Chapter 7

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

~Jennie

Sa mga nakaraang araw ay hindi kami nagkaroon ng magkakataon magkita ni Jisoo dahil sa sabay sabay na gawain sa school plus kung meron man na time sya may raket naman syang ginagawa, which is nakakalungkot. Namimiss ko na ang malanding yon.

Kaya ng malaman kong bakante sya ngayon ay yinaya ko syang gumala at pumayag naman. Last day na din kasi at Christmas break na naman, hindi na kami magkakaroon ng oras para magkita dahil sa probinsya sila magbabakasayon tulad ng lagi nilang ginagawa.

Pagkatapos ng pagkatapos ng last subject namin ay agad akong naghanda. Chinat ko din sya na sa gate na lang kami magkita, ngayon papunta ako sa cr kasama nila Bridge. Kaylangan magfreshing up muna noh.

“Jen, ikaw na muna. Bakante na yong kabilang cubicle” sabi naman sakin ni Bridge na kasama ko sa cr.

“Hindi ​​ako gagamit” sabi ko saka naglagay ng kunti powder sa mukha at lipstick sa labi

“Magpapaganda lang kaya nandito ka? May date kayo ni Will?”

Ngumiti ako “wala. Si Jisoo kasama ko ngayon” sagot ko naman, kahit kasi sinabihan ko na si Will na hindi pa ako handa makipagrelasyon ay gusto nya paring ipagpatuloy ang pangliligaw. Handa naman daw syang maghintay kaya pinabayaan ko na.

“Diba yinaya ka ni Will kanina. Hinindian mo sya para lang kay Jisoo?” hindi naman kapaniwalang sabi ni Bridge

Kaya tinignan ko sya “Anong para lang? Mas masaya kasama si Jisoo” diretsyahang sagot ko.

Totoo naman kasi yon, kahit wala kaming gawin na magkasama ni Jisoo parang ok lang. Chill lang kasi sya kasama. Masaya kasama ang malanding yon. Hindi dahil sa kalandian nya ah, kaya masaya sya kasama kundi dahil sya si Jisoo. Ewan basta masaya sya kasama.

“Gusto mo ba sya? Mas gusto mo sya kay Will” napaisip naman ako dahil sa tanong na yon ni Bridge.

Parang nga. Mas gusto ko syang kasama, kausap, nakikita kaysa kay Will. Mas komportable ako sa kanya. Siguro dahil sa magkaibigan kami habang si Will naging kaibigan ko din naman dati pero nagkaawkward moment kasi nangliligaw na sya.

May mga bagay na ginagawa namin dati na hindi na pwedeng gawin. Example yon yakap ng pangkaibigan hindi ko na masyado ginagawa yon kay Will dahil sa alam kong may malisya na sya dun o baka mabigyan ko sya ng maling pag-asa.

Mabait naman si Will pero baka hindi pa talaga ako handang pumasok ulit sa relasyon. Sa ngayon masaya na akong ganito. Single at may mga kaibigan na laging nandyan.

“Tinatanong pa ba yan mas malaki yong ngiti nya pag si Jisoo katext nya o kasama nya” sabat naman ni Pres.

“Pero hindi naman yan aabot sa pagmamahal diba? Masaya lang sya kasama pero hindi mo sya mahal at gustong maging jowa?” tanong naman ni Bridge na nakapagpatawa sakin

“Magkaibigan kami” sagot ko na lang saka tinago ang gamit ko para makaalis na.

“Hindi din singot yon tanong ko. Ipagpapalit mo ang mayaman na at gwapo pang si Will kay Jisoo?”

Sa pangalawang pagkakataon ngayon araw ay tinignan ko ng nakakunot na noo si Bridge, bat parang minamaliit nya si Jisoo?

“Ano naman kung mayaman sya? Hindi ko kaylangan ng pera nya. May pera din kmi. At anong masama kay Jisoo?”

“hindi ko man sinasabing mukha kang pera pero kung sa ideal na makasama sa buhay si Will ang pang practical. Mayaman ka kasi nasa poder ka ng mom at dad mo pano kung hindi na. Kaya kang buhayin ni Will. Sa murang edad may sarili ng negosyo”

“Bakit magpapakasal na ba ako?” natatawa kong sabi. Daming alam eh “loka ka. Alis na ko, ayokong naghihintay si Jisoo sakin” aalis na sana ako ng higitin ako ni Bridge

“Ok lang naman magkagusto sa katulad nya pero naman yong karibal nun sayo si Will? Yong lalakeng nasa kanya na ang lahat binabaliwala mo dahil kay Jisoo?” hindi nya pa rin mahintong pagkukomento

“Anong karibal ang sinasabi mo? Walang magkaribal. Hindi nangliligaw si Jisoo kaya walang magkaribal at walang patutunguhan yan mga iniisip mo dahil magkaibigan kami. Masaya syang kasama. Mas masaya ako pagkasama sya, ok?” sabi ko saka umalis na.

Habang papapunta na sa gate ay nakasalubong ko si Will

“Hi! Uwi ka na? Hatid kita o ma​​y kotse kang dala?” nakangiti nya namang yaya

Ngumiti ako saka sumagot “wala. Pero may kasama na ako eh”

Napabagsak naman yong ngiti nya pero sandali lang saka ngumiti ako “Sino?”

Bago pa ako sumagot ay may tumawag na sakin “Jennie?” Si Jisoo, kumakaway habang nakangiti at papalapit sakin.

Ngumiti ako “Sya” sagot ko saka lumapit kay Jennie at linulupot yong kamay sa braso nito tulad ng lagi kong ginagawa. Ganyan na ako ka komportable sa kanya eh

Tinignan nya naman si Will pagkatapos sakin tumingin “May lakad ba sana kayo? Wrong timing ba yong ngayon?” tanong nya naman saka umiling iling ako at ngumiti.

Never naging wrong timing ang mga araw pagkasama ko sya. Kaya nagpaalam na kami kay Will.

Habang nagdadrive sya ay bigla syang may tinanong na hindi ko inaasahan.

“Pano pala kung gustong makipagbalikan sayo ng ex mo? Yong una”

Tinignan ko muna sya ng maigi at tinitignan kong nagbibiro sya, mahilig kaming magbiruan pero kung isa sa biro nya ito hindi nakakatawa. Bigla akong nainis. Hindi ko talaga maiwasan mainis pagnaaalala ko sya.

Huminga ako ng malalim saka pinilit ngumiti “syempre hindi na ako papayag. Masaya na ako eh” sabi ko. Masaya na naman talaga ako. Ayoko lang pag-usapan yon “Bakit mo natanong?”

Nagkibit balikat naman sya, hindi inalis ang tingin sa daad “Pumunta sakin. Babayaran nya daw ulit ako. Haharanahin ka ulit”

“Anong sagot mo?”

“Hindi pa ako sumagot dahil sa gusto ko munang sagutin mo ako” tanong nya naman.

Ngumiti ako dahil sa may naisip na namang kalandian “nangliligaw ka ba para sagutin ko?”

Tumawa sya “hindi, yon tanong kasi wag umasa”

Pinalo ko naman sya sa balikat ng pabiro at nagsabi “ouch! Hindi ba pwedeng ligawan mo ako?”

“Bakit kung liligawan ba kita, ako ang sasagutin mo kaysa kay Will? Mayaman na yon at gwapo pa habang ako cute lang” sabi nya saka tumingin sakin saglit at kumindat pa na hanggang ngayon hindi parin kaya, sabay balik agad ang tingin sa daan.

Napakagat ako ng labi dahil sa ginawa nya habang nakangiti “Tinatanong pa ba yan? Syempre depende sa panliligaw mo” sagot ko naman.

Hindi ko din talaga naisip kung pano kung manligaw si Jisoo sakin dati, ngayon lang dahil sa loka lokang si Bridge. Nakakaloka kasi yong mga sinabi nya at tanungan nya. Pero kung papipiliin talaga ako makasama si Jisoo ang pipiliin ko, sabi ko nga mas masaya syang kasama kaysa kay Will.

“So, hindi ka talaga sigurado kung ako ang pipiliin mo o hindi?” nakanguso nya sabi saka tumingin sakin katulad nung kanina saglit lang dahil sa binalik nya ulit yong mata nya sa daan. Ang kinaibahan lang ngayon ay may paawa na syang mata pati nguso.

Natatawa ako sa kanya, alam ko naman na kasama yan sa mga biro nya “Bat ka ba nagtatanong ng ganyan?”

“Wala” nakangiti nyang sabi habang ang mata nasa daan pa rin.

“Sa tingin mo pwede na ba si Will na maging jowa ko?”

“Sa tingin mo pwede na ba?” sagot nya naman.

“Ano bang klaseng sagot yan. Tanong ko tanong mo din eh” nadidismaya kong sabi.

Ngumiti sya “Ikaw lang kasi makakasagot nya” sabi nya “Kung para sakin, pwede bang pagpahingahin mo muna yan puso mo. Paghindi sigurado, wag sagutin. Dami dami dyan nagkakagusto hindi kaylangan magmadali”

“Sige, maghihintay ako. Hihintayin kita” sabi ko habang nakangiti, hindi nya naman ako tinignan pero nakangiti lang din naman.

Magsasalita na sana sya ng tumunog ang cp nya, kinuha nya naman at sinagot.

“Bev, oh?” sagot nya kaya napatingin ako “Oo, may lakad ako eh. Oo, bukas na lang. Akong bahala” nakangiti nyang sabi “Oo, sige. Bye bye, Bebebev” sabi nya saka napataas ang kilay ko.

“Bebe?” tanong ko naman.

“Yon ang nickname nya. Wag agad magselos, ang Jenjen ah?” sabi nya saka pinara ang kotse saka kinurot ako sa pisngi.

“Ano mo yong bebe?” tanong ko ulit pagkababa ko sa kotse.

Nandito kami sa isang grocery na malapit sa BH ko, napag-usapan kasi namin na magmomovie marathon kami sa BH ko.

“Kaklase, thesis partner” sabi nya.

“Ah yon?” naalala ko na sya, sya yong nakita ko sa dorm ni Jisoo nung nakaraang pagpunta ko dun.

Dalawang lingo na ata yon nung may jamming ang barkada kaya naman nandun din ako, saka ko sya tinext na baba sya at punta kila V pero hindi sya nagtext agad. Nung lumabas naman ako para puntahan sya ay nakita ko syang kasama yong babae na nakangiting nagkukwentuhan habang papaakyat sa BH nya. Hindi nya ako nakita, kaya naman pumasok na lang ako sa BH nila V, kunting minuto lang ay natanggap ko ang text nyang hindi sya makakababa dahil sa gagawa sila ng thesis, kaya hindi na ako nagtext back.

“Dba, tapos na naman kayo ng thesis? Bat may pagtawag pa?” tanong ko naman ulit.

Alam ko kasi, nung Monday natapos na yong final defence nila ng thesis.

Ngumiti sya habang naglalakad habang ako nakatingin lang sa kanya naghihintay ng sagot “Magkaklase kami. Hindi lang thesis ang pwede naming pag-usapan”

“Kaya nga. Magkaklase na kayo, hindi nya ba nasabi lahat ng sasabihin nya nung magkasama kayo sa loob ng classroom?”

Napahinto naman sya saka mas ngumiti “You sound like a jealous gf, Jen” hindi ko na lang sya sinagot at naglakad na lang para makarating sa grocery.

Pagseselos na ba yong pagtatanong? Tsk! Dami nyang alam.

At tsaka totoo naman ah? Ang haba na ng panahon na nakasama nya yon, kaylangan pag oras namin may patawag tawag sya?

“Kasama ko din kasi sya sa pagOOJT-han namin” sabi nya, kaya tumango na lang ako.

~Jisoo

Natapos na kami sa pagbili ng lulutuin para sa dinner at kakainin sa movie marathon pero hindi pa kumikibo ang isa. Pagnagtatanong ako kung kukunin namin yong isang junkfood tumatango lang sya.

Bigla naman akong napatingin sa cp ko ng may magtext.

“Ano? Ok lang ba sayo?” tanong naman ni Clark.

Napabuntong hininga naman ako dahil dun. Tsk! Kagabi nya pa akong kinukulit para sa panghaharana ulit kay Jennie.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus