Chapter 21

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

Ang sarap gumising sa umaga pagganito lagi. Sana habang buhay na ganito ang umaga ko, nagigising sa bango ng iniluluto ng dyosa sa harap ko. Presensya nya palang ok na ok na ako pero maswerte talaga ako na hindi lang sarap ng pagmamahal nya ang pinaparamdaman nya sakin kundi pati sarap ng luto nya dagdag pa natin ang sarap ng yakap at mga halik nya.

Napaupo ako ng maayos ng humarap sakin ang kaninang busy sa linuluto nyang si Jennie, nakangiti sya agad “What are you thinking? Bat nakangiti ka dyan?” tanong nya habang sinasalin na ang adobo sa baunan ko at yong iba sa plato ko.

“Iniisip ko kung ganun ako kaswerte sayo”

Mas ngumiti sya saka tumango “You really are. Kaya dapat wag mo na akong pakawalan ah?” sabi nya, tumayo naman ako para tulungan syang ilagay sa mesa ang pagkain pero habang hawak ko ang mga plato ay yinakap ko sya.

“Makakawala ka pa ba dito?” nagbibiro kong sabi habang hinigpitan ko pa yong yakap pero sinisigurado kung hindi sya nasasaktan sa pagkahigpit. Natawa sya sakin.

“Matapon yang pagkain ah” sabi nya, tinignan ko sya saka ngumuso ako kaya naman ay agad nya akong binigyan ng dampi sa labi.

Kumalas na ako sa yakap habang nakangiti parin at inilagay ko ang hawak ko sa mesa, napatingin kami pareho sa cp nya ng tumunog ito. Agad ko naman nakita ang pangalan ni King sa screen ng cp nya. Nagtext ito, tumingin naman sya sakin na parang nagpapalam na kung pwede nyang makita ang text nito kaya ngumiti naman ako.

Habang nakahawak at tingin sya sa cp nya ay kumain na ako dahil sa may trabaho pa ako “Sweetie, kain ka na” sabi ko tumango naman sya, busy pa rin sa cp pero bigla nyang tumingin sakin na may pag-aalala o kung ano sa mga mata nya pero pinilit nyang ngumiti ng makita nya akong nakatingin sa kanya.

“Kamusta sya?” tanong ko ng ilapag nya na yong cp nya sa mesa.

Dalawang araw na nakalipas ng mailibing ang mommy ni King.

“Hmn, sinusubukang maging ok. Pero syempre mahirap yon” malungkot nyang sabi kaya napatango ako.

Ramdam pareho namin ni Jennie ang nararamdaman ngayon ni King kahit ako nalulungkot para sa kanya. Hindi madaling mawalan ng taong minahal ka at minahal mo buong buhay mo. Walang sino man ang makakapagpantay sa pagmamahal na ibinibigay ng isang magulang at walang sino man ang makakapagpuno ng naiwan nya sa pagkawala nya.

“Gusto nyang makalimot. Gusto nyang mas makamove on sa pagkawala ng mom nya kaya titigil muna sya sa pagiging doctor. Hindi pa rin nyang matanggap na wala syang nagawa para pahabain pa ang buhay ng mommy nya kahit ang propesyon nya ay doctor” sabi ni Jennie.

Hinawakan ko naman ang kamay nya dahil sa ramdam ko ang lungkot nya. Alam ko hindi lang dahil sa naalala nya ang nanay nya sa pagkamatay ni Mrs. King kundi dahil sa naging mahalaga din ito sa kanya. Tumingin sya sakin, nginitian ko na lang sya.

“Gusto ni Je na pumunta sa ibang bansa, baka daw for good na” dagdag nya, na bigla akong kinabahan dahil sa tingin nyang binigay sakin. Hindi maintindihan pero parang may susunod syang sasabihin na hindi ko magugustuhan kaya kinakabahan ako. Ewan?? Kaya hinintay ko pa na may sabihin syang ulit pero napabuntong hininga na lang sya saka kumain.

Wala na ba syang sasabihin? Para san pa yong kaba kong naramdaman kanina?

Hindi kaya gusto nyang sumama kay King?

Pano kung narealized nya na ito pala talaga ang mahal nya nang magpaalam si King sa kanya na aalis ito at maaring hindi nya na ito makita for good? Pano kung---

“Sweetie?” tawag sakin ni Jennie na napabalik sakin sa reyalidad “Are you okay?” tanong nya saka nya hinawakan ang kamay ko na mahigpit na pala ang hawak sa kutsarang hawak ko.

Pinilit kong ngumiti at tumango.

Nakailang subo na ako ng magsalita ulit si Jennie “You are not okay” sabi nya saka pinaharap nya ako sa kanya saka tinutukan sa mga mata, nag iwas ako ng tingin “Ano iniisip mo?” tanong nya.

Hindi ko alam kung dati pa ito o ngayon lang na kami kaya parang nababasa namin ang iniisip ng iba sa mga galaw palang namin o lalo na sa mga mata namin.

“Wala. Naisip ko lang, ok lang ba sayong hindi sya makita ulit?” tanong ko, sinagot nya naman ako ng may pagtatakang tingin “You told me na aalis na sya for good, ok lang sayo iyon?”

Tinignan nya muna ako ng mabuti saka tumango “oh, yan yong nagpapagulo sayo? Nag-iisip ka na naman ng negatibo? Iniisip mo bang gusto kong sumama sa kanya?” Tanong nya “Well, sa totoo lang—“ sabi nya pero natigilan sya at huminga muna ng malalim kaya bumalik na naman yong kabang naramdaman ko kanina.

Sabi ko na mayroon din syang iniisip na hindi nya sinasabi sakin kanina pa.

“Tinanong nya ako kung wala na ba kaming pag-asa, kung meron daw sumama ako sa kanya” sabi ni Jennie, patuloy lang akong nakatingin sa kanya. Hinihintay ang susunod nyang sasabihin “syempre humindi ako” nakangiti nyang dagdag saka yumakap sakin “Don’t tell me natakot ka o naisip mong sasama ako sa kanya?”

“Malay ko bang narealized mong hindi mo kayang mabuhay ng wala sya” sabi ko, kumalas sya sa yakap saka tumingin sakin.

Ngumiti sya, hinawakan ang magkabila kong pisngi “Tama ka naman, hindi ko kayang mabuhay ng wala ka” sabi nya saka kiniss ako pero saglit lang.

“Ang aga aga paglalandian ang inatupag” sabi naman ng nakangiting si Cole na parang kakagising lang.

“Kaysa naman sa trabaho makipaglandian, tulad ng isa dyan” pabalik na pang aasar ni Jennie na nakapalingon kay Cole habang ako may pagtataka lang sila tinignan “Hindi mo ata alam may gc tayong magkakaklase at may kwenento si Gab sa gc. Seriously Cole sa hospital?” dagdag ni Jennie habang nakangiti at napapailing.

“Wala na akong duty nun at tsaka girlfriend ko naman yon, nakalimutan lang namin ilock yon pinto at si Gab pang chismosa ang nakakita samin” sabi ni Cole saka kumuha na ng pagkain. Natawa na lang si Jennie habang ako ngumiti na lang dahil sa nagkaroon ako ng ideya kung ano ang pinag-uusapan nila. Medyo matagal na din sila Cole at jowa nya pero maganda ang naidudulot nito sa kanya. Napagbabawalan na nito itong uminom ng subra.

***

Habang abala ako sa computer ay tumunog ang cp ko at agad naman bumungad sakin ang sunod sunod na text ni Jennie.

“Sweetie?”

“Busy?”

“I miss you”

“I love you?”

Napangiti na lang ako. Ang clingy talaga kahit kaylan.

Sinave ko muna ang documents na ginagawa ko at kinuha ang cp saka nagreply sa jowa kong humihingi na naman ng atensyon.

“Hindi masyado, sweetie? Ikaw? Ano gawa mo?”

“Wala iniisip ka lang. Namimiss ka”

“Pumunta pala dito sila Wendy kanina. Nagkwentuhan lang kami”

“Umuwi na sila. Uwi ka na din. Hinihintay ka na dito ng baby”

Bago pa ako magreply sa text nya ay tinawag naman ako ni doc El na nakasilip sa pinto ng opisina nya.

“Ji? Tapos na ba yong pinapagawa ko sayo?”

“Malapit na doc. Print ko lang din po pagkatapos saka ibibigay ko na lang po sainyo”

Ngumiti sya saka tumango “Mamaya mo na lang ibigay sakin. May pupuntahan muna ako” sabi nya, tumango naman ako at nagpaalam. Tumunog ulit ang cp ko kaya naman napabaling ang tingin ko ulit dito.

“Busy ka na? I love you”

Pinili ko munang iprint ang pinapagawa ni doc para pagbalik nya ok na bago ako bumalik sa cp ko at magreply kay Jennie

“Ok na tapos ko na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus