Chapter 11

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

Nagdaan ang mga araw na naging buwan at mas naging busy kami sa kanya kanyang gawain, pero tulad ng pinangako namin sa isa’t isa ay lagi kaming nagchachat kung may pagkakataon at magkikita pagsabado at lingo. Minsan sinusundo ko pa sya pagmaypagkakataon para sabay na kaming makauwi. Walang palya ang sched namin na ganun, na busy sa weekdays pero nagkakaroon ng pagkakataon makasama ang isa’t isa pagweekends.

Isang Friday ay maaga kami kaysa sa usual na umuwi kaya naman masaya akong nagbyahe agad para masundo ko si Jennie Nang malapit na ako ay tumawag naman sya.

“Hey? Nasa byahe ka na?”

“Oo, uwian na ba kayo?” sabi ko saka ko natanaw na ang hospital na pinag-Oojt-han nya.

“Hindi kasi ako makakauwi. May trabaho pa kami. Magsisimula na daw ngayon yong paiba ibang shift namin, ganun kasi pagnurse talaga paiba ibang shift kaya naman ipapractice na kami sa ganun” sabi nya naman kaya ang nakaangat at nakangiti kong labi ay napababa bigla.

“Ganun ba? Ahm, deh hindi ka uuwi? Kaya mo ba magstraight duty?” sabi ko nman

“Oo, may tulugan naman dun” sabi nya saka ko pinarada yong kotse ng makita ko sya papalabas at kasama na naman si doc.

Hindi lang naman sila dalawa ang magkasama papalabas ng hospital. Nagtatawanan ang mga kasama nya habang nag-uusapan habang si Doc, nakatingin lang ito kay Jennie na busy nakalagay yong cp dahil sa kausap ako kaya hindi nya napapansin ang tingin nito.

“Jisoo? Hey?” sabi ng nasa kabilang linya na si Jennie.

“Oh? S-sige. Kumain ka na ba?”

“Kakain kami, kasama nila doc Jerome saka balik sa hospital. Madami kasi ngayong pasyente”

Huminga ako ng malalim saka pinandar yong kotse ulit “Sige, sa BH muna ako matutulog ngayon. Hindi ka naman makakauwi”

“Oo, sorry talaga. I miss you”

“Same, sige na. Nagdadrive eh”

“Ok” sabi nya pero hindi ko pa binababa ang cp ko at naghihintay ng I love you kahit alam kong hindi nya sasabihin yon. Hindi kasi nya sinasabi yon pagkausap nya ako sa cp pagkasama nya mga kaibigan nya o pamilya nya man dahil nga walang may alam sa subok subok namin.

Napabuntong hininga na lang ako ng sya na pumutol ng tawag ko. Hindi ko alam pero noon pa naman sinasabi nya na lahat ng lakad nya sakin at kahit yong mga manliligaw nya at ok lang sakin iyon pero nung mga nakaraan araw habang kinukwento nya kung pano sya nag eenjoy sa trabaho nya lalo na sa mga natututunan nya dun o dahil sa mga tinuturo ni King nayon ay bumubigat na yong loob ko. Hindi ko naman sya masabihan nun dahil sa ayokong masira ang meron kami dahil lang sa pag iisip ko ng mga ganun. Na baka mag-enjoy sya masyado kasama nun at makalimutan nya na ako.

Hindi ko man gusto pero nararamdaman ko na naman ang mga bagay na naramdaman ko dati nung nasa relasyong ako kasama ng ex ko. Na nagiging overthinker ako, ang kinaibahan lang ngayon eh kahit alam kong nagseselos na ako hindi ko masabi sa kanya dahil kung tutuusin kahit ang turingan namin ay parang magjowa na hindi pa rin ito totoo at wala akong karapatan pagbawalan syang makipagkilala sa may mga gusto sa kanya.

Kahit natatakot akong magustuhan nya ang isa sa mga ito ay hindi ko din magawang pagbawalan sya dahil nga sa usapan naming subok lang ito at pwede kaming manligaw o magpaligaw sa iba.

Tsk! plus ano ba naman panama ko dun kay King o sa iba nyang manliligaw, mga lalake yon, mayayaman at tsaka lalo na ngayon lagi kaming magkalayo ni Jennie habang yong King na yon ang lapit lapit lang at ang dali lang ipakita na mas karapatdapat sya sa puso ni Jennie.

Pagkarating ko sa BH ay humiga agad ako, nagchat kay V, tulad namin ay busy din si V at si Cole pero hindi nawawala samin ang komunikasyon. Tulad ng dati lagi akong nagchchat sa kanya ko nakauwi na ba ako, ganun din naman sya sakin. Ilang minuto pang ng pag iisip ay nakatulog na ako.

Naalingpungatan ako ng may maramdaman kong may yumakap sakin, ng nagmulat ako ay si Jennie nakangiti sya sa tabi ko.

“Good morning, sweetie” sabi nya saka papikit pikit, halatang halatang antok na.

Ngumiti ako saka kiniss sya sa noo “Kakarating mo lang?” tanong ko saka tumango naman sya, sabay naman kaming napatingin sa cp nya ng may tumawag.

“Doc?” sagot nya naman “Opo, kakauwi ko lang doc…. OK po…. Ikaw din…. Bye” sabi nya saka binaba yong tawag.

“Wow, daig pa yon jowa ah” hindi ko maiwasang komento.

Tsk! Yong kakagising mo lang tapos makikita mo sa screen nya na si King yong tumawag.

Ngumiti naman sya sakin saka kinurot ng kunti ang ilong ko “Oo, daig nya pa yong jowa ko na hindi man lang nagchat o text kong nakauwi na ba sya at hindi magreply” nagbibiro nyang sabi “Buti pa yon, nagtatanong kong ligtas akong nakauwi”

“So, bilid ka na agad dun?”

“Selos kaba?” nakangiti nyang sabi

Hindi ko maiwasan mapaiwas ng tingin saka mapalabi “Hindi, nagtatanong lang. Selos agad?” sabi ko saka tumingin sa kanya “Mas di hamak naman na cute ako kaysa sa dun”

“Pero mas masayang kasama yong mature mag isip tulad nya” sagot nya naman na mas nakapagpainit ng ulo ko. Kasama nya na nga yon buong lingo pati ba naman dito pag-uusapan namin yon?

Sa chat nga namin hindi mawala yon sa topic namin at kitang kitang hinahangaan nya yon pati ba naman pagkasama ko na sya, yon pa rin ang topic?

“Mas masaya na sya kasama kaysa sakin?” seryoso kong sabi.

Tumawa naman sya “Syempre mas masaya ka kasama lalo na pagganyan ka magselos”

“Hindi nga ako nagseselos” patuloy ng pagtatanggi ko.

“Ok po. I love you” sabi nya saka pumikit na. Hinayaan ko na lang syang makatulog dahil sa alam kong pagod ito. Kahit hindi ako sanay magising ng ganito kaaga pagwalang pasok ay hindi ko na magawang makatulog dahil sa pag-iisip ng kung ano ano.

Sa totoo lang kung ikukumpara kami sa isa’t isa ni King mas lamang naman talaga sya kaya hindi makapagtataka kung mas magiging masaya na talaga si Jennie na kasama yon kaysa sakin.

Mayaman sya habang ako mayabang lang…minsan. Lalake sya, ako hindi. Propesyonal na sya habang ako hindi ko alam kung makakapagtapos ako ng propesyon na gusto ko talaga. Plus pa yong halatang halatang mas gusto sya ng pamilya nito kaysa sakin.

May pagkakataon kasi na nagkasama sama kami sa isang dinner ng makita kami ng dad nya na magkasama habang yong doctor na ito ay kasama ng dad nya. Kaya naman nakapagdinner kami magkakasama at kitang kita sa mga mata ng mga magulang nya at sa kwentuhan na botong boto ito sa kanya habang ako ang nakakausap ko lang ng masaya yong kapatid nyang si Daphney.

Sya yong taong pinagmamalaki talaga dahil sa hindi lang parents nya ang boto dun pati yong mga kaibigan nya. Pagnagpopost nga yon na magkasama sila, daming masasayang kaibigan nya ang nagkokomento.

Hmn, kaya napapaisip ako na kahit alam kong hindi lang pagkakaibigan na ang nararamdaman ko sa kanya, na mas lumalim ito dahil sa ginagawa namin araw araw ay hindi ko na magawang umamin. Baka pagumamin ako, mailang na sya at hindi na kami maging tulad ng dati. Na pagsinabi kong sana totoo na lang yong subok subok na ito baka yon ang maging dahilan pa ng pagkasira ng pinakaayaw naming masirang pagkakaibigan. Kaya kahit narealized ko na hindi lang sya kaibigan para sakin ay hindi ko magawang sabihin iyon.

Hai, buhay! Sana pala naniwala ako kay kuya na posible pala ito. Hindi ko naman kasi akalain na sya ang magpapatibok ulit ng puso ko. Madami naman akong kaibigan na babae pero hindi nila napagpatibok ng tulad ng ginagawa nya sakin ngayon. Na hindi ko akalain na sya magpaparamdaman nito dahil sa hindi naman talaga ako madaling mainlove. Tsk! Pano na ako ngayon?

***

“Ang tahimik mo” sabi ni Jennie

Hapon na at ngayon naghahanda na kami ng meryenda “May sakit ka ba?”

“Wala, tahimik naman talaga ako” sagot ko naman habang naghahati ng kamote, magluluto kami ng bilo bilo. Hindi pa daw kasi nakakain nito ang rich kid na si Jennie eh.

Ngumiti naman sya “Sa harap ng ibang tao tahimik ka pero madaldal ka pagtayo lang dalawa. May problema ba sa pinag-OOJT-han mo?”

“Wala. Ok naman dun”

“Sabagay parang ok naman talaga ikaw pagkasama si Bev, halata sa mga picture nyo na nakatag ka na lagi kang nakangiti. Habang ngayon na kasama mo ako parang ayaw mo ngang ngumiti o magsalita man lang” nagtatampo nyang sabi

Ngumiti ako kahit hindi pa rin nawawala ang lungkot na nararamdaman ko dahil sa mga iniisip ko tungkol sa kanila ni King “Nagseselos ka na nyan?” pinili kong magbiro para hindi naman nya maramdaman na hindi ako ok

“Hmn, hindi ah” sabi nya habang nakanguso

“Bakit parang oo?”

“Baka kasi ganun yon mga ampon, na kahit nagseselos na humihindi?” sarkastiko nyang sabi

“Selos ka nga?” patuloy kong pangungulit

“Ampon ka din dba? Selos ka nga din kahit humihindi ka?”

“Hindi nga ako selos”

“Deh hindi din ako. Pareho tayo ampon eh” sabi nya kaya natawa ako

“Anong kinalaman ng pagiging ampon natin?”

“Ewan ko sayo” nagtatampo nyang sabi. “Basta” nakanguso nyang sabi saka ngumiti “I love you”

Kaya napangiti na ako ng tuluyan at ng totoo “I love you too, sweetie”

Naging ok na kami after nun at balik sa dating lambingan pero pagkatapos ng araw na yon ay hindi pa rin naging ok ang sched ng magkasama kami dahil nga sa paiba iba ang oras ng pasok nya. Minsan hindi na kami nagkikita kahit weekends dahil yon

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus