Wedding

Kumusta ka na?

 

 

 

Buong araw kaming abala. 

 

 

 

Kahapon ay nalaman ng barkada ang tungkol sa pagalis ni Jennie at Rosé patungo sa Australia. Kaya naman ay pilit nilang ginusto na magsama sama kami ngayong wedding day nila Wendy at Joy, at least for the last time dahil bukas na ng gabi ang flight ng magkapatid. 

 

 

Noong una ay hindi pumayag si Jennie, lalo dahil hindi pa naman talaga allowed ang mass gathering. Pero sakto din naman na katatapos lang magpa swab test ng lahat ng kaibigan namin - dahil protocol iyon sa lahat ng companies. Since their results all came out negative, Jennie agreed with them. Pinagbigyan na din dahil ito na nga ang huling pagkakataon na magkakasama kaming lahat. 

 

 

Kaya ngayon, alas-otso pa lang ng umaga ay maingay na agad sa unit dahil kumpleto na ang barkada at handa na para sa kasal nila Joy which will happen 30 minutes from now. 

 

 

 

“Ang daya mo, Jennie. Kung hindi pa nadulas si Kai sa amin kahapon, hindi pa namin malalaman at makakaalis ka nang walang paalam.” medyo nagtatampo pa din na sabi ni Suho kay Jennie. 

 

 

 

“Sorrry naman. I know everyone’s busy and this is all so sudden, so..” Jennie shrugged. 

 

 

 

 

Nalaman ng barkada ang tungkol sa pag alis nila Jennie dahil kahapon daw ay naguusap usap sila Kai at Suho tungkol sa travel restrictions sa  Pilipinas. Nadulas si Kai nang sabihin na mahirap nga daw mag travel ngayon at maraming hinihingi na papeles, kagaya kina Jennie. He had no choice but to tell the whole story dahil wala na siyang takas kay Suho, kasama na si Chanyeol. Suho, being the man that he is, passed down the message to Lisa, Minho, then Moonbyul, until it reached Wheein and Hwasa. 

 

 

 

Kaya ang tahimik na group chat namin kahapon ay biglang nagulantang dahil sa sunod sunod na chat nila na nagtatanong kung totoo nga ba ang balita. 

 

 

 

“Ang bulok naman kasi ng system dito sa Pilipinas. Hindi mo maramdaman yung mga prevention ng government. Tapos ang mga tao, masyado yatang nagrelax dahil nabalitaan na malapit nang magkaron ng vaccine. Kaya bigla tuloy dumadami ang cases.” 

 

 

 

“Parang tayo lang. Hindi tayo sumusunod sa protocol ngayon.” lahat sila ay sinamaan ako ng tingin dahil sa sinabi kong iyon. 

 

 

 

“Hubarin namin ang face masks and face shield, Rene. Hindi talaga tayo sumunod sa protocol.” tinawanan ko nalang ang sinabi na iyon ni Hwasa na halatang sineryoso ang biro ko. 

 

 

 

“Mabuti na din ‘yong kumalat ang balita, Jen. At least hindi kayo magiging Seulgi 2.0.” sabay na tumawa si Byul at Lisa. “Ghosterist!” 

 

 

 

“Basta talaga kalokohan, Byul, ano?” iiling iling si Jennie kay Byul nang sabihin iyon. 

 

 

 

“Nag chat na si Jisoo! Bakit daw hindi pa tayo nagko connect sa kasal. Malapit na mag start.” napatingin ako agad kay Rosé nang marinig ang anunsyong iyon ni Lisa. 

 

 

 

Marahang yumuko si Chaeng. I just sighed. 

 

 

 

Sa huli ay pinili na lang ni Rosé na sabihin kay Jisoo na hindi siya interesado at wala siyang gusto, kahit kabaliktaran iyon ng nararamdaman niya. Rosé thinks that now isn’t the time for them to be in a relationship, lalo dahil aalis na ng bansa ang magkapatid. 

 

 

 

Si Rosé ang malapit sa laptop kaya siya na ang nag set up nito para maka join na kami sa meeting. Ang camera ay naka position na kita kaming lahat na nasa lounge. Madami na nga ang naka connect. We saw familiar faces on the screen. Sila Byul at Lisa ay nagtatawanan pa habang nagre reminisce sa memories noong college, dahil ilan sa mga nakikita nila sa screen ay talagang kakilala at may ‘memorable’ experience noong nagaaral pa.  

 

 

 

We followed the wedding’s dress code. Kaya naman, sila Byul, Lisa, at sila Chanyeol ay nakasuot ng suit na color red at black. Dahil iyon ang motif ng kasal. Kami nila Jennie at Chaeng ay terno sa cream dress na binili namin online months ago. Sila Hwasa, Wheein at Solar naman ay mga naka red dress. 

 

 

 

“Uy! Si Sunmi!” biglang napalingon sa tv screen sila Suho, Byul, at Lisa nang sabihin iyon ni Chanyeol. 

 

 

“Yeol i-pin mo naman!” si Byul na kulang nalang ay makipag agawan ng mouse kay Chanyeol na tumatawa tawa lang. 

 

 

“Damn! Ang ganda pa din, Bro!” nakangising sabi ni Minho at tinapik pa sa balikat si Suho. 

 

 

“May boyfriend na kaya? Girlfriend? Damn, hindi pa din nagbabago!” kunot noo lang akong napatingin kay Solar na ngayon ay nakataas ang kilay dahil sa sinabing iyon ni Byul. 

 

 

“Sino yan?” tanong nito kay Byul. 

 

 

“Sunmi Lee! Psych student yan sa La Salle..” sagot ni Byul, hindi pa din maalis ang tingin doon sa Sunmi na ngayon ay naka-pin sa screen namin. 

 

 

 

“Yan yung kinukwento ni Seungwan na naging ex ni Seulgi sa Zobel!” natatawang sabi ni Lisa na nagpataas naman ng kilay ko. “Teka. Ite text ko ang mokong. Baka hindi niya pa nakikita!” 

 

 

 

 

Tuluyan nang kumunot ang noo ko dahil sa sinabing iyon ni Lisa na mukhang excited pa sa gagawin niya.  Tinitigan ko naman ang babae na nasa screen. 

 

 

 

She’s beautiful. Those long lashes and round eye made her even more attractive. She has nice features. 

 

 

 

“Moon Byul!” tawag ni Solar sa girlfriend at nilakihan ang mata. “Hindi ba talaga kayo titigil?” 

 

 

 

Sa peripheral view ko, nakita ko na ngumuso si Solar sa direction ko. Awkward na tumawa sila Byul at binitawan na ang mouse ng laptop, tapos ay nagkamot ng ulo. 

 

 

 

“Ay, hehe. Hi Irene.” pilit akong ngumiti. “Hoy Lisa! Sino bang ka-text mo dyan.” 

 

 

 

“Wag ka nga, Byul! Si Seulgi kasi. Napakadaya ng mokong.  Alam niya pala na a-attend si Sunmi kaya hindi nagulat. All these time, nasa LA lang din pala si Sunmi. Hanep talaga.” 

 

 

 

Napakamot ng ulo si Byul dahil sa sinabi ni Lisa na mukhang hindi pa nare realize ang ginagawa niya. May sasabihin pa sana si Jennie, pero nagsalita na ang master of ceremonies dahil magu-umpisa na ang kasal. 

 

 

 

Hindi maalis sa isip ko ang mga usapan nila Lisa at Byul. With the way they reacted, alam kong big deal iyong Sunmi. What surprises me is that Seulgi is still in contact with and is still seeing her ex? 

 

 

 

“Huwag mong isipin ‘yon. Alam mo naman puro kalokohan lang yan sila Lisa. Kay Seulgi ka maniwala, huwag sa kanila.” bulong ni Jennie sa akin nang makita na hindi yata ako makapag focus sa kasal. 

 

 

 

Ngumiti ako. “It’s Joy and Wendy’s big day. Let’s only focus on them.” 

 

 

 

 

I have never heard about Seulgi dating someone in high school. Bago ito sa akin. She never talked about having a girlfriend in Zobel. She never mentioned about still connecting with a friend from high school who is now based abroad, too. Pero siguro ay hindi ganoon ka big deal iyon para sa kaniya, at para mapagusapan pa namin. 

 

 

 

 

In the middle of the ceremony, Seulgi started texting me. Ang lahat ay abala sa pakikinig at paghahanap ng familiar faces sa screen kaya hindi pansin na nakatungo lang ako sa cellphone ko. 

 

 

 

 

Telegram 

 

 

Bubu Bear 🐻💛

You look so beautiful today. :’) 

 

 

 

Irene Bae

Only today? 

 

 

 

Bubu Bear 🐻💛

Everyday. 

 

Do we have plans after the wedding? 

 

 

 

Irene Bae 

They’ll be eating here. We ordered food. 

 

You forgot about Byul’s surprise? 

 

 

 

Bubu Bear 🐻💛

Ah, yeah! There’s that, hahaha. 

 

Sorry I wasn’t able to message you earlier. Been busy taking pictures. You know how demanding Joy can be. 

 

 

 

 

Mahina akong natawa dahil sa message na iyon ni Seulgi. Kahapon, she flew from Los Angeles to Las Vegas dahil nagkaroon ng emergency ang official photographer sa kasal nila Wendy. So Seulgi, being the bestfriend that she is to Wendy, volunteered to do the job, instead. 

 

 

 

 

Nakalimutan kong freelance travel photographer nga pala itong si Seulgi at mahilig siya sa photography so she is the perfect fit for the role. Iyon na din daw ang magsisilbing wedding gift niya sa dalawang kaibigan. 

 

 

 

 

Bubu Bear 🐻💛

Plus, I’ve been busy looking through the guests on zoom. Had fun seeing familiar faces. 🤣

 

 

 

 

The smile automatically faded from my lips after seeing that message. I remembered how excited Lisa and Byul were, earlier, after seeing the Sunmi on the screen. I wonder if Seulgi was busy staring at her on the monitor of her phone that she forgot about me? 

 

 

 

 

Gusto kong tanungin siya tungkol doon, pero pinipigilan ako ng pride ko na gawin iyon. Ayoko din na isipin ni Seulgi na hindi pa nga kami, wala na akong tiwala sa kaniya. 

 

 

 

 

Irene Bae

No worries, ‘Ga. I understand. Besides, your friends here are also enjoying seeing old friends. I figured you are, too. :) 

 

 

 

 

Bubu Bear 🐻💛

First time seeing (most of) them again. Let’s catch up again later, ‘Ga! Have to go back to work. 

 

 

 

 

Inilagay ko na sa side table ang phone ko after seeing the last message. I looked at the screen intently, trying to be happy for our friends while fighting with different thoughts on my head. I know that now is not the right time to think of these petty things, but what can I do when I can’t help it? 

 

 

 

 

Wendy and Joy were flashed on the screen after being announced that they are already married. Ang mga microphone ng participants sa zoom ay naka unmute na, at lahat sila ay nangangantsaw ng kiss mula sa bagong kasal na hindi naman tinanggihan ng dalawa. 

 

 

 

 

“One down. Who’s next?” nakangising sabi ni Chanyeol at isa isa kaming tinitigan. 

 

 

 

 

Hindi namin maitago ang ngiti nang humiwalay si Byul sa tabi ni Solar at tumayo. Solar looked at her astonished, halos nahihiya dahil kita din ng ibang mga participant ang gagawin ni Wendy. 

 

 

 

“Kami.” nakangiting sabi ni Byul na ngayon ay nakatayo na sa harap ni Solar, may kinukuha mula sa kaniyang bulsa. 

 

 

 

 

“Moon Byul! Anong ginagawa mo dyan, nakakahiya ka!” We chuckled as Solar looked like she didn’t know what to do. Naiiyak ito at itinatakip ang kamay sa bibig. 

 

 

 

 

 

Tapos noon, lumuhod si Byul sa harap ni Solar, this time holding a velvet colored box with a diamond ring in it. 

 

 

 

 

“Wuhoo!! May susunod na agad!” dinig namin mula sa monitor, boses iyon ni Wendy na chini cheer si Byul. Hindi namin namalayan na kami na pala ang naka spotlight ngayon. 

 

 

 

“Ang extra ko, ‘no? But I couldn’t help it because I am doing this for the person I love, anyway. Bakit ko ikakahiya ‘to?” for the first time in years of being friends, ngayong araw ko lang yata nakitang ganito kaseryoso si Byul! “Actually, inintay ko lang talaga na may mauna sa mga kaibigan natin. Let’s say, I waited for the right time, too? And there is no other right time than this. Than today. So in front of all these people, I ask you, Kim Yongsun.. will you spend the rest of your life with me? Will you marry me?” 

 

 

 

 

It was a long period of silence. Byul’s speech was short and precise, but I felt giddy. These two have been together for a long time and they have been living under one roof for quite a while now, kasal na lang ang kulang. I saw how Seulgi stared at our friends, as she was already beside Seungwan. I smiled at the back of my head because of my own imaginations. 

 

 

 

 

Sino kaya sa aming dalawa ang magpo propose? 

 

 

 

 

 

“Bwisit ka talaga, Byul! Tumayo ka nga dyan! Sabing huwag kang luluhod in public, diba?!” lahat kami ay natawa sa sinabing iyon ni Solar na naiiyak pa din. 

 

 

 

 

Byul stared at her, bewildered. “Hindi mo pa sinasagot?” 

 

 

 

 

“May iba pa ba akong isasagot dyan?” nakaramdam ako ng kurot sa braso mula sa katabi kong si Jennie nang hawakan ni Solar ang magkabilang pisngi ni Byul pagkatapos na sabihin iyon. “Of course I’ll marry you, Byul. Now, put that ring on my finger before I change my mind.” 

 

 

 

 

Natatawa at naiiyak si Byul habang sinusuot ang singsing sa ring finger ni Solar. Tumayo na din siya mula sa pagkakaluhod pagkatapos noon. 

 

 

 

 

 

“Yung mga single dyan. Baka magkaron na kami ng anak, wala pa din kayong jowa!” pagka call out ni Wendy sa mga kaibigan, nakatingin kay Lisa at kila Chanyeol. 

 

 

 

 

“Safe ako dyan. Malapit na akong magka-jowa!” nakitawa na lang ako nang sabihin iyon ni Seulgi, kahit deep inside ay namumula na ako dahil sa kilig. 

 

 

 

 

“Bakit, Seul? Kayo na ba ulit ni Sunmi?” or so I thought. 

 

 

 

 

Natahimik ang lahat. 

 

 

 

“Aray! Ano ba, Jen!” Inis na sabi ni Lisa pagkatapos na mabatukan ni Jennie. 

 

 

 

“How insensitive. Nililigawan ni Seulgi si Irene!” 

 

 

 

“Huh?” pilit akong ngumiti at tumango kay Lisa. 

 

 

 

“And it seems like Irene doesn’t know about that Sunmi, yet..” salamat nalang talaga at kami kami na lang ang naiwan sa zoom, mukhang wala na din iyong tao na pinaguusapan nila. 

 

 

 

“Watch your mouth, chong. Baka mapauwi ako bigla sa Pilipinas dahil sa pagseselos ng mahal ko.” 

 

 

 

Hindi na ulit nasundan ang usapan na iyon. I guess Seulgi is trying to avoid the topic, at baka hindi din talaga big deal iyong si Sunmi. 
 

 

 

 

We decided to leave the meeting since it is time for Joy and Wendy to be in the reception, with their families. Sakto din na dumating na ang deliveries namin kaya pwede na kaming kumain. Lunch time na din naman. 
 

 

 

 

"Aminin mo, bothered ka don kay Sunmi, no?" hindi ko na kinailangang sagutin pa ang tanong na iyon ni Solar. "Hoy Manoban!" 
 

 

 

"Hoy din Solar!" pasigaw na balik nito at lumapit kay Solar. 
 

 

 

"Huwag mong hino-hoy ang fiancé ko kung gusto mong ma-invite sa kasal ko." natawa na lang ako sa sinabing iyon ni Byul na may kasama pang pagbatok ka Lisa. 
 

 

 

"Bakla ka. Nag-sorry ka na ba kay Irene?" tanong ni Wheein kay Lisa. 
 

 

 

"Ay, hehe.." napakamot sa ulo si Lisa na tinaasan ko na ng kilay. "Sorry, Madam. Hindi ko kasi alam na nililigawan ka na ni Seul. At huwag mo na din pansinin yon si Sunmi! Past is past!" 

 

 

 

"Besides, according sa kwento ni Seungwan, nasaktan ng malala si Seul dahil kay Sunmi. First girlfriend, eh. For sure naman wala na siyang balak balikan 'yon." 
 

 

 

 

Hindi ko alam kung pano i-digest ang mga narinig mula kay Lisa at Byul. Dapat ba akong matuwa na walang chance magkabalikan si Sunmi at Seulgi? Dapat ba akong mag-alala dahil first love siya ni Seulgi at may kasabihan na - first love never dies? 
 

 

 

"Mga loko talaga kayo. Huwag niyo nang guluhin isip ni Irene. Obvious naman na talo na ni Irene si Sunmi. We are in the present. We're done living the past." Byul and Lisa just shrugged on Hwasa's remark. 
 

 

 

"Subukan niyo ibackstab si Seulgi kay Irene, tutusukin ko kayo nito." natawa kaming lahat kay Minho na may hawak pang tinidor at itinapat iyon kila Byul. 
 

 

 

"Don't worry too much about it, Ate Irene. I'm sure you're the one she loves, now." nginitian ko na lang ang sinabing iyon ni Rosé. 

 

 

 

Ang hirap mo namang mahalin, Seul. Ang dami kong kaagaw. 
 

 

 

                                             ---- 

Inagahan ko ang update kasi may pa stream ang mayora cup mamaya, baka makalimutan ko pa 'to ipublish. 🤣 support ko muna mga manok ko. 
 

have a great weekend and I hope you had a great time reading! 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)
No comments yet