Chapter 3

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

~Jisoo

“Time out! Time out” sabi naman ni Sunny. Ilang ulit na naming ginawa yong sayaw na pinapractice namin pero lagi syang nagkakamali at lagi may patime out.

“Ok ka lang ba?” tanong ko naman. Hindi ako sanay na ganyan sya.

Pareho kami kasali sa dance club at ngayon nagpapractice kami sa isasayaw sa Univ. Dance Feast na taon taon ginaganap. Halos lahat ng mga colleges/universities sa buong mundo ay may pagkakataong sumali dito.Magsisimula by Region ag labanan, tapos lahat ng nanalo by Region maglalabanan hanggat may manalong isa at ilalaban sa ibang bansa.

Lagi kami kasali pero hindi kami nakakaabot sa international level. Pero ok lang, deserve naman ng mga nakalaban namin ang manalo. Hindi maiwasan malungkot pero tanggap naman namin na magaling kami pero may mas magagalig pa samin o hindi pa oras para malaabot kami sa international level.

Walo kaming pinili ng university namin mula sa dance club pero kami muna ni Sunny ang nagpapractice dahil wala pa ang iba, may mga klase pa.

“Ok lang. Excited lang ako kaya hindi makafocus” sagot naman ni Sunny, hindi ko pa man tinatanong kung bakit ay nagsalita ulit sya “Anniv. Namin ni Ran” nakangiti nyang sabi saka parang kinilig at sinuntok suntok ako ng mahina sa braso.

Ngumiti na lang ako at umiling iling saka nagpunas ng pawis.

“Pwede na ata akong mauna?” tanong nya habang nakangiti at may kinakawayan sa hindi kalayuan. Kaya tinignan ko kung sino at sino pa ba kundi ang nobyo nya.

“Si-“ naputol ang sasabihin ko ng makita ko ang kasunod ng nobyo nya na nakangiti.

Kasama sya nilang magdidate?

“Jen, parang 1st time mong dumalaw sa practice ko ah?” gulat din na salubong sa kanila ni Sunny.

“Hindi naman ikaw ang dahilan kung bakit nandito ako” seryoso nyang sabi sa kaibigan saka tumingin sakin at ngumiti “Hi”

Ngumiti lang din ako sa kanya.

“Ok na kayo?” tanong naman ni Sunny na kung kanina ay excited sa nobyo nya ay ngayon parang hindi nya nakikita ito dahil sa nakatuon ang nagtataka nyang mga mata samin ni Jennie.

Nagtinginan kami ni Jennie saka tumingin sa kanya at sabay tumango. Hindi ko sya ginagaya kaya pareho yong galaw namin, nagkataon lang.

“Anong nangyari? Nagkasabay lang kayo ng pag uwi nung nakaraan, tapos ok na kayo at dinalaw mo pa sya?” hindi makapaniwalang sabi ni Sunny “Ano ang ginawa nyo ng gabing iyon na from bitter to better kayo ngayon? Anong mangyari? Sagot!” sunod sunod nyang tanong. Minsan medyo OA din talaga itong si Sunny.

“Walang nangyari” sagot ni Jennie.

“Hindi nga? May nangyari. Pusta ko” pagpupumilit na sabi ni Sunny na hanggang ngayon hindi pinapansin ang nobyo sa tabi nya.

Magsasalita na sana ako ng makita ko kung pano umikot ang mga mata ni Jennie kaya napangiti na lang ako at naunahan nyang magsalita.

“May nangyari agad? Pokpok lang ang tingin mo sa kaibigan mo, na isang hatid lang may nangyari agad samin?” sabi nya na nakapagpakunot ng noo namin ni Sunny.

Umiling iling naman si Sunny “Hindi. Hindi yong gusto kong sabihin sa nangyari. Ito!” hindi makapaniwalang sabi nya sabay turo sa kaibigan na malayo na ang napuntahan ng isipan.

Napatawa na lang ako saka nagsabi “Oo nga. Ang dumi talaga ng isip ng kaibigan mong yan” pang aasar ko kaya nakatanggap ako ng masamang tingin mula kay Jennie na mas kinasaya ko pa. Masayang mang asar lalo na sa taong madaling mainis.

“Bat nga kayo magkaibigan na?” tanong ulit ni Sunny.

“Hindi ba pwede?” pabalik na tanong ko naman sa kanya.

“Pwede. Ano ka ba? Pero napagtataka lang. Inis yan sayo dahil ikaw ang nangharana sa kanya dati, dba? Dinadamay ka pa nyan sa pagiging durog nya bago kayo umalis, tapos ngayon may dalawan na nangyari? At walang pagkwento?” patuloy na pang uusisa ng dakilang chismosang si Sunny saka tinignan pa kami ng may pagdududa.

Hinigit nya si Jennie saka pinaglapit kami saka umikot ikot samin habang nakatingin na parang baliw. Hindi ko mapagtanto kung bakit nya ginawa ang paglakad at paikot ikot samin ni Jennie habang nakatingin na para inuusisa ang kaibigan nya.

Hindi ba sya nahihiya sa jowa nya na parang tanga sya ngayon?

Tinignan ko naman si Jennie na ngayon halata asar na sa pinaggagawa ng kaibigan nya dahil sa nakapoker face lang sya. Nakakaintimidate kapag ganyan ang ekspresyon ng mukha nya pero bigla napatili si Jennie at parang aatakihin ng biglang magsalita at dinuro duro sya ng kaibigan nya.

“Ikaw, Jennie, kaya ba defensive ka kanina kasi may nangyari talaga sainyo?” tanong ni Sunny. Hindi naman agad nakasagot si Jennie dahil sa hinahagod nya pa ng kanya dibdib nya at parang nanghihina sa gulat na naramdaman nya.

Ako na sana ang sasagot ng ibalin ni Sunny ang daliri nya na kanina nakaduro sa kaibigan nya.

“Wag kang magbabalak sumagot. Hindi ikaw ang tinatanong” dagdag ni Sunny kaya naman napakamot na lang ako sa batok.

Ang OA nya sa totoo lang.

Pati ang nobyo nya magsasalita na sanna ng pigilan nya.

“Kaya ba Jennie, nung gabing iyon ang tagal mong magreply kung nakauwi ka na at nung nagreply ka sakin isang replayan lang. Hindi tulad ng dating nagdadrama ka pa dahil sa busy ka sa kanya?” sabi ni Sunny saka tinuro ulit ako. Para syang pulis na nang iinterogate. Putspa! “Sago—” hindi nya naman natapos ang pagsasalita nya ng magsalita na si Jennie.

“Isa pang duro Sunny babaliin ko yang daliri mo” seryoso nyang sabi kaya naman napababa agad si Sunny ng kanyang daliri at napatawa ng pilit. Halatang kinakabahan.

Sino ba namang hindi kakabahan sa tingin sa kanya ni Jennie na subrang lamig.

Umirap muna sya bago magsalita ulit “Aatakehin ako sayo sa puso. Wala naman kasi talagang nangyari at ikukwento, naging magkaibigan lang kami” pagkasabi nya nito tumingin sya sakin. “Magkaibigan na nga ba tayo?”

Natawa ako dahil sa wala na agad yong nakakatakot nyang tingin, seryoso parin ang tingin nya pero wala na yong may pangbabantang aura ng mga mata nya.

“Kung gusto mo bakit hindi?” sabi ko kaya napangiti sya.

“Yon. Naging magkaibigan kami dahil sa hinatid nya ako”

“Yon lang ang ginawa nyo?” Hindi parin natigil na tanong ni Sunny kaya napaikot na naman ng mga mata sa kanya si Jennie.

“Well, natulog sya sa byahe saka nagkwentuhan kaya naging magkaibigan kami” sagot ko.

“Ano naman napagkwentuhan nyo na naging ganyan kayo?”

Napahinga naman ng malalim si Jennie na parang nauubusan na talaga sya ng pasensya “Anong ganyan? At iisa isahin pa ba namin ang lahat ng napag usapan namin? Magdate na nga lang kayo ng jowa mo!” inis nya nang sabi.

“Sya sya. Deh wag! Alis na kami” sabi ni Sunny saka pinulupot ang kamay sa braso ng jowa nya.

Tumango ako “Congrats brad. Nakatiis ka ng isang taon sa madaldal na yan. Hindi mo pa hihiwalayan? Sapat na siguro ang isang taon. Tama na, madami pang iba dyan” biro kong sabi.

“Oo nga. Maawa ka sa eardrums mo. Alam kong nakakarindi yan minsan, palagi pala” segunda naman ni Jennie, na agad naman na sinagot ng napakabuo at lutong na mura ni Sunny na nakapagpatawa samin.

“Alis na kami bago pa sya maniwala sainyo” pagpapaalam naman nya, ganun din ang ginawa ng jowa nya.

Sa relasyon ata nila si Sunny ang nakatokang sa pagsasalita dahil kung ganu kadaldal si Sunny ganun din katahimik ang jowa nya.

“May pasok ka pa?” tanong naman sakin ni Jennie habang ako kinuha ko ang bag ko.

“Kung may pasok kami sana hindi na muna nakipagdate si Sunny” pabalang kong sagot habang nakangiti kaya inirapan nya naman ako.

“Malay ko ba mas pipiliin nya ang kalandian kaysa sa pag aaral”

Tumawa ako “Wala pero palibrary ako dahil sa may exam bukas at advance reading na rin para next week”

Tumango sya “Sipag ah”

“scholar eh. Hindi pwedeng pabayaan ang pag aaral kung gusto makapagtapos. Gusto mong kumain muna tayo? O kumain ka na?”

“Sige kain tayo”

Naglalakad na kami “Pero kumain ka ba sa karenderya? Dun lang kasi kaya ng budget ko”

“Oo naman. Anong akala mo sakin?”

Ngumiti ako “Mayaman ka kasi baka hindi ka kumakain sa mga ganun”

“Nakakain nga ng pulutan sa gilid gilid lang, sa karenderya pa kaya. Pero actually nung una akong sumama kila V na kumain sa karenderya nagLBM aki after” sabi nya saka umupo na sa upuan na hinila ko para sa kanya.

Dito kami sa karenderya nila Cole na sa baba lang ng inuuwian ko “Hindi ko alam kung bakit, baka nag inarte lang sa una yong tyan ko. Pero nasanay na lang din saka nalilinis din ng alak after. Kasi kumakain kami sa may alak na para after inom agad” nakangiti nyang sabi kaya ngumiti na lang din ako.

Lumapit naman samin si Lyra para kunin ang order namin.

“Wala kang sinalihang club noh?” tanong ko habang naghihintay kami ng pagkain.

“Hindi naman required yon. Kaya pinili ko na lang wag ng sumali pero nagbalak ako dati sa music club”

“Kaso nalaman mo na hindi ako kasali dun kaya hindi mo na tinuloy?” nakangiti kong tanong na nakapagpataas naman ng kanyang kilay.

Ngumiti ako saka pinagpatuloy ang pagpifeeling ko “Sabi kasi sakin ni Sunny balak mo daw sumali sa music club ng mabanggit nyang sumali sya sa dance club at nakita nya ako, dun biglang sumakit daw ang tyan mo”

“Oo. Sumakit talaga. Baka yon yong 1st time kong kumain sa karenderya. At pano naging konektado ang pagsakit ng tyan ko sa dahil hindi ka sumali sa music club kaya hindi na ako tumuloy?”

“Na baka naisip mo na dahil sa magaling akong kumanta kaya sasali ako sa music club kaya sasali ka din pero nagbago isip mo ng malaman mo kay Sunny na nasa dance club na ako. Baka kasi ginawa mo lang rason ang pagsakit ng tyan mo para hindi na tumuloy. Pwede naman na kinabukasan ka mag apply sa music club na ok na tyan mo pero hindi mo na tinuloy”

Ngumiti sya “Tinamad na ako” nginisian ko sya pero imbes na mainis at natawa lang sya “Feeling ka! At alam mo talaga yong tungkol pagsali ko ah. Stalker ka” sya naman ang nang aasar.

Ngumiti ako “Hindi. Si Sunny mismo nagkwento ng 1st year kami. Sabi nya ‘alam mo ba na kaibigan ko yong hinarana mo’” sabi ko nq medyo ginaya ang pagsasalita ni Sunny kaya tawang tawa naman ang may bilugan pisngi na bata sa harap ko.

Pagngumiti sya parang ibang tao talaga sya sa seryoso o naiinis na sya. Ang cute nya pagnakangiti, parang kasing fluffy ng unicorn ni Agnes ang bumibilog nya pisngi pag nakangiti o natawa. Habang pagseryoso naman ang mukha nya ang hot nyang tignan. Na mapapasabi ka na lang sa isip mo na “Yes, Ma’am I volun

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus