Chapter 5

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

Lumipas ang isang taon ng pagkakaibigan namin ni Jennie, hindi man kami lagi nagkakasama dahil sa pareho busy sa kanya kanyang pag-aaral lalo na nung pumasok ang new school year at graduating kami hindi pa rin nawala ang komunikasyon.

Hindi din lingid sa kaalaman ko ay may bf na syang bago ngayon, ilang buwan na ang nakalipas ng sagutin nya ito. Bago nya sagutin ito ay pinakita muna nya sakin ito at tinanong ako kung pupwede ba? Sabi ko naman basta masaya sya bakit hindi. Mahigit sa isang taon na naman silang nagbreak ng ex nya kaya ok naman na atang magkajowa sya.

“Jis? Mamaya ah? Text ko sayo kung san ang jamming. Sama ka ah? Lagi ka hindi pwede eh” sabi naman ni Aga sakin. Nagkayayaan ang mga magkakaklase na magsaya bago dumating ang exam week sa susunod na lingo kaya ganun yon. Tumango naman ako, wala naman akong raket ngayon eh kaya pagbigyan, minsan lang naman.

***

“Ji? Bat ka nandito?” tanong naman sakin ng gulat din si Cole ng makita ko sa bar ng papasok ako.

“May jamming kami ng mga kaklase ko. Kayo?”

“As usual” nakangiti nyang sabi “Hindi lang sumama si V at may gagawin daw. Tignan mo si Jennie” sabi nya saka may tinuro agad bumungad sakin ang magandang dilag na nasa may ‘the bar’ kung tawagin kung nasa yon mga alak na sinaserve ng bartender. Hindi ko akalain nandun din sya dahil sa hindi nya sinabing o pinaalam sakin na iinom nya. Hindi nya naman obligasyon ipaalam sakin lahat pero yon ang ginagawa nya eh. Ngayon lang sya hindi nagsabi, siguro nahiya.

“Heart broken na naman” dagdag nya kaya napatingin ako.

“Agad? Ilang buwan palang ba sila nun?”

Napakibit balikat namang si Cole, “Lapitan ko muna” sabi ko kaya tumango naman sya.

Halatang alak lang talaga ang pinunta nya dito sa lugar na ito dahil sa doon lang sya nakatuon, inom lang sya ng inom kahit may kumakausap sa kanya lalake ay hindi nya ito pinapansin. May lumapit ulit sa kanya pero hindi nya pinansin ito kaya umalis na lang ito, nang may lumapit ulit at halatang kinukulit sya ay inEnglish-an na nyq ito. Senyales na naubos na ang pasensya nya sa mga makukulit na lalake.

Sa mahigit isang taon na naming magkaibigan ay alam ko na na isa sa mga sensyales na galit sya o inubos mo na pasensye nya ay yong nag Eenglish na sya, kaya hanggat sa maaari ay hindi ko pinapaabot dun dahil sa mas gusto ko syang nakikitang nakangiti kaysa sa busangot at hindi ko din kayany sabayan ang pag Eenglish nya. Nakakadugo ng ilong at nakakapagsabog ng utak.

Lumapit naman agad ako ng may makitang lalake lalapit sa kanya, saka ako umupo sa tabi nya “Same old story?” nakangiti kong sabi nung una parang ayaw nya akong pansinin dahil sa hindi nya ako tinignan, pero saglit lang at tumingin din sya sakin saka ngumiti.

“I knew it. Boses mo yan” nakangiti ang singkit nya ng mata at halatang lasing na saka bumuntong hininga sya saka ngumuso “I’m single again” sabi nya saka nawala ang ngiti nya na ginawad sakin para maitago ang totoong nararamdaman nya saka yumuko at nakatingin lang sa kamay nyang hawak hawak ang baso ng alak.

“Kaylangan ko na atang magshift ng course o pagkagraduate ko hindi ko na ipagpapatuloy yong pangarap kong maging lisensyadong Psychiatrist” sabi ko na kinagulat nya at napatingin sya sa gawi ko.

BS Psychology ang kinuha kong course dahil sa gusto ko talagang maging Psychologist/Psychiatrist. Pagkagraduate ko mag aaral ulit ako kung kaya ko pa at budget na ituloy kahit ano dun sa dalawa.

Ngumiti ako habang sya nakakunot noo.

“Bakit?? May problema ba?”nag aalala nyang sabi “kung kaylan isang taon na lang magshishift ka?”

“Para kasing hindi ako magaling sa pagbibigay ng payo, pano pa ako magiging matagumpay sa ganun propesyon? Parang hindi naman ako nakakagaan o yong mga sinasabi ko nakakagaan ng mga nararamdaman ng mga stress o nalulungkot” nakapout ko ding sabi kaya yong pag aalala nyang mata ay napalitan ng pagkakunot ng noo.

“Sino nagsabi sayo na hindi ka nakakagaan ng loob? Oo, kaya. Napapagaan mo nga loob ko”

“Talaga natulungan kita? Bakit ngayon hindi ka lumapit sakin para magpatulong. Magkachat tayo kanina pero hindi mo inopen yong break up nyo. Available naman ako lagi lalo na kung may pang bayad ka” pagbibiro kong sabi “kaya nga naisip kong magshift na baka kasi hindi kita natulungan dati kaya hindi na ako ang hinanap mo ngayon?” dagdag ko

Napatawa naman sya. “Nakakahiya kasi. Ilang beses na akong nakikitang nasasaktan dahil sa pag ibig, pangalawa na itong makikita mo akong durog. Baka sabihin mo sakin, maganda nga ako marupok naman at tanga. Hindi makuha kuha ang dapat gawin para hindi na masaktan” sabi nya habang nakangiti pero maluha luha na.

“Wala naman tamang gawin o gamot para hindi na masaktan sa pag-ibig. Paghindi ka talaga para sa kanila masasaktan ka para makapunta ka sa tamang tao para sayo. Magpahinga ka muna, ipahinga mo muna yang puso mo. At paggusto mo ng kausap nandito ako kaysa sa lumalayo ka sa tropa mong nandun umiinom” tinuro ko sila Cole na nasa isang table hindi naman kalayuan. At nakikita ko naman na tinitignan tignan din nila siJennie o binabantayan mula dun “tapos ikaw nandito may sarili ding trip” Sabi ko ,hindi naman sya nagsalita.

“Lapit ka lang sakin paggusto mo ng kausap o maglalabasan ng sakit ng loob. At ayaw mo nung parang practice ko na din kung magaling ba talaga ako sa propesyon na ito? May 1st patient is beautiful heart broken lady”

Ngumiti sya “Sige, subukan natin kung magaling ka talaga sa propesyon na ito. Halika na” sabi nya saka hinigit ako

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus