Cake

Kumusta ka na?

 

 

Matagal bago kami natapos mag lunch ni Seulgi. We talked about a lot of things during lunch, including her travel adventure. Ikinuwento niya kung kailan ba siya talaga nakarating dito sa Pilipinas at kung bakit niya napag-desisyunan na umuwi. 

 

 

 

When Seulgi booked her ticket for Las Vegas, which is for Wendy and Joy's wedding, she also booked for her flight back to Manila on the day after the wedding. Iyong mga panahon na hindi ko pala siya ma-reach at wala siyang paramdam ay nasa kaniyang flight na siya pabalik sa Manila. She went home to Los Angeles first, to get her things before going back to LAX for her 14-hour long flight to Manila.

 

 

 

Dahil sa pandemic, hindi muna agad pinauwi si Seulgi. She had to stay in a hotel she booked prior to her arrival, for her fourteen-day quarantine. Lahat silang pasahero ng eroplano ay ganoon ang ginawa. I think that's the protocol for everyone. She was tested for covid and even when it came back negative, she still had to finish the 14 days. Kaya hindi siya agad nakapunta dito. Hindi niya na din sinabi sa akin dahil gusto niya daw talaga akong i-surprise. 

 

 

 

"Eh bakit nagpa-deliver ka pa ng tatlong gifts? Pwede namang ikaw na lang ang nagdala 'non?" tanong ko kay Seulgi na ngayon ay nakaupo sa couch dito sa office. 

 

 

"Yung service kasi is point to point. No stopovers. So I didn't have the chance to go to the mall to buy those for you." she shrugged. 

 

 

"You know you're enough, Seul." kumunot ang noo niya. "Ayos lang kahit wala itong gifts, as long as you're here, healthy."

 

 

"So, tanggap mo na ngayon na andito ako at umuwi sa'yo?" umirap ako sa kaniya. 

 

 

Kanina kasi ay medyo pinagtalunan namin ang ginawa niya. Masaya ako na andito siya, syempre. Masaya ako na magkasama na kami ulit. Pero hindi ko gusto ang ginawa niya dahil para sa akin, isa itong hasty decision at hindi na dapat niya ginawa pa ito. 

 

 

"Anong magagawa natin eh nandito ka na?" 

 

 

"Akala ko pauuwiin mo ako.." sinamaan ko nalang ng tingin si Seulgi at pinagulong ang swivel chair ko papunta sa couch. 

 

 

"Bakit kita papauwiin? Eh nakauwi ka na nga?" 

 

 

I smirked and Seulgi just softly chuckled, although a bit shocked by what I just said. Akala niya yata ay siya lang ang marunong bumanat!

 

 

Pagugulungin ko na sana ang swivel chair ko pabalik sa space ko nang ikulong ni Seulgi ang mga binti ko sa pagitan ng kaniya. Her hands were resting on my thighs, while her eyes are locked on mine. Everything felt like a scene from a movie. I couldn't hear a thing except for my own heartbeat beating so loud because of what Seulgi is doing to me. 

 

 

"Saan ka pupunta?" tanong niya habang hawak hawak pa din ako. 

 

 

"B-balik a-ako sa table ko to w-work." napakurap kurap ako dahil sa sinabi kong iyon, halata ang kaba dahil sa lapit ng mukha ni Seulgi sa mukha ko. 

 

 

"You are not allowed to run away after a stunt like that, 'Ga." I gulped. "Hindi na ako aalis, kahit ipagtaboy mo pa ako. Nandito na ako, eh. Sa pahinga ko.."

 

 

"Ako ba? Ako ba ang pahinga mo?" 

 

 

Muntik akong mapatili nang hilahin ako ni Seulgi papalapit pa lalo sa kaniya. Kaya ngayon ay ramdam ko na ang paghinga niya dahil sa posisyon naming dalawa. I noticed how her eyes went from my lips to my eyes. I felt so weak that I had to cling to the back of her neck for support. 

 

 

"Iisa lang naman ang Bae Joohyun sa mundo." 

 

 

Hindi maalis ang tingin ni Seulgi sa labi ko nang sabihin niya iyon. Alam ko na ang kasunod nito, so I started preparing myself. I shut my eyes closed and leaned closer to her. Naghintay akong lumapat ang mga labi niya sa akin, because I so waited for this moment. 

 

 

Napadilat ako agad nang maramdaman ang paghalik niya sa tungki ng ilong ko. Bigla akong nahiya para sa sarili ko. 

 

 

Ano ba ang ine-expect mo, Bae Joohyun?!

 

 

"I think you should start working now, 'Ga." ngumuso na lang ako dahil tinulak na ni Seulgi ang swivel chair ko palayo sa kaniya. 

 

 

Kung minsan talaga ay masyado akong naa-unfairan sa mga nangyayari. How can she make me lose my sanity while everything seems normal for her? Kayang kaya niya akong pakiligin at baliwin pero siya ay tatawa tawa lang? Why does she have this effect on me while she won't even falter every time I touch her? Samantalang ako ay halos mabuwal tuwing hinahawakan niya ako! 

 

 

 

Thankfully, I was able to focus on my work because Seulgi is quietly sitting on the couch. I told her to sleep in the room instead, but she insisted na dito na lang at sasamahan ako sa office. She's used to the California time anyway, kaya't ayos lang na gising pa din siya habang nagta trabaho ako. Hindi pa din naman mawala sa isip ko ang posisyon namin kanina at ang paghalik niya sa tungki ng ilong ko, pero pilit ko iyong inalis sa isipan para makapag-focus ako sa trabaho. 

 

 

 

I currently have three clients in total. Iba-ibang industry ang hawak ko dahil iba iba ang business ng mga client na iyon. Hawak ko ang Instagram at Facebook pages ng dalawang restaurants nila Seulgi sa LA, bukod doon ay mayroon din akong client na nago-offer ng Landscape services kaya mina-manage ko din ang account ng business niya. Ang isa pang client na nitong nakaraan ko lang na-close ay isang Female Lifestyle Coach na may Facebook community kaya't trabaho ko ang i-manage ang group na iyon. I work Freelance, at part-time lang ang contract ko sa dalawang kliyente. Ayos lang naman sa kanila na may iba akong client na hawak bukod sa kanila, kaya pwede pa akong kumuha ng clients pa bukod dito. 

 

 

Simple lang naman ang trabaho ko. Since I manage social media accounts, I have the responsibility to reply to inquiries, comments, and direct messages of potential customers. Siyempre, nagpo-post din ako ng content sa mga page. Ako mismo ang gumagawa ng graphics para sa contents na ginagawa ko. Sometimes, kapag hindi naman madami ang inquiries or engagements, I would help with the Administrative tasks doon sa isang client na hawak ko. Pero madalas ay hindi naman mabigat ang trabaho kaya't pwede akong mag-relax. 

 

 

 

"Gusto mo ng cake? Hot chocolate?" sa sobrang invested ko sa trabaho ko ay hindi ko na namalayan na nasa likod ko na pala si Seulgi na medyo humihikab habang inaantay ang sagot ko. 

 

 

I softly chuckled. "Inaantok ka na ba?" 

 

 

"Gutom lang." ngumisi siya. "Breakfast time ngayon sa California diba? So I'm kind of craving sweets.." 

 

 

"Oo nga pala, sure. Make yourself familiar with the kitchen." 

 

 

Nginitian lang ako ni Seulgi bago siya tuluyang lumabas ng office. Nang maramdaman ko na busy na siya sa ginagawa niya sa labas ay saka lamang ako nakahinga ng maluwag. 
 

 

 

I have been thinking about what happened earlier and I still can't believe how steamy the situation was! Oo at sanay naman ako sa physical contacts namin. Natatandaan ko na minsan na kaming naging sobrang physical noong nasa Dasma pa kami. That was the last time we were that intimate. Kaya naman ay kakaiba ang naramdaman ko ngayon na muli kaming nagkadikit ni Seulgi. 
 

 

 

At iba naman na talaga ngayon. Dahil pareho kaming umamin na ng nararamdaman namin sa isa't isa. I guess intimacy would be normal, from now on? I did expect this to happen, simula nang sabihin niyang manliligaw na siya. I do expect that we'd someday go beyond -- touching, hugging, or simply cuddling. I just didn't expect it to happen this fast. 
 

 

"'Ga... ikaw yata yung antok eh.." nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang tawa ni Seulgi na ngayon ay nasa harap ko na. 
 

 

 

Hawak niya sa kamay ang isang tray na may laman na tig-isang slice ng chocolate cake na pina-deliver niya kanina, at dalawang mug na may lamang hot milk. 
 

 

 

"H-ha? Hindi 'no." 


 

"Sabi mo, eh." 
 

 

Umismid ako at tumayo na sa swivel chair ko. I made sure to turn the sound on for any incoming notification if I ever get one. Nilapag ni Seulgi ang tray sa center table at naupo na sa may couch. When I made sure that I can already let go of my pc, tumabi na din ako kay Seulgi. 

 

 

"Akala ko ba chocolate milk?" tanong ko nang makita ang nilapag niyang hot milk. 
 

 

"Masyado nang sweet. Chocolate overload." Seulgi shrugged. 

 

 

"Alam ba nila Wendy na umuwi ka?" 
 


 

"They know. Pero kay Byul at Lisa, hindi ko pa sinasabi. I'm sure they'd request for a reunion when they find out." natawa kami pareho. 
 

 

 

Among our friends, Seulgi is closest with Byul, Lisa and Wendy. Si Wendy ang bestest friend ni Seulgi because they grew up together. They were neighbors in Parañaque, and classmates from elementary to high school. Kaya sigurado akong matutuwa sila kapag nalaman nila na umuwi na si Seulgi sa Manila. 
 

 

 

"Buti pumayag sila Tita? That you come home and live here. May bahay naman kayo sa Parañaque." 
 

 

 

"Anong magagawa nila kung mas pinili kong uwian ka?" natigil nanaman ako sa sinabi niya. "Besides, the house would be too spacious for me alone. Kaya dito na lang, para araw-araw na din kitang nakikita at nakakasama." 
 

 

 

"Alam mo? Huwag ka na ngang kumain ng chocolate cake. Masyado ka nang sweet." 

 

 

 

Inirapan ko nalang si Seulgi dahil sa pagtawa niya sa sinabi kong iyon. 
 

 


To have her, with me right now, makes me feel complete. Ganito kami bago siya biglang mawala. Ganito kami bago siya lumayo. I wonder if she left before because I did something to shoo her? Takot akong baka may magawa ako ulit at bigla nanaman siyang umalis. 
 

 

 

"Sabihin mo sa akin, 'Ga, kapag too much na, ha? Baka may magawa nanaman akong mali at ma turn-off ka." sabi ko habang nginunguya ang sinubong cake. 
 

 


"Turn off?" she chuckled. "Never akong na turn-off sayo, Hyun." 
 

 

 

Kumunot ang noo ko. "Hindi ba na-turn off ka noon? Kaya ka umalis?" 
 

 

 

"Saan mo nakuha yan?" hinawakan ni Seulgi ang kamay ko at hinalikan iyon. "I told you, right? I left because of me. Wala kang kasalanan doon." 
 

 

 

Tinitigan akong mabuti ni Seulgi, halatang tinitimbang niya ang mga iniisip ko. Alam kong it has been months since we reconnected pero hindi pa namin ulit napapagusapan ang nangyari noon. Ngayon lang ulit mabubuksan ang topic na iyon. 

 

 

I heaved a sigh. I really hate myself and my insecurities and the way it's running the current mood. 
 

 

 

"Sorry. I shouldn't have asked." 

 

 

"Slowly, 'Ga. Slowly." tinanguan ko ang sinabing iyon ni Seulgi. "Do you remember what happened the last time we went to Tagaytay?" 
 

 

I nodded. "The accident." 
 

 

"Yes." Seulgi gently caressed my hand then smiled. "It has something to do with that." 
 

 

 

Tumahimik na ako at hindi na nagtanong pa. Sinubukan kong alalahanin ang nangyari sa gabing iyon. 
 

 

 

I remember how Seulgi constantly blamed herself for what happened. Takot na takot siya dahil sa nangyari. Sinabi niyang natakot siya dahil akala niya ay mawawala ako. Akala niya ay may mawawala nanaman dahil sa kaniya. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon 'non na tanungin siya kung sino ba ang nawala na nabanggit niya nang araw na iyon. Siguro ay may trauma si Seulgi sa car accidents kaya ganoon nalang ang reaksyon niya noon? 
 


 

Pero kahit ganoon ay hindi ko pa din mai-connect iyon sa dahilan ng bigla niyang pag-alis! 

 

 

"Alam mo ba kung bakit ako umuwi, 'Ga?" 

 

 

"Kasi, wala akong kasama dito sa apartment?" natawa si Seulgi. 

 


"That's one of the reasons. Pero ang pinaka dahilan ay dahil gusto kong sabihin sayo ang lahat sa personal." tumango ako. "Ayokong malaman mo mula pa sa iba. Ayoko din namang ikwento sa video call. so.." 

 

 

"Masyado bang, big deal?" 

 

 

Nag-isip muna ng malalim si Seulgi bago sumagot. "Hindi naman masyado. But I made it a big deal." 

 

 

 

Tumango na lang ako at hindi na dinugtungan ang usapan. Masyado na din kasing invested si Seulgi sa kinakain niyang chocolate cake, kaya hindi na ako nag bother pa na magtanong tungkol sa dahilan niya, tungkol sa pag-uwi niya, tungkol sa pagkawala niya noon. Besides, iisa lang naman ang patuloy na ina-assure niya sa akin. 

 

 

 

"May isa pang major reason kung bakit ako umuwi, Hyun." muling pagu-umpisa ni Seulgi ngayong tapos na niyang kainin ang cake niya. 

 

 

"Ano?" tanong ko at nagtaas ng isang kilay. 

 

 

"Siyempre, nasa Pilipinas yung nililigawan ko, eh." 

 

 

Ngumisi ako at ibinalik na sa tray ang pinagkainan ko. 

 

 

Natatawa pa din ako at kinikilig dahil mas pinili namin ni Seulgi ang old style. Pwede naman sana na huwag na nga kaming magligawan dahil magkakilala naman na kami, but since we both wanted to be spontanous, eto kami ngayon na parang mga high school student na nagli-ligawan. 

 

 

Pero mayroon bang mga nagli-ligawan na grabe kung maging sweet, grabe ang intimacy? Kami lang yata. 

 

 

"May nililigawan ka pa ba?" agad na kumunot ang noo ni Seulgi sa tanong ko. 

 

 

"Nakalimutan mo na bang nililigawan kita? Irene Bae? Joohyun?" 

 

 

Gusto kong matawa dahil sa itsura ni Seulgi. She looks funny and cute at the same time sa tuwing binibiro ko siya. Akala niya yata ay seryoso ako! 

 

 

"Ay, nililigawan mo pala ako.." I joked. 

 

 

"Salamat na lang sa lahat, Bae Joohyun. Sige, makikitulog na lang muna ako dito sa apartment mo until I book myself a ticket back to California." I pouted to stop my lips from forming a smile and laughing hard. 

 

 

"Bakit uuwi ka na sa California?" takang tanong ko. 

 

 

"Dahil wala naman pala dito sa Pilipinas yung nililigawan ko. Hahanap na lang ako 'don." kumunot ang noo ko bigla. "Hmm.. gising na kaya si Sunmi? What about Tzuyu? Ah! There's this friend na in-introduce sa akin ni Lisa. Ano nga ulit pangalan 'non? Naeun? or was it Seungyeon?" 

 

 

 

Sinasabi ko na nga ba at hindi ako dapat nagbibiro. Sa huli ay ako ang natatalo! 

 

 

"Kang Seulgi!" sabi ko, naiinis na. 

 

 

"What?" inis pero natatawang sabi niya. 

 

 

"Sino yung mga babaeng binabanggit mo? Sinasabi ko na nga ba at marami kang fling sa California!" 

 

 

"Eh ano naman? Wala naman akong ibang nililigawan, diba?" 

 


I groaned in frustration. "May karugtong pa kasi ang sinabi ko!" 

 

 

Hindi ko inaasahang sa ganito mauuwi ang pagbibiro ko pero sige, plano ko naman na ito kaya.. 

 

 

"Ano ang karugtong?" 

 

 

"NIliligawan mo pa pala ako? Akala ko kasi.. girlfriend na kita." 

 

 

 

I instantly blushed as I said the last word that almost sounded like a whisper. Napayuko ako, iniintay ang magiging reaksyon ni Seulgi na hindi makapaniwala sa narinig. 

 

 

"G-girlfriend na k-kita?" hindi makapaniwalang tanong niya. 

 

 

"Yes, 'Ga. Kaya tigilan mo na ang pagmention sa mga babae mo kung ayaw mong palayasin kita dito ngayon." muling biro ko. 

 

 

"Girlfriend na kita!" 

 

 

Natawa na lang ako dahil mukhang hindi pa gaanong nagsi sink in kay Seulgi ang nangyari. 

 

 

 

I realized that we've wasted too much time already. Bakit pa kami patuloy na magsasayang ng oras kung pwede naman na namin itong dalhin sa next level? Kung pareho naman na kaming handa. 

 

 

"Pero sino muna yung mga babae na binanggit mo kanina?" 

 

 

"Hehe.." 

 

 

----------------------------------------------------

 

baka maging busy na sa mga susunod na araw kaya tinatapos 

ko na 'to. :< 

Anyway, kahit ganon ay rest assuered, hindi ko naman babaguhin/mamadaliin ang plot nito para

lang matapos na agad. Salamat sa pagbabasa! Malapit na tayong mag 200 subs. 

Mahal ko kayong lahat. <3

 

Stay safe! 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)

Comments

You must be logged in to comment
kreidz #1
Chapter 16: BANGGGGG
its_aaarrriii
25 streak #2
Chapter 41: 😭🫶
xantheaverielle
#3
Chapter 42: Sobrang ganda 🥺 Probably the first Tagalog fic that I've read in a while na super daming emotions ang pinaramdam sa'kin 😩 Love how balanced the story is with the angst and fluff. Nothing too extravagant, just the story of them falling in love and how they surpassed all the struggles. Thank you so much for writing this author! Kumusta ka na po? I hope you're doing well, you really wrote this beautifully :)
KangLj #4
Chapter 17: Kilig muna bago yung sakit piste
KangLj #5
Chapter 4: Ang alam ko kasi si Irene ang ghosterist e haha cutie
ketchuppo324
#6
Chapter 16: T_T
yourdailyreader #7
Chapter 24: jusko seul, keep your together naaa
yourdailyreader #8
Chapter 7: napaka asado ni irene! hahah
yourdailyreader #9
Chapter 4: naks! strong and independent woman! hehehe
yourdailyreader #10
im starting this now.