Hiling

Kumusta ka na?

 

 

 

 

Hindi pa din ako makapaniwala sa nangyaring iyon. I wanted so bad to believe that it was only a dream, or that that person wasn't Seulgi. Pero kahit anong gawin ko, kahit anong pilit kong maging busy sa trabaho, hindi talaga maalis sa isipan ko ang nangyari. 

 

 

 

 

Ang plano ko sana'y huwag matulog hanggang kinabukasan para makalimutan na tinawagan ako ni Seulgi nang parang wala lang, at na parang hindi kami personal na magka-kilala talaga. Masyado yatang nasaktan ang pride ko doon kaya hindi maalis sa isip ko. Ako itong sobra kung mag-isip kung kamusta siya, ako itong sobra kung ma-miss siya, samantalang siya na umalis, siya pa ang may ganang mag panggap na wala lang ang nangyari sa mga nakalipas na taon! 

 

 

 

 

Nakatulog ako nang umiiyak. It was somehow refreshing, though, because this is the first time in three years that I have slept comfortably and peacefully. Dahil kaya ito sa nagkaroon na kasi ako ng assurance na ayos lang si Seulgi?

 

 

 

 

"Ang aga mong tulala dyan, Ate Irene." biro sa akin ni Chaeyoung habang nasa dining table kami, kinakain ang brunch na hinanda ng Ate niya. 

 

 

 

"Siyempre, hindi pa yan nakaka-get over sa reunion nila kagabi ng first love niya." Jennie softly chuckled na sinabayan naman ni Chaeng. 

 

 

 

"Correction, Ate. Greatest love kasi." 

 

 

 

"Bakit, Irene? Hindi ba si Seulgi ang first love mo?" sinamaan ko na lang ng tingin ang magkapatid. 

 

 

 

"Si Seulgi." 

 

 

 

"Eh anong sinasabi nitong kapatid ko?" 

 

 

 

Umiling ako. "Ewan ko dyan." 

 

 

 

Natawa na lang din si Chaeyoung sa sarili niya dahil hindi niya na maituloy ang argument. Well, she never really wins against the two of us. Pareho kasi kami halos ng personality ni Jennie, kaya hindi ubra sa aming dalawang ang mga scheme nitong si Chaeng. 

 

 

 

"Pero, kamusta ka naman, Ate Irene?" bigla akong napainom ng tubig dahil sa tanong na iyon ni Chaeyoung. 

 

 

 

"She's obviously not fine. Kita mo naman - tulala kanina. Hindi yata nakatulog." 

 

 

 

"Ikaw na pala ngayon si Ate Irene, Jen?" she just rolled her eyes na tinawanan ko lang naman. "It's actually the opposite. I think I'm fine." 

 

 

 

"How can you be so fine after what happened? Kung si Kai ang gumawa noon sa akin - basically ghost me for three years and return as if nothing happened, mababaliw ako! More so, hindi ko siya tatanggapin ulit kahit magmakaawa pa siya!" 

 

 

 

Natawa ako dahil sa biglang pagka- high blood ni Jennie. Minsan talaga.. 

 

 

 

 

"Well, sorry, Jen. But I'm not like you and Seulgi is not Kai." Chaeng chuckled along with me. "I'm fine. Her return gave me peace. I would lie if I say that I haven't been worrying about her in the past three years. Walang araw na hindi ako nag-alala, Jen. Ang malaman kagabi na ayos lang siya, and that she has also been successful with her career is enough for me. Last night was the first time I slept without too many worries." 

 

 

 

 

Sobra akong nag-alala sa mga panahong hindi ko makausap, hindi ko makita, at wala akong balita tungkol kay Seulgi. Totoo, she posts on her Instagram accounts. Pero madalas ay mga picture lang iyon ng scenery at mga pagkain. We can all fake what we're posting in the internet, right? 

 

 

 

 

Paano kung matagal na pala ang mga picture na pino post niya? Paano kung hindi pala siya ang nagpo post noon? Paano kung sa likod ng mga larawan na iyon ay hindi pala siya okay? Umabot sa ganoon kalalang mga what if ang naiisip ko sa araw araw na wala akong balita tungkol sa kaniya. Kaya kahapon, ang makita siyang ayos lang at masaya ay sapat na para bawiin ang mga gabing nag-alala ako sa kaniya. At oo, iyon ang unang gabi na nakatulog ako ng mahimbing. Dahil alam kong ligtas siya, alam kong nasa maayos na kalagayan siya. 

 

 

 

 

"Ah, kaya pala may naririnig akong humilik kagabi." hinagis ko kay Chaeng ang hawak na tissue habang siya naman ay tawa lang nang tawa. 

 

 

 

"Ang sama mo! I don't snore!" 

 

 

 

"Ay hindi ba, Ate? So ikaw 'yon?" Jennie just rolled her eyes on her sister. 

 

 

 

"By the way, Rene. Nauubos na ibang stocks natin. Need na yata mag grocery." I nodded on Jennie's remark. 

 

 

 

"Can you make a list of the things we need? Para alam ko mga bibilhin ko." 

 

 

 

 

Just like when the enhanced community quarantine started, hindi pa din allowed lumabas ang ibang mga member ng household unless they have quarantine pass. Ako pa lang din ang may quarantine pass sa aming tatlo and it's validity is not transferrable kaya ako pa lang din ang lumalabas tuwing kailangan. I only go out for groceries once a month. Minsan, two weeks lang inaabot ang stocks so I go out twice a month. Pero sa tuwing naggo-grocery ako, I make sure that the things I buy would last for at least three weeks. Madami pa din kasi ang nare-report na positive cases kaya as much as possible, nili-limit ko pa din ang pag-labas. 

 

 

 

 

My sister, Lia, finally held her online graduation last week. It was far different from the normal graduation. Pero mabuti na lang din na virtual event lang iyon dahil hindi pa talaga safe ang mass gathering. We just did a conference call with Ate Tiff after watching the event on facebook live, as we couldn't celebrate it properly. If not for the pandemic, uuwi sana si Ate para sa graduation ng bunso namin. She already bought her tickets. We also planned on bringing Lia with us to the province - Mama's hometown, dahil may magandang beach doon. Kaya lang, covid happened kaya hindi natuloy ang mga plano na iyon. 

 

 

 

 

"Here's the list. Send ko na lang sa bank account mo yung utang ko, ah?" natawa ako sa sinabi ni Jennie. 

 

 

 

"Mabuti pa nga. Para magka-laman naman." I joked. 

 

 

 

"You're acting as if you're penniless. Akala mo naman ay wala siyang natatanggap from her shares sa company each month." 

 

 

 

"Hindi ko naman sariling account 'yon. It does not come directly to my bank. Iba pa din siyempre yung may sarili ako." I shrugged. 

 

 

 

"Whatever." inirapan ako ni Jennie kaya natawa na lang ako ulit. "Do you have your i.d. with you? And your quarantine pass?" 

 

 

 

Ahh.. Identification card. 

 

 

 

Last month, when I shopped para sa supplies namin, muntik pa akong hindi papasukin sa grocery dahil akala ng security ay minor pa ako. I had to present my identification card para lang mapatunayan na twenty-six na ako! The humiliation that I received back then, dahil sa height ko! 

 

 

 

 

"Yes, mom. I have everything in my bag." 

 

 

 

"Mom ka dyan." Jennie chuckled at tinulak na ako palabas ng apartment. "Take care!" 

 

 

 

Natatawa pa din ako hanggang sa makababa sa parking. I had no choice but to use the elevator because our unit is on the 13th floor of the building. Baka maabutan pa ako ng closing ng grocery kung mag-hagdan ako. 

 

 

 

 

It was all okay because I was alone in the elevator until it stopped on the fifth floor because someone had to ride it, as well. Ngayon ay dalawa na kami sa loob ng elevator so I had to maintain my distance. Nasa likod ako at siniguro kong malayo sa kaniya dahil inuubo siya. Hindi natigil ang ubo niya at gustuhin ko man na makalabas na dito ay hindi ko magawa! That person got out on the ground floor, kaya pag-sara ng pinto ng elevator ay nag spray agad ako ng alcohol at ng lysol, bago huminga ng malalim. 

 

 

 


I will be okay, right?

 

 

 

 

=

 

 

 

"Ma'am.. hindi po allowed ang aged 21 below." napapikit na lang ako nang harangin ng guard bago makapasok sa super market. 

 

 


 

"I'm twenty-six, Manong." sinubukan kong ngumiti habang pinapakita ang ID ko, kahit na inis na inis na ako deep inside. 

 

 

 

 

"Ay.." the guard scratched the back of his head. "Sorry po, sorry Ma'am." 

 

 

 

 

Napailing na lang ako habang binabalik sa bag ang identication card ko. I sanitized my hands before wearing these gloves I got from home. Ayokong hawakan directly ang pushcart kaya nagsusuot talaga ako ng gloves tuwing kailangan mag grocery. Additional protection din kasi ito. I took out the list that Jennie made earlier. I prefer a written list than a list typed on my phone. As much as possible, ayokong hawakan ang cellphone ko kapag nasa labas ako. What's the sense of wearing gloves when I will use it to hold my phone? Edi lahat ng bacteria na nasa gloves ay nalipat sa cellphone ko! Sayang din ang effort, kaya hindi ko talaga nilalabas ang phone. 

 

 

 

 

Una kong pinuntahan ang cold cuts section. Tapos ay bumili ng konting canned goods. Naghanap na din ako ng chips dahil madalas naming gusto na may kaunting kinakain kapag nagta trabaho sa gabi. Siyempre, madami akong binili na coffee as this is what we need. Chocolate naman ang binili ko para kay Chaeyoung dahil hindi siya masyado sa coffee. 

 

 

 

Muntik ko pang makalimutang kumuha ng alcohol. Six bottles ang nasa list ni Jennie pero dalawa lang ang nakuha ko. Iyon yata ang policy ngayon. There isn't enough supply of disinfectants kaya nili-limit nila ang pagbili ng mga tao. Kawawang Pilipinas, kahit alcohol ay ipinagkakait sa mga tao. 

 

 

 

 

Hindi ganoon ka-traffic sa usual routes ko. The good thing about this pandemic is that mother earth was able to rejuvenate. Walang masyadong sasakyan kaya wala din masyadong usok. Aakalain mong wala ka sa city dahil tahimik at malinis ang hangin. 

 

 

 

 

"Naka-on na yung heater. May clothes ka na din doon pang-change. Kami na ni Chaeng dito." 

 

 

 

"Thanks, Jen. " 

 

 

 

Ganito ako tuwing umuuwi. Bago ako tuluyang makalapit sa apartment ay nagcha-chat na muna ako kay Jennie para ma-prepare niya ang bathroom. Diretso kasi ako agad sa banyo para maligo tuwing galing ako sa labas. Sila naman ni Chaeng ang bahalang mag  sanitize ng mga binili ko. 

 

 

 

 

I wanted a bubble bath dahil mas refreshing iyon. Pero dahil kailangan kong tumulong sa pagliligpit nila sa labas at kailangan ko din magtrabaho, hindi ako masyadong nagtagal sa banyo. 

 

 

 

 

"Na-miss ko itong turks, Ate." tinawanan ko na lang ng mahina ang sinabing iyon ni Chaeyoung habang inilalabas niya ang inuwi kong shawarma mula sa pagkaka-microwave niya dito.

 

 

 

 

"I figured. Kaya bumili na din ako." sagot ko. 

 

 

 

"Madaming tao?" 

 

 

 

"Not like the usual. Ayos na din yun dahil hindi naman talaga dapat crowded ang mga grocery store." 

 

 

 

 

Napasandal ako sa upuan nang tumunog ang cellphone ko. Hindi yata nila ito napansin dahil pareho silang busy sa pag-kain ng shawarma nila. Hindi ko na muna din sana aabalahin ang sarili ko sa pag-tunog ng cellphone ko pero nakita ko na may muling nag-notify so I had no choice but to put down my shawarma and hold my phone with both hands. 

 

 

 

 

Minsan, 'di ko maiwasang isipin ka
Lalo na sa t'wing nag-iisa

 

 

 

 

 

imessage:

Seugi my 'Ga

 

Hi, Rene! 

 

Oh! I just checked if this is still your number.

 

 

 

 

Ano na kayang balita sa iyo?
Naiisip mo rin kaya ako?

 

 

 

Pagod ako dahil sa pagg-grocery ko kanina, oo. Pero ngayon? Hindi na ako sigurado kung pagod pa din nga ako. 

 

 

 

 

 

Irene Bae

 

You know I never change my number. 

 

 

 

 

Simula nang ikaw ay mawala
Wala nang dahilan para lumuha
Damdamin, pilit ko nang tinatago
Hinahanap ka pa rin ng aking puso

 

 

 

 

Seugi my 'Ga

Right! Sorry, I forgot, eh. hehe. 

 

So, you're having your merienda now? 

 

 

 

 

"Hoy Irene!" nawala ang ngiti sa labi ko nang tawagin ako ni Jennie na may kasama pang pag-hampas. Panira talaga ng moment itong si Kim. "Anong ngini-ngiti mo dyan?" 

 

 

 

 

"Nag-text siguro yung bebe niya." lalo lang akong napangiti nang sabihin iyon ni Chaeng pero natigil din agad dahil nanaman sa hampas ni Jennie. 

 


 

 

"Nababaliw ka na yata?" 

 

 

 

"Uhm, no.. may nakita lang akong meme sa twitter kaya.. napangiti ako." I reasoned out, itinaob ko ang phone ko para hindi na nila makita ang mga notification na natatanggap ko. 
 

 

 

 

 

"Since when did you start using twitter?" Jennie crossed her arms at nagtaas ng isang kilay sa akin. 

 

 

 

 

"Just, recently.." tipid akong ngumiti. "U-uh.. sa room muna ako. I want to uh, take a nap." 
 

 

 

 

 

Tapos noon ay tumayo na agad ako para pumasok sa kwarto ko. Pilit akong hindi lumingon kahit anong tawag nila. Thas was a lame excuse! Inilabas ko agad ang phone ko from my pocket nang magsara ang pinto. 
 

 

 

 

 

Parang kulang nga
Kapag ika'y wala

 

 

 

 

Irene Bae

Yeah. Nag-snacks lang kami nila Jen. Galing kasi ako sa labas. I bought supplies. 


 

 

 

 

I chuckled when I realized that I haven't changed her name in my contact lists. Still the same cheesy nickname I gave her. 
 

 

 

 

Seulgi my 'Ga

Did you sanitize everything - including yourself before chilling? 
 

 

 

 

At hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo...

 

 

 

 

Irene Bae

Yes, Ma'am. I sanitized everything. I even took a bath earlier. 
 

You sounded like a doctor there. I thought you're a chef? 
 

 



 

Alaala mong tinangay na ng hangin
Sa langit ko na lamang ba yayakapin?

Nasa'n ka na kaya?
Aasa ba sa wala?

 

 

 

 

I crawled to the other side of my bed so I can have a better and more comfortable position while chatting. 
 

 

 

 

Seulgi my 'Ga

I can be both. 
 

For you. 

 

 

 

 

Halos mapunit ang labi ko sa kakapigil ko sa sarili ko na ngumiti at tumili dahil sa kilig. Ayokong gumawa ng unnecessary noise na magpapa-alarma sa magkapatid dahil baka puntahan pa ako dito! 
 

 


 

 

 

At hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin

 


 

 

 

 

More so, lahat yata ng mga gabi na iniyak ko, mga gabi na malungkot ako at nababalisa dahil wala akong alam tungkol sa kalagayan niya. Lahat iyon, napalitan ng kilig dahil sa mga simpleng salita niya ngayon. 
 

 

 

 

Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo

 


 

 

Irene Bae

Bakit ba gising ka pa? It's pass-midnight. 
 

 

 

 

Seulgi my 'Ga

I was just checking on you. And I couldn't sleep, that's why. 
 

 

 

 

 

 

Ipipikit ko ang aking mata
Dahil nais ka lamang mahagkan

 

 

 

Seulgi my 'Ga

But now that I was already able to talk to you, I'll sleep na. 
 

Goodnight, Rene. 
 

 

 

 

 

Hindi ko na pinilit pa na mag-reply sa huling message na iyon. Hinayaan ko siyang matulog na dahil anong oras na din sa kung nasaan siya ngayon. 
 

 

 

 

I have longed for her. I have longed for her attention and her love. Bawing bawi ang lahat ng mga gabi na wala siya. 

 


 

 

Dahil sapat na. 
 

 

 

 

Sapat na ang mga usapang ito, nakagaya ng dati. Simpleng mga usapan na nagsisilbing assurance para sa akin na ayos siya. 
 

 

 

 

 

Inangat ko ulit ang cellphone ko nang umilaw ito dahil sa isang notification. This time, from Instagram. 
 

 

 

 

 

Instagram: hi_sseulgi and 5 others shared a post. 
 

 

 

 

hi_sseulgi: thanks for all of your wishes! We are excited for this new journey. 

 

 

 

 

Biglang napawi ang mga ngiti sa aking labi. It was a picture of Seulgi and Tzuyu. 
 

 

 

 

Nais ka lamang masilalayan
Kahit alam kong tapos na
Kahit alam kong wala ka na

 

 

 

 

With Seulgi's hand wrapped around Tzuyu's waist, with the other holding a spatula. And I must admit, they look good together. 
 

 

 

 

At hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin

 

 

 

 

Hindi na ako nag-abala pa na tingnan ang mga reply sa post niyang iyon. Sinarhan ko na lang ang cellphone ko at ibinaon ang mukha ko sa unan. 
 

 


 

 

Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo

 

 


 

 

Bigla akong tinamaan ng realidad na hindi na nga pala ako. Masaya na nga pala siya. 
 

 

 

 

 

Sa piling ng iba. 

 

 

 

_______________________________________
 

Happy Seulrene day! 🧡

 

Sorry kung lumabas sa notification niyo kanina na may update. I fixed the previous chapter dahil mali pala ang nilagay ko na kanta, lol. 🤣

 

 

 

THANK YOU FOR THE 100 SUBS!! Ano ang pwede kong ibigay sa inyo bilang kapalit? :) 

 

 

 

Stay safe!! 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)

Comments

You must be logged in to comment
kreidz #1
Chapter 16: BANGGGGG
its_aaarrriii
31 streak #2
Chapter 41: 😭🫶
xantheaverielle
#3
Chapter 42: Sobrang ganda 🥺 Probably the first Tagalog fic that I've read in a while na super daming emotions ang pinaramdam sa'kin 😩 Love how balanced the story is with the angst and fluff. Nothing too extravagant, just the story of them falling in love and how they surpassed all the struggles. Thank you so much for writing this author! Kumusta ka na po? I hope you're doing well, you really wrote this beautifully :)
KangLj #4
Chapter 17: Kilig muna bago yung sakit piste
KangLj #5
Chapter 4: Ang alam ko kasi si Irene ang ghosterist e haha cutie
ketchuppo324
#6
Chapter 16: T_T
yourdailyreader #7
Chapter 24: jusko seul, keep your together naaa
yourdailyreader #8
Chapter 7: napaka asado ni irene! hahah
yourdailyreader #9
Chapter 4: naks! strong and independent woman! hehehe
yourdailyreader #10
im starting this now.