Chapter 13

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

Kahit hindi mawala wala ang sakit ay pinilit kong mamuhay ng normal. Hindi ipakita sa mga nakapalibot sakin ang pagkadurog ako at pilit ito tinatakpan ng mga ngiti sakin labi.

Hindi ako sanay na magpakita ng kalungkutan sa mga taong nakapalibot sakin, ayoko na silang mag-alala pa lalo na si V. Alam kong sasabihin nya ito kila nanay at kuya, ayoko na silang mag-alala pa.

Ilang buwan ulit ang nakalipas, masasabi ko nang medyo nabawasan na ang kalungkutan at sakit o nasanay lang ako sa pagkukunwaring na masaya ako at hindi durog.

Basta may nagbago, hindi na tulad ng dating nangiti pagkaharap ng mga tao sa paligid pero pagmag-isa lang sa kwarto ay dun ibinubuhos lahat ng sakit at kalungkutan.

Halos araw-araw ito noon kaya siguro kusang tumigil na lang ang mga luha ko sa pagbagsak isang araw dahil sa naubusan na ito o napagod na ito sa kakapatak. Ngunit kahit ganun ay ramdam ko pa rin yong kakulangan. Na nagiging masaya ako pero pagkatapos nun ay bigla bigla na lang ako makakaramdamn ng lungkot nang walang dahilan o hindi ko mawari kung ano ba ang dahilan.

Nagkakulang ang buhay ko ng pinilit ko syang alisin sa buhay ko. Pero hindi ako nagsisising pinili kong hindi kami maging tulad ng dati dahil ito ang nararapat. Hindi naman pwede may nararamdaman ako sa kanya at magpatuloy kami sa kung ano kami dati baka hindi ko mapigilan ang sarili kong makapagtake advantage sa kanya. Ayoko nun.

“Nakakainis at nakakabwisit na buhay ito” umiiyak na sabi ni Ricky saka tumungga ulit sa bote ng alak na hawak.

Kaibigan at kaklase ko sya nung college, nandito kami ngayon sa isang bar dahil sa napag-usapan sa group chat na may jamming ang mga barkada kaya naman pumunta na din ako.

Isa din yon sa nag-iba sakin, kung dating mas pipiliin kong sa bahay na lang noon ay ngayon kung meron magyayayang gumala at wala naman akong trabaho o raket ay sumasama na ako. Pamatay oras lang, para hindi na ako magkaroon ng alone time at hindi na makapag-isip isip ng kahit ano.

“P*ta! Walang natulong ang mga pinag-aralan natin sa tindi ng sakit na nararamdaman ko ngayon” dagdag nya habang umiiyak pa rin.

Napatawa naman kami dahil sa nadamay pa ang pinag-aralan namin.

​“Mali ata yong inumin na nakuha mo” sabi ng katabi kong si Bev ng kunin ko ang isang baso ng alak sa harap ko saka nya ito kinuha at pinalitan ng basong may juice.

“Tsk! Titikman lang eh” nakangiti kong sabi saka ininom yong juice nabigay nya.

“Wag na. Baka malasin​​g ka pa at magkaganyan lang din” sabi nya saka tinignan si Ricky na nakakaawa nyang tignan

“I’m not that weak” pabiro kong sabi

Ngumiti naman sya “Wow. Hindi pa nakakainom yan englishera na. Dahil ba yan dyan sa babaeng lagi mong kasama nung college tayo?”

Ngumiti ako “Chismosa ka din talaga” pabiro kong sabi kaya naman tinignan nya ako ng masama

“Ano bang problema mo Rick?” sabi ng isa pa naming kaklase.

“P*ta ito, bigyan nyo nga ako ng payo sa bagay na ito. Kasi kahit anong gawin o iapply ko man yong mga natutunan natin ay wala pa rin akong magawa” sagot nya saka nagpunas ng luha “May mahal ako”

“Halata naman, heart broken ka sa pinagngangawa mo” sabat naman ni Aga kaya tinapik na lang sya ni Non.

“Yon nga. Mahal ko sya pero may mahal syang iba pero wala akong magawa dahil sa same ang kompanya namin. Hindi ko magawang limutin sya eh. Minsan nga naiisip ko na lang sulutin sya eh. Pwede naman yon diba? Nagkasala na naman ako umibig ako sa may jowa na bat hindi ko na ituloy tuloy ang pagkakasala at sulutin sya, uso naman yon ngayon eh”

“Kung magpapasulot sayo” natatawang pangbabara ni Aga.

“Gago, hindi ka nakakatulong” sagot naman sa kanya ni Rick at tinapunan sya ng pulutan. “Sa tingin nyo?” dagdag nya pa.

Kanya kanya naman na bigay ng suggestion ang mga ito. Yon ibang mga gago sinabing kung kayang sulutin bat hindi nya gawin. Yong iba naman ay hindi daw. Hindi tama yon. Habang nagdidiskusyon ang mga ito at pinapaliwanag kung bakit yong suggestion nya mas tama sa suggestion ng iba ay ito ako kumakain lang ng pulutan.

“Hoy! Ano nandito ka lang para kumain?” sabi naman ni Bev sakin “Suggestion naman dyan, ano sa tingin mo?”

Ngumiti ako “Para sakin hindi naman kasalanan ang magmahal ng may mahal ng iba/may jowa. Ang masama ipagsiksikan mo ang sarili mo at gagawa ka ng makakasira ng relasyon nila. Ok lang magkagusto o magmahal. Mahalin mo sya ng patago pahalagaan mo sya ng patago. Kung hindi mo kayang hanggang tingin ka na lang lumayo ka. Distansya bago madisgrasya at makadisgrasya. Kung mahal mo, rerespetuhin mo dapat. Reresputin mo sya at ang relasyong nila. Kaylanman hindi naging mali ang magmahal, nagiging mali lang ito kung ipagppilitan mo ito sa taong hindi na pwede. Nagiging mali lang ito kung nangsisira ka na ng hindi sayo” sabi ko

“Preach!” nakangiti namang sabi ni Eve “Apir tayo dyan, Jis” sabi nya saka tinaas ang kamay kaya nakipag-apir na lang ako saka binalik ulit ang atensyon sa pulutan.

Sa totoo lang yong mga sinabi ko, para din yon sakin. Kaya ako dumistansya hindi dahil sa nagalit ako sa kanya kundi dahil sa hindi ko alam kung kaya kong pagkatiwalaan ang sarili kong hindi makagawa ng hindi dapat. Kasi pagkasama ko sya o pagkachat ko sya, nawawala sa isip kong may jowa sya. Na hindi ko maiwasan na hindi sya ichat ng tulad ng dati, na may landian pero pabiro lang, ngayon kasi totoo yon. At kahit biruan man kung panlalandi ang kinachat mo o itetext mo o ginawa mo sa isang may jowa ay mali iyon. Panloloko pa rin yon.

“Pano kung sila talaga ang nakatadhana tapos hindi sya gumawa ng hakbang para maging sila. Sinayang mo lang yong taong nakalaan sayo”

“Kung nakalaan talaga sya sayo, mapapasayo sya sa tamang panahon” sagot ko, yan din ang mga katagang sinasabi ko sa sarili ko pagnapapatanong din ito ng ganun bagay.

Na sa tuwing pinipilit ng utak na may nararamdaman din si Jennie sakin. Na kung wala, bakit ginusto nyang gawin yong 24hrs at nagextend pa sya?

Alam ko at ramdam ko higit pa sa pagmamahal sa kaibigan ang nararamdaman nya din. Pano kung hinihintay nya lang ako? Na pwede ko pa syang bawiin kahit nasa isang relasyon na sya.

Sa lahat ng dahilan at tanong na yan, yon na lang ang iniisip ko, hindi pwede, may nararamdaman man sya o wala. Hindi pwedeng may gawin ako dahil nasa realasyon sya. Na pinalampas ko na yong pagkakataon ko dati na wala pa sya sa relasyon kaya kaylangan kong magdusa kaysa sa gumawa ng paraan para makasira ng isang relasyon. Na maghihintay na lang ako ng tamang panahon para samin.

“Hindi tama ang panahon kung aagawin mo sya sa panahong may kapiling pa syang iba. Ang pagmamahal marunong maghintay at mag-intindi. Kung hindi sya napasayo ibig sabihin hindi talaga sya ang nakalaan gumawa ka man ng paraan o hindi. Pero kung para sayo sya kaylangan mo lang maghintay ng tamang panahon at gawin ito sa tamang paraan” dagdag ko pa na nakapagpasang-ayon naman sa iba ko pang mga kasama pero nakapagpailing sa iba.

“Hanggang kaylan sya maghihintay ng tamang pagkakataon? Pagwala na talaga, pagkasal na yong taong mahal nya?” tanong naman ni Aga.

Nagkibit balikat na lang ako “suggestion ko lang yon” nakangiti kong sabi at hindi na ulit nagsalita.

Hindi ko din kasi alam kung ang pinaniniwalaan ko ay tama o mali. Basta para sakin yong ang gagawin ko sa sitwasyon ko, na kay Rick na kung ano ang gagawin nya.

***

“Morning Jisoo” nakangiting bati ng nakasilip na opisina namin na si Ms. Clarisse, isa sa mga first-year psychiatry resident ng hospital na pinagtatrabahuhan ko.

Psychiatric institution ang pinag-tatrabahuhan ko, nag-apply talaga ko dito nang receptionist para naman kahit hindi ako makapagtapos ng Psychiatry ay nandito ako sa lugar na pinapangarap ko pero natanggap ako bilang assistant ni doc. El.

Medyo nagkaroon ako ng culture shock nung mga unang buwan ko dito kasi hindi din talaga madaling magtrabho sa ganitong lugar.

Nakakatakot minsan na may kaguluhan na lang na may mangyayari lalo na sa may emergency room buti na lang dito ako nakaassign sa mga pasyenteng hindi pa grabe ang problema sa utak o nasa mga depress stage palang.

“Morning ma’am” nakangiti kong sagot “Mukhang maganda ang gising natin ngayon ah”

“Sus, lagi naman maganda ang gising ko lalo na yong gumising” sabi nya saka kumindat at umalis na. Madali kasi syang maging kaibigan. Mabait eh.

Habang busy ako sa paggawa ng trabaho ay biglang nagbukas ng pinto ng office namin at bigla naman akong napatayo ng makita ko si Jennie, halata naman sa kanyang nagulat din ng makita ako pero agad syang ngumiti at tumakbo sakin saka yumakap.

“Dito ka nagtatrabaho?!” tanong nya.

Ngumiti ako saka tumango at tumingin sa kasama nya, si King, na binati ako, kasabay naman nito ang paglabas ng boss kong si Mr. Elliott/El

“Jerome” masaya nyang bati kay King saka tumingin kay Jennie “sya ba yon. Ganda ah. Hi, I’m Elliott Lazaro” sabi nya saka inilahad ang kamay nakangiti namang tinanggap ito ni Jennie saka nagpakilala

“Jennifer Arias” sabi nya

Tumango tango naman si Mr. El “The girlfriend”

Ilang saglit lang ay napagdesisyunan nila na pumunta sa loob ng office pero hindi sumama si Jennie at nagpaiwan sa may pwesto ko.

“Dito pala yon, hindi ko din napansin na yong pangalan ng hospital na ito ay yong pangalan na sinabi mong pinagtatrabahuhan mo” sabi nya

Tulad nga ng sabi ko ay hindi nawala ang pagkakaibigan namin at komunikasyon, limitado at hindi lagi pero sapat para maitanong nya kung saan ako nagtatrabaho at alam ko din na hindi muna nya pinagpatuloy yong pag-aaral.

Naisipan nya munang magbakasyon para after 1 year tuloy tuloy na yong pag-aaral.

Nakakapagod din talaga mag-aral kaya hindi naman pwedeng hindi magpahinga kung hindi pa feel talaga mag aral ulit, hindi naman tamang pilitin. Kung sa kanya kasi hindi naman problema kung kaylan sya mag-aaral dahil sa mayaman sila. May pangbayad sila kahit kaylan man nila gusto.

Habang naghihintay syang matapos ng pag-uusap sila Mr. El at King ay nagkwento lang sya ng kwento habang ako nakikinig lang.

Nakakamiss ito. Nakakamiss yong ganito kami, yong magkukwento sya habang ako nakikinig. Nakakamiss talaga sya.

“Ikaw kwento ka naman. Hindi ka na nagchachat ah” sabi nya “Kung hindi ako magchat hindi ka na din magchachat” medyo nagtatampo nyang sabi

Ngumiti ako “Busy eh”

“Sus, wag mo akong daanin sa busy busy” sabi nya habang ngumuso, natigilan naman kami ng lumabas na sila King at boss El, kasabay naman nito may kumatok sa main door ng office at pumasok si Wendy.

“Hi” masaya nyang bati kaya ngumiti na din ako

“Musta, Wendy? May problema?” tanong naman ni doc El

“Grabe ka naman doc, pagnakikita mo ako problema agad? Hindi pa pwede masaya naman ang dahilan kung bakit ako nandito?” masaya nyang sabi.

Sya si Wendy, 17 years old, isa sa mga pinakaunang naging pasyenteng nakilala ko nung dumating ako dito sa hospital ni doc El. Ang case nya post-partum depression, depression na napagdadaanan ng mga bagong panganak. Oo, sa murang edad ay may anak na sya tapos nawala pa yong tatay ng anak nya dahil sa aksidente kaya patong patong ang dahilan ng depression nya.

Sa mga unang araw nya dito ay hindi sya makausap pero ngayon ay mabuti na ang kalagayan nya. Mukha namang masaya na sya kahit kukunti at nagagawa nya na ang responsibilidad nya sa anak nya si Celine na ngayong 6 na buwan na.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus