Sunset

Kumusta ka na?

 

This is the final chapter. Thank you for reading! 

 

 

                                           =
 

 


 

 

The dining area was filled with laughter and catching-ups. 

 


Ito ang unang pagkakataon na nagsama-sama ulit ang pamilya namin ni Seulgi. The last time was before our college graduation. Pagkatapos ng aksidente sa Tagaytay, mga panahon na nakaka-receive na pala si Seulgi ng treatment para sa kaniyang PTSD. 

 

 

Kaya ang makita ngayong gabi ang magagandang mga ngiti mula kila Tita Boa, Tito Yunho, Tita Jiyoung at Tito Jisung, sobrang worth it. Sobrang saya din dahil nangyari ang dinner na ito dahil sa engagement namin ni Seulgi. Tinupad niya ang sinabi niya na hindi siya luluhod hangga't hindi niya ipinapaalam sa mga tumatayong magulang ko. Sa relasyon naming dalawa, family comes first talaga. 

 

 

Naiwan si Yeri sa California. Hindi pa kasi ito vaccinated, kaya hindi pa pwedeng bumyahe. Bagong protocol kasi yata ngayon na every time you travel, you'll have to show yung proof na fully vaccinated ka na. Hindi pa daw kasi umpisa ng vaccine roll-out para sa mga bata sa edad ni Yeri, kaya kahit gusto nito, walang nagawa kung hindi ang maiwan muna siya kay Minhyuk at Krystal. 
 

 

"When is Krystal due?" tanong ni Tita Boa matapos ibaba ang wine glass niya. 

 

 

"Last week of October to the first week of November, probably. Excited na nga kami." Tita Jiyoung giggled."Lalo siya." tinuro ni Tita si Tito na nagpahid ng bibig gamit ang table tissue. 

 

 

Ngumisi ito. "Bakit hindi? The first born will be a boy!" itinuro ni Tito si Seulgi at ngumisi ulit. "Dapat sa inyo, babae, ha?" 

 

 

Bigla akong namula nang maramdaman ang pagtawa nila. Kahit si Seulgi ay nakitawa, pisil-pisil ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.  

 

 

"We'll see what we can do about that, Dad." 
 


 

This time, si Tito Yunho naman ang pumalakpak. "We know Doctors from St. Luke's and Asian Hospital. Pero hindi pa ayos ang covid situation dito. Best if you get the procedure done abroad." 
 

 

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil sa mga suggestion ng parents namin! 
 

 

Seulgi and I already talked about getting married and having kids. Pero wala pa sa usapan namin kung paano ito gagawin. Madaming option. Kasama doon ang pag-adopt. Pero siyempre, prefer namin kung sa amin mismo manggagaling ang bata. Our own blood. 
 

 

Namumula ako sa pag-iisip ng mga posibleng mangyari. Parang gusto kong magpalamon sa lupa! 
 

 

"Nahihiya na si Joohyun. Kayo talaga, masyado niyo silang minamadali." 

 

 

"Tour ko po muna si Hyun.. she's probably curious of the house." tinanguan ng mga matatanda ang suggestion na iyon ni Seulgi. 

 

 

Buti pa nga, dahil hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot ko sa mga tanong at suggestion nila! 

 

 

Gusto ng mga magulang namin ng isang grand wedding, kagaya ng unang plano para sa kasal nila Minhyuk at Krystal. They have already thought of the people they want to invite, who will attend the wedding. Bukas ay sisimulan na din daw tagawan ni Tita Boa at Tita Jiyoung ang mga kilala nilang designer na gagawa ng gown ko, pati ng suit ni Seulgi. Kasabay noon ay aayusin ang mga papeles ko para makasama sa kanila sa America, where the wedding will be held. 
 

 

Pakiramdam ko tuloy, planado na nila ang magiging kasal namin ni Seulgi at formality na lang ang proposal na ito! 
 

 

 

"What can you say about the house?" 
 

 

Tanong ni Seulgi nang makaakyat kami sa second floor, nakatayo sa may veranda kung saan kita ang malaking part ng highlands. 
 

 

Ang totoo, maganda ang bahay. I have never doubted Seulgi's taste, lalo sa pagkaka-design ng bahay na ito. The house is located in the midlands of the whole subdivision. The Sycamore Heights. It is engulfed with scenic views of Taal Lake and Volcano, Midlands Fairways, and the beautiful mountain range. The ambiance of the surrounding, let alone the house, is enough for rejuvenation. I guess this is why Seulgi chose this place, instead of building a house in the city. 

 

 

The design of the house is fancy. It has high ceilings with mirrored glasses. There are also enough rooms for our family or possible visitors in the future. Located on the second floor is the master bedroom, plus three more rooms. One guest room and two for our future children- Seulgi explains. Sa ground floor, there are two more rooms. One for the house helps, and one more guest room. Each room already have furniture, pero wala pang masyadong ibang design, dahil gusto niya daw na ako naman ang mag decide nang kung ano pa ang mga pwede at dapat ilagay sa mga kwarto. 


 

 

I felt the cold breeze touch my skin, creating a wind-like effect for my hair na agad ko namang inayos mula sa pagka-gulo nito. Madalim na, tahimik na din ang paligid. Bukas ang mga ilaw sa iilang bahay malapit sa amin, but only the small chirps of birds can be heard even from this elevated position. 

 

 

"Beautiful." tanging sabi ko. "And it's familiar. Hindi ba ito yung ipinakita na bahay ni Byul?" 
 

 

 

My fiancé giggled. "This is our house, Hyun." 
 

 

 

Sinubukan kong hindi masyadong magulat sa sinabi niyang iyon. 
 

 

I'm not naive to not have a guess that this house is ours. I remember how it almost slipped from the tongues of both Byul and Taemin during that zoom call. And the way they exchanged glances with Seulgi during that time. 
 

 

I saw the signs but didn't pay much attention to them. 
 

 

"This land was originally for Minhyuk. Kaya lang, sinabi niya kay Dad na wala silang plano ni Krystal na mag-stay dito sa Pilipinas, so they won't need a house here. Kung uuwi man, bakasyon lang. They can stay in a hotel or we can lend them a room." tumango ako. "Besides, matatali talaga siya sa America dahil nandoon din ang pamilya ni Krystal at ang responsibility niya sa kompanya." 
 


 

Turns out, noong nakaraang taon pa pala sinimulan ang construction sa bahay. September nang magsimula ito. December nang umuwi si Seulgi sa Pilipinas pero hindi niya muna binisita ang site para ma-check ito, because we were together all the time. Hanga din ako dahil natiis ni Moonbyul itago ang nalalaman niya. Knowing her, wala iyong preno at walang sikreto ang nakaliligtas - except this one, of course. 

 

 

 

 

Hindi ko na dinugtungan ang sinabi niyang iyon. Tahimik lang naming dinadamdam ang hangin, habang ang ulo ko, nakapatong sa balikat niya. 


 

 

I grew up without my parents. Other people who have been in a similar situation as I was could sometimes feel that there is something missing in their life. Some of them gave up on love, simply because they lost their parents - the first people who could teach them to love. 
 

 

In my case, I consider myself lucky for having my older sister, our youngest, Tita Boa and Tito Yunho, along with their two children - Doyoung and Eunbi who I treat like my own siblings, as well. And now, I have Seulgi too. I am blessed with a big family, even when my biological parents left this world early. 

 

 

I wonder how my life went if my parents were alive? What would they say about Seulgi? Would they be as supportive as Tita Boa is, to us? I don't know. I won't know. 
 

 

All I know is that my parents taught me how to love. And that love, I promise to show to Seulgi, until the day life decides to separate us. 
 

 

 

 

=

 

 

We came back to Manila after that night. Kami ni Seulgi ang nag-stay sa bahay. Sila Tita Boa, umuwi sa Dasma dahil malapit lang naman iyon sa Tagaytay. Wala pang isang oras ang drive, kasama na ang traffic. Ang mga magulang niya ang nag-stay naman sa Condominium ni Tito - iyong tinulugan din namin the last time we went here. Pagkatapos noon ay kani-kaniya na kaming uwi sa Manila kinabukasan. 
 

 

Hindi ko inaasahan na magiging abala nga kami agad pagkatapos ng gabing iyon. Seryoso pala sila Tita nang sabihin nilang they wanted to hold the wedding as soon as possible. Agree naman doon si Seulgi dahil hindi na daw siya makapag-intay na maging asawa ako. By legal means. 

 

 

Sinamahan niya ako sa US Embassy para sa final interview ko. Ganoon kabilis ang proseso, because our family was able to pull strings para ma-ayos lahat ang papeles na kailangan.  Bitbit ko ang mga kailangang documents at naglakad na papasok. Cellphones are not allowed inside at may designated area kung saan iiwan ang ilang mga gamit. 
 

 

Pagkatapos noon, inintay ko ang turn ko para ma-interview ng consulate officer. Simple lang naman ang mga tanong. 

 

 

"Have you traveled before?" 

"Why are you flying to the United States?" 

"What do you do for a living?" 

 

 

Tatlong tanong lang, kinabahan na ako. Ewan ko ba, eh tama din naman si Seulgi na sayang lang ang kaba ko dahil approved naman agad ang visa ko. 

 

 

Iba pala sa pakiramdam talaga kapag alam mong may isang bagay ka na nakuha, dahil sa connections mo. Nang palabas ako sa embassy ay may mga ilan akong nakita na dismayado dahil hindi sila na-approve. Sayang din kasi dahil malaki ang ibinayad mo just to get the whole process done, pagkatapos ay hindi ka naman nila iga-grant ng visa. 
 

 

Hindi tumagal nang thirty minutes ang buong proseso. Lalo dahil kaunti lang din naman ang mga tao sa embassy dahil walang masyadong naga-apply dito. 
 

 

Oo nga pala, one week na nang mag-propose siya. Kaya one week na din mula nang simulan ang preparations para sa kasal, with our parents' supervision, siyempre. Hindi ko inaasahan na magiging ganito kami ka-busy ni Seulgi. Gusto niyang maging hands-on din naman sa preparations, kahit paano. 
 

 

 

Noong nakaraang araw din, tinanong ko siya kung gusto niya ba o willing siya na mag-drive ulit. I took her sa isang area sa subdivision nila sa Parañaque, where she can practice driving. Pinili ko ang lugar kung saan wala masyadong dumadaan na mga sasakyan. I conditioned her. Nakita ko sa mga mata niya ang kagustuhan, pero hindi niya pa talaga kayang mahawakan ang manibela, let alone step on the gas. 
 

 

 

Kaya hindi ko na pinilit. 
 

 

When it comes to dealing with people who have ptsd - patience is a must. Ang mga dating normal na ginagawa nila ay magiging mahirap ulit gawin, lalo kung ito ang nag-trigger sa trauma nila. So I understand, I completely understand why she can't do it just yet. 

 

 

I parked my car sa labas ng bahay nila sa Parañaque. Both Tita Jiyoung and Tita Boa are already waiting for us, along with the designer na susukatan kami ni Seulgi ngayon. I heard that this designer friend of theirs is a Filipino stylist/designer based in Dubai, at kilala ito ng mga modelo. Sakto na nagbabakasyon sa Pilipinas kaya't masusukatan kami. 
 

 

"Here they are!" ngumiti ako bago bumeso kila Tita. 
 

 

Nasa garden sila, kasama iyong designer na tinutukoy. 
 

 

"Ang gaganda naman pala ng mga anak niyo, Mrs. Kang and Mrs. Jung.." nakangiting bati ng stylist na nakaupo sa gitna nila Tita. 
 

 

"Kaya nga ikaw ang kinuha namin, para quality ang susuotin sa kasal." Tita Boa chuckled. "Irene, Seulgi, this is Amer Lopez. He will be designing your gown and suit." 
 

 

"Pleasure to meet you.." 

 

 

Pinag-usapan ang ilang mga detalye tungkol sa susuotin ko. This will be a once in a lifetime event, kaya keen kami sa mga details tungkol sa traje de boda. Hindi din naman mahirap kausap si Amer, at payag siya na i-ship ang gown at suit from Dubai to Las Vegas, next month. 
 

 

Next month, oo. Sa susunod na buwan na agad ang kasal, kaya talagang abala na kami sa pag-ayos ng mga kailangan. Sa susunod na linggo nga ay tutungo na kami sa Vegas para ma-reserve ang venue ng kasal. We'll have to meet with the Hotel's management, too, for food tasting. And of course, there are papers that we need to arrange to legalize the wedding. 

 

 

Nakakapagod magplano para sa kasal, totoo iyon. Lalo dahil isang buwan lang ang mayroon kami. Pero kung kapalit nito ay ang pagle-legalize ng pagsasama namin ni Seulgi, ang simula ng pang-habambuhay na pagsasama naming dalawa, willing akong mapagod. Hanggang sa maubos ako. 

 

 

"May pupuntahan pa ba kayo or would you like to have lunch here, instead?" tanong ni Tita sa aming dalawa ni Seulgi. 

 

 

"Sa labas na lang po kami or sa condo maglunch, Mom. We'll have to practice." nagangat ako ng kilay dahil sa sinabi ni Seul. 

 

 

"Practice?" litong tanong ni Tita. 

 

 

"Driving." 

 

 

Natawa na lang ang dalawang matanda na sinalihan ni Amer, kahit hindi niya naman daw naiintindihan ang nangyayari. He said that he find us cute and he wishes that he and his boyfriend could also get married soon. Inggit daw siya sa amin ni Seulgi. 

 

 

Nagpaalam na kami ni Seulgi para makapag-practice. Ganoon pa din naman. Same location. Wala kasi akong ibang alam na lugar na pwedeng pag-practice-an niya. Ayos na din ito dahil exclusive ang subdivision at walang masyadong sasakyan na dumadaan sa area na ito. 

 

 

"Are you sure you want to do it today?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya. 

 

 

"I'll have to push myself. Siyempre, hindi naman pwedeng forever ikaw ang nagda-drive. What if you're pregnant and in labor, would you drive yourself to the hospital habang sobrang kaba ako dito sa passenger's seat at walang magawa dahil sa trauma ko?" 

 

 

Natawa ako dahil ang cute ng litanya niya. Gusto ko siyang ibulsa! "Woah, slow down, Miss Kang. Pwede tayong tumawag ng ambulance if that happens."

 

 

Umirap siya. "Here? In the Philippines? Ako na lang ang maglalabas sa magiging anak natin. Bago pa makarating ang ambulance!" 

 

 

Nangiti ako habang iniisip ang posibilidad na iyon. Nai-imagine ko si Seulgi na walang magagawa kung hindi ang mag-panic dahil ganoon ang ugali niya. Baka umiyak lang siya at tawagan ang mga magulang namin, dahil sa kaba niya. Siguradong hindi niya alam ang gagawin niya. 

 

 

Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa lap ko, tapos ay ngumiti sa kaniya. 

 

 

"Slowly, okay? For now, let's enjoy each other's company. I'm sure the kids will follow." 

 

 

Tumango siya. "I want one boy and a girl. Pwedeng kambal din." 

 

 

"Kakasabi ko lang na kalmahan natin!" natawa ako nang malakas at umiling na. "Should we practice or not?" 

 

 

"Let's just practice." she sighed. "Kailangan ko munang matuto na mag-drive bago dumating ang anak natin. At least, hindi ako walang-silbi na Mama." 

 

 

Nagpalit na kami ng pwesto. Siya na ngayon ang nasa driver's seat. Ako naman ay marahang pinapanuod ang mga susunod niyang gagawin. 

 

 

She took a deep breath, and with shaking hands, she got a hold of the seat belt and wore it herself. Then, I heard another sigh. 

 

 

Her eyes looked afraid, still. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya, and I am afraid to ask her about that. Baka naalala niya nanaman ang nangyari sa kapatid niya, at baka iyon ang nagfa flash sa utak niya ngayon. Napapikit niya, habang kagat-kagat ko naman ang pangibabang labi ko, hinihintay ang susunod niyang gagawin. 

 

 

In my mind, I am rooting for her. I am cheering on her. 'Hold it, baby! Hold the steering wheel.' Part of me wants her to start driving again, and to finally put an end to this trauma. 

 

 

Pero hindi iyon madali, para sa mga kagaya ni Seulgi. Rather than pressure, people should make them feel their love and patience. Let them know that you will be waiting.. until they're ready. 

 

 

"I'm sorry, 'Ga.." tanging sabi niya, bigong mahawakan ang manibela, staring blankly at the road. 

 

 

Another failed attempt. 

 

 

Nginitian ko na lang, kinuha ang kamay niyang nakatakip sa mukha niya. "Hey, it's fine.." 

 

 

She looked at me disappointedly. She's frustrated, and she's sad. Parang madudurog nanaman ang puso ko dahil ang hirap niyang tingnan na ganito. It's as if she disappointed me because she thought that I'm expecting her to do it, right now. 

 

 

Sapat ang mga ngiti ko para i-assure siya na ayos lang, at na hindi niya kailangan magmadali. Hindi namin kailangang mag-madali. 

 

 

"You know what? Let's change our positions because I have something I want to do. Let's be spontaneous this weekend. Hmm?" tumango na siya, inalis ang seatbelt at bumaba na ng sasakyan. 

 

 

Umikot ako sa kabilang side para makapag-drive na. Halata pa din sa mukha ni Seulgi ang disappointment, at pilit kong ginagaangan ang mood para hindi niya iyon maramdaman, at hindi siya makapag-isip ng kung ano. 

 

 

Bago tuluyang makalabas ng subdivision, I dialed Sir Siwon's number from my phone. Hindi ko pa din ito binubura. 

 

 

I remember that time when I was called in his office, para ipaalam na kasama ako sa mga empleyadong na-lay off. Sinabi niyang isa ako sa mga mahahalagang asset ng Hotel, and it's a pity that he has to let go of me. Because of that, he wanted to do me a favor. Pero hindi ko pa ginamit agad ang card na iyon. He just said that if someday, I need his help, don't hesitate to call him. 

 

 

At iyon nga ang ginawa ko. 

 

 

Seulgi and I have been keeping ourselves busy here in the city, because of our wedding preparations. We both are stressed, she's pressured and is probably being haunted by her past again. We both need a breather. And I know just the right place for that. 

 

 

Nagulat siya nang dumiretso kami sa red mare hotel - where I used to work. Hindi ko na lang sinagot ang mga tanong niya hanggang sa dire-diretso kaming nakarating sa rooftop, kung saan naghihintay sa helipad ang isang helicopter. Nakatayo si Sir Siwon malapit doon.

 

 

"I have already prepared the things you requested. Treat this as my wedding gift." Sir Siwon chuckled on his own remark. "Enjoy!" 

 

 

Nagpasalamat ako at hinila na. pasakay nang helicopter ang litong lito pa din na si Seulgi. 

 

 

Wala kaming iba kung hindi ang mga sarili namin, as well as our handbags. I asked Sir Siwon to prepare us a helicopter that will land on his yacht's helipad on the sea of Nabas, Aklan. 

 

 

The Coast there is beautiful, as I have seen from pictures online. May resthouse si Sir Siwon doon kaya't may yate din siya. The plan is we would ride to yacht and it will take us to Iloilo, our parents' hometown. 

 

 

"Where are we headed?" litong tanong ni Seulgi sa akin. 

 

 

"Nabas, Aklan." ngumisi ako. "Have you ever heard of that?"

 

 

Umiling siya. "Anong gagawin natin doon?"

 

 

"To relax? Spend some time away from the city?" 

 

 

Ngumisi na lang si Seulgi at kinuha ang cellphone niya. May mga tinype siya doon at ngumiti ng nakakaloko sa akin. Ang mga tingin niya na ganyan, mukhang may binabalak. 

 

 

 

// Somewhere in Nabas, Aklan // 

 

 

Umalis na din agad ang helicopter pagka-lapag namin. We were greeted by Sir Siwon's staff, people we are unfamiliar with. Nasa deck kami at umiinom ng champagne, dinarama ang hangin at ang nakaka-relax na ambiance mula sa dagat. 

 

 

Pareho kami ni Seulgi na first time sa lugar na ito. First time din namin na makasakay sa yate. Talagang kinapalan ko nalang ang mukha ko kay Sir Siwon dahil sa kagustuhan na i-cheer up ang fiancé ko. 

 


"Nakaka-stress pala mag-plano ng kasal." natatawang tanong niya. "Wanna ditch that wedding and get married here, instead?" 

 


"Huh?" this time, turn ko naman yata para malito at magulat dahil sa mga tanungan niya. 

 

 

"Ang sabi ko, gusto mo bang magpakasal na tayo ngayon mismo? Dito?" 

 

 

"Pwede ba 'yon? Ikakasal natin ang sarili natin sa isa't isa?" 

 

 

Tuloy tuloy na sana ang tawa ko nang bigla siyang ngumuso sa paparating na helicopter. Kunot noo kong sinundan ito ng tingin, hanggang sa tumigil sa mismong helipad na pinag-babaan sa amin kanina. 

 

 

Lito akong tumingin kay Seulgi nang may tatlong tao na lumabas mula sa helicopter. An unfamiliar man and woman, kasama si Taemin na kumakaway pa habang papalapit sa amin ni Seulgi. 

 

 

"So is it a yes or a no, 'Ga?" 

 

 

Natatawa, hindi makapaniwala, at naiiyak akong napatingin sa kaniya. "When did I ever say no to you?" 

 

 

Ngumisi na siya at naunang lumapit sa mga tao na paparating. Una niyang binati si Taemin, bumeso doon sa babae, at nakipag-kamay sa isa pang lalaki na hindi ko din kilala. 

 

 

"This is Lee Chaeyeon, a lawyer friend from Iloilo. And this is her Uncle, who will be officiating our wedding." pagpapakilala ni Seulgi sa dalawang hindi-pamilyar na tao. "This is Irene Bae, my fiancé." ramdam ko ang pagpulupot ng kamay niya sa baywang ko nang sabihin niya ang huling salita. 

 

 

"Nice to finally meet you, Irene!" bati noong Chaeyeon at nagabot din ng kamay. "Nagulat ako sa biglang message ni Seulgi kanina. Buti na lang at available kami at nakakuha din agad ng legal documents. Seems impossible but, well." natawa siya. 

 

 

"Wow, uh.." hindi pa din ako makapag-salita. This is too much to take in! "Thank you." tanging sabi ko. 

 

 

We came here because I wanted to surprise my fiancé with a spontaneous weekend trip. Pero bakit parang ako pa yata ang nasorpresa niya ngayon? 

 

 

Ikakasal na kami? Ngayon mismo? What would our parents think! 

 

 

"Papakasal pa naman kami ulit sa Vegas. Civil wedding lang ang ngayon dahil pareho kami na hindi na makapag-intay." natawa si Seulgi sa sarili niya. "You know I wouldn't want to wait more time if it was only me. O kung kaming dalawa lang ang nagpa-plano. Kaso, ang mga magulang kasi namin.." 

 

 

Tumango si Chaeyeon. "Wait lang, ha. Irene.. are you sure about this? I mean, marrying this person right here?" itinuro niya pa si Seulgi. "Sure this won't be the real deal. But you will be signing legal documents. So there is no backing out." 

 

 

Napatitig ako kay Seulgi nang sabihin iyon ni Chaeyeon. 

 

 

This woman, right here, has been through a lot because of me. She has always been beside me, and I always wanted to do the same for her. And she's right. If we could get married right here, right now, I would do it. No doubt. 

 

 

"I am sure that she is the person I want to spend the rest of my life with, the moment I first saw her." napasuntok sa hangin si Seulgi nang sabihin iyon, habang ako naman ay natawa na lang dahil sa ginawa niya. 

 

 

Sobrang biglaan nito. Napakabilis ng mga pangyayari. 

 

 

Chaeyeon came with me sa isa sa mga kwarto, to help me get dressed. May dala siyang isang simpleng white dress, simpleng bouquet ng bulaklak, and a flower crown. May kaunti din na mga jewelry na ipinasuot sa akin. Hindi ko alam kung paano ito naplano ni Seulgi, sa loob lang ng dalawang oras. And the fact that she was able to push through this, too. Even with the current circumstances. 

 

 

I'm gonna get married. To Seulgi. To my bestfriend. 

 

 

We're getting married, today. 

 

 

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko habang naglalakad sa hallway, palabas sa deck kung nasaan kami kanina. 

 

 

I remember being a little girl, dreaming of getting married someday. My dream was also a fancy wedding. A huge one. With lots of flowers, artificial smokes, decorations, with our families, friends, and acquaintances. I remember how I want it to be an intimate event that we will be sharing with important people in our lives. I wanted it to be extravagant, special, and memorable. 

 

 

That was my dream, as a little kid. 

 

 

But I realized that a wedding is not all about those flashy things. It is not an event to brag about how many friends you have, or how much money you're willing to spend for a one-day celebration. 

 

 

A wedding is about two people getting together as one. A solemn event for a couple. All those other things are extras. What's important are the two of us. Our willingness to be bonded as one, our vows to live together forever. 

 

 

Nothing else is more important. Even a small celebration will do. 

 

 

The sky is orange, like embers on fire, and it's reflected on the calm sea. The sun is almost setting, and we chose this time of the day to get married because we both love sunsets. Sure it will give a more intimate vibe to the occasion as well. 

 

 

And at the end of the deck, I saw her standing beautifully on a suit her friend got for her. She was smiling, ear to ear as I slowly walk in her direction. I have never felt this happy or contented with life. I have never pictured getting married this way. 

 

"Hey.." she softly whispered when I stopped in front of her. "You look so beautiful." 

 

 

It was like my world instantly crashed, dahil sa sinabi niya. Nagawa pa din akong pakiligin ng sobra kahit sa mismong panahon na ito. 

 

 

"We're getting married?" hindi makapaniwalang tanong ko pa din sa kaniya, naiiyak dahil dito. 

 

 

"We're getting married." 
 

 

"Please, hold hands." Judge Galvez, Chaeyeon's Uncle said after reading something on his book. 
 

 

Hinawakan agad ni Seulgi ang kamay ko. 

 


"Bae Joohyun, do you take Seulgi Kang to be your wife?" 
 

 

This was once my dream. Now it's finally happening. 
 

 

"Do you promise to love, honor, cherish and protect her, forsaking others and holding onto her forever?" 
 


"I do." pinisil ni Seulgi ang kamay ko. 

 

 

Lumalit si Taemin at iniabot ang isang maliit na kahong naglalaman ng singsing. I realized Seulgi's too ready for this. She even joked that she's always carrying this around just careful enough so that I wouldn't have a chance to see it. 
 

 

Isimuot ni Seulgi ang singsing sa akin, saying her vows under another oath. I did the same on her ring finger, all smiles on my face. 

 

 

And after the time that we were finally announced as a married couple, when we're also done singning the papers,  Seulgi gave me a long, and passionate kiss. Tears of happiness pooled. 
 

 

The kiss was long, hindi ko halos mahabol ang hininga ko. And by the time our lips parted, her head is still slanted, as if ready for another kiss. 
 

 

"I love you. I have only ever loved you." she planted a soft kiss on my forehead. "And this is truer that my other truths." 
 

 

Tumango ako, still haven't recovered from crying. 

 

 

"I love you too, in all ways." 

 

 

Slowly, she leaned on me for another set of long, passionate kiss under the sunset. 
 

 

I have only realized that we are now docked in front of what seems like an ancient light house, lighting the whole yacht as the sun slowly said goodbye.

 

 

And this, right in front of me, is my life. My light. 
 

 

My wife. 

 

 

I married my bestfriend today. 
 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)
No comments yet