Chapter 27

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

~Jisoo

13 missed called and 10 msgs. From V?

Pagtingin ko sa cp ko pagkagising ko ay iyon agad ang bumungad sakin. Napakunot naman ng aking noo dahil sa mahilig at lagi si V nagchchat o tumatawag pero hindi naman ganito kadami at tsaka nakapagtataka pa ang inaasahan kong madaming chat or text na si Jennie ay wala kahit isa. Kahit yong last text ko kagabi bago makatulog na nandito na ako sa bahay ay hindi nya pa nababasa.

Musta kaya yong dinner? Hindi ba maganda yong kinalabasan ng plano nya?

Hindi sinabi ni Jennie ang plano nyang sabihin na ang tungkol samin sa magulang nya sakin kaya umuwi sya kagabi, siguro gusto nyang surprise ito, pero dahil sa naikwento nya sa dakilang chismosa nyang kaibigan na si Sunny ay nadulas ito at nalaman ko ng magtext ito kagabi. Hindi man kami nakakapagkita dahil sa kanya kanyang trabaho ay hindi parin nawawala komuniskasyon.

Kinabahan ako bigla ng bumalik sakin sa isip ko na baka hindi nga maganda ang kinalabasan ng pag uusap ni Jennie kasama ng pamilya nya kaya hindi sya nagtext.

Kinuha ko ang cp ko, 5am, usually gising na yong si Jennie dahil sa nag hahahanda na sa pagpunta sa trabaho. Nagtext ako Good morning my sweet?

Nakatulog agad ako kagabi pagkadating ko.

Musta yong dinner?

I love you.

Sunod sunod kong msg. saka bubuksan ko na sana ang mga text ni V ng tumawag si Cole.

“Morning? Nasan ka? Dito ka pa rin sa hospital?” tanong nya pagkasagot ko.

“Ang aga pa. Malamang nandito pa ako sa bahay? Pauwi ka na? Bfast ah?” nakangiti kong sabi.

“Ah umuwi ka din pala. Musta na dad ni Jennie? Balita ko hinihintay pa nilang gumising” sabi nito na nakapakunot ng noo ko.

“Hinihintay gumising? Bakit may mangyari ba?” nagtataka kong sabi.

“inatake diba? Nagkagulo nga dito kaga—”

“Inatake?!” gulat kong sagot saka napatayo sa higaan ko.

“Hindi ba sinabi sayo ni V?”

Napapikit ako dahil sa narinig ko “Papunta na ako dyan” sabi ko na lang saka ko binitawan ang cp at nagmadaling pumunta sa CR.

Nagmamaneho na ako ngayon papunta sa hospital. Natataranta, nag-aalala at natatakot.

Bakit ba kasi nakatulog agad ako kagabi? Ang plano hintayin matapos yong dinner nila Jennie para malaman kung anong nangyari pero napakaantukin naman kasi mo Jisoo!!

Habang nagmamaneho ay sinusulyap sulyapan ko ang cp ko nagbabakasakaling makatanggap ng text mula kay Jennie pero hanggang makarating ako sa hospital ay wala akong natanggap.

Nagtanong na ako kung saan room ng dad ni Jennie at kasalukuyan na nasa tapat na nito pero hindi ko magawang kumatok dahil sa hindi ko alam kung dapat ba akong makita nila.

Pano kung tama ang hinala ko na nangyari ito o inatake ang dad nya dahil sa sinabi ni Jennie?

Pano kung wala dapat ako dito? Hindi dapat ako pumunta dahil sa lalo lang magkakagulo o makakasama imbes na macomfort ko ang nobya ko ay poproblemahin nya pa ako?

Tinignan ko ulit ang cp ko. Wala pa rin na text si Jennie. Tinignan ko ulit ang pinto, pumikit ako saka aalis na sana ng biglang magbukas ito at agad tumambad sakin ang namumulang mga mata ng mommy ni Jennie. Halatang galing sa pag iyak at walang maayos na tulog.

“M-magandang araw po ma’am” magalang pero nag aalangan kong bati.

Sinara nya ang pinto at pinakatitigan naman ako nito na mas kinakaba ko saka nagsabi “Tinuloy mo parin pala. Akala ko nalinawan ka na ng sabihan na kita na hindi ka namin gustong maging kasintahan ng anak namin. Tignan nyo ang nangyari dahil sa hindi kayo sumunod” sabi nya na kinayuko ko “Inatake ang dad nya dahil sa narinig nya ang pag uusap namin ni Jennie tungkol sa relasyon nyo.” Mas napayuko ako sa narinig ko.

Tama nga ang iniisip ko

Kung pwede lang mawala na lang ako ng parang bula sa harap ng mom ni Jennie. Parang gusto kong maiyak dahil sa totoo ang akala ko.

Inatake ang dad nila dahil sakin. Kaya ba hindi nagrereply si Jennie? Naiisip nya na bang tapusin ang kami para sa pamilya nya?

Hindi ko naman sya masisisi dahil sa kahit ako mahihirapan mamili kung ako ang nasa katayuan nya.

“Ano ba ang gusto nyo pang mangyari para tigilan nyo ang kahibangan na yan. Sasabihin ko ulit sayo kung gusto mo magkaroon ng kasintahang katulad mong babae wag ang anak ko. Hiwalayan mo na sya” madiin nito sabi.

“Sorry po” yon na lang ang tangi kong nasabi na tinaasan nya lang ng kilay at magsasalita pa sana ng biglang bumukas ulit ang pinto, si Jennie. Bigla akong napaiwas ng tingin dahil sa bigla na lang nagsiunahan bumagsak ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Mapupula ang mga mata nito at halata ding walang maayos na tulog. Agad kong pinunasan ang luha ko nagbabakasakaling hindi nya nahalata.

Tumingin ulit ako sa kanila at ngumiti ng makita ko syanh nakatingin sakin. Halatang gulat dahil sa hindi nya ata ako inaasahan makita o ayaw nya talaga ako dito ngayon kaya hindi sya nag abalang itext ako.

“What are you doing here? Pumasok ka. Aalis na din naman si Jisoo. Dba, hija?” sabi ng mom ni Jennie sa kanya saka tumingin sakin pagkatapos magsalita.

“You can go inside mom. We are going to talk” sabi ni Jennie saka ngumiti sakin kaya napangiti din ako kahit nag aalala kung saan mapupunta ang pag uusap na gusto nyang mangyari.

“Wala na kayong dapat pag usapan” sabi naman ng mom nito “sa tingin ko naman naiintindihan ni Jisoo na ang sitwasyon kaya pumasok ka na” sabi nito saka hinawakan ang kamay ni Jennie pero madahan nya itong inalis.

“Mag-uusap muna kami mom” sabi ni Jennie saka hinawakan nya ang kamay ko, wala akong nagawa kundi magpadala na lang sa mahina at may pag ingat na hatak nya.

Nang makarating kami sa mini garden ng hospital ay tumigil sya saka humarap sakin. Ngumiti sya saka dahan dahan yumakap sakin. Yinakap ko naman sya pabalik at mas mahigpit na kinatawa ng kunti. Kaylangan nya ng yakap, kaylangan nya ng comfort at ako din kailangan ko din ito ngayon. Kailangan ko magkaroon ng iisang dahilan para magtiwala at wag magpalunod sa mga negatibong bagay na pumapasok sa isipan ko dahil sa nasabi ng mommy nya.

Ayoko man isipin ay natatakot at nasasaktan ako sa nangyayari. Nasasaktan at nag aalala ako dahil sa dad ni Jennie ang nasa piligro at dahil ito sa amin. Natatakot ako dahil sa kung kami ang dahilan kung bakit nandun ang dad nya ay maaring mas piliin ni Jennie itigil ang meron kami. Alam ko kung ganu kamahal ni Jennie ang pamilyang kumupkop sa kanya at hindi nito hahayaan sya ang maging dahilan ng pagkawala ng isa man sa mga ito lalo na ang dad nya.

Ang dad nya na unang kumupkop, nagmahal, sumuporta at nagbigay ng lahat ng kailangan nya pagkatapos mawala sa kanya ang lahat. Kung pipiliin ni Jennie ang pamilya nya ay wala akong magagawa kundi ang ibigay ito sa kanya. Mahal ako ni Jennie ramdam ko ito pero iba kung ang karibal ko ay ang mga taong nagbigay muli ng buhay sa kanya.Ilalagay ko lang sya sa mahirap na sitwasyon kung sakaling hingin nya tapusin at salungatin ko ito.

Ramdam ko ang unting unti pagkalas ni Jennie sa yakap pero hindi ko sya hinayaan, mas hinigpitan ko pa ang yakap pero sinigurado kung hindi sya masasaktan. Pasimple kong pinunasan ang mga luhang walang katapusang kumakawala sa mga mata.

Tsk! Lagi ko kasing kasama si Jennie. Nahahawaan na tuloy ako ng pagiging iyakin nya.

“Sweetie?” malambing natawag ni Jennie na nakapagpabalik sa reyalidad sakin, agad agad kong pinunasan ang natitira pero pinapalitang ng panibagong mga luha na galing saking madamang mga mata.

Nang masigurado kong wala ng luha sa pisngi ko ay huminga ako ng malalim at pinigilan na ang maluha ulit saka unti unti na din akong kumalas sa yakap.

“Are you ok? Kung may sinabi sayo ang mom, wag mong masyadong isipin” sabi nya.

Pano wag kong iisipin ito, eh buhay na ang ama nya ang pinag uusapan? Hindi ko kakayanin kung mawala ito at makulong si Jennie sa lungkot at pag iisip na kasalanan nya kung bakit wala na ang dad nya. Kasalanan namin dahil naging kami.

“totoo bang sinabi mo na sa kanilang tayo?” tanong ko.

Nagbabakasaling hindi totoo ang sinabi ng mom nya ng dahilan ng pagkaatake ng dad nito.

Tumango si Jennie saka ngumiti ng kunti “gusto ko sanang isurprise ka bukas ito. 3rd Monthsary natin, gusto ko sanang sabihin sa parents ko na tayo at kung ok sakanila edeh magandang regalo yon satin dalawa diba?” nakangiting sabi nito.

“Pero hindi nila natanggap. At inatake pa ang dad mo dahil dun” malungkot kong sabi kaya napababa ang nakangiting labi ni Jennie.

“No, hindi sya inatake because of that” pagtanggi nya kaya tinignan ko sya ng mabuti na kinayuko nya naman“Hindi sigurado” nag aalangan nyang dagdag “hindi naman namin alam kung narinig nya ang pag uusap namin ni mom kaya hindi yon ang dahilan kung bakit nasa hospital si dad. Yon ba yong sinabi ng mom bago ako lumabas? Wag kang maniwala kay mom” sabi nito.

“Pano kung oo? Yon pala ang dahilan?” tanong ko

Pipiliin mong itigil ang meron tayo kung totoo yon dba?

Napabuntong hininga si Jennie saka yumakap ulit sakin “hindi. Wag mong hayaan pumasok sa utak mo ang mga sinasabi ni mom at bumuo ng hindi magandang ideya” kumalas sya sa pagkakayakap at inilapat ang mga palad sa magkabilang pisngi ko saka tinignan nya ako ng seryoso. Halata din na naiiyak na sya “I love you ok? At hindi iyon magbabago ayawan ka man nila”

Ngumiti ako. Ayokong ipakitang naapektuhan ako para hindi na ako dumagdag sa iniisip nya.

“I’m sorry. Imbes masaya tayo lalo na bukas eh namroblema ka pa dahil sa sinabi ng mom” sabi nya kaya tumango na lang ako saka yinakap sya ulit.

“It’s ok. Musta na dad mo?” pagkatanong ko nito ay agad napanguso at napaluha si Jennie.

“. Hinihintay pa namin sya magising” malungkot na sabi nito kaya yinakap ko sya na sinuklian nya naman ng mas mahigpit na yakap saka umiiyak “natatakot ako Jis. Ayokong nakikita ganun ang kalagayan ng dad. Hindi ko kakayanin pagmawala sya”

“Hindi sya mawawala” paninigurado kong pag alo sa kanya kahit alam ko sa sarili kong walang kasiguraduhn ang mga bagay bagay. “Magiging ok sya. Magiging ok ang lahat”

Magiging ok tayo.

~3rd person

“mom, bakit mo naman kailangan sabihin na dahil sa sinabi kong kami ni Jisoo kaya nandito si dad. Hindi naman ata tamang isisi samin yang nangyari kay dad” mahinahon na sabi ni Jennie kay na medyo galit sya sa nagawa ng mom nya.

“Pano nga kung inatake ang dad mo dahil dun? Hindi mo ba iniisip na dahil sa sigawan natin ay narinig ito ng dad mo?”

“Ikaw lang ang sumigaw ng mga oras na yon mom” sabat naman ni Daph.

“Shut up!” sagot sa kanya ng nanay nya saka tumingin kay Jennie “ako nga ang sumigaw at sigurado akong narinig ito ng dad mo. Sa tingin mo sino ang matutuwa na marinig ang panganay mong anak ay pinagpalit ang napakatalino at karapatdapat na lalake para lang sa katulad nyang babae?” sabi nito kaya napatingin naman si Jennie ng masama sa kanya. Hindi na sya natuwa dahil sa sinabi nito kay Jisoo na nakapagbigay ng pangamba at sakit dito kanina, lalo na ngayon na minamaliit sya nito.

“Walang kahit na sinong lalake ang karapat dapat sa akin dahil si Jisoo lang ang mahal ko. Sya ang nararapat sakin at hindi basehan ang kasarian o katayuan sa buhay para maging karapat dapat sa taong mahal namin mom” pagrarason ni Jennie.

“Do you hear yourself Jennie? That’s not love. Ano bang ginawa sayo ng babaeng yon para maging ganyan ang paniniwala mo? Hindi yan pagmamahal. Hindi pwedeng magmahal ang babae sa katulad nyang babae”

“mom----“ sabi ni Jennie pero naputol ito ng magsalita ulit ang mom nya

“Manahimik ka at pakingggan ako!” nanggagalaiting sabi ng mom nya saka humawak sa batok “hihintayin mo pa bang pati ako ay atakehin sayo? O hihintayin mo ang dad mong magising at atakehin ulit pagsinabi mo na kayo ng babaeng iyon? Gusto mo ba sya talaga mawala na?!”

“M-mom? Ate?!” natatarantang sabi ni Daph at handa na sana syang patahimikin ng mom nila dahil sa akala nito makikisawsaw na naman sa usapan nila ng makita nito ang asawa nyang nangingisaw na sa higaan at bumababa na ang heart rate.

“What are you doing? Call a doctor!” natataranta na din sabi ng mom nila saka tumakbo agad si Daph para tumawag ng doctor.

Kinabukasan naghihintay parin sila Jennieng magising ang dad nya. Antok at pagod silang tatlo kakabantay sa dad nya pero walang sino man ang gustong umuwi o iwanan muna ang dad nila.

Papikit pikit na sa sofa si Jennie pero ayaw nya paring matulog. Ayaw nyang tulog sya pagnagising ang dad nya.

Sabay sabay silang tatlo napatingin sa pinto ng bumukas ito, isa sa mga yaya nya ang pumasok na dala dala ang mga binilin nilang kunin o dalhin mula sa bahay nila.

Agad tumayo si Jennie para kunin ang naiwan nya kahapon na cp nya sa mesa dahil sa pag aalala. Yon din ang dahilan nya kung bakit hindo nyà natawag o text man lang si Jisoo.

Napangiti sya ng makita ang contact ni Jisoo ang lumabas at pagbati nito ng monthsary nila ang bumungad.

From my sweet: Hi. Sweetie. Happy monthsary. Mahal na mahal kita.

Musta dad mo?

Magpahinga din kayo nila mom mo at Daph ah. Kumain na kayo?

Napadaan ako kanina dyan sa room ng dad mo, gusto ko sana kumatok para personal na malaman kungmusta dad mo pero naisip ko baka hindi maganda ideya.

Mahal kita sweetie.

Sunod na sunod nitong text kaya naman nagreply agad sya.

To my sweet: busy ka?

Pwede bang dumaan ka ulit?

Miss kita. Happy monthsary sweetie ko.

Kanina pa nya gustong makita ito at batiin ng personal pero nun pumunta naman sya sa office ni El kanina ay wala ito. Nalaman nya sumama kay El sa pagbisita sa hospital nito.

Ilang minuto na nakalipas ng itext nya itoo pero wala pangreply ito sa kanya kaya napanguso sya at ibaba na sana ang cp ng biglang magreply ito.

From my sweet: papunta na ko dyan sweetie.

Kaya naman mapatayo agad sya.

“San ka pupunta?” tanong ng mom nya.

“I’m hungry. Bibili lang ako ng pagkain. May ipapabili po ba kayo?” pagsisinungaling nya dahil sa baka pag awayan na naman nila ng mom nya pag sinabi nya ang totoo, na makikipagkita sya sa gf nya.

Umiling naman ito kaya tumingin sya sa kapatid nya. “Wala ate. Siguraduhin mo lang na totoong pagkain ang kakainin mo” pilya nitong sabi saka kumindat na nginitian nya lang.

Kahit kaylan talaga pangiti nyang sabi sa isip nya saka naglakad na papalabas bago pa nya mabuksan ang pinto ay may text syang natanggap.

From kapatid kong mosang: Gutom yarn sa yakap at uhaw na uhaw sa halik ni baby? Hahaha

Wag mong intindihin ang sinasabi ng mom. Kilala natin si dad, lagi syang nakasuporta satin kaya hindi totoo yong sinabi ng mom ate.

Basta ako pagmasaya ka masaya na din ako.

Hindi nya naman maiwasan mapanguso at gustong umiiyak dahil sa text ng pilya nyang kapatid. Tumingin sya dito, kinindatan lang sya nito saka pinakita yong cp na nagsasabing may text pa sya.

From Kapatid kong mosang: touch ka noh? May bagong labas yong masanas na unit yon lang ok na ko. Hahaha

Napatawa na lang sya ng mahina saka tuluyan ng lumabas nya pero hindi si Jisoo ang bumungad sa kanya kundi si Jerome.

“Je?”gulat nyang sabi, ngumiti ito sa kanya at yinakap agad sya nito.

“Narinig ko tungkol sa nangyari kay tito at nagpabook agad ako ng ticket para makauwi” sabi nito pagkakalas ng yakap. “How is he?” dagdag pa nito pero bago pa makasagot si Jennie ay nagsalita ulit ito habang hawak ang pisngi nya “Hindi ka nakapahinga ng maayos? Alam kong nag aalala ka pero kailangan mo din magpahinga” buong pag aalala nito sabi kaya napangiti si Jennie at tumango pero biglang napatingin sya sa gilid ng mapansin nya si Jisoo kaya agad nyang inilayo mukha nya para makawala sa pagkakahawak ni Jerome.

“Ahm” tumingin sya kay Jisoo saka kay Jerome “Pasok ka muna. Susunod ako” sabi nya

“May gagawin ka ba? O bibilhin? Samahan na kita muna” sabi nito na hindi pa nahahalata ang presensya ni Jisoo sa likod.

“Sasamahan na ako ni Jisoo” sabi naman ni Jennie saka ngumiti sa gf nya na sinagot naman nito ng ngiti din, dun lang napansin ito ni Jerome.

“Oh! Ok. Hintayin na lang kita sa loob” sabi nito saka humalik sa pisngi nya bago pumasok saka kwarto.

Nakangiti naman lumapit si Jennie kay Jisoo saka yumakap agad.

Napahinga ng maluwag si Jennie. Sa lahat ng nangyari at problemang iniisip nya si Jisoo lang talaga ang nakakapagpagaan ng lahat. Isang tingin, yakap at ngiti lang nito nagiging ok na sya.

“Happy monthsary sweetie” sabi nya saka kumalas.

Nginitian naman sya ni Jisoo at hinawakan sa magkabilang pisngi, handa na syang maramdaman ang kurot nito dahil sa isa ito sa lagi nitong ginagawa pero imbes kurot ay pagpunas sa kanang pisngi lang nya ang ginawa nito. Napakunot naman sya ng noo pero agad syang napangiti ng mapagtanto nya ang pinupunasan ni Jisoo ay yong parteng hinalikan ni Jerome.

Napatawa sya “Selos ka?” pang aasar nyang sabi.

Umiling naman si Jisoo “Bakit naman ako magseselos, eh pisngi lang mahahalik nya sayo” sabi nito saka ngumisi at inilapit nito ang labi sa tenga nya “eh ako lahat ng parte ng katawan mo kaya at pwede kong halikan” sabi nito, na nakapagpakagat labi ni Jennie dahil sa init ng hininga nito sa tenga nito, sa lalim ng boses at sa pagdampi nito ng labi sa tenga nya.

“Such a tease” sabi ni Jennie saka pilyang tinulak sya ng marahan.

Tumawa ito saka hinawakan ang kamay nya. Nang may makasalubong silang nurses at binati sila ay inaasahan na ni Jennie na bibitawan sya ni Jisoo dahil sa hindi nila ginagawa o kung nagagawa man nila ang hawak kamay ay napapabitaw agad sila pagmay nakakakita dahil sa hindi pa nila nasasabi sa iba ang relasyon nila, pero sa pagkakataon ito wala sino man sa kanila ang bumitaw na nakapagpasaya sa isa’t isa.

Sa mga oras na ito wala silanhh paki kung sino man makakita , kung ano man ang isipin at sabihin ng iba. Basta ang gusto lang nilang ay makasama at mahawakan ang isa’t isa.

Naisipan nilang pumunta sa cafeteria dahil sa nasabi ni Jennie na hindi sya nakapag agahan ng maayos dahil sa pag aalala sa dad nya.

Si Jisoo ang nag order, kaya si Jennie ang naghanap ng mauupuan nila. Nakangitinh nakatingin kay Jisoo habang nag oorder ito ng biglang tumunog ang cp nya.

From kapatid konh mosang: ate pasensya na sa pagpuputol ng bebe time nyo. Gising na si dad.

Napatayo naman si Jennie dahil sa saya.

“Sweetie” tawag ni Jisoo, nakangiti naman syang tinignan ni Jennie.

“Gising ang dad sweetie”

Tumango si Jisoo “Text nga ni Daph” sabi nito na kinakunot ng noo ni Jennie. Hindi nya alam na nasa textng stage na yon dalawa at san nakuha ng kapatid nya ang number ng gf nya “Kaya pinabalot ko na lang ang kakainin mo. Alam ko naman na hindi ka din makakain ng maigi at magmamadali ka lang para puntahan ang dad mo kaya pinabalot ko na. Sinabay lo na sila Daph baka magutom din” sabi nito.

Napanguso naman si Jennie dahil sa dapat magkasama sila ngayon pero kailangan nyang makita ang dad nya“Bawi ako maya?” tanong nya na kinangiti naman ni Jisoo at tumango ito. Dahil sa nakanguso at naglalabing itong sinabi ni Jennie ay lumingon lingon sa paligid si Ji

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus