Chapter 8

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

~Jennie

Papunta kami sa isang restaurant para kitain ang kakilala ni daddy na doctor sa isang malaking hospital dito sa maniwala para pakiusapan na kung pwede dun na lang ako mag OJT sa susunod na buwan. Doctor din si daddy at may-ari ang isang hospital sa Davao kaya kadalasan ay wala sya dito sa Manila.

Doon talaga ako lumaki at nag-aral lang dito sa Manila nung naghighschool na. Sa hospital din ako nakuha ni dad, nung 5 years old palang ako ay nagkaroon ng sunog sa bahay namin at ang totoo ko daw na tatay at nanay ay namatay dahil dun.

Dahil sa bata pa ako at wala daw na kahit sinong kamag-anak na naghanap sakin ay kinupkop ako ng dad. Mag-asawa na sila nun ng mom pero nung mga panahon na yon ay hiwalay sila dahil sa nag-away sila dahil sa pagiging selosa ng mom.

Umalis si mom at nung bumalik sya para makipagbalikan kay dad ay nakita nya na ako kaya naman nag-away ulit sila at inakala nyang anak ako sa iba ng dad, na tama ang mga iniisip nya dati na may babae ang dad, hhindi naman yon totoo dahil sa may picture ako ng totoo kongmagulang nakasama ako. Pero kahit ganun at kahit anong paliwanag ni dad o ilang tao na naman ang nakalipas ay parang hindi pa naniniwala si mom na ampon lang ako at parang hindi nya pa rin ako tanggap o ako lang talaga nag-iisip non. Basta hindi kami close ng mom ko.

“Ate kaibigan mo pala si baby Ji?” sabi naman ni Daphney nung nasa kotse na kami kaya napatingin ako sa kanya.

Si dad ang nagdadrive, nasa parking lot lang sya kanina nung sunduin ako nila mom eh kaya hindi sya nakita ni Jisoo.

“Baby Ji.?”

“Oo. Kaibigan mo nga?”

“Oo, pano mo naman sya nakilala at bakit may pababy?” nakataas kong kilay nasabi. Nasa likod kaming upuan habang si mom nasa shotgun seat.

“Sya yong nangharana sayo diba?” sabi nya kaya naman napatingin agad si mom samin.

“Nang harana? Nangliligaw ba yon sayo?” tanong naman agad ni mom.

“Hindi. Yong haranang ginawa ni Clark. Sya yong binayaran para kantahan ako” pagpapaliwanag ko naman kaya nakabalik sa unahan ang tingin ni mom habang si dad nahagip ng tingin ko na may pagtingin din mula sa salamin.

Tinignan ko naman si Daph dahil sa bakit alam nyang si Jisoo ang kumanta. Eh ang nakwento ko lang sa kanya yong may kumanta sakin pero hindi ko tinuro si Jisoo.

“kilala ko sya kasi ex sya ng ate ng bestfreind kong si Reina. Lagi kaya syang kasama ng ate ni Rei pagsusunduin sya sa school namin. Kaya baby dahil yon ang tawagan nya at ng ate ni Rei. Sayang nga bagay pa naman yong dalawa” sabi naman ng kapatid ko na parang nalungkot nung maalalang wala na sila Jisoo at ng ex nya.

Tsk! Mas maganda naman di hamak yon jowa ni Ji ngayon kaysa dun sa ex. Pagmamayabang ng utak ko kahit hindi ko pa nakikita yong ex.

“May video nga yong ate ni Rei nung kumakanta si baby Jisoo sayo. Vinedeo talaga ng ate nya yon dahil sa crush na talaga sya nito dati pa hindi lang alam ni baby Jisoo” patuloy na sabi ni Daph

“Teka, teka girls” sabat na naman ni mom “Kanina pa ako napapaisip, may ex gf yon si Jisoo, ibig sabihin tibo yon?”

“Malamang naman mom” pabalang naman sabi ni Daph kaya tinignan sya ng masama ni mom “O maaring biual sya” patuloy pa rin na parang hindi nababahala sa tingin ni mom.

“Alam mo naman palang tibo yon, Jennie. Bat sumasama sama ka dun?” sabi naman ni mom na hindi na lang pinansin yong kapatid ko at sakin binaling ang tingin pero bago pa ako makasagot ay sumagot na naman si Daph.

“Ano naman masama dun mom? 20th century na tayo don’t tell me against ka parin sa kanila?” sabi nya na parang kabarkada lang ang kausap kaya tinignan naman sya ng masama ni mom.

“Ayusin mo pakikipagusap sakin Daphney” may pagbabantang sagot ni mom kaya na pa upo ng maayos si Daph saka parang ziniper pa pasara yong bibig “hindi ako against sa kanila ang akin lang ayokong malalaman kong masasali ka sa gf nya o sa magiging gf nya” dagdag ni mom na nakapalunok sakin ng laway.

Well, hindi naman talaga official na kami. Gusto lang naming subukan yong 24hrs jowa challenge at ako yong nakaisip nun and I swear hindi ko alam kung bakit nagcome up yong mind ko ng ganung ideya. Pero ayoko namang bawiin yon, susubukan lang naman ng isang araw eh.

Gusto ko din talagang maexperience ang maging jowa ng malanding yon. Baby Ji? Ew! Parang may pampers, mas di hamak naman sweet yong sweetie kaysa sa baby.

Nang makarating kami sa restaurant ay naghintay na kaming 10 minutes at o higit na pero wala pa yong doctor na kakausapin namin.

Bakit kasi kaylangan nandito pa kami? Pwede naman ata kausapin ni dad yon na sila lang. Katulad ni Daph ay naboboring na ako. Tsk! kung sana wala ako dito nakaumpisa na kami ni Jisoo na manood ng movie ngayon.

Ano kayang ginagawa nun? Tulog na naman ata yon. Nagtext lang kasi nung nakauwi na sya tapos nung nagtext naman akong nandito na hindi pa nagrereply.

Tumayo muna ako at nagpaalam na pupunta sa restroom.

“Jennie!” napalingon naman ako sa tumawag ng pangalan ko saka ko nakita si Bryan.

Sana pala hindi na lang ako tumingin.

Pinilit kong ngumiti sa kanya “Hi” masaya nyang sabi “Anong ginagawa mo dito? May date?”

“Hindi. Kasama ko sila dad”

“Oh, so wala kang date. Tayo ba kaylan tayo magdidate?” sabi nya naman kaya napayuko ako.

Isa sya sa mga nangligaw sakin na hindi ko binigyan ng pagkakataon. Medyo kasi presko at hindi ko type yong mga ganun. Well, Lee minsan mahangin din naman yon pero hindi yong masamang hangin yong dala. Alam nyo yon? O nakukuha ko pa yong kahanginan nya kaysa kay Bryan. Yong hangin kasi ni Lee pabiro at alam mong hindi mayabang.

“Busy ako eh” palusot ko naman

“Lagi ka naman busy eh. Hindi ba pwde bigyan mo ako ng oras?”

“Pasensya na. Mahirap maghanap ng oras sa mga ganyan” mahinahon ko namang sabi saka ngumiti ng kunti

“Mahirap o ayaw mo talaga?” sabi nya na tuluyan na nawala yon ngiti kanina at napalitan na ng mukhang ng may attitude kung tawagin “tibo ka ba? Yon lang ang nakikita kong dahilan kung bakit tinatanggihan mo ako” mapresko nyang sabi “kasi imposibleng ako tanggihan akong napakagwapo at napakayaman?” dagdag nya pa kaya parang may sumabog sa utak ko at uminit ito

Hindi ko alam kung nakakainit talaga sya ng ulo ko ako lang. Na may mgatao talagang ayaw mo na wala pang ginagawa ay ayaw mo ng makausap lalo pa kung nagmamayabang na. Kasi sakin sya ang taong yon.

Kaya naman dahil sa pinalabas nya na ang totoong sya ay ipapakita ko naman ang mataray kong side, ngumiti ako. Hindi tulad ng ngiti kaninang friendly kundi ngiting may pang aasar “I’ll prefer to be lesbian in your eyes than to be stupid” sagot ko naman

“Stupid?” parang tanga nyang tanong dahil sa hindi nya alam ibig kong sabihin

“Yeah. Stupid to waste my time to someone as arrogant and full of himself as you are” sabi ko na nakapainis sa kanya at tinignan nya ako ng masama.

Yabang yabang. Hindi nya naman pera pinagmamalaki nya. Ang ayaw na ayaw ko ay yong mayabang at pinagmamalaki ang hindi naman sa kanya talaga at hindi nya naman pinaghirapan.

“How dare you to say that?!” sabi nya saka hinigit nya ako ng marahas para makalapit sa kanya.

Another one, halatang mapanakit. Mapisikal sya kaya ayoko talaga sa kanya.

“And how dare you to touch me?!” inis kong sabi saka pinilit kong kumalas sa pagkakahigit nya pero malakas sya at hindi ko nagawa ang gusto ko saka may linapit nya pa ang katawan nya sakin.

Amoy na amoy ko ang pabango nya dahil sa subrang lapit nya. Mabango sya kung mabango pero sa panlabas lang dahil sa ang baho ng ugali nya.

Hindi ko pa nga sya pinagbibigyan ng pagkakataon na manligaw ganito na sya? Pano pa kong baliw ako at nabigyan ko sya ng pagkakataong maging kami. Buti na lang talaga hindi lang ako maganda kundi matino pa.

“Baka nakakalimutan mong anak ako ng pinakamalaking stock holder o business partner ng mom mo ang dad ko” pagmamalaki nya.

“So?” sabi ko saka tinulak na sya. Tsk! “Your dad is just a stock holder, my mom is the owner. Nasa restaurant tayo wag mong dadalhin ang pagiging basagulero mo dito sa pagmamay-ari namin” pagmamalaki ko.

Pagmamay-ari din kasi ito ng dad na restaurant. Business partner nya dito yong kikitain namin. Hindi ako yong pinagyayabang ang pagmamay-ari namin dahil sa originally hindi ko naman talaga ito. Sa nagampon sakin pero nakakairita lang sya kaya nasabi ko yon. Tsk!

Lalapit pa sana si Bryan ng may magsalita sa likod nya “Excuse me?” si dad “Is there any problem?”

Para namang naalarma si Bryan at parang tumino. Tsk! “none sir. Mauuna na po ako” sabi nya saka nagpaalam, bago umalis ay tumingin muna kila dad at mom.

“Ano na naman yon Jennie?” tanong naman ni Mom “pati ba naman yong anak ni Brandon inaaway mo?”

“wala naman ginawa si ate” sagot naman ng spokeperson kong si Daph kaya nakatikim na naman sya ng masamang tingin ni mom.

“Shut up, Dahpney. Yong pagsabi ng stupid dun ay hindi tama” sagot naman ni Mom

“totoo naman yon. Aanuhin mo ang yaman kung mayabang. Tanga ka talaga kung papatol ka dun” sagot ulit ni Daph

“I said shut up, dba?” nauubusan ng pasensyang sabi ni mom kay Daph.

Habang sila ang naguusap na dalawa ay pinabayaan ko na dahil sa lahat naman atang hindi ko nasasabi kay mom ay nasasabi na ni Daph in my behalf, nakatuon lang ako sa reaksyon ng dad. The last person na ayokong madisappoint is him. Sya yong kumupkop sakin at binigyan ulit ng panibagong pamilya kaya naman sya talaga ang mas ayokong nagagalit o nalulungkot sa mga ginagawa ko.

“Hindi mo ba pagagalitan yan?” sabi naman ni mom kay dad.

Naglalakad na kami papunta sa kotse namin dahil sa umuwi na lang daw kami sabi ni dad dahil sa parang hindi makakapunta yong kikitain namin dahil sa nagkaemergency operation ito. Hindi pa nagrereply kay dad kaya baka nasa operasyon pa rin ito.

“30% lang naman yong ambag nya sa kompanya natin dba?” sagot naman ni dad

“Lang?? Malaki yon! Pano kung umalis yon?”

“Then I’ll buy their share. I have enough money” simpleng sagot naman ni dad

“Tsk! Kaya lumaki ang ulo ng batang yan kasi lagi mong kinakampihan. Akala nya tama lahat ng ginagawa nya” inis na sabi ng mom.

“Tama naman yong ginagawa nya ah. Hindi porket mayaman magmamayabang na” sagot ni dad saka pinag buksan si mom ng pinto ng kotse.

“Oo. Hindi din naman gwapo. Malinis lang dahil sa mayaman pero kung dumihan yon, hindi gwapo eh” dagdag pa ni Daph saka binuksan din yong pinto ng kotse saka sumakay na kami.

“Kanina ka pa. Hindi namin kaylangan ng opinyon mo?” inis na baling sa kanya ni mom.

“Anong sabi mo anak? Hindi naman gwapo? Tama” sang ayon naman sa kanya ng kakapasok lang na si dad saka nag apir pa sila kaya nainis naman si mom.

Napangiti na lang ako. Nang ipapaandar na ni dad yong kotse ay may tumawag sa kanya kaya sinagot nya ito.

“Oo, nandito pa kami. Huh?... papunta ka na? Sige… ok, ok lang ba sayo. Pwede naman sa susunod na araw kung pagod ka nasa operasyon? Ok” sabi nya saka binaba ang tawag. “Papunta na daw sya, hintayin na natin? Nandyan lang sa tabi yong hospital eh”

“Oo dad, hintayin na natin saka habang naghihintay pwede bang kumain tayo? Gutom na naman ako eh” sabi naman ni Daph, kaya natawa si dad saka tumango.

Mga 5minutes din kami naghintay ulit sa kanya bago sya dumating nang nakawhite v-neck lang at nakadenim short at tsinelas lang. Hindi nga naming akalain ni Daph na ang kikitain namin ay sya. Mukha kasing ang bata pa. Medyo mas maedad tignan sakin pero parang hindi mo aakalain na successful doctor na ito o kung oo naman yong doctor na itsura na makikita mo lang sa k-drama.

Para syang yong second lead ng doctor crush. Ganunan yong itsura nya na hindi ko inexpect, expected ko kasi mas matanda pa sa kanya dahil kakilala ng dad. Hindi ako ganun kahilig sa kdrama pero pag about sa mga doctor ay kahit san galing na bansa ang palabas ay pinapanood ko dahil sa pwede madagdagan nun ang ideya ko sa pagiging doctor.

“Hi” nakangiti nyang sabi samin saka naramdaman ko ang pagkurot ni Daph sa tagiliran ko na nangangahulugan na kinikilig ito. Kung hindi ako mahilig sa kdrama ay sya naman ang kinaadik nito. Madali din syang kiligin kaya hindi nakakapagtaka na kinikilig sya ngayon.

Nginitian ko naman sya bilang tugon saka ko tinignan si Daph kaya binitawan nya na ako. Pinakilala kami ng dad sa isa’t isa at ang pangalan nya ay si Jerome King. Anak sya ng may-ari ng hospital na pag OOJT-han at 2taon palang sya sa pagiging doctor pero pinagmalaki naman ng dad lahat ng achievements nya na parang sarili nyang anak. Halatang halata na gustong gusto sya ni dad at close din sya.

How come I don’t have an idea about him until now kung ganun sila kaclose ni dad. Hindi pa talaga sya nadadala ng dad sa bahay o kahit san na nandun ako kaya hindi sya pamilyar sakin.

Kung titignan ng matagalan, hindi naman talaga sya yong gwapo talaga. Malinis lang tignan, subrang propesyonal gumalaw/para bang edukadong edukado pero yong edukadong hindi mayabang tignan. Madami kasi satin na edukado tignan pero mayabang naman ang dating, sya parang ang humble na edukado. Saka mukhang mabait kaya naman lumalakas ang appeal nya na at nasasabing gwapo sya dahil sa mga katangian nyang yon.

Sandali lang naman kami dun, dahil sa alam ng dad na pagod sya at maghahating gabi na din. Pinakilala ako at tsaka sinabihan ni dad syang sya na ang bahala sakin pagOJT ko.Nakangiti lang din naman syang umuoo saka tumingin sakin kaya ngumiti din ako. Ganun lang naman ginawa namin saka umuwi na.

~Jisoo

----nong, mga babala

Dagling binigay ko ang lahat

Kahit itong puso’y di

Napamulat naman ako ng ingay ng cp ko. Sa totoo lang kanina ko pa naririnig ito pero tinatamad pa akong gumising kaya medyo pinatagal ko yong pagsagot. Tinignan ko kung anong oras na 5:12am palang.

Napabuntong

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus