Light

Kumusta ka na?

 

 

 

 

 

It was just a day after we went to Greenhills when it was reported that the first confirmed local case of COVID in the Philippines came to Greenhills, San Juan. The very place where we shopped for our supplies and where we had dinner. 

 

 

 

Great, right? 

 

 

 

Kaya ngayon ay inoobserbahan namin ang aming mga sarili. Wala pa naman sa amin ang nagpapakita ng symptoms the virus, pero patuloy pa din kami sa pag-iingat. We asked Chanyeol about what we could possibly do and he suggested na mag gargle kami ng warm water with salt, kumain ng fruits na rich in Vitamin C, at magpahinga, siyempre. Ang panghuli ay hindi applicable sa akin. Dahil ngayon, andito nanaman ako, nagpapakalunod sa trabaho sa office. 

 

 

 

Abala kami sa office dahil bukas ay start na ng three-day annual PTTA Travel Expo. It is an event joined by those in the hospitality and tourism industry where they showcase their products as well as the services they offer. Wala naman kaming problema sa venue dahil gaganapin ito sa SMX Convention Center. Hindi ganoon kalayo sa location ng hotel. 

 

 

 

Ang nakakapagod nga lang ay ang paghahanda ng mga leaflet at brochures na dadalhin namin at ang paghahakot ng mga gamit na pang-display. 

 

 

 

"Irene. check mo nga ulit sa HK kung na-ready na nila lahat ng dadalhin natin. Kapag settled na, magtawag ka na ng bellboy para maisakay na sa hiace. Para bukas bawas tayo ng gagawin." tumango ako at tumayo na. 

 

 

 

"Ning. Samahan mo ako." tatayo na sana ang intern nang biglang magsalita si Ma'am Taeyeon. 

 

 

 

""Wag mo nang guluhin yan. Busy 'yan i-market yung pang-valentine's." I just sighed at nginitian na ang intern na mukhang na-confuse dahil sa nangyari. 

 

 

 

Kinuha ko naman sa table ko ang checklist para ma-monitor ang ginagawang paghahanda ng house keeping para sa mga dadalhin namin bukas. This day was too hectic that I didn't even realize na hindi pa pala ako nagla-lunch. And heck, it's already past-lunch time! 

 

 

 

Kung sabagay, sanay na din naman ako na hindi nagla-lunch, o hindi kaya ay late na kumakain. Mabuti na lang pala ay nag heavy breakfast ako kanina sa apartment. 

 

 

 

"Good afternoon, Ma'am Irene!" bati sa akin ng staff na nasa stock room. 

 

 

"Hello, Jan. Pinapatanong ni Ma'am Taeyeon kung ready na ba daw 'yong mga dadalhin namin sa expo bukas?" 

 

 

 

"Yes, Ma'am. Maayos na po lahat sa organizer." 

 

 

 

"Naisama niyo 'yong hinabol na cloth? Red and Black yun." she nodded in response. "Okay. Thank you. Pina-double check lang ni Ma'am Taeyeon." then, lumapit ako sa table para gamitin ang telephone. Utos kasi ni Ma'am Taeyeon na ipasakay na ang mga organizer sa sasakyan para hindi na kami magtagal bukas. 

 

 

 

Pagkatapos noon, sinupervise ko ang paghahakot ng mga bellboy. Hindi na ako nakakaramdam ng gutom dahil masyado ngang busy sa ginagawa. Siguro ay kakain nalang ako ng meriende pagkatapos nito dahil iyon na ang aabutan ko sa cafeteria. Besides, it's almost 3PM. 

 

 

 

Kaya naman, when I made sure na maayos na sa sasakyan ang mga gamit na dadalhin namin bukas, bumalik na ako sa office para mag-paalam kay Ma'am Taeyeon na kakain muna. Akala ko hindi papayag, mabuti naman. Ngayon, nakasakay kami sa elevator papunta sa restaurant sa rooftop para doon kumain. Minsan, may magandang dulot naman din talaga si Ma'am Taeyeon. 

 

 

 

"Bakit hindi mo tinatanggal 'yang mask mo, tayo lang naman dito?" tanong niya. 

 

 

"Gusto mo ba mahawa, Ma'am?" I joked. 

 

 

"Don't tell me you're positive?"  may bahid nang pandidiri doon. 

 

 

"I wouldn't be here if I was." I chuckled. "Nasa Greenhills din kasi kami, Ma'am, the day na nandoon yung nag-positive na local, recently." 

 

 

"Noong day-off mo?!" medyo eksaheradang tanong ni Ma'am. 

 

 

"So, I'm doing this to protect myself as well as the people around me. I hope you don't mind." she shrugged. 

 

 

"Bukas sige sasabihan natin sila na mag-mask din sa office." natawa ako, medyo sabog din si Ma'am. 

 

 

"Wala tayo sa office bukas, diba?" 

 

 

"Ay, oo nga pala."

 

 

"Akala ko ba, ako yung gutom?" tumawa na lang kami pareho at lumabas na nang nasa tamang floor. 

 

 

I ordered pasta for myself at sandwich naman para kay Ma'am Taeyeon. Hindi ito libre, this will reflect in our paycheck. 

 

 

"So kamusta naman si Lia?" tanong ni Ma'am Taeyeon habang inaantay namin ang orders namin. 

 

 

"She will be graduating this year. Kaya hinahanda ko na ang savings ko dahil I'll have to buy a unit dahil medyo hassle kung 'don pa din kami kila Jennie. Three-bedrooms lang naman yung apartment." 

 

 

"Nag-check ka na ng towers? Saan ka ba bibili, sa BGC?" 

 

 

"Ma'am, hindi kaya ng budget ko 'yon!"

 

 

"Eh si..." ngumisi ako, inaabangan siyang banggitin ang pangalan ng kapatid ko na ex niya. Napakamot sa batok si Ma'am Taeyeon, hindi kayang sabihin ang pangalan ni Ate Tiff. 

 

 

"Ate Tiff will be shouldering Lia's expenses while she's in college. Ako naman ang bahala sa living expenses namin." napainom ng tubig si Ma'am Taeyeon dahil sa sinabi ko. "Relax, will you?" 

 

 

"Ang init kasi." I softly chuckled at saka tinawag si Sehun, pagkatapos, tinuro ko si Ma'am Taeyeon. 

 

 

"Paki-todo yung aircon. Naiinitan daw si Ma'am Taeyeon."  tumawa ako tapos ay lalong namula si Ma'am Taeyeon. Pinaalis niya na si Sehun para mabawasan ang kahihiyan. 

 

 

"T-that was unnecessary." sabi niya nang mag cool down. 

 

 

"What was?" takang tanong ko naman. 

 

 

"What you did." 

 

 

"Mentioning Ate Tiffany's name?" natawa ako ulit at nag make-face lang si Ma'am Taeyeon. "She's fine, by the way. We were actually on a facetime call while I was on my way to the office earlier." 

 

 

"I didn't ask." 

 

 

"Oh, don't be so obvious. I know that you still care for her." umismid siya. 

 

 

"Just eat." sinamaan ko ng tingin. 

 

 

"Ang sweet mo naman sa sister in law mo." 

 

 

 

Taeyeon and Ate TIff are ex-lovers. They broke up when Ate went abroad. It's not that they fell out of love - it's quite obvious because of the way Taeyeon acts whenever my sister's name is mentioned. I thought that they always had a chance to get back together. I was rooting for them. Kaya lang, itong si Ate Tiff is already in a relationship with a Thai-American model named NIchkhun. He's a great guy, pero boto pa din ako kay Ate Taeyeon. 

 

 

 

"Hindi mo ako sister in law. Wala kang ganon dahil brother in law ang meron ka." 

 

 

"Bitter.." nagsalubong ang mga kilay ni Ma'am Taeyeon. "Edi, bawiin mo, para sister in law na kita ulit." 

 

 

"Mahirap, kung nandito ako, tapos yung bagong mahal niya, nandoon lang sa tabi niya, lagi niyang kasama." 

 

 

 

Natahimik lang ako dahil sa sinabi niyang iyon. That's exactly the reason why they broke up. It was actually Ate Tiff who broke up with Taeyeon. May pagka-needy kasi ang kapatid ko. She's clingy. Gusto niyang palaging kasama si Taeyeon. I know how she tried persuading Taeyeon to come with her in the states before she left. Hindi sumama si Taeyeon because her life is here. She wanted to achieve everything in this country. At first, long-distance relationship worked for them. Tumagal sila ng ganoong set up ng almost 8 months. Pagkatapos ay nakipag-break na si Ate dahil pilit niya pa din pinapasunod sa LA si Taeyeon at siyempre, ayaw pa din magpa-pilit nitong isa. 

 

 

 

"One thing I learned about that relationship was that you should never beg someone to stay. You should never love someone more than you love yourself. Because if that happens, you will only end up losing yourself." mapait na ngumiti si Taeyeon bago tinuloy ang pag-kain niya. 

 

 

 

She loved Ate Tiffany. She still loves her. But she chose to let go of her so that they can grow as individuals. She chose to let go of my sister so that she won't have to let go of herself. Although she was the happiest when she was still with my sister, her happiness did not depend on Ate Tiff. That's one thing I learned from Taeyeon. 

 

 

 

Your happiness doesn't come from other people. Your happiness comes from you. 

 

 

It is your choice to be happy. 

 

 

 

 

=

 

February 7, 2020

Day one of PTAA Travel Expo

 

 

 

 

"Okay na po, Ma'am! Naibaba na namin lahat ng gamit." tinanguan ko ang kasama naming bellboy na tumulong sa pag set-up ng booth  namin. 

 

 

"Roman, paki sabi na lang kay Manong na bumalik siya agad pag-hatid sayo." utos ni Ma'am Taeyeon sa bellboy. 

 

 

 

Sinuot ko ang Identification Card na provided ng organizers ng event. This is not our first time at the expo. Pangatlo ko na ito, dahil palaging sumasali ang hotel every year. This is where we get most of our local guests. We establish partnerships with local Travel Agencies kaya kapag nakaka-close ng deal ay kami agad ang nire refer nilang hotel sa mga naga-avail ng package sa kanila. Some visitors are businessmen who are looking for new hotels or new places to visit. Dahil Friday pa lang naman ngayon, hindi pa ganoon kadami ang tao. Usually, Saturday and Sunday napupuno ang expo. Pero kahit ganoon, tatlo pa din kami na nagba bantay sa booth. Ako, si Wheein at si Ma'am Taeyeon. Si Solar naman ang naiwan sa office kasama si Ningning. 

 

 

 

"Napaka-daming tao." ang sabi ni Whee as soon as we got to our booth. Sa pinaka gitna kasi iyon kaya kitang kita ang lahat ng iba pang booth. 

 

 

"And they're not even wearing their masks." umismid ako. 

 

 

"You can't blame them for being this lax since things are already getting better, anyway."

 

 

 

After ng report tungkol sa first local na infected sa virus, wala nang iba pa na sumunod na reports. Which is a good thing, I guess? Kaya naman ay unti unti nang nawawala ang takot ng mga tao. Hindi na sila ganoon ka-cautious at mukhang kinalimutan na na may dangerous infectious disease na kumakalat ngayon. But we can't be so sure that it's already fading away. May iba akong pakiramdam tungkol dito. It's like the calm before the storm. Na mukhang ayos ang kalagayan ngayon pero biglang dadami ang mga case soon. 

 

 

 

'Wag naman sana. 

 

 

 

Nag-umpisa kami sa pagse-set up. Si Wheein ang naga-asikaso ng monitor na dala namin na magpe play ng ilang slide show presentation at videos tungkol sa aming Hotel. Ako naman ay inaayos ang table at inilalagay doon ang mga flyer at leaflet. Si Ma'am Taeyeon, buhay reyna nanaman. 

 

 

 

"Sabi na nga ba. I saw someone familiar at hindi nga ako nag-kamali!" agad napatayo si Ma'am Taeyeon nang marinig ang boses na iyon. 

 

 

"Uy, Jisoo!" lumapit si Ma'am at nakipag beso. Ganoon din ang ginawa namin ni Whee. 

 

 

"Long time no see, mga kaibigan ko na big time!" tumawa kami. 

 

 

"Si Ma'am Taeyeon lang yung big time." at um-agree naman si Wheein sa sinabi ko. 

 

 

"Wag ka ngang pa-humble dyan, Irene!' 

 

 

 

Jisoo is a friend from Cebu. Just like us, she works as a Sales Account Executive in a hotel in Cebu City. We have known her since college. Jennie, Chaeyoung and Lisa knows her, too. Hindi lang namin siya palaging nakakasama dahil sa Cebu nga siya nagtrabaho pagkatapos ng college. 

 

 

 

"Umuwi daw sila Wendy?" tanong nito 

 

 

"Yeah. Nag-reunion kami last week! Sayang nga at wala ka. Kayo na lang ni Seulgi ang kulang 'don." parang nabigla si Wheein sa sinabi at napatingin sa akin pagkatapoos noon. Ganoon din ang ginawa ni Jisoo. 

 

 

"Hindi pa din umuuwi ang mokong na 'yon?" umiling si Wheein. 

 

 

"Wala ngang paramdam, eh." 

 

 

"As long as we know that she's alive." natawa si Jisoo at biglang lumingon dahil tinatawag na siya sa booth nila. Kaya naman ay nagpaalam na siya para bumalik doon. 

 

 

 

Soon after, may lumapit sa booth namin at si Wheein na ang nag-asikaso doon. Habang kami naman ni Ma'am Taeyeon ay nakaupo lang sa designated space. Alam ko na kanina pa siya nakatingin sa akin, nang-imention ni Whee ang pangalan ni Seulgi. 

 

 

 

"Kamusta?" natawa ako dahil talagang iniintay ko na lang na magsalita siya. 

 

 

"What do you mean by that, Ma'am? Ayos ako. Magkasama naman tayo, ah." 

 

 

"Hindi naman 'yon ang ibig ko sabihin." tinagilid ko ang ulo ko nang tuluyang humarap kay Ma'am Taeyeon.

 

 

"Eh ano ba ang tinatanong mo, Ma'am?"

 

 

"You and Seulgi.. kamusta na kayo?" tanong niya na ikinatawa ko ng bahagya. 

 

 

"Una sa lahat, ma'am. Walang kami ni Seulgi." deep inside, parang gusto kong tawanan ang sarili dahil nakaramdam ako nang parang kurot sa puso ko nang sabihin ko iyon. "Baka ang ibig mo sabihin, Ma'am, kung kamusta kami as individuals."

 

 

"That's what I meant. Pinaliwanag mo pa." natawa siya. 

 

 

"Ayos naman.." 

 

 

"Weh?" 

 

 

"Magta-tanong ka tapos hindi ka maniniwala." I rolled my eyes on my Manager na tinawanan niya lang naman. "Ayos lang ako. May dahilan ba para hindi ako maging okay?" 

 

 

"Wala." she shrugged. "Unless you still haven't moved on from her." 

 

 

"There is no moving on, Ma'am Taeyeon." seryoso ko iyong sinabi sa kaniya, nakatingin sa mga mata niya na parang hinuhusgahan na ako. "Magmo- move on lang, kung may masamang nangyari. With Seulgi and I, walang dahilan para may kalimutan ako at mag move on." 

 

 

"Irene, you are stopping yourself from dating other people just because you are still holding on to her. Three years na ang nasayang sa buhay mo. Why do you keep on suffocating yourself in this darkness?" 

 

 

"Because she is the love that lights up my darkness, Ma'am. So why would I get rid of my light?" umiling si Ma'am Taeyeon. 

 

 

"Your light has been keeping you in the dark for three years! Hindi mo pa ba nare realize, Irene? You will only fall into a bottomless pit if this goes on. I'm just concerned." 

 

 

 

"If that's what it takes to have her, then I would be glad to take the fall." ngumiti na lang ako at tumayo na nang may lumapit sa aming booth. Ako na ang nag-asikaso doon habang si Wheein sa isa pang nagi-inquire. 

 

 

 

Seulgi came into my life when I was still grieving over the death of my parents. I got too busy on the year it happened that I did not have the time to weep and grieve. Because right after the funeral arrangements, I got stuck with the reality that Ate Tiffany and I will have to brace the responsibility to be a mother and a father for our younger sister, Lia. I only felt that my parents were gone when I was left alone to study in Manila. Ate was no longer around because she was already abroad, so I had to be responsible for Lia. 

 

 

For a year, I was depressed about our situation. Everything happened suddenly. I couldn't accept that my parents were gone. I couldn't accept the changes. 

 

 

Then Seulgi came and brought light into my darkness. I recovered when she came. 

 

 

So how can I forget her if she is my strength? 

 

 

 

 

 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

 

thanks for reading! :) 

- a 

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)
No comments yet