Epilogue

Kumusta ka na?

 

// Sunrise by Fred Engay//

 

 

 

 

 

I was eight. It was one of those countless attempts made by my parents when we first met. 

 

 

Naalala mo kaya? Parang hindi na. Masyado pa tayong bata noon at masyadong masakit din ang mga nangyari sa'yo nang sumunod na taon, kaya baka nga nakalimutan mo na. 


 

Our first meeting wasn't in that classroom in St. Scho. It wasn't during my fourth year in middle school.
 

 

 

It was a year after we lost my twin sister. My parents brought me to Iloilo during the summer. I remember being stuck in our old-Spanish house in the province when we had a visitor. Mom's childhood friend, her husband, and two daughters. 

 

 

It was you, your mother - Tita Eugene, your father - Tito Eric, and your Ate Tiffany. You were a cute little girl holding your plushies. So timid, elegant, and quiet - just like your mom. 
 

 

"Hey..." ikaw ang unang lumapit. Nakaupo ako sa unang hakbang ng hagdan, tahimik at walang plano na lumapit sa bisita ng magulang ko. "What's your name?" 
 

 

 

Inangat ko ang ulo ko, and for the first time since I lost my sister, I gave out a small smile. 
 

 

 

You were so curious about me. It's like you are telling me to cheer up because I finally have a friend who would be by my side, who would sympathize with me. Hindi ko alam kung nasabihan ka tungkol sa nangyari, o kung naiintindihan mo kung bakit ako nagkaka-ganito. We were so young then. 

 

 

"Seulgi.." it sounded almost like a whisper. 
 

 

You smiled sweetly and I swear, that was the most beautiful smile I have ever seen. 

 

 

"Joohyun." you held my hand, pilit akong pinapatayo. "Do you want a lollipop? I'll ask mom to give you one." 
 

 

 

You were just like your mother. Your eyes were the same. Beautiful, comforting, soft, and genuine. 
 

 

 

Hindi ko inaasahan na ang batang iyon na nagbigay sa akin ng lollipop ang taong mamahalin ko hanggang pag-tanda. 

 

 

Naaalala mo pa kaya iyon? 
 

 

 

"Anak, this has been the fourth time we were called in the office! Sigurado ka bang hindi mo talaga pinapatulan ang mga 'yon?" Si Dad, sa huling pagkakataon na ipinatawag sila ulit dahil sa mga classmate at schoolmate kong nag away-away. 

 

 

Dahil nanaman sa akin. 
 

 

Hindi ko maintindihan ang mga lalaking ito. W-well some of them were g-girls. 
 

 

Malinaw kong sinasabi sa kanila na hindi ako interesado sa kahit sino sa kanila. At na tigilan na nila ang panliligaw. Hindi yata nila maintindihan dahil akala nila ay involved ako sa iba kaya't hindi ko sila pinapansin. Ang totoo, wala akong oras para sa kanila. 
 

 

My last and first girlfriend was Sunmi. She was my first love. We tried making it work, pero mukhang hindi kami ang para sa isa't isa. Kaya hindi ko na lang pinilit. 

 

 

"They're not even my friends, Dad. I have nothing to do with those people po." Mommy sighed along with my Dad. Tinitigan ko lang silang dalawa at inintay ang magiging desisyon. 

 

 

"This won't do. Baka guluhin ka pa ng mga iyon dahil nagkaroon sila ng record. You'll transfer schools, kahit umpisa na ng second sem." 

 

 

Hindi ako tumanggi. Iyon din naman ang gusto ko. Right now, I just want to study peacefully. Ayoko din na magkaroon ng record sa Zobel, dahil baka ma-apektuhan nito ang admission ko sa DLSU Manila, where I will be studying college. 

 

 

Ganoon nga ang ginawa ni Dad. He knows someone from St. Scholastica's college - an all-girls school. Doon ako ipinasok para daw walang mga lalaki na manggugulo sa akin. Ayoko sana, noong una. I even insisted on enrolling in UST, instead, dahil maganda din ang high school program nila doon. Mabuti na lang at hindi pumayag si Dad, dahil baka hindi tayo nagkita ulit kung napunta ako sa USTe. 

 

 

It's amazing, how life works. Ilang taon kitang hinanap. Kung minsan ay nagtatanong-tanong ako kay Mom tungkol sa iyo, at sa pamilya mo. All she said was that your parents died in an unfortunate accident two years ago. Hindi kami nakapunta dahil nasa Abroad sila Mommy noon, dahil sa business. Sinong maga-akala na dito tayo magkikita muli, sa all-girls school na ito na ayaw ko pang pasukan noong una? 

 

 

I knew you hated me, on our first meeting. Hindi ko alam kung bakit. Parang hindi mo din ako maalala, dahil ang taray ng approach mo sa akin. Mabuti na lang at mabait ang kaibigan mo na si Jennie, na ipinakilala pa ako sa girlfriend nito na si Lisa - naging close ko din nang maglaon. Uso pala talaga ang same relationships kahit sa all-girls catholic school. Pero siyempre, hindi ganoon ka-obvious dahil may rules pa din naman kahit papaano sa school na ito. Hindi din lahat ng estudyante ay lesbians o biuals, kaya hindi out ang mga couple na nagde-date. Pero may iilan din na mahahalata mong mag-jowa. 

 

 

Gusto kita, alam ko iyon sa sarili ko simula pa lang. Kaya din siguro mabilis akong nawalan ng interes kay Sunmi, kahit pa sabihin mong first love ko siya. Iba ka kasi, eh. Hindi ka nawala sa isip ko simula nang una tayong magkita. Siyempre, wala pa akong feelings noon sayo dahil napakabata pa natin. 

 

 

How would a grieving eight-year-old kid realize that she likes girls, instead of boys, hindi ba? 

 

 

Na-realize ko ito noong third year high school. I loved playing with cars, instead of barbie dolls when I was a kid. I am more attracted to women and was never attracted with my male classmates. Pagkatapos ay dumating pa si Sunmi. Siya ang unang girlfriend ko, at siya ang nagpa-realize sa akin na babae nga ang gusto ko. 

 

 

Pero hindi siya iyong babae na gusto kong makasama habambuhay. Ikaw 'yon. Ikaw lang. 

 

 

"Dad?" marahang tanong ko kay Daddy isang hapon na nasa bahay sila. "I have something to say. To you and to mom po." 

 

 

Inilapag ni Mommy ang tea cup ni Dad dahil siesta time nito sa office. Kinakabahan akong tumingin sa kanilang dalawa na iniintay ang susunod kong sasabihin. 

 

 

Now that I am sure of my own preferences, gusto kong aminin na ito sa kanila. After all, hindi uso sa pamilya namin ang mga sikreto. Matagal ko na din inihanda ang sarili ko sa kung ano ang maging reaksyon nila tungkol sa pag come out ko. Nag-ipon ako ng lakas ng loob, and now that I am sure of it, panahon na para sabihin ko sa kanila. 
 

 

"When you asked me before, kung mayroon ba sa mga male classmates ko sa Zobel ang natitipuhan ko, hindi po ako sumagot, diba?" 

 

 

Tumango si Dad. "And that's fine, because most of them are playboys. Sigurado ako doon." 

 

 

"That's one reason, but there's more into it po." kumunot ang noo ni Mommy at todo ang pag-anticipate sa susunod kong sasabihin. Bumuntong-hininga ako. "I am not attracted to men. I'm a lesbian, po." 
 

 

 

Katahimikan. 

 

 

Hindi sila agad sumagot. Para akong maiiyak dahil mukhang masesermunan ako, masisigawan at mapapalayas pa nga. 
 

 

What my mother did next surprised me, though. Hinigit niya ako sa isang mahigpit na yakap, at doon ako nagsimulang umiyak. Tumayo na din si Dad mula sa swivel chair niya at sinamahan kami sa yakap na iyon. 

 

 

"Thank you for telling us, anak. It must have been hard on you." hindi ako nagsalita at patuloy lang umiyak habang yakap pa din ni Mommy. "Your Dad and I knew. We confirmed it when you first introduced Irene, to us." 

 

 

Natawa si Dad. "Years after you first met in Iloilo. Who would have thought?"

 

 

Overwhelmed ako dahil sa reaction nila. Hindi ko inaasahan na tatanggapin ng mga magulang ko at wala silang bayolenteng reaksyon tungkol dito. Isa pa.. alam na nila, hindi ko pa sinasabi! 

 

 

"So.. kayo na ba ni Irene kaya mo sinasabi ito sa amin?" 

 

 

"P-po?" 

 

 

Nagulat ako dahil parehong tumawa nang malakas ang mga magulang ko. 

 


Sandali naman, kaka-amin ko lang po sa inyo! 

 

 

"Basta, dapat, tapusin niyo muna ang paga-aral niyo and build a career for yourselves. Mas mabuti na established na ang career niyo bago kayo mag-pakasal. Bata pa naman kayo, anak. Huwag niyong madaliin." 

 

 

Wala akong masabi, masyadong advance mag-isip ang si Dad! 

 

 

"H-hindi p-pa po kami ni Irene." sabi ko at lumunok. 

 

 

Binawi ni Mom ang ngiti niya. "Ay hindi pa ba? Pero doon din naman ang punta 'non!" 

 

 

Hindi nagbago ang pakikitungo sa akin ng mga magulang ko, kahit na nag-come out na ako sa kanila as gay. Alam na din ito ng kapatid ko na si Minhyuk, at sinabi niyang kaya naman pala madalas kong hiramin noon ang mga de-remote niyang sasakyan. Tanggap ako ng pamilya ko. 

 

 

Unfortunately, my parents wanted me to continue college in La Salle, Taft. This is my Father's alma mater and he wanted both me and Minhyuk to finish our studies here. Talo si Mommy na graduate sa Katipunan. 

 

 

Wala akong magawa kung hindi ang sumunod sa gusto nila, kahit gusto kong mag enroll sa UST dahil doon magpapatuloy si Irene at. ang iba pa naming kaibigan. It's not that I don't want to be in La Salle - I have friends here, too. Pero ang maisip na malalayo ako kay Irene, hindi ko yata kakayanin. Taft is not far from Espanya. So if I want to see Irene every day, I can drive there. Kaya lang ay baka maging imposible iyon minsan dahil sa mga commitment namin sa university. 

 

 

Damn, kayanin ko ba na malayo sa kaniya, for four years?

 

 

"Nakasimangot ka dyan.." tanong sa akin ni Wendy habang magkakasama kami ng tropa sa Agno para mag lunch. 

 

 

"Hindi nanaman kasi matutuloy yung dinner namin ni Irene mamaya." sagot ko at inilapag ang phone sa lamesa, kakabasa lang ng reply ni Irene. "Two weeks na kaming 'di nagkikita. Masyado siyang busy dahil malapit na ang finals."

 

 

Umismid si Wendy. "Ikaw naman kasi, makapag-demand ka ng oras 'nong tao.. kayo na ba?"

 

 

Natigilan ako sa sinabi na iyon ni Wendy. 

 

 

My friends are very much aware of my feelings for Joohyun. Napakilala ko na din sila sa kaniya pati sa group of friends niya, first year pa lang kami. Funny because her friend from UST is now dating Byul. Pero kami.. heto pa din kami.. 

 

 

I am in love with Bae Joohyun. Na-realize ko iyan mula noong fourth year high school - sa St. Scho. Hindi iyon love at first sight. It was more of affection from meeting as kids that grew into love as we got older. Takot akong aminin ang nararamdaman ko para sa kaniya, kahit pa sigurado na ako dito. Kung minsan kasi, napaka-unpredictable din ni Irene. We are bestfriends, sometimes we're touchy and clingy. 

 

 

Pero paano kung ganito ang turing niya sa akin dahil nga mag-bestfriend kami? Ako lang pala itong naga-assume na baka may nararamdaman din siya para sa akin, the same way that I feel sa kaniya. 

 


Gusto ko din naman umamin sa kaniya, kahit may halong takot. Madaming pagkakataon na akong nag-attempt, pero palaging hindi iyon natutuloy dahil sa unexpected circumstances. Iniisip ko na baka hindi pa iyon ang tamang oras para umamin sa kaniya dahil palagi ngang hindi natutuloy. 

 

 

"Tulala nanaman yan." sabi ni Byul pag-balik sa table namin. 

 

 

"Iniisip siguro label nila ni Irene." natawa si Wendy at umiling. 

 

 

"Umamin na ba?" tanong naman ni Jisoo na nakaupo sa tabi ko. 

 

 


"Hindi pa." bumuntong-hininga ako. "Paano ba umamin? Nang hindi nasasaktan sa rejection?" 

 

 

"Eh bakit mo naman kasi iniisip agad na ire-reject ka." inirapan ako ni Joy, ang girlfriend ni Wendy, bago ito tumabi sa kaniya. "Kulang ka din kasi ng tiwala sa sarili mo, eh. Sinasabi ko sayo, malabong mangyari na i-reject ka 'non si Irene dahil bakla din yon." 

 

 

Natawa nang sabay si Byul at Jisoo dahil sa sinabing iyon ni Joy. Wala talagang preno eh. 

 

 

"Anong nakakatawa eh totoo naman." umismid si Joy. "Kita mo yan si Jisoo. Kung makapag-bigay ng advice sayo. Eh kahit siya nga mismo, hindi maka-amin kay Chaeng." 

 

 

Ah, si Jisoo..

 

 

Matagal-tagal na din siyang may gusto sa kapatid ni Jennie na si Chaeyoung at naging close din silang dalawa. Kaso, kagaya ko, takot din umamin. Bukod pa doon, parang may iba yata kasing gusto si Chaeng na from UST.. Nakalimutan ko ang pangalan.. basta parang ka-apelyido yata ni Irene. 

 

 

"Erp.. Tayong dalawa na lang siguro. Kung hindi tayo papalarin sa mga gusto natin." sabi ko at pabirong inakbayan si Jisoo. 

 

 

"Ulol mo, Seul. Mas mabuting mag-madre na lang ako!" 

 

 

Sabay sabay kaming natawa na lang. Dumating na din ang dalawa pa naming kaibigan, si Minho at Taemin at sakto din na tapos na ang orders namin kaya't kumain na kami. 

 


Walang kasawaang bacsilog. 

 

 

Ewan ko ba sa mga 'to at madami namang kainan dito sa Agno at sa paligid, pero mas gustong kumain ng mga rice toppings ni Ate Rica.

 

 

 

 

=

 

 

Fourth-year. Ang bilis ng panahon at magta-tapos na agad kami. Parang kahapon lang noong nalilito pa ako sa Henry Sy building, pero ngayon, panahon na para magpaalam sa La Salle. 

 

 

Abala kami sa taon na ito. Pati din naman si Irene. Hindi na kami masyadong nakakapag-kita at naiintindihan ko iyon. Pero sa tuwing may special occasion, hindi pwedeng hindi kami magkikita, siyempre. Tulad ngayon na holiday dahil sa all soul's day. Sumama ako sa kaniya sa Dasma, sa bahay nila Tita Boa at sumama din sa pamilya nila kapag binisita sila Tita Eugene sa sementeryo. 

 

 

Pagkatapos, dinner naman sa Tagaytay. 

 

 

Tagaytay. 

 

 

I will never forget this place and all the memory I have of it. Matagal na panahon na ang lumipas. This place will never fail to remind me of the pain of losing my twin, the pain from my parent's eyes when they found out I was suffering from post-traumatic stress disorder because of that incident. 

 

 

Tagaytay will always be a part of me. Na minsan ay may isang bata na muntik nang sumuko sa buhay dahil sa nangyari sa kapatid niya. Na minsan akong naging mahina at duwag dahil sa memorya na iyon. Akala ko pa nga ay hindi ako matutong mag-drive dahil dito. There was a time in my life that I would break down if I see a car. 

 

 

Ayokong maging duwag pa kaya't pinilit ko ang sarili ko na magpatuloy, kahit na sobrang sakit pa din sa akin ng nangyari kay Seulki. Hindi mo pa alam ang tungkol sa bahaging ito ng nakaraan ko, at gusto kong hanapan ng pagkakataon na sabihin iyon sayo. Siguro, pagkatapos ng trip na ito sa Tagaytay. 

 

 

Tagaytay. 

 

 

Images of my twin drowning in her own blood, the sounds of cars crashing, mommy's scream, and daddy's silent tears in the hospital, it all came back. 

 

 

Napapikit ako dahil sa sakit ng ulo ko. Wala akong halos marinig. Wala akong maramdaman, kahit na tumama ang ulo ko sa manibela. Ni hindi ko alam kung dumugo ito. I can't even look at you, and check if you're okay. Blanko ang lahat. 

 

 

Ilang taon kong pilit kinalimutan ito, iyon kasi ang sinabi ng Doktor. Kaya't bakit naman ngayon pa? 

 

 

"Hindi ka pa makatulog?" naramdaman ko ang pag-tabi niya sa akin. 

 

 

Nagpapahangin ako sa veranda ng kwarto niya, pinapakalma ang sarili mula sa nangyari kanina. 

 

 

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko, if something bad happened to you earlier." 

 

 

Nakita ko kung paano lumungkot ang mga mata niya. Kanina niya pa ako tinititigan ng ganiyan, malamang dahil sa hindi niya ako makausap ng maayos simula kanina. 

 

 

Hindi ko din talaga alam kung paano ba ako dapat umakto. Gusto kong sabihin sa kaniya na kaya ganito ang nararamdaman ko dahil takot ako na mawala din siya, dahil sa akin. Takot ako na baka may masayang nanamang buhay at pangarap dahil sa katangahan ko. 

 

 

And if she happens to find out about my condition, kaawaan niya din ba ako? 

 

 

 

 

 

"Bakit, Seul?" lito kong tiningnan ang caller id nang masagot ito. 

 

 

Si Minhyuk, tumawag. "Anong bakit, eh ikaw ang tumawag sa akin?" 

 

 

Tumahimik siya habang lito pa din ako. Minsan lang ako tawagan ng kapatid ko, at alam ko naman na dahil busy din siya sa trabaho. Ni hindi nga kami halos makapag-usap nito ng matagal. 

 

 

"Tumawag ako dahil nag-text ka sa akin kanina. May missed call ako mula sayo kanina and I called back dahil baka importante ito. Now you're telling me why I called you?" 

 

 

Ako naman ang natahimik, nagiisip ng excuses na sasabihin sa kaniya. Wala akong masabi. Ibinaba ko na lang ang tawag pagkatapos na mag-sorry sa kaniya. Sinabi ko na napindot ko lang ang number niya kanina. 

 

 

Nanginginig ang kamay kong binuksan ang call logs. Tama siya -- may isang text nga ako sa kaniya at missed call. 

 

 

Napapadalas ang ganitong mga incident simula nang nangyari sa amin ni Irene sa Tagaytay. Madalas sumakit ang ulo ko ngayon, and it seems like the trauma is back too. 

 

 

Hindi na ulit ako makapag-drive. Hindi ko magawang magmaneho dahil sa tuwing susubukan ko, parang naririnig ko ang boses ni Seulki, ang mga iyak niya nang araw na iyon, pati ang huling ngiti niya sa akin bago mangyari ang aksidente. Pagkatapos ay nitong mga nakaraan, madalas na may mga bagay akong ginagawa -- that is so unlikely of me. 

 

 

Magugulat na lang ako na may kumakatok sa pinto dahil may delivery ako na binili sa online. O hindi naman kaya ay ang bigla-biglang pagtawag ng mga kaibigan, kagaya ng nangyari kay Minhyuk kanina lang. Parang may lapses sa memory ko, at hindi ko alam kung epekto ba iyon nang pagtama ng ulo ko noong bumangga kami. 

 

 

And then I remembered reading something about ptsd and a certain condition that can happen because of it.. 

 

 

Dissociative Identity Disorder - kilala din bilang Multiple Personality Disorder. People's way of escaping from reality, especially when they have a traumatic experience. 

 

 

Signs and symptoms depend on the type of dissociative disorders you have, but may include:

  • Memory loss (amnesia) of certain time periods, events, people, and personal information

 

 

Sinarhan ko ang laptop ko matapos mabasa ang article na iyon mula sa isang trusted website. 

 

 

Natulala ako... kaya ba.. kaya ba... 

 

 

Wala ako sa sarili nitong mga nakaraang araw. Ayoko din munang humarap sa mga tao, kahit kay Irene. I fear that I won't be the real me if I see her. I stared blankly at the monitor, trying to watch the footage of myself, being violent and destroying some of my furniture. 

 

 

I couldn't believe that this person is me - with a different personality. 

 

 

Nakumpirma namin ang tungkol sa aking DID after consulting with my psych, Doctor Cervantes. Nagulat ito nang bumisita ulit ako sa clinic niya, dahil alam niyang matagal na daw akong naka-recover. She was also the one who helped me with my therapies as a kid, kaya't hindi makapaniwala nang bumalik ang trauma. 

 

 

I am in the early stage of dissociative identity disorder. Sa pag-monitor namin nitong mga nakaraan ay nalaman na mayroon na akong dalawang bagong personality. The first one, which I am seeing on my screen is called KSGV - Kang Seulgi Violent. Dahil talagang bayolente ito. Matapang, walang inuurungan, palaban. Sobrang layo mula sa kung sino talaga ako. Meanwhile, the second personality is called KSGK - Kang Seulgi Kid. She is a typical high school girl, fan ng kpop, may crush sa mga oppa, at soft ang personality. Kung gaano ka bayolente iyong isa, sobrang bait naman ni KSGK. 

 

 

My parents fear na baka madagdagan pa ang mga personality na ito, kung tumagal pa. They want to hire the best doctors in this field, bukod kay Dra. Cervantes. Ayos naman sa akin iyon, as long as they won't force me to go back to the States just to get treated. Ayokong maiwan si Irene dito sa Pilipinas. 

 

 

"It's your graduation day, bukas." tinitigan ko nang matagal si Irene pagka-sabi niya noon.

 

 

This is the first time we're seeing each other again, after weeks. Parehong naging abala sa preparations sa graduation, at sa dahilang hindi pa din ako handa na harapin siya, pagkatapos ng mga nalaman ko tungkol sa akin. 

 

 

"Ang bilis. Parang kahapon lang, jina-judge mo pa ako sa pag-transfer ko sa St. Scho.." 

 

 

Natawa siya. "When was the last time we came there?" 

 

 

Napaisip ako. Matagal na nga naming hindi nabibisita ang alma mater. Hindi naman sa bawal nang pumunta doon ang alumni, pero nawalan lang talaga kami ng panahon para bumisita dahil iba talaga ang pagiging abala ngayong college. Next level ang mga responsibility, eh. 

 

 

"First year pa yata tayo 'non.." umismid ako. "Puntahan natin bukas? After graduation ko?" 

 

 

Isinandal niya ang ulo sa balikat ko, habang magkawak-kamay naming dinaramdam ang hangin. Ngayon lang kami ulit kumain sa labas. 

 

 

"May family dinner kayo bukas, diba?" 

 

 

Tumango ako. "The ceremony will end at 5pm. Konting picture taking, I think I'll be there by 6. 7pm pa naman ang reservation nila Mom sa restaurant, kaya sayo ako ng isang oras." 

 

 

Tomorrow. At St. Scholastica's College where I confirmed my feelings for her. Tomorrow, I will tell confess my feelings for her. Nakaipon na ako ng sapat na lakas na loob, para masabi sa kaniya. Wala na akong balak patagalin pa ito, as I don't want to waste more time. 

 

 

"Ang special ko naman, to think that you have given me an hour even with your hectic schedule tomorrow." 

 

 

Pinitik ko ang tungki ng ilong niya, marahan, para hindi ito mamula. "You are special to me. I wouldn't make it this far without you." 

 

 

Ramdam ko ang pag-init ng katawan niya at pamumula ng mukha. Natawa na lang ako at hindi pinansin iyon. Ang tagal naman ng bukas. 

 

 

 

Graduation day.. ah.. ma-martsa na ako, tatanggapin ang diploma, ihahagis ang cap, tapos ay magpa-papalam kay Archer - iyong resident cat ng mga La Sallian sa campus. Pero pinaka naglo-look forward ako sa confession ko kay Irene sa araw na ito. Dahil sa wakas, masasabi ko na sa kaniya ang nararamdaman ko nang limang taon - maga-anim. 

 

 

Sobrang excited ako, only to find out that our family's reservation in a restaurant is a flight to California. 

 

 

Kulang na lang ay hilahin ako ng mga magulang ko papasok ng eroplano just so our flight won't be delayed dahil sa akin. 

 

 

Paano si Irene? Madilim na at lampas ala-sais na, umuulan, kumukulog, kumikidlat. I left my bestfriend alone, in the middle of a cold, rainy night. 

 

 

"Anak, please!" nagtalukbong ako ng kumot. Pumasok nanaman ng kwarto si Mommy, pinipilit akong pumunta sa clinic ng doctor para sa therapy. "It has been almost a year! You have to receive therapy to completely get rid of those personalities! Dra. Cervantes is also asking about your progress." 

 

 

Bumuntong-hininga si Mommy, halata ang pagod dahil sa patuloy na pag-convince sa akin, pero wala pa din nangyayari. 

 

 

Isang taon na kaming nasa California. Isang taon na, simula noong pinag-hintay ko ng matagal si Irene sa St. Scholastica's. I cut my communication with her, along with our other friends. Hindi ko alam kung paano haharap sa kanila. 

 

 

Hindi ko alam kung paano magpapatuloy, after leaving like a mist. My friends have been contacting me, sending messages, missed calls, pero lahat ng iyon ay hindi ko pinansin. I am not in a sane state - na kahit ang doktor ay ayaw kong harapin para sa therapy. My life paused the moment I was taken away from Joohyun. Wala akong gana sa lahat ng bagay, kahit para sa sarili ko. 

 

 

It was tiring, to live like that for a whole year. My parents almost gave up on me. Hindi nila sinasabi, pero kung minsan, iyon ang nararamdaman ko. I couldn't get back up. Not until I saw Tzuyu again, who knocked some sense out of me. 

 

 

"Irene - you love her, right?" ito ang unang beses na marinig ko ang pangalan mo. My parents wouldn't even dare mention your name in front of me. 

 

 

"So you asked to talk over coffee just so you could remind me of that?" she softly chuckled. 

 

 

"Silly you, I was the one who asked a question." Tzuyu rolled her eyes. "Here's you responding with another question." 

 

 

Still the same old Tzuyu. Natawa ako. "You know I do.. I still do." 

 

 

I stared at the road blankly. This is also the first time I decided to step out of my room. The first time I'm seeing the beautiful palm trees. And it's amazing, how life works. Nakita ko ang tao na makakatulong sa akin, to wake up and pull myself back up from this dark pit. 

 

 

"Then why are you here?" natigil ako at napatitig dahil sa tanong niya. "You look like.. a mess." 

 

 

Napatingin ako sa sarili ko. Mahaba na ang buhok ko, although I trim it at times, hindi pa din iyon sapat para magmukha akong disente, kagaya ng dati. 

 

 

"I mean--you still look attractive, obviously." umismid siya. "But this is not how you usually look. What's wrong? And why are you here?" 

 

 

Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang ikinuwento ang lahat, kay Tzuyu, pati ang tungkol sa PTSD at DID ko. Oo nga pala, she is a Psych graduate and is currently enrolled in a med school here in California. Maiintindihan niya ang kung anong nangyayari sa akin. 

 

 

This is also the first time that I opened to someone, after a year of keeping everything by myself. I am surprised, though, that someone is Tzuyu - who, I once dated just so I can forget my feelings for Irene. It failed, obviously. 

 

 

"What's holding you back?" she asked, pagkatapos marinig ang buong kwento ko. 

 

 

"A lot of things, obviously." 

 

 

"But you want everything to be okay?" I nodded. "And you love Irene?" 

 

 

"I think I already--" 

 

 

"Just answer the damn question, Kang." umirap nanaman ito at tinanguan ko na lang, bilang sagot. "Good. Then make her your motivation." 

 

 

Lito akong tumingin kay Tzuyu, iniisip mabuti ang sinabi niyang iyon. 

 

 

"Get better. Fight this, even when you are alone. Do it for her. Do it because of her." 

 


 

It was thanks to Tzuyu, that I was able to wake up from this nightmare. Palagi niyang pinapaalala na dapat maging ayos ako para sayo, para makauwi ako nang Pilipinas at maharap ka ulit. It was thanks to her that I was reminded of my love for you -- and how love is more powerful than this trauma. 

 

 

 

TInulungan akon ni Tzuyu, to get back up. I guess, dahil din ito sa naiintindihan niya ako dahil she is someone who studied my condition. She was very patient sa akin. Tinulungan niya din ako na magkaroon ng bagong hobby - cooking, photography, and traveling. Kaya kahit naga-aral siya sa med school, we opened a restaurant with her partner - Sana. Dahil din sa business na ito, our paths crossed again. 

 

 

 

Natakot ako noong una. Alam ko naman sa sarili ko na handa na akong makausap ka ulit kaya lang, nang marinig ko noon ang boses mo na kausap si Tzuyu, para akong biglang naduwag. Ano na lang ang sasabihin ko sa'yo, kapag nagkita tayo ulit? Kapag nagkausap tayo ulit? Parang nawala ang lahat ng salita na naiisip ko nang sabihin, parang nawala ang lakas ng loob ko. But then again, Tzuyu and Sana helped me. Muntik pa akong murahin ni Sana in Japanese, para lang ma-push ako na ituloy ang pakikipag usap sa iyo at mag reconnect. 

 

 

Kung hindi dahil kay Tzuyu, baka wala ako ngayon sa tabi mo, baka hindi ko pa din nasasabing mahal kita, at baka patuloy ko pa din nilulunod ang sarili ko sa trauma na ito na hindi na natapos-tapos. 

 

 

"Hoy Seulgi!" inilagay ko na sa bulsa ang cellphone ko nang marinig ang pagtawag ni Lisa. "Dito ka na nga. Sino ba tine text mo dyan." 
 

 

Natatawa akong lumapit sa kaniya at sa iba pang mga kaibigan na naka-pwesto na sa long table. 

 

 


"Si Tzuyu." sabi ko at tumabi na sa'yo. "Nangangamusta lang. May tinanong din. Next month kasi, uuwi sila ni Sana dito sa Pilipinas." 

 

 

"Uy we'll have to extend our stay! Sana naman sinabi agad ni Tzuyu na uuwi pala sila edi next month na tayo nag reunion." sabi ni Wendy sa tabi ni Joy na buhat buhay ang baby nila na five months old. 

 

 

"Kasal na ba 'yon sila?" tanong ni Jennie. 

 

 

"Pwede ba. Tigil tigilan niyo ang pag-banggit sa salitang yan!" lahat kami ay natawa dahil sa sinabing iyon ni Byul. "Akala mo ba chong napatawad na kita?" 

 

 

Halos mabilaukan ako sa pag-tawa dahil sa sinabing iyon ni Byul. "Byul, ano ba, babe? Hindi mo pa ba kami mapapatawad?" 

 

 

"Madiri ka nga!" mas lumakas ang pagtawa ko. "Ethics ang tawag 'don, Chong! Nauna kaming ma-engage. Una din dapat kaming ikakasal!" 

 

 

"I have already conditioned my mind na uuwi ako sa kasal niyo and that I should be the maid of honor!" Jennie hissed na ikinatawa naman ng asawa ko. "I did not expect to attend your wedding via zoom!" 

 

 

"Relax nga kayo," you said. "Hindi na nga dapat matutuloy ang church wedding sa Vegas, because we were already married before that." 

 

 

"Ha?" halos sabay sabay nilang sabi na ikinatawa lang nating dalawa. 

 

 

"We got married on a yacht, sa Aklan. It was supposed to be a spontaneous weekend trip. Biglaan lang. A judge officiated our exchange of vows then we signed the papers afterwards." simpleng paliwanag mo habang hawak hawak ko pa din ang kamay mo, gently massaging it. "Trust me, even our parents went hysterical dahil sa inis. Akala namin hindi kami kakausapin ni Mommy, pagbalik namin ng Manila 'non." 

 

 

I am still amazed. Kinikilig din. It has been a while since we got married and I am still not used to you, calling my mother 'Mommy'. Kahit ikaw, nanibago din noong una dahil matagal kang walang tinawag na mommy - since your mother died. I was just so happy when we got married because that was also a new beginning for you - and I'm glad that my parents welcomed you with open arms. Tuwang tuwa kahit si Yeri, dahil nagkaroon daw siya ng bagong Ate -- and that she's tired of me. Mahal na mahal talaga ako ng kapatid ko, eh. 

 

 

 

Walang halong biro, halos magtampo si Mommy at Tita Boa nang bumalik tayo sa Manila from that short trip sa Aklan. Nagtuturuan pa tayo noon, kung sino ang unang magsasabi sa kanila. Pareho silang nagulat, pero tinanggap din naman nila. Basta daw ay matuloy pa din ang grand wedding sa Las Vegas, which, nangyari naman nga. 

 

 

"Ano ba naman kasi pumasok sa kokote niyo at nag-decide kayong magpakasal 'don." 

 

 

Napatingin ka sa akin bago mahinang tumawa. "Why waste more time with the preparations, when we can get married right there and then anyway? Besides, ang intimate din noong set up.." kinuha mo ang phone mo para ipakita ang ilan sa mga picture natin noong sunset wedding. 

 

 

"Where is this again, Ate?" tanong ni Chaeng. 

 

 

"Somewhere in Nabas, Aklan. Hindi lang kami sure sa exact location." natawaa ka. 

 

 

"Pero naiinis pa din talaga ako--" hinampas na lang ni Solar ang nakasimangot pa din na si Byul. 

 

 

"Babawi na lang ako, Byul. Siguro sa silver wedding anniversary niyo?" lahat ay natawa sa sinabi kong iyon. 

 

 

It is the year 2022 - almost the end of this year. Muling nagkasama sama ang buong barkada para sa New Year's Eve. This is the first time that we hang out le this, again, dahil ngayon pa lang halos nakakabawi ang bansa mula sa pandemic. 

 

 

The economy is slowly coming back, dahil sumigla na din ang turismo. Fully-vaccinated na ang lahat ng citizen pagkatapos ng first half ng taon. Nagbalik na ang face-to-face classes, dahil inanunsyo noong June na covid-free na ang bansa, tapos ang halos dalawang taon. 

 

 

Kaya ngayon, to celebrate the end of the year, we all decided to take a short vacation outside the city. First time din makapunta ng mga kaibigan sa bahay natin sa Tagaytay, dahil kakabalik lang natin ng Manila two months ago - kasabay nang kaibigan natin na sila Wendy at Joy, at ng anak baby nila na si Soowan. Sakto din na finally, pinayagan ng parents nila na umuwi sila Jen at Chaeyoung, kasama siyempre si Jisoo. 

 

 

"Kinukulit ka pa din ba ni Sunmi?" tanong ni Lisa kay Suho na nasa gilid at mukhang balak nang buksan ang Jack Daniel's niya. 

 

 

"She stopped, thankfully. Mukhang natauhan na din sa wakas!" 

 

 

Malungkot kang ngumiti sa akin na tinanguan ko lang naman. 

 

 

Sunmi.. my ex girlfriend.. ex friend.. Talagang pinutol ko na ang koneksyon sa kaniya pagkatapos niyang dalawang bes na subukang siraan ako sa'yo. Noong una ay gusto kong intindihin siya, dahil gaya ko, may post-traumatic stress disorder din siya, na nakuha niya dahil sa parents niyang inaabuso siya noong bata pa siya. I reconnected with her sometime after I came back to the States because I thought that we'd understand each other and that we could help each other, dahil nga pareho kami ng pinagdadaanan. Little did I know, may hidden agenda pala itong si Sunmi at gusto akong agawin mula sa iyo. 

 

 

Pero gaya ng sinabi ko, I will not let anyone get on our way. Walang makakapigil sa pagmamahal ko sa'yo. Kahit ang sarili ko, kahit ikaw, hindi mo ako mapipigilan. I have already found someone I will love for the rest of my life and I will be such a full to let go of you - just because of other people's stupidity. 

 

 

This is my life, now. You are my life. Why would I let anyone take my life away from me? 

 

 

"Ang lalim ng iniisip mo, 'Ga.." mahinang bulong mo sa akin at ipinulupot ang kamay mo sa braso ko. 

 

 

"Nothing.. just appreciating life." 

 

 

Pinulupot ko ang kamay ko sa beywang mo, habang pareho nating dinadamdam ang hangin at tinitingnan ang mga kaibigan na nasa veranda na, nanunuod ng fireworks. Alas-dose na pala. 

 

 

Sumandal ka sa dibdib ko at nag hum ng isang kanta, kasabay nito ang biglang pag ihip ng hangin, napapikit ka dahil dito. 

 

 

"Do you think.. magugulat sila kapag nalaman nila?" tanong mo sa akin. 

 

 

"Ang alin?" tinitigan mo ako ng masama at ngumuso ka. 

 

 

Nagnakaw ako agad ng halik. "Silly." nginuso mo ang kamay ko na hawak hawak ngayon ang tyan mo. 

 

 

I gently massaged your still flat tummy and gave you another soft kiss on the forehead. 

 

 

"Of course they would be happy for us! Kaya lang, baka ma-inggit nanaman si Byul." 

 

 

Tumango ka at tumawa. "Ayaw pa ni Solar. Silang dalawa na lang daw muna sa ngayon.." 

 

 

Natahimik lang tayo ulit at masayang pinapanuod ang mga kaibigan natin. 

 

 

"You're a beautiful sunrise, you make my day so bright." 

 

 

Tinitigan mo ako nang sinimulan kong sumabay sa kanta na biglang nag-blast mula sa speakers na nasa likod natin. 

 

 

 

Heto nanaman ako, hinaharana ka, ginagamit ang mga salitang mula sa isang kanta, para iparamdam sayo kung gaano kita kamahal. 

 

 

"Corny mo." 

 


Tinitigan kita ng masama dahil sa pag-basag trip mo sa pag kanta ko, which, tinawanan ko na lang. Tinigilan ko nalang ang pag kanta at niyakap ka mula sa likod, with my hands still on your belly, gently caressing it. 

 

 

Who would have thought..

 

 

Wala na akong balak noon na makipag-kita sa kanilang lahat, kahit sa iyo. I was in a dark phase of my life. I was stuck under a deep pit, unable to climb back up, unable to move forward. 

 

 

But you.. you loved me even with my flaws. You said that I was the light that brightened your dark world. 

 

 

Maybe, it was the other way around. 

 

 

You are the light of my darkness, and I know that no matter what trauma, no matter how dark my past is, I will be okay, wherever I am, as long as I am with you. 

 

 

"Thank you, 'Ga.." mahinang bulong ko sa tenga mo. 

 

 

"I think it should be me, who have to thank you for putting up with me." nagtaas ako ng kilay, alam kong naramdaman mo iyon kahit hindi mo nakita. "And thank you, too. For choosing me. Over and over again." 

 

 

"Wala na akong ibang pipiliin pa." nagnakaw ako ng halik sa pisngi mo. 

 

 

Marahan kang humarap sa akin at isinabit mo ang kamay mo sa batok ko, with my hand on your waist. I swallowed hard. 

 

 

"I want you to know that if we have a child, he or she is just a bonus. Having you with me is the best thing that ever happened to me. I am happy and content with you, Joohyun. With us.. together in this journey of building our home for this lifetime." 

 

 

You nodded. "I know. I am content with you, too, Seulgi." 

 

 

"I will only love you, not only in this lifetime but until the next ones to come." I kissed the tip of your nose. "And I promise to take care of you, and this family, forever." 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)
No comments yet