Chapter 20

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

~Jisoo

“Tumigil ka nga sa kakatawa mo” medyo asar ng sabi sakin ni Clarisse(Soojin) ang Psychiatry resident sa hospital samin saka pinalo ako sa braso.

Pinigilan ko naman ang kanina pang hindi mapigil na tawa ko “tama ba naman yong makipaghabulan sa pasyente at madapa?”

Tumawa din sya “Nakakahiya” sabi nya saka tinignan yong siko nya saka lang ako natigilan ng tuluyan sa pagtawa ng makita kong dumudugo ito at may sugat. Hindi ko napansin at naisip yon kanina.

Agad kong hinawakan ito, napadaing naman sya dahil sa mas kumirot yon dahil sa paghawak ko.

“Asar ka, masakit!” sabi nya

“Sorry” sabi ko ng mag-aalala.

Ngumiti sya saka binawi yong braso nyang hawak ko “Ok lang ako. Wag kang magkunwaring nag-aalala dyan pagkatapos mong tumawa ng wagas kanina”

“Nakakatawa naman kasi, pero hindi ko alam nasugatan ka pala”

“Ai, tanga. Malamang pagnadadapa siguradong may sugat yan” nakangiti nyang sabi. “Sige na mauna na ako” sabi nya saka tinapik tapik ang braso ko bago naglakad palayo, nakangiti naman ako tinanaw sya pero mas lalong napangiti ng makita ko ang pamilyar na mukha sa hindi kalayuan.

Nakacross arms ito, nakatingin sakin habang nakataas ng kilay saka naglakad papalapit sakin. Napalunok naman ako ng laway dahil sa tingin na binibigay nya sakin, hot sya tignan pagganun pero nakakatakot din dahil sa parang gusto kang patayin pagganun ang tingin nya sayo.

“Ang saya mo ata” seryoso nyang sabi, ngumiti naman ako. Kahit gusto ko syang yakapin o halikan hindi ko naman ginawa dahil nasa hospital kami.

“Nakita kita eh” palusot kong sabi. Alam ko kasi yong mga tingin nyang yan, tingin ng hindi natutuwa. Lalo na pagmay kasama akong iba, ganyan ang tingin nya.

Umikot ang mga mata nya “Talaga lang ah! Oh dahil dun sa kausap mo kanina, tawang tawa?”

Ngumiti ako saka hahawakan sana sya pero umiwas sya. “Si Clarisse(Soojin) yon, isang Psychiatric resident dito”

“tinanong ko ba?” pataray nyang sabi.

“Hindi pero baka gusto mong malaman” ngumiti ako “Bakit ka pala nandito?” tanong ko sa kanya.

“Bakit ayaw mo? Mas gusto mong makita at makipagngitian sa iba kaysa sa makita ang girlfriend mo?” pataray nyang sabi, napangiti naman ako.

Ang sarap naman marinig lalo na nanggagaling sa kanya na girlfriend ko sya.

“May nakakatawa ba sa sinabi ko na parang baliw ka dyan nakangiti? O sya parin iniisip mo kaya nakangiti ka?”

“Ang selosa mo” sabi ko saka yinakap sya kahit nasa gitna kami ng hospital “Masaya ako kasi girlfriend na kita. Isang araw palang tayo nagtataray ka na naman dyan” saka kumalas ng yakap saka hinawakan ang kamay nya.

“Isang araw palang kasi tayo makikita kita nakikipaglandian sa iba. Dba dapat nasa office ka lang ni El?”

Tumawa ako “Landi talaga? Hindi pa pwedeng may kinuha lang akong dokumento na kaylangan ni Doc El”

“Yon naman pala, dokumento kaylangan mo pero bakit kaylangan makipagtawanan sa iba?”

“Sweetie” panglalambing kong tawag.

Ang sarap nyang yakaping ng paulit ulit.

Inirapan nya lang yong malambing kong pagtawag sa kanya “Nandito ako kasi dba, pinapabalik ako ni El dito ngayong lunes para malaman yong desisyon nya sa pag-aapply ko” sabi nya kaya napatango ako “At inaasahan kong makita kita dun kanina pero wala ka sa office hanggang matapos na yong pag-uusap namin ni El wala ka pa rin saka ko makikita na busy ka pala kaya wala ka dun”

“Nakasalubong ko lang yon si Clarisse, busy talaga ako kanina” pagpapaliwanag ko sa selosa kong sweetie “Ano daw? Dito ka na magtatrabaho?” nakangiti kong tanong.

Kung dito sya magtatrabaho deh masaya, araw araw kami magkikita. Pwede ngang sabay pa kami pumasok.

Umiling iling sya “Hindi na daw nangangailangan ng nurse eh. Pero ipapatawag nya na lang ako kung maghahanap sila” sabi nya, tumango naman ako.

“Ok lang yon, sweetie” sabi ko saka yayakapin sana ulit sya dahil sa halatang nalungkot sya ng may tumawag sakin kaya pareho kaming napatingin ni Jennie at napabitaw ako sa pagkakahawak sa kanya.

“Ms. Dela Rosa!”

“Doc?” sagot ko kay doc El, kahit naman niligawan ako nya ay pagnasa hospital kami kaylangan ang tawagan namin ay may paggalang pa rin.

“Let’s go?” sabi nya saka lumapit sakin, napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabi nya “Tapos mo na ba yong pinapagawa ko sayo?”

“Yes, doc”

“Then. Let’s go. May meeting ako and I want you to come with me” sabi nya, saka tumingin kay Jennie.

“Sige po, Doc” sabi ko, saka naglakad na sya paalis pero bago iyon ay nagpaalam sya kay Jennie at tumango din ito habang nakangiti bilang sagot.

“Sweetie, mauna na muna ako ah?” sabi ko kay Jennie, tumango naman sya saka kiniss nya ako sa cheeks.

“Ok ka lang ba?” tanong ko sa kanya dahil sa parang may iba sa kanya nung tinawag ako ni Doc, hindi sa selos sya pero…

“Sige na, hinihintay ka na ni Doc”

Tumango naman ako, habang naglalakad papalapit kay doc ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Jennie na nakatanaw din sakin at ngumiti ng makita ako.

“Alam mo na atang hindi ko tinanggap si Jennie” sabi ni Doc, nasa kotse kami dahil sa isang restua daw yong meeting nya.

“Opo, doc”

“Are you mad?” tanong nya kaya napatingin ako “galit ka ba na hindi ko tinanggap sya?”

“hindi po doc. Desisyon mo naman yan eh at tsaka kung hindi naman kaylangan ng nurse wala naman tayong magagawa”

“Actually, naghahire tayo ng nurse. I just don’t want to hire her” sabi nya “Sa tingin ko naman alam mo kung bakit?” tumango naman ako “Hindi dahil sya ang mahal mo at hindi ako, kundi dahil sa pinsan ko. Alam mo naman na ayokong masaktan sya tulad ko, kaya hindi ko pagbibigyan yong nais ni Jennie na mas mapalapit sayo at tuluyan nya ng iwan si Jerome, sana maintindihan mo” sabi nya.

Hindi naman ako nagsalita, tumango lang. Hindi na naman talaga sila ni King eh.

“O kayo ba?” tanong nya. “Nasabi sakin ni Jerome na tuluyan ng nakikipaghiwalay sa kanya si Jennie pero susubukan nya pa rin daw maayos ito. Hindi na yon maayos dahil kayo na hindi ba?”

Napalunok naman ako ng laway bago sumagot “Kung gusto mo din akong itanggal doc, maiintindihan ko” sabi ko sa kanya.

Ngumiti sya “Hindi. Ayoko, hindi dahil sa gusto kita kundi dahil sa magaling kang assistant. Hindi sapat yong pangbabasted mo sakin para tanggalin ka. Wag ka ding mag-alala hindi kita aagawin kay Jennie hindi ko din naman kaya” natatawa nyang sabi, habang ako nalulungkot dahil sa madaming involve sa buhay namin ni Jennie at masasaktan pagnalaman na nilang kami na.

“Wag ka ngang ganyan” sabi nya at pabirong pinalo ang braso ko “Tulad ng sinabi ko tanggap ko hindi ako, masakit pero hindi ako magiging kontrabida dito, ok? Sana lang matanggap din ni Jerome kung malaman nya na kung bakit hindi sya mabalik balikan ni Jennie”

~3rd person

“Je?” gulat na tawag ni Jennie ng makita si Jerome na nakikipag-usap at nakikipagtawanan sa mom nya pagdating nya ng bahay. Agad naman itong tumayo at ngumiti.

“Hi. Pupuntahan sana kita dun sa hospital ni El kaso lang sinabi nyang pauwi ka na kaya dito na ako dumiretso” sabi nya, ngumiti naman si Jennie.

“Nasabi sakin ni Jerome na nag-apply ka dun? Bat hindi na lang sa hospital natin or sa hospital ni Je. Ok lang naman daw sa kanya?” sabi naman ni mom.

“Baka kasi mom wala sa hospital natin o hospital ni kuya ang gusto nya” biglang singit at sulpot naman ni Daph saka umupo at kumuha ng cake sa may mesa at kumain.

Napatingin sa kanya ang tatlo, kumibit balikat na lang ito “Baka kasi mas iniisip ni ate na mas challenging kung sa Psychiatric hospital sya magtrabaho, diba ate?”

Ngumiti na lang si Jennie sa katapid. Hindi nya alam kung may alam ang kapatid nya tungkol sa kanya ni Jisoo kaya nasabi yon o hindi.

“Kung gusto mo kausapin ko si El, sinabi kasi sakin na hindi ka nya tinanggap” sabi ni Jerome

“Hindi na” ngumiti si Jennie “Ok lang naman”

“Sya nga pala, hindi pa ba kayo ok Jen? Hindi pa kayo nagbabalikan?” tanong ng mom nya.

“We’re over mom” sabi ni Jennie sa nanay nya.

Hindi nya man gustong saktan si Jerome ay kaylangan nyang sabihin iyon para tuluyan ng malinawan ang binata na buo na ang desisyon nyang makipaghiwalay dito.

Hindi nya sya babalik dito lalo na alam nyang nasa tamang tao na sya, sa taong totoong mahal nya.

“Nakwento sakin ni Jerome ang dahilan. Dahil lang dun anak naghiwalay kayo? Para ka namang batang hindi nakaintindi. Mag ayos na kayo” sabi naman ng nanay nya.

Bago pa man makasagot si Jennie ay nagsalita na ang kapatid nyang si Daph “Baka kasi hindi lang yon ang dahilan ng ate. Baka kasi ayaw na talaga ni ate kay kuya kaya dapat tanggapin na ito ni kuya”

Nalungkot naman si Jerome dahil sa diretsyahang sabi ni Daph, habang ang ina ay naasar naman.

“Daph, kumain ka na lang dyan. Hindi ka kasali sa usapan” sabi ng nanay habang si Daph ay nakibit balikat na lang saka sumubo ulit ng cake.

Biglang may tumawag sa mom nila kaya naman nagexcuse ito at umalis, iniwan ang tatlo.

“I’m sorry, Je” yon ang tanging nasabi ni Jennie.

Sa totoo lang ay hinahangaan nya ang kapatid nya na nasasabi ang mga bagay bagay na hindi nya masabi sa iba lalo na sa mommy nya pero nalulungkot din syang makitang masaktan si Jerome dahil sa mga sinabi nito.

Hindi nya mahal si Jerome tulad ng pagmamahal nya kay Jisoo pero ayaw nya din itong masaktan ng dahil sa kanya.

Ngumiti ang binata sa kanya “Ok lang. Pasensya ka na. Nakukulitan ka na bas akin? Namiss lang talaga kita kaya nandito ako. Hindi na ba talaga kaya nating ayusin ito? Yon tayo?”

Napahigit ng hininga si Jennie at nalungkot saka tumingin sa kapatid na abala sa pagkain “Daph?” tawag nya dito kaya napatingin ito.

“Kaylangan ko na bang mag-exit?” tanong ng kapatid nya na kinangiti nya at tumango sya. Tumango ito saka umalis dala dala ang cake.

“Alam kong makulit ako but I just can’t let you go. Pano kung may pag-asa pa tayo tapos bumitaw agad ako” sabi ng binata, halatang may panunuyo at kunti pagpapaawa ang boses pero pareho silang napatingin sa hawak nitong cp ng tumunog ito.

Piniling hindi ito pansinin at patuloy na tinignan si Jennie ng seryoso.

Huminga ng malalim si Jennie at balak ng sabihin ang totoong dahilan kung bakit nakipaghiwalay sya. Ang gusto nya sana ay makaalam muna nito ang mga magulang nya pero sa pagkakataon ito naisip nya na baka sa susunod na lang na araw nya sabihin sa mga iyon at unahin ipaalam at ipaintindi kay Jer

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus