Chapter 25

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

“Pumayag na. Halika na” masayang sabi ni Jisoo ng makita nya ang reply ng nobya kaya tumango si Bev at naglakad na sila papunta sa coffee shop.

“Pinayagan ka? Alam na ako kasama mo?” tanong ni Bev kaya tumango sya “Ibig sabihin hindi na sya gaano kaselosa?” tanong nito at bago pa makasagot sya ay tumawa ito kaya napatingin sya dito“sorry. Naalala ko lang yong mga tingin nya sakin lalo na pagmagkasama tayo. Napakahalata, manhid ka lang hindi mo yon naramdaman dati pa. Pero totoo nag ienjoy ako na nakikita syang inis” natatawang sabi ng kaibigan “ang hindi ko lang maintindihan bakit kaylangan magselos, e hindi ka naman nga kagandahan?”

“hoooy! Pagkatapos natin magkape pasched ka kay doctor Shon, Ophthalmologist yon. Sira na ang mata mo” pagbibirong sabi ni Jisoo saka pinagbuksan si Bev ng pinto at sumunod dito sa pagpasok sa coffee shop.

Tumawa si Bev “pero seryoso mas nagagandahan ko pa nga yon kaysa sayo. Kung ako tatanungin hindi nya kailangan mag selos sakin kasi kung may magugustuhan man ako sainyong dalawa siguradong sya yon. Kaya pagpinakawalan mo pa sya alam mo na isa ako sa magbabakasakaling sasalo sa kanya” sabi nito na nakapagpaani ng masamang tingin ni Jisoo. Tumawa ulit sya “upo ka. Order muna ako” sabi nito saka umorder ng kape. Hindi nya na tinanong si Jisoo kung ano ang gusto dahil alam nya naman ang lagi nitong inoorder,ice chocolate.

Pagkaorder nya ay hinanap nya si Jisoo, agad nya naman ito nakita kaya pinuntahan nya ito at umupo sa harap nya. Tinignan ni Jisoo ang resibo at kumuha ng pera sa wallet.

“Bayad ko. Hindi na ako magpapalibre sayo simula ngayon” sabi nito saka inilapag ang pera sa mesa, natawa naman si Bev dahil dun.

Minsan lang magpalibre si Jisoo. Pili lang din ang tinatanggap nyang libre, sa mga kaclose nya talaga o pagmay handaan lang sya kumain ng libre pero pagmula sa ibang tao at walang okasyon ay hindi nya tinatanggap. Lagi nila nang ginagawa ni Bev ang paglibre sa isa’t isa simula ng mag OJT sila.

“Bakit? Dahil sa mas nagagandahan ako sa jowa mo? Yiieeh! Gusto nya sya lang ang maganda sa mga mata ko” pang aasar ni Bev sa kanya.

“Hindi yon. Yong iniisip mong magbebreak kami ang hindi ko gusto at sasaluhin mo?”

Mas natawa pa si Bev “kung may pag asa, kahit alam ko namang makita nya palang ako nababadtrip na sya. Atleast may dating ako sa kanya” sabi nya nakapagpailing kay Jisoo “Kunwari naghiwalay nga kayo. Anong tip ang ibibigay mo sakin para pumasa kay Jennie?” tanong pa nito.

“******* mo!” malutong na mura ni Jisoo kaya mas humagalpak pa ng tawa si Bev. “Hindi kami magbibreak”

“Minsan ka lang o ngayon ka lang magmura pero mas malutong pa sa lechon kawali na kain ko kanina” natatawang sabi. “Pero wag talaga. Dahil sa hindi lang kayo ang malulungkot pagnaghiwalay kundi kaming mga shippers nyo”

“Tsk! Shipper ka? Kakaamin mo lang na gusto mo gf ko”

“Sinabi ko na kung may magugustuhan ako. I do appreciate and admire girls like us but yong like naman na hindi aabot sa gustuhin maging jowa. I’m just kidding nung sinabi ko yong sasaluhin. Wala din akong pag asa dun” natatawang sabi nito.

Sa pagkakataon ngayon ay si Jisoo naman ang natawa “Kaylan ka pa naging conyo?”

“Magmula ng magtrabaho ako sa probinsya. Ang hirap kasi magsalita dun ng Filipino, mas nagkakaintindihan pa kami pag nageEnglish ako. Ang hirap. Feel ko nga nauubusan na ako ng dugo. Nosebleed na pagginagamit nila ang dialect nila mas naman pagpinipili nilang English ang gamitin” sabi naman ni Bev saka para nanghinang sinandal sa mesa ang ulo nya. “Pero masarap ang buhay sa probinsya” sabi nito saka ngumiti.

***

Masayang naglalakad si Jisoo pabalik sa hospital dahil sa kahit kunting minuto lang ay nakasama nya ang isa sa mga tinuturing nyang matalik na kaibigan, na so Bev.

Linabas nya ang cp nya saka nagtext “Sweetie, pabalik na ako. Musta? Naka uwi na dad mo?” pagkatext nya ay dumiretso na sya sa office nila.

Pagdating nya ay kumatok muna sya at pumasok, naabutan nya si Doc El sa upuan nya habang si doc Krystal ay nasa may sofa na hinihilot ang ulo nya pero agad din ngumiti ng makita sya.

“Hi, miss Jisoo” nakangiti nitong bati.

“Good afternoon po doc”

“Can I have a coffee?” request nito sa kanya kaya tumango naman sya.

Habang nagtitimpla ay narinig nya ang reklamo ni El. “Ginawa mo ng coffee shop dito ah”

Ngumiti si Krsytal “Pagbigyan mo na. Simula ng ipagtimpla ako ng assitant mo ay hinahanap hanap na ng panglasa ko ang kapeng timpla nya. Kaya siguro ang hindi dati nagkakapeng ikaw ay nahilig na din noh?”

“Huli ko lang na pagtantong nakakarelax ang kape” sagot naman ni Doc El

“Kaya pinagtimpla din kita doc” nakangiting sabi ni Jisoo saka inabot ang kape ni El saka pumunta kay Krystal “Para sayo po doc” sabi nya dito.

“Thanks, Jisoo” nakangiting sabi nito “Ok lang na Jisoo na lang tawag ko sayo?”

“Kayo po bahala” sagot nya naman.

“Ako bahala kung ano itatawag ko sayo?”

“opo doc”

Ngumiti ito ng pilya bago magsalita “Then, let me call you mine” sabi nito na nakabigla kay Jisoo at nakatanggap naman ng masama tingin mula kay El “What? She said I can call her anything”

Ilang na tumawa si Jisoo “Maliban dyan doc”

Malalagot ako nyan sa gf ko eh pagpapatuloy ni Jisoo sa isip nya.

“ok. What about love?” patuloy na banat ni Krystal “or babe? Baby?”

“Krystal?” diin na tawag sa kanya ni El.

Tumawa si Krystal “Ito naman nagbibiro lang. Nagseselos ka agad. Kanina ka muna nagseselos? Sakin o kanya?” dahil sa pagsabat ni El sya tuloy ang naging target ng pang aasar ng doctora.

Tinignan ni Doc El sya ng seryoso kaya naman pabirong nagtaas ng kamay ito na parang sumusuko at uminom na lang ng kape. “Hmn, nakakarelax talaga ang kape” pilya nyang sabi saka tumingin kay El “Inumin mo na ang kape mo para marelax ka na” dagdag nito na sinagot lang sya ng iling ni El. “Jisoo?” tawag nya naman sa ating bida “I’m just kidding ah, baka mailang ka na”

Ngumiti si Jisoo “ok lang po doc”

Tumango ito sa kanya habang nakangiti, nang akala ni Jisoo ay tapos na ito sa kapilyahan ay nagsalita ulit “so ano sa mga pangalan na binanggit ko ang mas gusto mong itawag ko sayo?”

“Ah… ano… Jisoo. Yon na lang po” sabi nya.

Ngumiti naman si Krystal “ok. Pero mas gusto ko sana yong babe” sabi nito saka kumindat.

“Krystal” pagsaway ulit ni El.

“Ok. Ok. Nag aasal teacher ka ngayon hindi doctor El” sabi ni Krystal na nakangiti parin.

“At asal hindot ka ngayon, nakakahiya naman sa lisensya mo” sagot naman sa kanya.

“Nagbibiro lang kasi. That is how I make friends. Nagbibiro para maging komportable ang isang tao sakin” sabi nito.

“The way you do it, it’s kinda flirting not joking. At hindi ka ganyan sakin nung una kaya hindi ka ganyan makipagkaibigan” sagot naman ni doc El.

“oh? Sinasabi mo bang mas gusto mo kung linandi din kita nung una nating pagkikita?” hindi matapos tapos ang kapilyahan sagot ni Krystal

Huminga na lang ng malalim si Doc El na parang nauubusan na ng pasensya na kinagulat ni Jisoo. Sa ilang buwan nilang magkasama sa trabaho minsan lang mainis ito at sa nakikita nya na parang ang dali lang gawin ito sa kanya ni doc Krystal.

“Shut up. Kung hindi ka magtatrabaho, wag kang manggulo ng ibang gusto magtrabaho” seryoso nitong sabi saka binalin ang atensyon sa mga papel o trabahong nasa harap nya, kaya napatikom ng bibig si Krystal saka parang zinip pa ito sabay tingin kay Jisoo at nagsign na wag maingay.

Pinigilan naman ni Jisoo ang matawa dahil seryoso na ang boss nya pero ang hirap gawin iyon dahil sa mapang asar na doctora sa harap nya.

Hindi mo aakalain na sa initimidating nyang aura ay may nakakobleng mapang asar at parang pasaway na batang pagsinasabihan na imbes na tumigil ay mas nangigigil gumawa ng kapilyahan.

***

“V!” tawag ni Jisoo kay V ng makita nya ito “Nakita mo ba si Jennie?” dagdag nyang tanong dahil sa kanina pa sya ngtetext sa nobya ay wala man lang natanggap na reply dito kahit isa. Lahat ng ginagawa nya ay inaupdate nya ito tulad ng lagi nilang ginagawa sa isa’t isa pero si Jennie pagkatapos ng lunch nila ay hindi na nagreply pa. Last na reply nito nung magpaalam sya kasama si Bev.

Hindi naman siguro dahil dun kaya hindi sya nagrereply dba? Ok naman sabi nya kanina eh Nag aalalang sabi ni Jisoo sa isip nya.

Alam nyang madaling magtampo si Jennie pero ayaw nyang mangyari ito ngayong araw. Para sa kanya ay espesyal ang araw na ito sa kanilang dalawa. Hindi na nga nila nasulit dahil sa may trabaho sila at pag aalala ni Jennie sa kalagay ng dad nya, kaya hindi nya gusto may mangyari pang tampuhan o may nagtatampo na nga?

“Ang alam ko umuwi sya kasama ng dad nya. Ewan ko lang kung bumalik pa” sagot naman sa kanya ni V “Pauwi ka na ba?”

“oo eh. Sabi nya bago sya umalis sa bahay kanina sabay kami uuwi pero hindi kasi sya nagrereply”

“Ganun ba? Baka naging busy sa dad nya. Uwi ka muna. Magrereply din yon”

Malungkot naman tumango si Jisoo. Pagkarating nya sa bhaus nila ay kumakain si Cole. Nang makita naman sya nito ay tumigil muna ito saka inilabas ng cp na parang may tinetext.

“Wala k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus