Eruption

Kumusta ka na?

 

 

Buong hapon kaming nagsagot ng inquiries ng mga guest sa telepono. The news about the Taal Volcano's eruption bothered some of the guests that made a reservation to Taal Vista, Escala, and other hotels in Tagaytay. Kaya naman, nakatanggap kami ng mga tawag mula sa ilang mga guest na iyon who have canceled their reservation in the hotels mentioned at lumipat sa hotel namin. Hindi ko nanaman tuloy natapos ang mga report na kailangan kong gawin, dahil tuwing ibababa ko ang telepono, may bagong tawag agad na pumapasok, at ang iba naman ay inquiries sa facebook page ng hotel. 

 

Nagpatawag ulit ng emergency meeting ang Boss para sa department heads. Tuloy, ligtas nanaman sa trabaho sa opisina si Taeyeon. All she does is order us around, check the hotel's facebook page all day, sign some papers, and enjoy meriendas from the hotel's restaurant in the midst of those. Gustong gusto niya din na palagi siyang pinapatawag ng boss sa office dahil talagang nakakaiwas siya sa trabaho ng department namin. 

 

4pm na, we skipped merienda dahil walang panahon para lumabas sa office. Ngayon lang kami medyo nagkaroon ng time para huminga, kahit paano, dahil sa wakas ay natigil na ang pag tunog ng mga telepono. 

 

"Grabe, natakot naman agad ang mga tao dahil sa eruption. I can only imagine the damage and loss ng tourism sa Tagaytay because of this." I agreed kay Solar. "Ilan nagpa-reserve sa'yo, Irene?"

 

"May eight-room reservations na ako. Hindi ko pa nache check yung OTA, for sure madami din don. The rest ng mga nakausap ko, inquiries para sa banquet hall." I explained, recalling the phone conversations I had earlier. 

 

"Meron akong reservation for birthday party and pre-nup photo shoot. Next month pa, pero nag-cancel na day sila sa Tagaytay dahil takot pa." ngayon, si Whee naman ang nag share tungkol sa mga na-close niya na deal.

 

"Hayy. kailangan tapusin agad reports tungkol dito, for sure mamadaliin nanaman tayo ni Ma'am Taeyeon." tatayo sana ako para makapag bathroom break nang biglang tumunog ang phone ko. 

 

Great. Kakasabi ko lang na finally, natapos at naubos na ang inquiries, tapos, eto naman ngayon? 

 

Sabay na nagtinginan si Solar at Wheein bago tumapat sa mga computer nila. May sari sarii kaming telepono but this time, itong sa akin lang ang tumunog. Usually kasi sabay sabay yan tutunog at depende sa amin kung sino ang sasagot noon. Kaya ngayon ay wala akong choice kung hindi ang sagutin ang tumutunog na phone. 

 

"Thank you for calling Red Mare Hotel! How may I help you?" I tried to display a smile on my face so that my voice would sound happy and alive. 

 

Number one rule when talking to a guest over the phone: smile as if you are talking face to face. 

 

Hindi pwede sa hospitality industry ang mukha na palaging nakasimangot. Kahit na pagod na sa trabaho at wala sa mood makipag usap sa mga guest, hindi namin iyon pwedeng ipahalata, kahit sa boses namin, dahil mararamdaman nila iyon. 

 

"Yes, Ma'am. We are 55 kilometers away from Tagaytay. There are no ashfalls, and we will not cease operations." sunod sunod ang tanong ng client tungkol sa location at sa situation sa Hotel namin ngayon. "The office is open until 4:30pm. We can only accept ocular visits until then." 

 

I checked the time on my wristwatch. Malapit na mag 4:30, kaya pasensya ka na, ma'am, mukhang hindi ka makakapag ocular visit ngayon. 

 

"Oh.. You're expecting to arrive at our hotel within 10 minutes?" kinagat ko ang labi ko, dinig ang mahinang pag tawa ng dalawang kasama ko sa office. "Sure, Ma'am! I would be glad to assist you. My name is Irene and you can ask for me at the front office. See you in a while, Ma'am!" 

 

I ended the call and sighed. The client is inquiring about a wedding venue and the wedding is happening next week! Everything about their reservation and even the tiniest detail is finalized but they had to cancel it in Escala after hearing about the Taal's eruption earlier today. Our hotel was their second choice before choosing Escala and now they are looking to hold their wedding here after what happened in Tagaytay, 

 

"I guess you will be staying here until I don't know what time." Solar softly chuckled which I just shrugged off. Ang ganda naman ng bungad sa akin ng taon! 

 

I prepared myself and continued doing some of my reports as I wait for the guest's arrival. Kapag ganoon na I am expecting a guest, I wait for the call from the front office. Ang rule kasi ay kung sino ang nag cater sa guest during the phone inquiry, sila din ang magaasikaso from ocular visits until ma close ang deal. Last year, I got to manage most of the events held in the hotel, kaya medyo mataas din ang performance level ko dahil doon. I started building up my name in the industry. Some of the guests I got came from other guests I catered - referrals. Pero hindi pa din sapat ang mga iyon dahil maliit na commission lang naman ang natanggap ko from the management. 

 

Ten minutes later, I received a phone call from the front desk informing me that my guest arrived. SInave ko muna ang tina-type ko sa ms word bago tingnan ang sarili sa harap ng salamin, for one last time. Hawak ko ang ilang flyers tungkol sa packages na ino-offer ng hotel. 

 

It took me five minutes before arriving at the front office. Nakita ko agad sa lounge ang isang couple na mukhang nagiintay sa akin. 

 

"Paki tawagan ang HK. Pa-open mo yung Function Hall A. Ocular visit lang." bilin ko sa nasa reception bago lapitan ang mga guest na nagiintay sa akin. "You must be Miss Hyuna Kim?" nginitian ko ang babae na nasa harap ko. 

 

"Yes.. Miss Irene?" she accepted the hand that I offered and smiled back. "This is Hyojong, my fiance." 

 

"Welcome to Red Mare Hotel, Ma'am and Sir! May I ask if this is your first time in our hotel?" sandali muna akong umupo sa harapan nila, iniintay ang cue ng front office at hk na pwede na kaming pumunta sa function hall. 

 

"Yes. Before deciding on the location of our wedding, we considered this hotel. We just inquired but didn't have a chance to do an ocular visit. So this will be our first visit, too." I nodded my head to the bride-to-be and stood up when I was informed that we're good to go. 

 

"Then I'd be glad to assist you, Ma'am and Sir. Are we closing the deal or are you here to just check on the site?" I asked. 

 

"We would like to hold the wedding here." tumango ako. 

 

Most of our guests in the hotel are foreigners. The rates are quite pricey for local guests kaya mas madalas ay foreigners ang guests namin. Although we, in the marketing team are thinking of strategies din para maka-attract ng local guests. 

 

Kasali sa trabaho ko bilang Sales Account Representative ang pagto-tour sa mga guest as iba't ibang lugar sa hotel. It's restaurants, function halls, hotel rooms, and other amenities. Kaya naman kapag may ganitong ocular visit ako ay palaging sumasakit ang paa ko sa paglalakad gamit ang aking killer heel. May baon akong flat shoes, pero hindi recommendable na iyon ang isuot kapag humaharap sa guest. So I have no choice. 

 

"We actually want a garden wedding. Set na sana ang lahat sa Escala, but things happened, so we probably will just do it in your function hall."

 

"We can offer our restaurant at the rooftop to make up with that, Ma'am. Pwede natin i-set up sa taas na parang mukhang garden." they both looked hesitant, posibleng naiisip ang presyo ng offer ko. Ngumiti ako to assure them. "Negotiable naman ang rates natin, Ma'am. Besides, may mga gumagamit na din naman po ng rooftop. We'll just charge additionals for setting up the venue. But I believe this won't be too different from your budget with escala." 

 

Part of my job and responsibility is to convince the guests to close the deal, of course. Tulad nito... they should expect na mataas ng konti ang rate lalo at biglaan at konti lang ang panahon para mag prepare. We are used to these rushed events pero the pay should be reasonable. Besides, medyo mababa pa nga ang ino-offer ko sa kanila. 

 

"Sure. We're fine with that." nginitian ako ni Sir Hyojong

 

"Then I guess it's time to finalize the details of the wedding?" 

 

I invited them sa restaurant sa ground floor para doon mapag-usapan ang ibang details tungkol sa kasal. Usually, we would sign the contract right away. Pero dahil patapos na ang office hours, baka bukas na ang contract signing. Besides, kailangan ko pang i-consult sa manager ko ang tungkol dito. 

 

 

=

 

Pass-six na nang makaalis ako sa office. Wala na akong naabutan doon. 5:30pm kasi ang out namin. Ginawa ko pa ang daily report ko na kailangan i-submit sa Operations Manager namin early tomorrow, so I had no choice but to go home late. May dagdag kaya ito sa paycheck ko? Walang kasiguruhan.

 

Pagod na pagod ako dahil sa lahat ng trabaho sa office, lalo sa ginawa kong ocular visit. Pagkatapos ay traffic pa sa byahe pauwi. Buhay nga naman. Parang gusto  ko nalang humiga buong araw at manuod ng netflix. Kaya lang, hindi pwede, eh. Paano matutupad ang mga pangarap, paano magiging succesful kung wala kang gagawin?

 

My parents died when I was young. Ang tanging naiwan ay ako, ang Ate ko na si Tiffany at ang bunso namin na si Lia. Ate was in fourth-year high school when our parents died. Second year naman ako at grade three ang si Lia nang mangyari iyon. Kaya sa murang edad ay natuto kami ni Ate na maging independent at responsible. We lived off our parents' retirement fees and trust funds. Iyon ang ginamit namin para makatapos sa pagaaral. Ate studied Fashion Design and she's now a successful designer in New York, along with her bestfriend, Jessica. Ako naman ay tapos ng Marketing Management. Magkatulong kami ngayon ni Ate sa pag-papaaral sa aming bunso na malapit nang mag college. Maaga kaming namulat sa realidad ng buhay, kaya hindi kami sanay na pa-chill chill lang. 

 

"Late ka nanaman.." bungad sa akin ni Jennie pagka-pasok ko sa apartment. 

 

"Magulat ka kapag maaga nakauwi si Ate Irene. Baka end of the world na 'yon." I just slightly chuckled sa sinabi ni Chaeyoung. 

 

"Or baka wala na akong trabaho kapag nangyari 'yon." pareho silang binigyan ako ng makahulugang tingin, confused at gulat. "Relax. I have no plans of resigning, yet." 

 

"Still? Hindi ka pa din ba napapagod?" tanong ni Chaeyoung.

 

"May lahing superwoman yan si Irene, eh." natawa ako sa sagot ni Jennie sa kapatid.

 

"Ligo muna ako. Mamaya natin pag-usapan natin." 

 

Nag-paalam na ako dahil kung magtatagal pa ako, baka mag tagal pa ang topic na iyon. Pero hindi pa din ako nakatakas dahil buong dinner, career ko ang topic namin.

 

Jennie and Chaeyoung shared about their careers na flourishing ngayon. Ang laki ng bonus na natanggap nila nitong holiday season. May tig-dalawang clients sila and they're earning an average of $2k each month mula sa clients na iyon. Average lang iyon.. Madalas ay may mga bonus sila. Gaano ka-unfair ang mundo? Ang laki ng kinikita nila, pero kaunti lang ang trabahong ginagawa nila. Samantalang ako, na halos maging all-around staff na sa hotel, wala pa sa kalahati ng kinikita nila ang sahod ko! Luging lugi ako.

 

"Sabi ko kasi sa'yo, start freelancing na, eh. May mga paid courses naman online, and you have us to guide you, anyways. Hindi ka malulugi dito, Rene." 
 

Matagal na akong kino convince ng magkapatid na umpisahan ang career sa freelancing. Noon, nagta trabaho si Jennie as guidance counselor sa isang school. Inabot siya ng five months lang doon bago mag resign at mag work from home nalang. She was quick to convince her sister to do the same, as soon as Rosé graduates. Simula noon ay sinusubukan na nila akong i-convince, pero masyado akong mahirap magpapilit. 
 

Before, hindi talaga ako fan ng online jobs. I don't see it as a profession, as a job that you can be proud of. Iba pa din kapag may company ka na pinapasukan. But I recently learned na iba-iba pala ang trabaho online. Jennie is a Digital Marketer, while Rosé is a Virtual Assistant and Graphic Designer. Malayo sa tinapos nilang course, pero kahit parang nag career shift sila dahil sa ginagawa nila ngayon, masaya sila. 
 

Eh ako? I studied Marketing Management. I work at a famous hotel as a Sales Account Representative. My job is in line with the course I finished in college. But am I happy with my job? Am I still happy with my career? Hindi ko na alam. 

 

Sinasabi nila na para maging maayos ang trabaho mo, kailangan na masaya ka sa ginagawa mo. Pero habang tumatagal ay hindi na ako nakakaramdam ng saya. It's like I'm only working just to make a living. I let each day to pass like it's just a routine. Like I'm doing this because I have to, not because I want to. 
 

Most importantly.. am I doing this for myself? or am I only doing this because I'm waiting for her? 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)
No comments yet