Chapter 19

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

~Jisoo

Inaantok pa ako pero pinili ko ng gumising dahil sa alas 9 na ng umaga, nagugutom na din ako. Kaylangan ko magluto ng pagkain ko dahil sa wala sila V, nasa trabaho pa. Wala akong mabuburaot ngayon.

Malapit na ako sa kusina ng maamoy ko ang amoy ng pancake.

Napakunot naman ang noo ko, hindi kaya pumasok si V dahil sakin? Nag-aalala pa rin sya sakin kaya nandito pa sya?

“Good morning!” masayang bati ng magandang dilag na dumalaw sa panaginip ko kagabi.

Napakurap ako ng ilang beses, ilang beses ko din kinusot ang mga mata ko pero hindi sya naglaho sa paningin ko.

Panaginip pa rin ba ito?

“Kain na?” masaya nyang sabi. Hindi ko sinagot ang tanong nya, lumapit lang ako sa kanya habang sya nakangiti lang.

Ang ganda nya. Walang kupas. Kahit sa panaginip ay hindi nababawasan ang ganda nya at ang tama ko sa kanya. Pati yong takbo ang puso ko ay bumibilis pagsya ang kasama, gising man o sa panaginip ko man.

“Hindi ito panaginip pati yong kaninang madaling araw” sabi nya saka sya yumakap, hindi ko naman nagawang yumakap pabalik sa kanya dahil sa hindi pa napoproseso ng puso at utak kong nandito sya.

Binigyan ko sya ng pagkakataon at oras magdesisyon, bakit sya nandito agad?

“Bat nandito ka?” tanong ko, kumalas sya saka ngumuso habang nakatingin sakin ng masama.

“Miss kita, ayaw mo?”

“Jennie, dba may usapan tayong magdedesisyon ka muna. Hahayaan natin ang isa’t isang magkaroon ng oras”

Tumango sya “Nakapagdesisyon na ako. Ikaw ang piniliin ko at patuloy na pipiliin” nakangiti nyang sabi saka kiniss ako sa labi, saglit lang.

Huminga ako ng malalim “Hindi pwedeng ako ang piliin mo, hindi na ba kayo?”

“Wala na. Nung gabi pa nang makauwi tayo galing kila Wendy. Hindi nya naman matanggap yong rason ko kung bakit ako nakipagbreak, akala nya hindi ako seryoso at nagtatampo lang ako kaya nung sumunod ako sa Boracay ay akala nya para sa kanya yon pagpunta ko dun. Pumunta ako dun para sayo, gusto sana kita pigilan na sagutin ang pinsan nya kaso dumating ako na tapos na” kwento nya.

“Kaya hindi ko pa masabi sayo yong break up namin kasi hindi ko naclear sa kanya na seryoso ako, na dapat pa namin pag-usapan para klaro sa isa’t isa nawala na talaga kami” pagpapatuloy nya, habang ako nakikinig lang at hinihintay sya matapos bago tuluyang maging masaya. Baka kasi sa huling sentence na sasabihin nya ay may pangbawi at pananakit ulit. Sinanay nya akong pasayahin pagkatapos papalitan din ito ng sakit kaya hindi mo na ako pwedeng magsaya ngayon hanggat hindi nya nasasabi lahat ng gusto nyang sabihin.

“Hindi ko masabi sayo pa na ikaw ang mahal ko, na napagtanto ko na boba ako ng umuoo akong tapusin ang 24hrs. challenge natin” ngumiti sya bago ipagpatuloy yong sinasabi nya, ako naman pinipili hindi mapangiti at kiligin sa mga sinasabi nya pero ang totoo nabubura na naman ng mga ngiti nya ang pangamba ko.

“na dapat tinotoo natin na lang yon. Boba ko na dun palang sa sakit na nabigay ng hiwalayan natin sakin hindi ko pa napagtanto na mahal kita higit pa sa pagkakaibigan. Na kaylangan ko pang mamiss ka araw araw dahil sa ramdam kong linalayo mo sarili mo sakin. Boba ako na pumayag na ligawan ako at sagutin ko si Jerome, oo, gusto ko sya pero ikaw ang mahal ko, noon hindi ko…” tumigil sya saka ngumiti pinipigilan ang emosyon nya at ang pagtatangka ng mga luha nyang lumabas sa mga mata nya “pa alam pero habang tumatagal na wala kang paramdaman sakin lalo akong nasasaktan, lalo kitang namiss kaya naman nung nakaroon ng pagkakataon na magkita tayo sa hospital ni El, gumawa ako ng paraan para hindi na ulit yon ang huli nating pagkikita. Gumawa ako ng paraan para magtuloy tuloy yong muli nating pagsasama. Sumabay ako kila V dahil sa gusto kita makita at makasama” humihikbi na sya kaya ko sya yinakap.

Hinayaan kumalma muna ng kunti para ipagpatuloy ang sasabihin nya, ayokong magsalita gusto kong marinig lahat ng sasabihin nya. Gusto kong marinig lahat ng iyon dahil yon ang mga salitang matagal ko ng gustong marinig mula sa kanya lalo na yong salitang mahal nya ako.

Ilang saglit pa ay parang gumaan na ang paghinga nya at nababawasan ang hikbi nya nang maramdaman ko ng kurot nya sa tagiliran ko kaya napa aray ako at napakalas ng yakap sabay tinignan sya.

Bakit kaylangan may kurot?

“Sumunod ako dun kila Wendy, naglakas ng loob kahit hindi ko kilala yon tao tapos aabutan ko lang magkayakap kayo habang nakangiti” nagtatampo nya ng sabi habang ang mga luha nya ay patuloy pa rin sa pag-agos, tinitignan nya na ako ng masama ngayon.

Kinagat nya muna ang ilalim na labi nya, Pwede bang ako na lang gumawa nun para kanya? Kaya ko din kagatin yon habang nagkikiss kami. Ang hot eh!

Bago pa ako madala ng malandi kong pag-iisip ay nagsalit ulit sya habang nakatingin sakin “Hindi ka pa nakontento, pinuntahan mo pa sya habang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nya tapos may pagyakap? Habang ako iniwan mo kila V” nakanguso nyang sabi saka umirap at maarteng pinunasan ang luha sa mga mata nya. Ngumiti ako. “Hindi kita pinapangiti” asar nyang sabi kaya pinigilan kong ngumiti.

“At dahil dun napagtanto ko na nagseselos ako sa binibigay mong atensyon kay Wendy. Kahit noon pa naman alam kong ayaw kong nakikita kang masaya sa iba, gusto ko sakin lang an atensyon mo, gusto ko akin ka lang. Sa pagkakataon yon dun ko na natanggap at nalaman na hindi lang yon selos bilang kaibigan dahil mahal nga kita at ayoko lang maging kaibigan mo” hindi tulad ng nauna nyang sinasabi na parang masaya sya sabihin na mahal ako, ngayon parang nagtatampo na syang inamin na mahal nya ako.

Ngumiti ako “Kaya pala ang lakas ng loob mong mang-akit sa Boracay kasi wala na kayo at ako yong mahal mo talaga?” pang-aasar kong sabi kasabay ang malaking ngiti sa mga labi ko na umabot sa aking mga mata.

Hindi ko mapaliwanag ang kasiyahan ko sa mga narinig ko. Ito talaga ang ibig sabihin ng ‘good morning’ o dapat pala ‘great morning’.

Napa’huh!’ sya at napaikot ng mga mata sa sinabi ko “Akit talaga?? San parte dun??”

Natawa ako saka linagay yong daliri ko sa may baba na parang nag-iisip “Yong naghubad ka sa harap ko?” pilyang tanong ko saka umiling iling “Hindi. Hindi pa dun. Yong sinakto mong tapunan ng beer yong suot ko para pumunta sa cr at dun ako halikan?”

“Hindi yon sadya ah!” depensa nya habang namumula ang lumulubong pisngi. Tumawa na lang ako dahil sa napipikon na naman sya.

“Tsk! Excuse me, ikaw yong kumanta ng maari ba habang nakatingin pa sakin. Ikaw yong nang-aakit. Wala pa ngang ginagawa yan labi mo nang-aakit na, kumanta ka pa talaga ng ganun habang nakatingin sakin ng diretso at seryoso” sabi nya saka nagsalita ulit “Ano pang ineexpect mo?”

“Ikaw kasi, kayo ni Jerome may paghawak kamay? Para san yon, diba sabi mo break na kayo dun bakit may paghawak kamay?”

“Wow! Kumusta naman yong may pagbubulungan at pag-akbay ni El na parang wala lang sayo?!” sagutan na namin na hindi na pareho natutuwa dahil sa naalala namin ang mga ginawa ng isa’t isang hindi namin kinatuwa.

“Wala ngang malisya yon sakin kasi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus