Chapter 12

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

Naging matagumpay yong last day namin, pero kahit ganun ay hindi ko maramdaman yong kasiyahan ng pagtatapos ng OJT dahil sa nangyari kanina.

Hindi nya ako mahal. Kasi kung mahal nya ako hindi sya papayag agad na itigil yon diba? Baka talagang gusto nya na yong si King at hindi nya lang masagot dahil sa may kami. Pero napag-usapan naman namin na ok lang basta sabihin namin sa isa’t isa na magjojowa na ang isa at papayagan naman namin dba? Pero kung hindi nya talaga gusto yon bakit parang ang saya saya nya kasama yon?

“Hoy? Uwi ka na ba ngayon?” tanong ni Bev.

“Hindi ko alam kung kaya kong bumyahe. Hindi mabuti ang pakiramdam ko eh” sagot ko naman.

“Halata nga, kanina pa. May sakit ka ba?” sabi nya saka hinawakan ang noo ko.

“Wala. Bukas na ata ako uuwi. Dun muna ulit ako ah?” sabi ko.

“Sige, hindi din mabuting bumyahe ng masama ang nararamdaman”

Habang nakatambay kami sa bahay ay tumawag ulit si Jennie sakin.

“Jen?” sabi ko

“Uuwi ka diba?” tanong nya naman

“Hindi eh”

“Huh?! Akala ko last day nyo na. Nandito pa naman kami kila V may jamming daw” sabi nya.

“Ah kasi plano ko sanang bukas na lang yong uwi ko”

“Ah, ganun ba. Sige. Ingat ka bukas”

“Sige. Salamat”

“Sige” sabi nya saka baba ng tawag

Habang nag-iisip ako kung uuwi ba ako o hindi ay kinalabit naman ako ni Bev na ngiting ngiti saka pinakita yong pinost nya na mukha ko habang nakatulala na may caption pa ‘tulala men? Nakakatulala ang ganda ko? hahaha’

Napangiti naman ako “Pasaway” sabi ko saka tumayo “Uwi pala ako”

“Hala, minsan ka lang binully aalis ka na agad?”

“Hindi, nagkaroon ng rason para umuwi ako” nakangiti kong sabi.

“Sya sige, ingat ah” sabi nya kaya kinuha ko yong gamit ko sa loob ng kwarto at agad ng nagbyahe.

Hindi naman masamang umuwi para sa kaibigan diba? Namiss ko sya kaya naman uuwi ako para makajam sya. Baka ngayon na lang din nanaman kami magkita.

Mga 3oras din yong byahe pero hindi ko ininda ito dahil sa pag-asang makikita ko sila. Inaabot sila ng hating gabi pagnagjajamming kaya naman sigurado akong nandun pa sya lalo na ngayon. Ngayon lang sila nagkaroon ng oras magkakasama, susulitin nila yon.

Nang makarating, maiparada ko na aang kotse ko sa labas ng Bh nila Cole ay kinuha ko ang cp ko at dun ko nakita ang dalawang text messages from Jennie.

Sweetie ko: Pst! My tanong ako.

Sweetie ko: oo o hindi?

Hindi muna ako bumaba sa kotse at nagreply Anong oo o hindi?

Sweetie: Basta. Oo o hindi? Sasabihin ko sayo ang tanong pagkasagot mo.

Ngumiti ako. Anong trip na naman nito?

Hindi man sigurado kung ano ba ang tanong ay nagreply akong Oo.

Oo mahal kita. Sagot ng isip ko. Kaya oo.

Sweetie ko: sure ka?

Umiling iling naman ako at bumaba na ng kotse. Nasa loob naman sya kaya sa loob ko na sya kakausapin.

“Oh, akala ko bukas ka pa?” gulat na sabi ni Cole ng makita ako

“Ah, nabored ako eh” sabi ko saka kumuha ng lumpia at nakipagbatian sa mga nandun pero yong gusto kong makita ay wala na.

“Oh” sabi ni V na may inabot ng juice

Ngumiti ako “May kanin?”

“oo, dun ka na” sabi ni Cole saka tinuro yon kusina. Sinunod ko naman yon pero kahit nasa kusina na ako hindi ko parin makita ang gusto ko makita.

Baka nasa cr.

“May hinahanap ka?” tanong naman ni V na umupo sa tabi ko “Umuwi na si Jennie. Nang sunduin sya ni doc ay umuwi na sya” sabi nya kaya napatango na lang ako “Nakatanggap nga sila ng mga pang-aasar muna bago umalis eh” sabi nya kaya napailing ako.

Naiisip ko kung tapos na ang pag OOJT namin at napapalapit na ang graduation ganun din silang mga nursing students, ibig sabihin manliligaw na talaga si doc sa kanya. Hinihintay nya lang matapos ang internship ni Jennie sa kanila para makaporma.

“Sa tingin ko nangliligaw na yon kay Jennie” sabi ni V na narinig ng kakapasok lang sa kusinang si Cole.

“Alam naman natin may balak yon. Pero 1month pa bago matapos internship natin ganun din nila Jennie. Sabi nya hihintayin nya” sabat ni Cole.

Tapos na ang OJT namin pero yong mga nursing students ay hindi pa. Mas matagal ang internship nila kaysa samin. Mukha ngang simula pa3rd year at ginagawa na nila yon. Halos lagi na silang nasa hospital.

“Well, ayaw lang ni doc ligawan si Jennie muna because she’s under his supervision na ngayon wala na” sabi ni V na kinatingin namin ni Cole. “Hindi mo ba narinig kwento kanina ni Jennie?” tanong nya kay Cole “inendors sya sa isang pang hospital nila doc. Which means hindi na sa pinagtatrabahuhan ni doc si Jen kundi sq ibang hospital na at hindi na nya ito supervisor” pagpapatuloy ni V.

Bakit hindi ko alam yon? Bakit hindi na banggit ni Jennie yon?

“Oh!” sabi ni Cole na parang nakuha na ang sinasabi ni V “napag usapan yon sa family meeting ni Jen with doc nung nakaraan araw?”

Tumango si V.

Ibig sabihin nalaman ni Jen yong plano ni doc nung gabing nagkatampuhan kami kaya hindi nya na naikwento?

Kaya ba sya nagtatanong kung uuwi ako dahil dun? Gusto nyang ikwento sakin kaya nagtanong sya kung uuwi ako.

Napabuntong hininga ako saka pinilit na ubusin ang parang wala nang lasang lumpia o ako lang ang nawalan ng gana.

Pinili ko na lang kunin ang cp ko dun nakita ang reply nya.

Sweetie ko: gusto na kasing mangligaw ni doc. Yong tanong ko sa oo o hindi ay kung papayagan ko pa syang mangligaw.

Confirm nangliligaw nga” sabi ni Cole saka pinakita sakin yong cp nya.

Hindi pa nga ako nakareact sa nakita ko sa cp ay dinagdagan pa ni Cole ang bigat at sakit na nararamdaman ko na pilit kong tinatago para hindi nila makita.

Sa fb post ni King ay kasama nya si Jennie sa picture na nakangiti pareho habang may caption na ‘Now, I can finally say it that I really like you. Pwede na ata kitang ligawan?’

“Grabe naman si doc. Hindi man lang hinintay talagang matapos yong internship. Gumawa n lang ng paraan para hindi na maghintay” sabi ni Cole.

“Knowing Jen, madaming mangliligaw si Jen. Baka pati dun sa hospital ay may magpaparamdam sa kanya maliban kay doc” sagot ni V sinang ayunan naman ng isip ko.

Nakukwento nga ni Jennie yong ibang nagpaparamdam sa kanya na yong iba kapareho

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus