Chapter 15

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

~Jennie

“Bakit ka nandito?” gulat na tanong ni Jisoo sakin nang makita akong nakatayo sa may kotse ko sa labas ng BH nya, kakaparada nya lang din ng kotse nya. Medyo nauna ako dahil sa hinatid nya pa sila Wendy kung saan ito nakatira. Sabay sabay kaming umuwi dito sa Manila pero parang hindi din kami magkasama dahil sa magkatabi nga kami sa kotse pero katabi din namin yong mag-ina at yon ang inalagaan nya sa byahe. Nagpapalit palitan sila sa pag-aalaga kay Celine, minsan kahit na kay Wendy ito ay si Jisoo naman ang nakayakap sa tulog na si Wendy para hindi magalaw at hindi ito magising.

Sa totoo lang buong byahe naghintay ako na ako naman ang alalahanin nya pero parang buong byahe nasa mag-ina ang atensyon nya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng selos. Dati rati ako yong kaibigan nya na inaalagaan. Na halos walang minutong hindi nya tinatanong kung ok ako pagnasa byahe kami pero ngayon hindi. Alam ko naman na nakaranas ng depression si Wendy pero ok na naman sya, dba?

Ako muna ang hinatid ng driver sa bahay, habang si Jisoo ay sumama kila Wendy dahil sa kanyang kotse ang minamaneho ng driver kaya naman ngayon ay sya na nagdrive pauwi. Nandito ako dahil sa namiss ko sya, oo kakahiwalay pa lang namin pero hindi ko naman nasulit yong byahe kasama sya dahil sa parang wala naman ako sa tabi nya buong byahe. Minsan tumitingin sya pero hindi sapat yon para makabawi sa mga araw na inabot ng ilang buwan na hindi kami nagkasama, nagkachat. Hindi sapat yon para mabawi ang pagkamiss na tiniis ko na hindi sya nagpaparamdam.

Kung ako lang araw araw ako magpaparamdam sa kanya pero hindi ko alam nung mga nakaraan buwan parang may nag-iba o baka busy lang talaga sya. Sa lahat ng chat ko at reply nya ramdam ko na parang hindi na kami tulad ng dati. Gusto ko syang makausap ng mahaba pero hindi naman sya pwede, magkakachat kami ng kunti pero mamaya magpapaalam na sya dahil busy sya.

Alam ko naman na nagtatrabaho na sya kaya nagiging busy sya pero parang may iba eh, lalo na yong mga reply nya ay parang pabalang na. Isa sa mga chat nya ang tumatak sakin at nakaramdam ako ng sakit dahil sa parang pinapamigay na nya ako, na para bang ok lang na hindi na ako magkatime sa kanya, nun hindi pa kami ni King nangyari ito pero alam nyang nangliligaw na sya.

“Jissooo, I miss you” chat ko sa kanya

“ I miss you too, san ka?”

“Dito, kumakain kasama ni Jerome at pamilya nya”

“then focus on him not on me. haha Cge busy ako” chat nya kaya hindi na ako nagreply sa kanya, pero ilang minuto lang ay nagchat ulit.

“Kayo na ba?” tanong nya.

“Hindi. Nagyaya lang magulang nya kaya sumama ako” chat ko.

“Ah, bat kasi pinapatagal mo pa? Sagutin mo na kung sasagutin mo”

“hmn, ok lang ba?”

“Oo naman, tulad ng sinabi ko sayo, paggusto mo ok lang sakin”

Napaisip ako dahil sa chat nya. Hindi naman talaga mahirap hangaan si Jerome pero hindi ko alam kung bakit hindi ko sya masagot pa.

“Sige na, wag ka ng magreply sakin para sa kanya ang buong atensyon mo. Ingat pag uwi” chat nya kaya kahit gusto ko pa syang kachat ay hindi ko na sya inabala.

Gusto nyang ibigay ang atensyon ko sa iba habang ako gusto ko ang atensyon nya, hindi naman pwede dahil sa busy sya.

Hindi lang iyon ang huli kong chat sa kanya nasundan pa ng madami pero tulad ng laging nangyayari, hindi na tulad ng dating inaabot ng ilang oras ang pag-uusap namin sa telepono lagi kung hindi sya busy, nagpapaalam na matulog hinayaan ko na hanggang sa isang araw na ay parang napagod ako o naisip ko na baka nagsasawa na sya sa pagiging clingy kong kaibigan. Isa araw tinanong ko sya kung nakakaistorbo na ako sa kanya.

“Hindi naman busy lang talaga. hahaha”

“Baguhan ako sa trabaho at madami akong dapat at gusto kong matutunan kaya kaylangan magdagdag effort at oras para dun”

“At tsaka magkaibigan pa rin tayo kahit hindi nagkakachat. Ang magkakaibigan hindi obligado magchat araw-araw J chat ka lang pagmay kaylangan ka”

“Miss kita. Balik na ako sa trabaho”

Sunod sunod nyang chat. OO nga naman ang magkakaibigan hindi naman nagkakachat araw araw pero magkaibigan parin, bakit kasi ang needy ko pagdating sa kanya? Baka nagsawa na sya sakin. Wala na kami sa magjowa stage/subok subok na maging magjowa kaya hindi nya na obligasyon ako.

Mula sa araw na yon ay hindi ko sya tinitext o chinachat kung hindi sya ang mauuna pero wala eh, ilang araw na ang nakalipas hindi nya ginawa ang hinihintay ko. Hanggang sa dumating ang araw na magtanong ulit si Jerome na kung pwede nya na ba akong maging gf dahil sa nakikitaan ko naman sya na seryoso sakin at gusto ko sya, gusto kong subukan baka sya na ang para sakin ay umoo ako.

Si Jisoo ang una kong gustong pagsabihan na kami na pero naisip ko na pagnagchat na lang sya, pero hindi nangyari. Inabot ng ilang araw na kami na ni Jerome, post na nga ng post si Jerome tungkol samin pero hindi ko pa nasasabi kay Jisoo dahil sa hindi pa sya nagpaparamdam. Hanggang hindi ko na matiis at pinaalam ko na sa kanya.

“Jennie?” tawag ni Jisoo sakin na nakapagpabalik sakin sa reyalidad.

Ngumiti ako “Gusto kong makasama ka kaya nandito ako”

“Kakahiwalay palang natin eh” nakangiti nyang sabi.

Ngumuso naman ako “Ayaw mo ba ako dito?” ayokong isipin pero parang kahit sa personal ayaw nya na akong kasama.

May nagawa ba ako na parang ayaw nya ng magparamdaman ako sa kanya o makasama sya?

“Gusto” sabi nya kaya napangiti ako “Halika na pasok ka” dagdag nya habang nakangiti.

Pagkapasok ko ay nakangiti kong nilibot ang paligid na para bang unang beses kong nakapasok sa kwarto nya, nang tignan ko sya nakatingin lang din sya sakin pero agad naman nyang binawi ito at piniling ilagay ang gamit nya sa upuan. Humiga ako sa higaan, Namiss ko ito. Namiss ko yong yakapan namin dito. Namiss ko katabi syang matulog.

“I miss this” sabi ko saka pumikit pero saglit lang saka tumingin sa kanya, na tulad kanina ay nahuli ko syang nakatingin din sakin pero sa pagkakataon ito hindi nya na binawi ang tingin nya kundi ngumiti na lang “I miss you” seryoso kong sabi na halatang kinagulat nya.

Umupo ako, “hindi mo ako namiss?” tanong ko ng hindi nya sinagot ang sinabi ko.

Pinaangat nya ang isang gilid ng labi nya saka mahinang nagsabi “Kung alam mo lang”

“Hindi ko alam eh” sagot ko sa kanya “Ipaalam mo nga sakin kung ganu mo ako namiss?” panunukso kong sabi, lumapit sya sakin saka yinakap ako ng mahigpit, mahigpit as in parang ayaw nya na akong pahingahin.

“Ayaw mo naman ata akong pahingahin eh” sabi ko kaya tumawa sya saka kumawala sa yakap.

“Ganyan kita namiss, na parang mauubusan ako ng hininga dahil sa pagkamiss ko sayo” sabi nya na kinakabog na puso ko.

Kahit noon pa man alam ko na magaling syang manglandi sa pamamagitan ng salita pero hindi pa rin nasasanay ang puso ko. Na pagnagsasabi sya ng ganun ay nagrereak ito ng ganito lagi hindi ko lang pinapahalata.

Humugot ako ng hangin para makapagsalita ng maayos “Hmn, ganun kamiss kaya pala wala laging paramdam. Mas pipiliin mo pala na hindi makahinga at mamiss ako kaysa sa magchat. Ang dali lang mag chat” sabi ko pero hindi s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus