Clareau

Kumusta ka na?

 

 

 

It has been almost a month since we met Lisa in the supermarket. Our friends were all surprised about Seulgi, being here in the Philippines. But they knew right away what she was doing here. 

 

 

 

Sa ilang linggo din na kasama ko si Seul sa aparment, nasanay na ako sa presence niya. At first I wanted her to sleep in the other room, dahil vacant naman ang dating kwarto nila Jennie. Pero sa tuwing gabi ay kung hindi sa office natutulog, nakiki-sleep over naman na may kasamang harot sa kwarto ko, kaya sa huli ay hinayaan ko na lang na mag-stay kaming dalawa sa isang room. Her clothes were in the other room, though, dahil masyadong maliit ang wardrobe ko para sa mga gamit naming dalawa. Sakto din naman dahil ang kama ko sa kwarto ay good to fit two people kaya hindi din ako masyadong nanibago. 

 

 

Since the holiday season just ended, my clients are still on vacation. Kaya mayroon akong hanggang end of the week para mag-enjoy din sa bakasyon. Ang bilis naman pala ng panahon. Sino ba naman kasi ang maga-akala na lumipas lang ang 2020, at ngayon ay January nanaman? Parang bigla lang lumipas ang nakaraang taon pero feeling ko ay madami pa din nangyari kahit ganoon. 

 

 

"Can we not go instead?" si Seulgi, habang nakaupo sa dulo ng kama, pinapanuod akong matapos magbihis. 

 

 

I softly chuckled. "It's you they wanted to see."

 

 

"We can just say that we're tired and sleepy. Let's not go." 

 


"At ano ang sasabihin mo kapag tinanong ka nila kung bakit pagod at inaantok ka?" Seulgi grinned habang ako naman ay nagtaas lang ng kilay. 

 

 

"Sasabihin ko na napagod ka dahil we--you had a long night kagabi?" umiling na lang ako at inirapan na ang pagbi biro niyang iyon. 

 

 

Pagkatapos kasi namin makita si Lisa sa supermarket 'non at nang malaman ng mga kaibigan ang tungkol sa pag-uwi ni Seul, they asked to meet for a mini reunion. Hindi ubra 'nong week na iyon at sa sumunod na week dahil holidays at ang iba sa mga kaibigan namin ay umuwi sa mga bahay nila para makasama ang mga pamilya nila sa pasko at bagong taon. Now that they have already made adjustments with their work schedules, dahil lampas na ang isang linggo nang magsimula ang bagong taon, nagkasundo ang isa't isa para sa mini get together at dinner date dahil first time din nilang makikita si Seulgi makalipas ang tatlong taon. 

 

 

"Besides, may project din tayo tonight so hindi talaga pwede na umalis pa tayo." 

 

 

"Alam mo?" I smiled at her seductively. "Tumayo ka na dyan kasi baka nandoon na sila at ma-late tayo." 

 

 

Seulgi hissed. "Hyun naman, eh!" 

 

 

Natawa na lang ako at una nang lumabas ng kwarto. Kanina pa siya nagre reklamo at ayaw pumunta sa dinner ng barkada dahil may 'mas importante' daw kaming gagawin. Hindi yata makapag intay ang gusto niyang gawin at masyado siyang nage enjoy that she even find bonding with our friends boring and a waste of time 'daw.' Hindi ko na din alam minsan kung kailan ba naging sobrang clingy ng girlfriend ko. 

 

 

"Pa-late na lang tayo? Kahit saglit lang." halos mapamura ako nang nasa likod ko na si Seulgi, naka backhug at ibinaon pa ang mukha sa balikat ko. 

 

 

"Why are you so these days? Ikaw ba talaga 'yan?"

 

 

"You made me become this ." kinilabutan ako. 

 

 

"Sira." humarap na ako kay Seulgi para makita ang mukha niyang nakanguso. 

 

 

Sometimes I can't help but wonder how she can be cute and wild at the same time. Ang taong nagwa-whine sa akin na parang bata ay siya din mismong nagbibigay sa akin ng so much pleasure? 

 

 

I stole one quick peck from her lips at dahan dahan nang inalis ang pagkakayakap niya sa akin para makapag suot na ako ng sapatos. Pero bago ko pa tuluyang maihiwalay ang sarili ko sa kaniya ay nahila niya na ako para magnakaw ng isang matamis at malalim na halik, and I had no choice but to give in to her, because she has already trapped me with her kisses, her touches, and made me drown like I cannot recover anymore. 

 

 

 

=

 

 

Masaya si Seulgi dahil nasunod ang gusto niya. Kaya ngayon ay tine-text na kami ng mga kaibigan namin dahil kami daw ang pinaka malapit sa restaurant pero kami pa ang wala doon hanggang ngayon. We were supposed to meet up by 5:30, pero dahil sa pag distract sa akin ni Seulgi ay alas-sais na kami nakaalis dahil nagpalit pa kami ng damit at nag ayos, ulit. 

 

 

 

We agreed to meet up at Clareau, the same restaurant where we had dinner with Wendy and Joy when they came last year. Ito din kasi ang ni-request na place ni Seulgi dahil gusto niyang bisitahin. Oo nga pala at restaurant ito ni Krystal and the foods they offer here are the same foods they serve back in California. Kaya baka gusto i-check ni Seul dahil may investment din yata siya dito. 

 

 

"Finally!" bungad ni Byul at lumapit na sa amin para salubungin si Seulgi. 

 

 

Ganoon din ang ginawa ng iba pa, at ako naman ay dumiretso na sa table para kila Solar at Hwasa. 

 

 

"Akala namin hindi na kayo darating." tinawanan ko ang sinabing iyon ni Solar. 

 

 

"Muntik na." sabi ko na lang at naupo sa katabing empty chair ni Solar. 

 

 

Binigyan niya ako ng makahulugang tingin. "Mga galawan ni Seulgi eh, 'no?" 
 

 

 

Natawa na lang ako dahil naintindihan ko kung ano ang gusto niyang iparating. Wala din akong maitago dito minsan, eh. 
 

 

Tumagal nang ilang minuto ang batian nila Byul, Seulgi at Lisa. Hindi na nakisali sa gulo sila Minho at inintay na lang nilang makalapit si Seul sa kanila. Medyo nahihiya din si Seulgi dahil hindi daw siya nakapag-prepare ng pasalubong para sa mga kaibigan namin dahil biglaan ang pag-uwi niya. Kaya sinabi ko din na magpakita na siya sa dinner ngayon sa ayaw at gusto niya. Besides, masaya naman na ang mga kaibigan namin makita lang siya, kahit walang pasalubong. 

 

 

"Um-order na ba kayo?" tanong ni Seulgi kila Minho nang makaupo siya sa tabi ko. 

 

 

"Hindi pa, Chef. Inintay ka namin para naman may makuha kaming 10% discount, baka sakali." pagbibiro ni Suho habang tinitingnan ang menu. 

 

 

"Hindi niyo na kailangan ng discount dahil pare-pareho naman kayong professional. Ako nga yung walang trabaho dito." 

 

 

"Wala kang trabaho?" umismid si Byul sa sinabi ni Seulgi. "Okay, pero may shares ka sa restaurants ni Krystal sa LA tapos may bumili ka din ng Eths which, as I've heard, malaki ang value ngayon?" 

 

 

"Hindi naman ganon kalaki ang nakukuha ko 'don." 

 

 

It's funny how we used to just talk about our struggles as university students, minsan ay puro kalokohan pa ang usapan, pero ngayon ay tungkol na sa mga trabaho, investments, at mga issues tungkol sa government. Ang bilis lumipas ng panahon, sino nga ba talaga ang magaakala na heto na kami ngayon at matured na?

 

 

"May gusto ka bang kainin, 'Ga?" mahinang tanong sa akin ni Seulgi while everyone. was immersed with choosing their orders. 

 

 

"I'm fine with anything." ngumiti ako at hinawakan na din ang kamay niya. 

 

 

"Baka kasi nagutom ka, kaya tinatanong ko lang." hindi ko maiwasan ang hindi madumihan dahil sa ibinulong ni Seulgi na iyon dahil sa paraan ng pagkakasabi niya. 

 

 

Umismid ako. "Shut up and just order." 

 

 

Natawa na lang siya at hindi na sumagot. 

 

 

Lahat ay may kani-kaniyang topic. Ngayon lang kasi ulit nagkita kita kaming mga magka-kaibigan. The last time we were all together was during Wendy and Joy's wedding, and that's about a month ago. Ang bilis ng panahon, isang buwan na din pala nang makauwi sa Australia sila Jennie at Chaeng, at isang buwan na din nasa Pilipinas si Seulgi. 

 

 

 

Totoo nga na sa tuwing may umaalis, mayroong dumadating. Of course, I wanted Seulgi to come when she first mentioned doing it. Pero dahil nga sa sitwasyon, hindi ko na iyon pinilit at hindi na din ako umasa. Kaya hindi din talaga ako makapaniwala noong nasa labas siya ng pinto ng apartment ko, two weeks ago. 

 

 

Tumayo ako para tingnan ang paglubog ng araw. I was surprised that this restaurant also has a view deck and a rooftop, parang iyong sa restaurant ng hotel  na pinagta-trabahuhan ko noon. Seulgi requested that we dine here since this is an open space, at kahit na medyo madami kami ay hindi magiging masyadong present kung sakali ang virus dahil hindi airconditioned ang area kaya hindi kulong ang hangin. Mabuti na lang din, dahil bukod sa safe ito, maganda pa ang view dahil tanaw yata ang buong BGC mula dito. 

 

 

"Ang lalim naman yata ng iniisip mo." si Seulgi, na nandito na pala sa tabi ko at tinitingnan din ang view. 

 

 

"FIrst time maka-langhap ng fresh air ulit, eh." I chuckled at sandaling napalingon sa mga kaibigan namin na nasa likod."Bakit iniwan mo sila 'don?" 

 

 

"Busy na si Byul kay Solar, si Whee at Hwasa naman hindi mapag-hiwalay eh. Tapos si Lisa may ka-text. Sila Chanyeol nagyo-yosi. I had to stay away because you know how I hate that smell." natawa ako dahil nag-gesture pa siya na talagang ayaw niya ang amoy ng cigarette. 

 

 

"Ah, so ako lang yung last resort mo dahil busy na ang mga kaibigan mo?"

 

 

"Hmm.. Hindi naman. I just want to see the view, along with you. Besides, nawala ka sa paningin ko kaya hinanap kita." 

 

 

Automatic na napangiti ako dahil sa sinabi ni Seulgi. Lumapit na ako sa kaniya at sumandal, ang isang kamay ko ay nakapatong sa railings, habang ang kabila ay nakayakap sa kaniya. 

 

 

Seulgi still has that effect on me. Hindi naman nawala iyon. Feeling ko ay high school student pa din ako na nakakaramdam ng butterflies sa stomach kapag kinikilig. Kahit ang mga simpleng salita na sinasabi niya ay sobrang nakakapag-pakilig sa akin. The magic of love, really. 

 

 

"Akala ko ba sinundan mo ako para tingnan din ang view?" tanong ko sa kaniya nang naramdaman ko na nakabaon lang ang ulo niya sa buhok ko, at hindi nakatingin sa araw na papalubog na. 

 

 

"I am looking at the view." kumunot ang noo ko at humiwalay na sa yakap. 

 

 

"The view is at your 12 o'clock. There." natatawa siya habang pilit kong inaayos ang ulo niya para makita niya ang sunset. 

 

 

"This is the view." 

 

 

Ah, eto nanaman. 

 

 

It's just like the scene from a movie. Everything stopped. Along with the sun setting, the city lights opened. This marks that another day has ended. Another day of my life with Seulgi passed by. Another day of being overly in love with each other. 

 

 

Will I ever get out of this? I knew the answer since day one. 

 

 

 

There I was an empty piece of a shell
Just mindin' my own world

 

 

 

"I'm t-talking about t-the real view, though." I stuttered, sounding like an idiot right there. 

 

 

 

Without even knowin' what love and life were all about

 

 

 

"Uh-huh. Did you mention that the view only implies what you see in nature?" 

 

 

"No." 

 

 

 

Then you came
You brought me out of the shell

 

 

 

Kasabay ng paghawak ni Seulgi sa kamay ko ay ang pag-play ng isang kanta sa buong rooftop. Hindi iyon nakatulong sa mga nararamdaman ko ngayon. Para akong mahihimatay sa kilig. 

 

 

 

Dahan dahang inilagay ni Seulgi ang kamay ko sa balikat niya, with hers, placed around my waist, guiding me to slow dance along to the music. 

 

 

 

You gave the world to me
And before I knew

 

 

 

The whole time, she was just staring at me, so I did the same. She is singing the song as if it was her own song as if she is making use of the song's lyrics to tell me something -- words she couldn't say on her own. 

 

 

 

There I was so in love with you

 

 

 

Seulgi is enjoying the song, and our dance, while I am still stuck and bewildered? What is she doing? So random.

 

 

She can be playful, irritating at times, but she can also be romantic. Sometimes she would act like a baby and I would ride on her stunt. At times, she is a full-grown adult, making me feel so loved, so treasured, so safe. Just like today. 

 

 

 

You gave me a reason for my being
And I love what I'm feelin'

 

 

 

"You are the view." were her first words ever since we started dancing. "The view that never gets old, the view that I can never get tired off." 

 

 

I chuckled to hide my giddiness. "You have a better view back in California." 

 

 

"Really, Love?" 

 

 

I just gave her the 'I am just kidding look' before shutting my mouth closed. Because right now, and during moments like this, it is better to be quiet. It is better to just treasure the moment - while it lasts. 

 

 

"Anong meron?" I can't help but ask. 

 

 

"Sign of aging ba ang tawag dyan? Nakalimutan mo na.." natawa siya sa paghampas ko sa kaniya. 

 


"Silly! Magka-edad lang tayo, kaya kung tumatanda na ako, you're not exempted." 

 

 

"Pero nakalimutan mo nga ang araw na 'to?" 

 

 

 

You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing

 

 

 

Ano nga ba ang mayroon sa araw na ito?

 

 

 

Ahh.. It was during this day of last month when Seulgi and I officially became a couple. Na pagkalipas ng sampung taon na pagiging magkaibigan, tatlong taon na pagkahiwalay, ilang buwan na hindi pagkakaunawaan at selosan, sa wakas ay nagkaroon ng maayos na usapan sa pagitan naming dalawa. Sa wakas ay natapos ang napakaraming taon na naduwag kami, na-confuse at hindi sumubok. 

 

 

 

"How can I forget the day when you officially became mine?"

 

 

 

And it all began when I met you

 

 

 

Happy first monthsary, 'Ga."

 

 

I love the touch of your hair
And when I look in your eyes
I just know, I know I'm on to something good

 

 

What's the best gift I can give to my partner on a day like this? 

 

 

Me. 

 

 

Kahit alam kong nakatingin sa amin ang mga kaibigan namin, I didn't care because I wanted her to feel how much I love her, and how much I want this. Kaya't kahit may mga mata sa paligid, inangkin ko ang mga labi niya, sinasabayan ang bawat pag galaw ng katawan niya. Sapat iyon para iparamdam sa kaniya na ako'y kanya. 

 

 

 

You gave me a reason for my being
And I love what I'm feelin'

 

 

" I love you." 

 

 

Ako na din ang humiwalay sa halik, as I need to gasp for air. Pinagdikit ni Seulgi ang mga noo namin, hinihingal pa din dahil sa mga halik na ibinigay kanina. 

 

 

"Tama na momol niyo dyan nagugutom na ako!" 

 

 

Sabay na lang kaming natawa nang sabihin iyon ni Byul. Napatingin kami sa direksyon niya at nakitang nakatayo na nga silang lahat malapit sa amin.

 

 

"Mamaya na lang ulit." bulong sa akin ni Seulgi at nagnakaw pa ng isang halik.

 

 

"Mga galawan mo din, eh!" 

 

 

Hindi pa din pala tapos ang surprises dahil inabot sa akin ni Solar ang isang bouquet ng bulaklak pag upo ko sa tabi niya. Pinaghandaan pala talaga ni Seulgi ang araw na 'to. 

 

 

"You both look like you have a healthy life. Pasintabi naman sa mga single!" 

 

 

Sabay kaming nabilaukan ni Seulgi dahil sa sinabing iyon ni Minho, wala manlang pasintabi. 

 

 

"Tumigil ka nga, Minho. Maghanap ka kasi para hindi ka naiinggit dyan!" 

 

 

Nagtawanan na lang kami sa sinabing iyon ni Wheein sa kaniya. 

 

 

Nagkatinginan ulit kami ni Seul habang ang mga kaibigan namin ay busy sa pagtatawanan at kantsawan. Nginitian ko siya matapos tingnan ang pagkakahawak niya sa kamay ko. 

 

 

 

My once dark world became clear and bright again because the love that lights up my dark world is back. 

 

 

 

 

 

 

______________________________________________________________________________________________________________________________________

 

 

 

Clareau, derived from Latin Word "Clara" which means Clear and bright. 

 

 

First thing : this is like a filter chapter dahil next chapter na ang pinakahihintay niyo (we're going back to Tagaytay, baby.) 

 

Second: 10 more chapters until I say bye bye :D 

 

Third: Red Velvet comeback soon!!! Stay healthy until then! Magipon na kayo ng hearts para maka vote, at ng tulog siyempre. :>

 

 

Thanks for reading! :) 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)
No comments yet