Sabi ko sa isip ko. Nawala sa isip kong katabi ko pa pala sya.

“Sorry. Ano sabi mo?” tanong ko sa kanya, naramdaman ang pagvibrate ng cp ko pero hindi ko muna tinignan dahil sa kausap ako ni Bev, ayoko namanaging bastos.

Ngumiti sya saka umiling iling “Wala. Sabi ko may pinsan sana akong gusto magpareto sa iyo kaso mukhang hindi mo na kaylangan” makahulugan nya sabi saka tumingin habang nakangiti sa cp ko “Sige na. Matulog na ako. Ikaw magpuyat na naaayon sa kung anong meron kayo ah?” panunukso nyang sabi.

“Pinagsasabi mo?” pagmamaang maangan kong sabi sabay pataob ng cp.

Natawa sya “Kayo na?” tanong nya na sinagot ko naman na may pag alangang iling dahil nga sa usapan namin hindi muna namin sasabihin sa iba.

“Aba, galaw galaw. Kung alam mong may pag asa bakuran at lagyan ng label bago pa mapasok at maagaw ng iba. Sayang ang pagpupuyat at kakornihan ko hindi magiging kasintahan” sabi nya na hindi na hinintay ang sagot ko saka naglakad na papunta sa kwarto nya.

Bigla ulit tumunog ang cp ko at si Jennie pa rin ito na nagsasabing pauwi na sila at si King ang maghahatid sa kanya.

Napabuntong hininga na lang ako at naisip na pano kung alam nila na may subok subok kami ni Jennie? Ano kaya ang magiging reaksyon nila V, Cole at Bev? Hai! Kung ako lang talaga nasabi ko na sa kanila ito.

Gusto ko din kung ano ba ang say nila sa set up namin ni Jennie dahil sa kahit hindi ko sabihin natatakot ako sa maaring mapuntahan namin. Unang beses ko itong masubukan kaya hindi ko alam kung tama ba ito o hindi.

***

Byernes na kaya naman ay nakangiti akong nadadrive pero hindi tulad ng napagplanuhan ay hindi ako sa condo nya o BH ko diretso kundi sa isang resto-bar dahil sa nauna na din si Jennie kasama ng mga kaklase nya syempre hindi mawawala doon sila Cole, V at Sunny na kasama parin ang bf nya.

Namiss daw nila ang jamming dahil sa hindi na sila madalas nagkikita. Iba ibang hospital kasi sila nakatoka. Sila Jennie lang at yong jowa ni Sunny ang iisang hospital.

Pagkarating ko sa bar at malapit na sa kung saan sila ay agad kong narinig ang ingay ni Sunny.

“Hala! Uwi agad doc? Maya na” sabi nya sa nakatalikod sakin na lalake. Hindi pamilyar yong likod nya sakin.

“Hindi na. Hinatid ko lang talaga si Jennie” rinig kong sabi ng lalake kasabay nito ay nakita ko si Jennie naglalakad palapit sa kanila. Galing ata sa cr.

Nakita nya din ako kaya naman nakangiti sya lumapit sakin.

“Jennie, aalis na daw si doc” sabi ni Sunny pero parang hindi sya narinig ni Jennie na nakangiti lang na lumapit sakin saka yumakap.

“I miss you” pabulong nyang sabi.

Ngumiti ako pero hindi sya yinakap pabalik. Pagkasama namin ang mga kaibigan namin ay pinipilit ko talaga hindi maging clingy sa kanya dahil sa usapan nga naming walang makakaalam ng tungkol samin. Hindi sila sanay na clingy ako kaya namin kung magiging clingy akoo kay Jennie ay magtataka sila. Minsan nga inaasar na kami pano pa kung maging clingy pa ako sa kanya. Si Jennie kasi natural ang pagiging clingy kaya hindi na bago yon sa kanilang mata.

“Jisooo!” sigaw naman ni Sunny na sa wakas ay napansin na ako saka yumakap din sakin na tinignan naman ni Jennie, napapagitnaan namin si Jennie ngayon “What? Ikaw lang pwedeng yumakap? Kaibigan ko din sya ah”

Nakita ko naman na natawa na lang si V samin habang si Cole ay may dalang paborito kong sisig.

“Halika na. Kain ka na” sabi nya.

Kumalas naman sa pagkakayakap sakin ang dalawa. Nang makakalas na si Jennie ay agad nya namin sakin pinakilala si Doc Jerome King.

Sya na naman.

Ngumiti lang ako ganun din sya saka nag usap sila ni Jennie mukhang nagpapaalam na ito na aalis.

“selos?” panunuksong tanong sakin ni Sunny ng mahalata nya sigurong nakatuon lang ang tingin ko kila Jennie.

Ngumiti ako saka umiling “Napatingin lang. Bago sa mata”

“at bagong kakompitensya?” tanong nya.

Hindi na lang ako sumagot saka umupo at linantakan ang sisig hanggang sa magsalita si King na aalis na sya. Nagpaalam naman kami sa kanya habang naglalakad na ito palayo ay nagsalita si Sunny “hindi mo man lang hinatid papunta sa parking lot?” sabi nya kay Jennie.

“Oo pala. Nawala sa isip ko” sabi ni Jennie na napatingin bigla sa nakalabas ng si King sa pinto.

“Pano mo mapapansin kung ang paningin at atensyon mo ay nasa bagong dating” panunursong ulit sabi ni Sunny “Pagkatapos ka ihatid dito at bayaran itong mga inorder natin?” dagdag nya na nakapagpatigil sakin sa pagkain.

Masarap sana kaso nawalan na ako ng gana.

“Kain lang Jis, hindi yan kasabay sa binayaran nya” sabi ni Cole ng mapansin siguro na natigilan ako.

“Bakit? Kung galing sa kanya hindi mo na kakainin? Bakit selos ka?” kung kanina ay pabulong nya akong inaasar ngayon ay malakas nya itong sinabi.

“Hindi sya sanay na nagpapalibre” pagsalo naman sakin ni V “Maarte yan. Samin lang yan nagpapalibre”

“Akala ko dahil sa mangliligaw ni Jennie galing” dagdag ni Sunny.

“Hindi ko nga sya mangliligaw” depensa naman ni Jennie sabay tingin sakin.

“Hindi pa. Hintayin mo matapos ang internship” sagot ni Sunny. “Kaya galaw galaw ang may mga gusto dyan kay Jennie” dagdag nya.

“Yan! Ran, galaw galaw” sabi ni Cole sa jowa ni Sunny na kinareklamo naman nito.

“Bakit ang bf ko?”

“eh may gusto yan kay Jennie nung una dba? Baka meron pa bro. Iwan na si Sunny at magbakasakali kay Jennie” pangangatong ni V kaya nakatanggap sila ng malutong na mura mula kay Sunny na kinatawa ng lahat.

Nang masagi naman ng mata ko si Cole at kinindatan nya ako na nakapagpakunot ny noo ko. Ano na naman ang ibig sabihin nun?

Naputol ang pag iisip ko ng maramdaman kong may pumatong sa balikat ko ng tignan ko nakita ko yong mukha ni Jennie. Baba nya pala ang nakapatong sa balikat ko.

“Lasing ka na?” tanong ko.

Umiling iling sya habang nakapikit at nakanguso. Napalunok naman ako ng laway dahil sa ang lapit na ng mga mukha tapos ngunguso pa sya kaya agad kong binaling sa ibang direksyon ang mukha ko pero sumalubong naman sakin ang mga nanunuksong ngiti nila Cole at Sunny.

Hai! Bat kaya hindi na lang sila? Bagay eh. Pareho mapang asar. Tinignan ko naman si V na nakangiti lang sakin kaya ngumiti lang din ako.

Isang oras pa ng kwentuhan, gaguhan na kadalasan ay pakana nila Cole at Sunny, biruan at tawanan ay nagyaya na si Jennienang umuwi kaya nauna nw kami sa kanila.

Habang nagmamaneho ay ang nakatutok ang paningin ko sa daan pero hindi nakalampas saking pakiramdam ang tingin nya kaya naman lumingon ako sa kanya at tama ang hinala ko na nakatingin nga sya.

Nagpabwi agad ako ng tingin habang nakangiti dahil sa nagmamaneho ako at hindi ko mawari ang tingin nya. Seryoso na para bang may pangungulila o para sa kanya simpleng tingin lang yon ako lang ang gumagawa ng ibang meaning.

“Bakit?” tanong ko.

“Nothing. Miss ko lang panuorin kang magmaneho. Namiss kita” sabi nya na kahit hindi ko tignan ay rinig na rinig ko ang sinseredad sa boses o baka linilinlang lang ako ng pandinig ko dahil sa yon ang gusto ko lang isipin. Na hindi lang ako ang nakamiss sa kanya ng totoo kundi sya. Na ayokong isipin na isa lang ito sa nakasanayan naming banatan pero seryoso na sya.

“Hindi mo ako miss?” tanong nya na ngayon may pagtatampo ng boses.

Ngumiti ako “miss kita…” sabi ko saka bumaling sa kanya “lagi” na naaani naman ng napakaganda nyang ngiti. Agad ko namang binalik ang tingin ko sa daan.

“Can we go to one of the overlooking night light place now?”

Napatingin ako sa kanya ng saglit “Aren’t you drunk or tired?”

“You know me, I stop drinking before I got drunk, and tired? I’d and will never got tired when I’m with you” sabi nya, hindi ko man sya tignan alam kong nakangiti sya.

Ngumiti ako sa sinabi nya sa halos o mahigit dalawang taon na kami magkasama at nagiging magaling na sya sa banatan. Dati rati parang mas ako ang lagi may baon na banat ngayon sya na.

Dumaan muna kami sa 7/11 para bumili ng makakain para sa pagtambay namin sa isa alam kong overlooking view. Nang makarating kami ay tanging jacket ko lang pinatong sa lupa. Dahil sa biglaang ang pagpunta namin dito ay hindi kami nakadala ng pasapin sa lupa.

Dahil hindi kalakihan ang jacket ay magkadikit ang mga balikat namin na nakaupo. Nakangiti akong nakatingin sa madilim pero magandang tanawin sa harap namin ng bigla kong maramdaman ang paghawak nya sa kamay ko kaya naman ngayon ay magkaholding hands na kami.

Tinignan ko sya pero sa tanawin lang sya nakatingin at nagsabi “More night like this. More time with you” sabi nya saka tumingin sakin at yumakap mula sa gilid habang nakapatong ang baba nya sa balikat ko.

Napalunok na lang ako ng laway ng mapagtanto na subrang lapit na ng mga mukha namin. Hindi ko namalayan na sa labi nya na ako nakatingin.

Sh*t. Ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng puso ko. Subrang bilis nito na para pang may hinahabol. Ramdam ko din ang kagustuhan ng labi kong mailapat nito ang sarili sa labi nya.

Nababaliw na ata ako! Kahit sinasabi ng sarili ko na hindi na dapat ako humahangad ng subra sa kung ano meron kami o kung ano ang napag usapan namin ay nararamdaman ko na ang sarili ko unti unti ng sumusuko sa pagbabawal na ginagawa ko.

Kaya ko pa bang pigilan o dapat na ba akong bumigay?

Binaling ko na lang ang tingin ko sa mga mata nya na sa labi ko din pala sya nakatingin.

Pareho ba ang iniisip namin ngaayon o baka naman paborito nya lang na parte ng mukha ko ang malapuso kong labi kaya hindi nya maiwasan mapatingin dito? Nung mga gabing lagi kaming magkatabi ay kadalasan nagigising ako na mga daliring lumalapat na napagtatanto na si Jennie ang gumagawa nito. Nakangiti nya lang sinasalubong ang nagtataka kong tingin saka sinasabing “kukunti lang ang may mga malapusong labi sa mundong ito pero ang sayo talaga ang paborito ko. Nakakahanga parin kahit araw araw kong nakikita”

Naputol ang tensyon sa pagitan namin ng tumunog ang cp nya kaya sabay kami napatingin dito.

Doc K. ang naka lagay na contact kaya naman ay alam kong si King ito. Tumingin sya sakin bago sagutin ang tawag na nginitian at tinanguan ko na lang. Medyo lumayo kami sa isa’t isa. Tanging ang mga balikat lang namin ang magkadikit ngayon.

“Doc? Opo doc” sagot nya habang nakangiti “opo ok lang po yon…. Salamat sa paghatid. Opo…Sige po doc. Sige po. Slamat ulit” sabi nya binaba na ang tawag bago pa nya maibalin sakin ang tingin ay agad akong umiwas ng tingin at binigyan pansin ang tanawin na dahilan ng pagpunta naamin dito.

“Nagtatanong lang sya kung ok lang o nakauwi na ako” sabi nya na kinatingin ko.

Ngumiti ako “Nangliligaw?”

“Si Doc?” tanong nya natinanguan ko habang nakangiti hindi pinapahalata na hindi komportable na pag usapan ang lalakeng iyon.

Hindi man ako komportable kaylangan ay alam kong pag uusapan at pag uusapan namin ito lalo na parang lahar ng nangyayari sa kanyang buhay ay nakokwento nya sakin kaya bakit pa papatagalin?

Umiling sya. “Hindi naman sya nagsasabi”

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus