Wendy

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

Nakatulog si Wendy dahil sa pag iyak kanina nang maalala nya si Alfie habang pinag uusapan namin si Jennie. Hindi ko maiwasan maibalik sa alaala ko yong una naming pagkikita at hirap na pinagdaanan ko bago nya ako pagkatiwalaan.

…Flashback…

Nung dinala sya hospital dati halatang halatang ayaw nya dito at sinasabi nyang hindi sya baliw kaya hindi na kaylangan. Pero hindi lang naman ang lugar na ito para sa mga baliw kundi para sa mga taong kaylangan ng tulong sa mga nagpapagulo sa kanilang pag-iisip.

Kahit sinong doctor dito ay sinubukan na syang pagpasalitain pero walang nakagawa, hanggang sa isang araw ay nakita ko syang mag-isa sa labas naglakas ako ng loob na kausapin sya.

Nag-open ako sa kanya about sa pagiging broken hearted din ako. Kahit hindi man pareho ang sitwasyon namin dahil mas masakit talaga ang mawala, as in literal, na wala na ang mahal nya sa buhay, na patay na ito. Pinagpatuloy ko parin ang pagkukwento ko sa kanya ng napagdaanan kong sakit dahil sa pag-ibig. Hindi ko alam pero sa kanya ko lang nasabi yong lahat ng sakit na naramdaman ko. Siguro dahil sa naiisip ko na baka makatulong ito sa kanya na malaman na hindi lang sya ang tao sa mundong nasasaktan dahil sa pagmamahal o dahil din alam kung hindi nya ikukwento ang mga nasabi ko. Pwede din ang dahilan ko nun ay kailangan kong ilabas ang sakit ng nararamdaman ko kaya kahit sa isang taomg hindi ko kilala ay nagawa ko yon.

Pagkatapos nun ay tulad ng lagi nyang ginawa umiiyak lang sya ng walang ingay, Na luha lang ang makikita mo sa kanyang mga pisngi habang nakatingin lang sa malayo. Kahit wala akong natanggap na sagot sa mga sinabi ko ay pinagpatuloy ko ito hanggang sa naipasok ko na sa sinabi ko ang anak nya na kung magpapatuloy syang ganun, na magpapadaig sa lungkot at sa pagkawala ng bf nya ay mapapabayaan nya ang anak nila. Na hindi pwedeng nawala na ang tatay nito at ang nanay nya naman ay hindi sya mabantayan dahil sa sitwasyon nito.

“Kailangan mong mabuhay para mabuhay din ang anak mo. Isa ako sa nakaranas na lumaki na hindi kasama ang totoo kong magulanag dahil sa namatay sila ng sabay. Hindi madali at subrang sakit. Na araw araw gigising ko na alam kong may kulang sa buhay ko dahil ang nagbigay ng buhay sakin ay wala na sa piling ko. Gusto mo rin ba maranasan yon ng anak mo?”

“Atleast triny mong maging ina sa kanya. Kaysa sa ngayon pinapabayaan mo na sya. Hindi ka naman mag-iisa sa pagpapalaki sa kanya dahil nandyan ang mga magulang mo. Hindi lang si Alfie ang nagmamahal sayo kundi ang mga magulang mo. Kaya mo silang iwan at saktan para makasama si Alfie? Ang mga magulang mong mula ng pinanganak ka hanggang ngayon na nandyan para mahalin at suportahan ka" tanong ko sa kanya habang umiiyak na din “Kaya mong ipasa sa kanila ang lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon para lang hindi ka na masaktan? Subukan mo ulit. Mabuhay ka para sa mga taong nagmamahal sayo kung hindi mo na kayang mabuhay para sa sarili mo” sabi ko naman na parang kahit ako gusto ko ng umiyak sa sakit na nararamdaman ko.

Kahit ako nakakaramdam akong gusto ko na lang pumikit at hindi na dumilat para hindi na madama ng sakit pero ang unang pumapasok sa isip ko ay sila V. Ang pamilyang kumupkop sakin at ang pamilyang lubos na masasaktan pagnawala ako. Hindi pwedeng sa lahat ng sakripisyo nila sakin ay ang igaganti ko ay sakit ng pagkawala ko. Hindi ko pa nagagawa ang mga bagay na gusto kong gawin para makabawi sa lahat ng pagmamahal at tulong na ginawa nila kaya kahit sa mga panahon yon ay gusto ko na din mamatay hindi ko ginawa dahil sa hindi pa oras. May mga bagay pang dapat akong gawin bago mawala sa mundong ito.

“Mahirap pero kailangan mong mabuhay para sa kanila” dagdag ko.

“Shut up!” sigaw nya, umiiyak at galit na nakatingin sakin “Sinubukan ko naman pero wala eh! Buhay nga ako pero araw araw akong pinapatay ng sakit na nararamdama ko. Ayoko na! Ayoko nang mabuhay pa!” punong puno ng galit na sinigaw ang mga katagang iyon.

Narinig naman ng mga doctor, nurse kahit mga pasyente ang sigaw nya na ngayon ay nagwawala na sya kaya linapitan kami ni doc El at pinapakalma sya. Bigla naman akong kinabahan at nagsisi kung bakit ko sya kinausap at nagkaganun sya. Baka masisante pa ako dahil sa pagsisente sa orad ng trabaho kasama pa ang pasyente.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay bumalik pa rin sya sa dati, na hindi nagsasalita at nakatanaw pa rin sa malayo. Pero nakita ng mga magulang nila ang pagsigaw nya habang magkausap kami, hindi sila nagalit kundi nagpasalamat dahil sa kahit ganun nagsalita sya sa pagkakataon ito. Nakakatulong din daw yong sabi ni doc. Na pagnaipagpatuloy ko ang pagpapasalita sa kanya ay mababawasan ang sakit na dinadala nya. Na bakasakali sa susunod ay makapagbukas na sya ng tuloy tuloy sakin at makatulong.

Kaya naman ay renequest ng mga magulang nya na bisitahin ko sya paminsan minsan, kahit sinabi kong hindi ako isang ganap na psychiatrist ay ok lang daw sa kanila. Hindi sa level ng napag-aralan ang kaylangan nila kundi ang taong makakatulong sa anak nya. Kaya kahit may pagdadalawanag isip ay ginawa ko na ang request nila at dahil na din sa gusto din ni Doc El na subukan ko. Naniniwala daw sya sakin at isipin ko na lang daw na una ko itong pasyente sa pagiging Psychiatrist kahit wala pa akong license. Hindi din nya naman ako pinabayaan sa bagay na iyon, tinulungan nya naman ako nung mga panahon na yon. Tinuruan ako kung ano dapat gawin atsabihin, sinasabi ko sa kanya ang mga nangyayari para maiupdate sya at mabigyan nya ako ng suggestion at knowledge about sa mga yon. Nakatulong ito hindi lang kay Wendy kundi para sakin. Madami akong natutunan sa mga librong nabasa ko para maging handa sa chance ni Wendy at dagdag yong mga tinulong at tinuro ni doc El.

***

6 month old si Celine noon kaya inimbitahan ako ni tita na pumunta dito. Hindi naman ako tumanggi dahil sa unang beses kong makakapunta dito sa Baguio noon at dahil sa binigay sya sakin ni Mr. El bilang pasyente, pagkakataon ko na ito na para makausap o makasama si Wendy.

Pagkarating ng pagkarating ko sa tapat ng malaking pananiman ng strawberry ay agad naman bumungad sakin si manong Jerry, at nang magpakilala ako ay ngumiti agad sya.

"Ikaw po pala yon ma'am. Pasok po., ako si Jerry, isang sa mga tauhan ng pamilyan San Pedro. Medyo malayo pa dito yong bahay nila, basta po tuloy tuloy nyo, Wag kang liliko saka mo makikita ang nag iisang malaking bahay dun na po" sabi nya

"Ah, ganun po ba? Salamat po"

"Sige po, sana po matulungan nyo nga po ang batang yon. Namimiss na namin ang masayahing sya. Kahit po kami nasasaktan dahil sa mga nangyari at nararamdaman nya ngayon" malungkot na sabi nito kaya naman napahigit na lang ako ng hininga. Kahit nga ako na hindi ko pa gaano kakilala sya naaawa ako sa kanya pano pa sila na nakasama na nila ng matagal.

"Susubukan ko po talaga, kahit ako gusto ko lang na maging masaya sya. Wala sino man ang deserving na mamuhay sa kalungkutan" sabi ko naman

Ngumiti naman si Manong saka napatango tango saka ako nagpatuloy sa pagdadrive hanggang makita ko ang tinutukoy nyang bahay.

Napatingala ako sa lake ng bahay. Wow! Mayaman nga sila.

"Jisoo?!" masayang salubong sakin ni tita/Mrs. San Pedro bago ko pa mapagmasdan at madescribe sa isip ko ang bahay nila.

Sa Manila ay may bahay din sila at malaki din iyon. Dito lang sila nag sstay daw pag bakasyon pero since kakapanganak palang ni Wendy at wala pa syang ganang bumalik sa school ay nandito sila. Dito din talaga gustong magstay si Wendy dahil sa dito sila unang nagkakilala ni Alfie.

Pagkapasok ko ng pagkapasok sa bahay nila ay sumalubong agad sakin ang blangkong at walang buhay na mga mata ni Wendy na nakatingin sakin, ngumiti naman ako saka nagsabi “Musta?"

Nagbawi lang sya ng tingin saka umalis na.

Wala naman kaming nagawa ni tita kundi magkatinginan "Pagpasensyahan mo na ah. Alam mo naman pinagdadaanan nya. Halika kain ka muna at mahaba yong binyahe mo" sabi nya kaya naman tumango ako

Habang kumakain ay nagpaalam muna si titang iiwan ako mag-isa dahil sa may gagawin sila sa pananiman kaya tumango naman ako.

Kahit kumakain ay maiwasan mapaisip kung ano pa ang dapat kung gawin para makausap si Wendy. Gustong gusto ko syang tulungan hindi lang dahil sa yon ang trabahong binigay sakin kundi dahil sa tulad ng sinabi ko kay manong ay walang sino man na taong deserve na mabuhay sa kalungkutan. Lalo na ang kasing bata pang tulad nya.

Ang bata bata nya pa para marananasan ang pagkawala ng minamahal at parang maramdaman na mapag-iwanan ng subrang lagi at bigat na resposibilidad bilang isang nanay. Ang pagiging magulang ay hindi madali kahit nga isipin palang ay nakakakaba na at nakakatakot pano pa kung nasa sitwasyon nya, yong hindi makasama sa resposiblidad ang kasama nyang gumawa nito.

"Ok lang po ba kayo ma'am?" tanong naman ng tagaluto nila si Aling Inday

'Ok lang po. Kain po tayo" pagyaya ko

"Tapos na po. Ma'am, sa tingin nyo po ba mababalik pa ang dating si Wendy. Pakiusap po ma'am, gawin nyo ang lahat para lang matulungan sya. Lahat po kami nag aalala sa kanya dahil sa hindi sya makausap at hindi namin kung ano ang tumatakbo sa isip ng bata iyon. Nalulungkot po kami sa kalagay nya" sabi naman ng ale

"Wag po kayong mag alala, susubukan ko po" yon na lang ang sinabi ko, hindi ko kayang sabihin na sinisigurado kong mtutulungan sya dahil sa hindi ko naman talaga alam kung kaya ko pero susubukan ko.

Pagkatapos kong kumain ay kumatok ako sa kwarto kong nasan sya at si baby Celine. Inaalagaan si Lourdes, ang tagabantay habang si Wendy ay nakaupo lang at nakatingin sa anak nyang magiliw na kinakausap ng tagabantay. Walang emosyon ang mata sa mga mata ni Wendy pero makikitang nakabantay din sya sa gagawin ng anak nya dahil sa nakasunod ang mga mata nya dito.

"Hi, little ganda" sabi ko naman saka lumapit sa kanya "happy 6th month old" sabi ko saka pinakita yong gift kong laruan na pinag-isapan pa nila Nate at Cole. Sila kasi yong mahilig sa bata kaya sila ang pinaisip ko kung ano ang pwede bilhin at nagpasama na din sa kanila.

Bigla naman ngumiti si baby kaya napangiti na din ako "Ohh, what's the meaning of the smile? You want to say thank you?" sabi ko saka kinurut-kurot ng kunti ang malulusog na pisngi.

"Gusto nyo po bang kargahin" tanong naman ng tagabantay na halatang mas bata pa sakin. Parang kaedad lang ni Wendy.

Nailing naman ako agad "Hindi. Baka mabalian ko sya" natataranta at natatakot na sabi ko dahil sa parang binibigay nya na sakin yong bata. Hindi pa ako nakakapagkarga ng ganyan kababy. Ngumiti naman yong taga bantay at tumango tango na lang.

Kahit hindi ko pa nagagawang makipaglaro at makipag-usap sa ganito kabata at hindi pa nagsasalitang baby ay ginawa ko dahil sa yong ang sinabi nila V, nagsearch pa ako kung pano gawin yon sa internet.

Halos mag-iisang oras na pakikipaglaro ay nakatulog na yong bata sa tulong ng tagabantay na si Lourdes, pinagtimpla nya ito ng gatas ng hindi na matigil sa pag iyak at sinayaw sayaw para makatulog.

"Ok lang po bang iwan ko muna kayo dito?" tanong naman ni Lourdes/Des, "Maliligo muna po ako"

Tumango naman ako habang nakangiti, sinundan ko sya ng tingin hanggang makalabas ng pinto saka ko nakita si titang nakasilip, ngumiti naman ito ng makita ako saka umalis na.

Yon din kasi yong gusto nya, yong bigyan kami ng pagkakataon na makapag-usap na kami lang. Baka daw kasing hindi makapagbukas o ayaw makapagbukas ng nararamdaman si Wendy pagmadami kami.

"kamukhang kamukha mo sya" sabi ko habang nakatingin kay na mahimbing na natutulog sa crib saka tumingin kay Wendy, na nakatingin lang din sakin pero bumawi ng tingin ng makita akong tumingin sa kanya.

Kung titignan para si Wendy ang anak nya, yong kahit alam mong hindi sasagot o makaksagot ay kaylangan mo lang silang kausapin ng kausapin para matutong makapagsalita si Celine habang sya kaylangan kausapin din ng kausapin kahit hindi sumasagot baka sakaling piliin magsalita ulit.

"Nasubukan mo na bang kargahin sya?" tanong ko ulit at tulad ng inaasahan ko wala akong natanggap na sagot mula sa kanya.

Tumango tango naman ako "parang nakakatakot magkarga noh? Parang hindi mo pa nga nahahawakan naiisip mo na agad na hindi ko kaya baka mabalian. Pero totoo din pala yong sinabi nila na nakakawala ng pagod ang mga bata" nakangiti kong sabi.

Totoong ngiti ang lumabas sa mga labi ko nung sinabi ito dahil iyon ang totoo, nung ngumiti sya sakin kanina parang nawala yong pagod ko sa byahe, pagod sa kakaisip kung ano ba ang dapat kong gawin para matulungan si Wendy para hindi na sya maging malungkot at hindi na mag alala ang mga taong nasa paligid nya at mga nagmamahal sa kanya pati yong takot na baka hindi ko magawa ang dapat kong gawin kung bakit ako nandito na bawasan dahil sa isang ngiti lang na magandang anghel na itong mahimbing na mahimbing na natutulog.

***

Nakaisang lingo na ako na nag-sstay dito sa bahay nila sa Baguio ay wala pa ring pagbabago kay Wendy, hindi pa rin sya nagsasalita. Hindi pa rin sya makausap at lagi na lang nakatingin kung hindi kay baby Ceine sa kawalan. Wala man nagbago sa kanya ay ramdam ko naman ang pagbabago sakin, yong nagiging malapit na sa puso ko ang baby nya. Hindi ko pa rin sya makarga pero hindi na maalis ang mata ko sa kanya kahit naglalaro lang sya mag-isa ay napapangiti ako nito. Kahit nga dumilat lang sya mula sa pagkakatulog ay nasisiyahan na ako.

Ang saya siguro magkaroon ng sariling baby, tulad nya lalo na kung handa ka na talaga, emotionally, physical and mentally.

Tulad ng kadalasan nyang ginagawa ay tulala sya ngayon habang ako nakatingin lang sa kanya pero bigla syang dumilat at kunting segundo lang ay umiyak na ito ng umiyak, natataranta naman ako dahil sa wala si Lou, nagpaalam na kakain muna ito. Tatakbo na sana ako pababa para tawagin si Lou nang mapahinto ako dahil sa inabot ni Wendy ang dede ng anak nya.

Oo nga pala, bakaa gutom lang ito. Iyon lang ang ginagawa ni Lou pagnaiyak na galing sa tulog eh. Agad ko naman binigay yong dede kay baby kaya napatigil ito.

Ngumiti naman ako saka tumingin kay Wendy haban

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus