Friends

Kumusta ka na?

 

 

 

 

Alas-10 na yata nang makauwi ako nang gabing iyon. Six-thirty natapos ang reception at nag stay pa sandali para kausapin ang mga guest ko. Pagkatapos noon ay bumalik pa ako sa office para i-type ang report ko na kailangan ng OM kinabukasan. 8PM na nang makaalis  ako sa office at naabutan ang traffic kaya anong oras na nakauwi. Naligo at nagbihis nalang ako pag uwi sa apartment, wala nang sapat na energy para mag dinner at uminom nalang ng hot milk bago pumasok sa kwarto, 

 

 

Mabuti na hindi ko na lang din naabutan sa lounge si Jennie o Chaeyoung dahil siguradong sermon nanaman ang abot ko mula sa dalawa, dahil sa late na pag uwi ko. And here I am laughing on the thought of the two of them convincing me, again, to just quit my corporate life and start freelancing. Hindi pwedeng mawala iyon sa mga sinasabi nila sa akin tuwing napapag-usapan ang trabaho ko.

 

 

I was glad that I was able to convince Ma’am Taeyeon to let me go to work late, the day after. Kahit manlang kaunti ay makapag pahinga ako matapos ang isang linggong trabaho. Kaya kinabukasan noon ay medyo late ang gising ko since 10am naman ang pasok ko. 

 

 

“Are you gonna make it to tonight’s dinner?” tanong sa akin ni Jennie sa hapag, early Tuesday morning. 

 

 

“Yeah. Kahapon naman ay nagpaalam na kami kay Ma’am Taeyeon. We’ll just have to remind her, today, para hindi niya kami i-hold at maagang makalabas.” tumango si Jennie, at nagpatuloy na sa pag kain. Ganoon din ang ginawa namin ni Rosé. 

 

 

 

Last Sunday ay dumaan si Wendy at Joy sa hotel, ang mga kaibigan namin na sa Canada na naka-base ngayon. Doon sila kasi nagtrabaho pagkatapos ng college. Wendy’s parents are in Canada, and Joy was granted visa quickly kaya sumunod na din siya kay Wendy doon few months after we graduated. Hindi kasi talaga kaya nang dalawa ang magkalayo ng matagal.

 

Tapos noon ay muling nabuhay ang group chat ng barkada noong college. Bigla silang nagkayayaan na mag dinner para magkamustahan. Good thing that the dinner will take place in BGC, hindi kalayuan sa Hotel na pinapasukan ko. My only wish now is for work to go smoothly para hindi na ako mag extend at makalabas nang saktong 5:30.

 

”Alis na ako, andyan na pala yung driver." 

 

 

"Sunduin ka namin later, Ate? Coding ka nga pala." umiling ako sa suggestion ni Rosé. 
 

 


"Sabay ako kay Wheein. Even Hwasa and Solar sa kaniya sasakay. Pag uwi nalang tayo sabay sabay." 
 

 

Nag paalam na ako sa magkapatid after we all agreed to just meet at the venue, tonight. Hindi naman ganoon ka traffic kaya mabilis ang byahe ko papunta sa office. I payed a generous amount pagkatapos ay bumaba na ng sasakyan. Ang apat na paborito kong interns ang sumalubong sa akin sa locker room. Nginitian ko sila matapos isa isang batiin. 
 

 

"Welcome back, Ning!" tinapik ko sa balikat si Ningning-Ning Yizou. Ang bunso namin sa Sales and Marketing na kaibigan nila Winter, Karina at Giselle. One week hindi nakapasok sa office dahil nagkasakit at na-ospital. Noong Saturday lang yata siya nabigyan ng clearance ng Doctor na bumalik sa trabaho kaya ngayong Tuesday lang siya pumasok. 
 

 


"Thank you, Ma'am Irene! Na-miss ko po kayo!" sagot sa akin in her usual, jolly voice. 
 

 

 

"I'm sure hindi included ang ibang ma'am mo sa mga na miss mo?" nagtawanan kaming lima. 
 

 

 

"Patapos na pala ang internship niyo, ah. Nakapag decide na ba kayo?" 
 

 

 

"Nakausap na po namin ni Winter ang department heads namin about that. Secret muna sayo, Ma'am. Para ma-surprise  ka din!" she giggled at ako naman ay kumunot nalang ako.

 

 

 

"Giselle, darling.. I know that I won't have to convince you too much about this." Pabiro kong sabi sa intern na under ng department ko. 
 

 

 

"Of course, Ma'am." ngumisi ako. 
 

 

 

"How about you, Ningning? Are you willing to work under Ma'am Taeyeon?" 
 

 

 

"Sinisiraan mo nanaman ako sa mga intern." sabay sabay kaming natawa nang marinig ang boses na iyon ng Aling Maliit na papasok ng locker room. 
 

 

 

"Goodmorning, Ma'am." the said in unison, directed to Taeyeon. 
 

 

 

"Goodmorning. Ano nanaman ang sinasabi sa inyo ng Ma'am Irene niyo? Is she backstabbing me or what?" tumawa ako ulit. 
 

 

 

"Grabe ka naman, Ma'am. You know that I am not the type to do that." tumawa na din si Ma'am Taeyeon. 
 

 

 

Nagpaalam na ang apat na intern na mauuna nang pumasok. Lalo si Ningning. Gusto kasi ni Taeyeon na kapag pumapasok siya sa office, malamig na. Kaya palaging nauuna ang intern para buksan na ang aircon at mag ayos ng konti para sa arrival namin. 

 

 

 

Taeyeon is a kind person. We've known each other since college. She is a few years older than I am. We're quite close. Pero kahit ganoon ay Ma'am ang tawag ko sa kaniya, kahit sa labas ng office kung minsan. Nasanay na din kasi. 
 

 

 

"Tuloy ba ang dinner niyo tonight?" tanong ni Ma'am Taeyeon habang inaayos ang ilang gamit sa locker. 

 

 

"Yes, Ma'am. Labas kami on time, ah?" tumango siya. 

 

 

 

"I'll invite the girls for dinner, too. Para naman kagaya niyo eh nage enjoy din ako. Hindi pwedeng kayo lang." natawa ako. 

 

 

 

Taeyeon is friends with the other department heads. Sila Ma'am Yoona, Ma'am Sunny, Ma'am Sooyoung from the f&b, and Chef Yuri. Si Chef at Ma'am Yoona ay kasal na. I know that both Ma'am Sunny and Ma'am Sooyoung are also married with their respective partners, at si Ma'am Taeyeon naman... well.. she is Ate Tiff's ex wayback fourth year high school. Yes, even my sister is gay. What I know is that they have been together on their final year in high school until second year college. After that, they broke up. Long distance relationship . 

 


 

Pumasok na din kami ng office matapos noon. We have to get ready for our daily briefing with the boss. Kailangan ko din muna interview-hin ang staff na assigned sa Front Office para malaman kung may mga naging problema ba kagabi, o kung may concerns ba na dapat iharap sa boss. Nang ma-settle iyon ay sumama na ako kay Ma'am Taeyeon papunta sa conference hall para sa briefing. 
 

 

 

Our boss is a Korean-Chinese bachelor. His family is known in the world of business, but made it into the top on his own. He's in his early thirties, but managed to establish the hotel on his own. Rumor has it that he started working as a bellboy in their family's hotel in Boracay while he's in college to experience the work of his employees. Then, after he graduated, he built this hotel from scratch. His very own Red Mare Hotel is now one of the top five-star hotels in the country. 

 

 

 

"I am impressed, Miss Bae." my attention was all on my boss when I heard my name. "Almost all of our reviews are mainly directed to the front office. The guests are satisfied of the way our staffs cater them. The front office is leaving them a great first impression, thanks to your staffs." 
 

 

 

"I am honored, Sir. Thank you for the compliment." tumango si Mr. Choi. 
 

 

 

"Come to my office after this. We'll have to talk about something." tumango ako at nakaramdam ng pag-siko ni Ma'am Taeyeon. 
 

 

 

Ayoko lang ma-excite dahil baka masaktan lang ako. 
 

 

 

 

True enough, after the briefing, I was summoned in the President's office. Kabado ako nang mag knock sa kaniyang glassdoor. Umayos siya ng upo at nag gesture na pumasok na ako, which I did. 
 

 

 

"I'd like to thank you for all the efforts you are giving to the Hotel." bungad sa akin ni Mr. Choi. 
 

 

 

"No worries, Sir. It's part of my duty." ngumiti ako pagkasabi noon. 
 

 

 

"Thank you is an understatement. I want to return everything you have done in the past month.." kumunot ang noo ko. "I got your bank details from Miss Lee, and then I'll have my Secretary process it immediately. I'm sorry if it's late, Miss Bae." 

 

 

Mahinang tumawa si Sir dahil sa pagkalaglag ng panga ko. Totoo ba ito? I'm getting a... bonus?!? 
 

 

 

"I hope you don't mind that I processed it on my own. I heard about the rumors about Miss Lee and is investigating about this matter. So I just went to you directly for the bonus." 

 

 

 

"Wow.. thank you, Sir!" 

 

 

 

"No, Miss Bae. I'd like to thank you, again." 
 

 

 

Lumabas ako sa office ni Sir Siwon nang i-dismiss niya ako. Hindi pa din ako makapaniwala, hanggang sa makabalik sa office.. Parang bigla tuloy akong ginanahan ngayon na mag trabaho! 
 

 

 

"So.. ilang zero ang nilagay ni Sir Siwon sa account mo?" bungad na tanong ni Ma'am Taeyeon nang makaupo ako sa swivel chair. 
 

 

 

"Hindi ko pa nakikita, Ma'am. Pina process pa daw kasi." 
 

 

 

"Iba talaga, Irene! Baka may gusto yan si Sir sayo?" sinamaan ko ng tingin ang pabirong sabi na iyon ni Solar. 
 

 

 

"Gaga ka! We all know what Sir Choi is. Hindi kagaya ko ang mga type 'non!" sabay sabay silang nagtawanan dahil sa sinabi ko.

 


 

"Hindi din natin sure. Baka tingin lang natin, playboy type. Iyon pala, loyal at masarap magmahal!" 
 

 

 

"Alam mo, Solar, antok lang yan. Uminom ka nalang nga ng coffe." I dismissed the idea of Sir Choi having something on me.

 

 

Matagal na nila itong sinasabi sa akin, dahil napapansin din kung gaano kabait makitungo sa akin ang boss. Niloloko pa nga ako ng mga kaibigan that our boss could be a great sugar daddy to me! Ang dudumi ng mga isip nila! 
 

 

 

"By the way, Rene. Day-off mo pala bukas. Tenth day na, eh." 
 

 

 

Mas lalo pa akong ginanahang magtrabaho dahil sa sinabi na iyon ni Ma'am Taeyeon! Right! Tenth day! 
 

 

 

May rule sa opisina na hindi pwedeng mag trabaho nang sampung sunod sunod na araw ang mga staff. Sa sobrang dami kong ginagawa nitong mga nakaraang araw, nakalimutan ko na hindi pa nga pala ako nakakapag day-off. Noong Sunday sana kaso kasal nila Ms. Kim. Kahapon lang ginawa ni Ma'am Taeyeon ang mga schedule at naaprubahan ng HR kanina kaya tuloy na ang rest day ko bukas. 
 

 

 

Finally. 

 

 

 

 

As promised, we left the office at exactly 5:30pm. Excited na din kasi lumabas si Ma'am Taeyeon dahil magma-mall daw sila nila Ma'am Yuri. Kaya ngayon ay pare pareho kaming nasa locker room at sabay sabay pa yatang pupunta sa parking! 

 

 

Si Wheein ang nag drive ng sasakyan niya. They were all excited, lalo si Hwasa. As much as I want to join their conversation, pumikit muna ako para makapag pahinga. At least makapag ipon ng lakas bago ang reunion kasama ang mga kaibigan. Hindi pa nagtatagal nang umilaw ang cellphone ko. 
 

 

 

I took it lazily and my eyes grew wild as I saw that it is a notification from my bank's mobile app. Totoo ang bonus na sinasabi ni Sir! This is enough para mabawi ang lahat ng pagod, lahat ng pawis at sleepless nights ko 'nang nakaraang buwan! I know that I was given comission last December pero hindi halos randam iyon. Mas sulit itong bigay ni Sir ngayon! 
 

 

 

"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Hwasa nang makita ang reaction ko na hindi pa din nakaka recover. 
 

 

 

"Maria, I was finally rewarded for the hardworks I have been doing recently!" masayang sabi ko at ibinalita ang tungkol sa bonus na tinanggap. They asked me how much it was, pero hindi ko sinabi. 
 

 

 

We arrived at the restaurant just on time. Nandoon na sila Joy, Wendy, Byul, Jennie at Chaeyoung, kasama ang boyfriend ni Jennie na si Kai, ang ilang kaibigan na sila Suho, Chanyeol at Minho. Parang kami nalang ang iniintay. 
 

 

 

"Nice to finally see you again, Rene!" nagbeso kami ni Suho pagkatapos. Ganoon din sa dalawa pang kaibagan na dila Chanyeol at Minho. 
 

 

Jennie's boyfriend, Kai, works at a Pharmaceutical company as a Chemical Engineer. Si Chanyeol ay Nurse sa isang ospital, at si Minho naman ay nagta trabaho sa isang advertising company. 
 

 

 

"So pwede ka bang magpa-gabi ngayon or uuwi ng maaga dahil may pasok bukas?" ngising tanong ni Minho sa akin. 
 

 

 

"Day-off ko tomorrow! So I can have fun here for all I want!" they all giggled sa sinabi ko. 
 

 

 

"Mabuti naman! Akala ko talaga ikaw na ang magiging bagong CEO ng Hotel niyo, eh." tinawanan ko nalang din ang sinabi ni Chanyeol. 
 

 

 

The wind chimes created a sound, at lahat kami ay napatingin doon. Saktong tumugtog din ang isang pamilyar na kanta sa buong restaurat. I smirked at myself. 

 

 

May inaasahan ka bang dumating, Irene? 

 

 
 

 

                                                    =

                                        Summer, 2015

 

 

Bakasyon. Nag-sleepover si Seulgi dito sa amin sa Dasma, dahil wala siyang kasama sa bahay nila sa Parañaque at ginabi din kami ng uwi from our Tagaytay trip with friends last night. Kaya dito na siya natulog. Tanghali na pero nasa kwarto pa din kami, dahil antok pa daw siya. 
 

 

 

"Hyun." Seulgi is the only person who calls me on my real name. At siya lang din naman ang hinayaan ko na gumawa noon. "Do you know how sometimes, may mga bagay na nangyayari sa buhay natin na parang scene sa movie?" 
 

 

"huh?" kunot noo ko siyang hinarap. 
 

 

"like.. parang biglang may kanta na tutugtog, out of the blue? " hindi ko pa din siya maintindihan, kaya natawa nalang siya. "Listen to this song." 

 

 

When I first walked in the room 
I saw your face
Baby girl I was so amazed
I caught you smiling back at me 
But I didn’t know what to say


 

I was staring at her intently habang pinapakinggan ang kanta. Ganoon din siya, nakatitig ng mariin sa akin at nakangiti. 
 

Hey now baby girl (Yeah yeah)
Don’t you know (Yeah yeah)
I’m ready for you, you, you now girl what you gonna do

Because I know you the one I’ve been searching for

 

Sinabayan ni Seulgi ang sumunod na lyric ng kanta na nagpakunot ng noo ko lalo. 
 

 

I know with you my life means more
 I wish I could say these things to you

 

"That was the song playing on my mind on my first day sa St. Scho." marahang sabi niya. "Because I--" 

 

 

 

Bago pa maituloy ni Seulgi ang sasabihin, nakarinig kami ng isang katok mula sa pinto. It's Lia calling us for lunch. 
 

 

 

 

                                              = 

 

 

"Engineer Manoban!" sabay na tumayo si Wendy at Joy para salubungin si Lisa na kararating lang. 

 

 

Umismid ako at tinawanan ang sarili dahil sa naalala. 
 

 

 

Really, Irene? Just because of the song.. you thought it's her, making her dramatic entrance? 
 

 

 

 

--//--

 

I kind of changed the lyrics of the song, right there. 🤣 It's Eric and Amber's - I Just Wanna. 
 

 

Akala ko puro opm ang magagamit ko dito. But that song came into my mind habang sinusulat ko ito so.. yeah. 
 

 

thanks for reading! 💗

 

-a-
 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)
No comments yet