Typhoon

Kumusta ka na?

 

 

 

 

Hindi nagkamali ang PAG-ASA nang sinabi nila na malakas ang bagyo na parating at possible na madami ang masalanta nito. Kahit kami na nakatira sa isang prominent tower dito sa Quezon City ay naramdaman ang bagyo.

 

 

 

 

Nakatulog naman talaga ako after ng tawag ni Seulgi. Para akong baby na kinantahan ng lullaby at agad na nakatulog dahil sa pag-kanta niya. Pero nagsimulang lumakas ang ulan tatlong oras pagkatapos noon, at lumakas pa lalo ang hangin. We expected a power interruption but were not really looking forward to it because we live in a condominium. Pero masyadong malakas ang typhoon kaya’t pati kami ay affected.

 

 

 

 

I ended up sleeping in Jennie and Chaeyoung’s room that night. Iyon ay dahil hindi ko kinayang mag-isa sa kwarto ko in that weather and darkness. Nag stay lang ako doon pero pare-pareho naman kaming hindi nakatulog. Who can sleep when it’s raining hard and then you’ll suddenly hear news about flood in other areas? Ang kaibigan namin na si Wheein na umuwi sa kanila sa Bulacan ay binaha. Tuwing ganito na typhoon season ay hindi nakakaligtas ang Bulacan sa pagbaha, kaya sanay na si Whee at ang family niya sa pag evacuate. It’s just that it rained nonstop and they weren’t able to quickly evacuate.

 

 

 

 

 

“Safe naman kami. Nandito na kami sa relative namin sa Pampanga. Tumigil naman yung ulan kaya nakaalis kami.” si Wheein, habang kausap naming sa isang phone call dalawang araw matapos bumagyo.

 

 

“Eh diba may areas din sa Pampanga na binaha? Sana tinawagan mo kami para dito na lang kayo sa Manila, Whee.” Si Jennie, na hawak ang phone at akala mo naman na may magagawa pa.

 

 

 

 

“Yeah, I know mas malapit. Kaya lang baha na din sa ibang mga dadaanan, so we had no choice to just retreat in Pampanga.” natawa si Wheein habang nagra rant kay Jennie.

 

 

 

 

“How about clothes? May kailangan ba kayo?”

 

 

 

 

“We are in our relative’s place, Rene. Besides, magagamit pa naman ang mga damit at furniture na binaha sa Bulacan. Sanay na kami dito.” Tinanguan ko na lang ang sinabi niyang iyon. Oo nga naman dahil hindi natatapos ang ganitong season nang hindi sila lumilikas dahil sa baha, kaya alam na nila ang mga gagawin. “But I think I will need your help for something.”

 

 

 

 

 

“Anything we can do to help.” sagot ni Chaeng.

 

 

 

“There are people from outside our village who are really in need of help. Their houses were destroyed by the flood. Nasa evacuation center sila ngayon, at hindi sapat ang ibinigay ng local government na relief goods. I am planning to do a donation drive for them.” sabay sabay lang kaming tumango sa sinabing iyon ni Wheein, agreeing on her idea.

 

 

 

 

“What should we send? In-cash donations ba or should we go there personally to hand you the relief goods?” tanong ko, nag-umpisang magisip kung ano ang susunod na pwede kong gawin para makatulong.

 

 

 

 

“No, that would be too much, Rene. Lalo may pandemic pa. Cash donations will be fine. Magpo-post din ako sa facebook para mas madami ang makatulong.”

 

 

 

 

“That’s right, ate. Pero sure, we will send you money para may mabili na kayo. Where should we send it ba?”

 

 

 

 

Natawa si Wheein. “Ang conyo ‘non, Chaeng, ah? Pero sag cash ko na lang. Dito sa number na ito din.”

 

 

Ibinaba na namin ang tawag para hayaan si Wheein na mag-asikaso. Umuwi muna kasi siya sa Bulacan kasama ang kapatid para tingnan ang bahay nila, dahil humupa na din naman ang baha. Sakto din naman dahil nawalan na ng signal sa vicinity.

 

 

 

 

“Separate transactions pa ba tayong tatlo or sama sama na lang?” tanong ni Jennie nang marealize na tatlo kami at may iba’t ibang accounts, pero pareparehong magdo-donate.

 

 

 

 

 

During this time of the pandemic, cashless transactions became a trend. Ngayon ko lang din na-discover ang tungkol sag cash at na pwede pala itong i-link sa bank account ko. Sure I am familiar with online banking at nagagamit ko naman na iyon noon, pero itong gcash, hindi pa.

 

 

 

 

It is so convenient. Kaya din ako nag-decide gumamit dahil ang payment ng mga client ko ay namo-monitor ko through gcash. It was actually Jennie and Chaeyoung who encouraged me to create one at hindi naman ako nagsisi.

 

 

 

 

 

Sa huli, napagpasiyahan namin na magkakahiwalay na transactions na lang ang gawin. Ganoon din naman dahil may fee pa din na babayaran kung ako na ang magpapadala kay Wheein at babayaran na lang ako ng magkapatid. Kaya isa-isa na lang kami nag send kay Whee.

 

Whatsapp

Groupchat : Bestfriends for Layf

 

 

 

 

 

Moon Byul: May mga nabalitaan kami na binaha malapit dito, pero sa village namin, wala naman.

 

 

 

Lalisa Manoban: Lagi daw kasing basa dyan sa inyo, Byul. Kaya hindi na kayo binaha. #iykwim

 

 

 

Moon Byul: Gago ka talaga kahit kalian, Manoban. Eh bakit dyan sa lugar mo hindi binaha? Tagtuyot pa naman dyan.

 

 

 

 

Lalisa Manoban: Hindi ako affected.

 

 

 

 

Natawa ako habang binabasa ang palitan ng messages ng dalawang iyon. Palagi talaga silang nagsasagutan sa group chat namin, dahil pareho sila ng ugali. Kung minsan ay nakikisali din sa kanila si Seulgi. Nagsimula akong magtype ng message para ma-inform na din sila tungkol sa plano ni Wheein, since active naman ang lahat.

 

 

 

 

 

Irene Bae: Nabalitaan niyo na ba yung kay Wheein?

 

 

 

 

Moon Byul: Hala, huhu. May she rest in peace.

 

 

 

 

Jennie: Byul! Ano bang sinasabi mo dyan? Solar yang jowa mo naman!

 

 

 

Solar: Pasensya na, kulang kasi talaga yan sa aruga. Malapit ko na ngang isoli sa nanay niya.

 

 

 

 

Moon Byul: Arugain mo kasi ako, Babe.

 

 

 

 

Chaeyoung: Ang kalat po, mga ate. Itutuloy ko na lang ang sasabihin ni Ate Irene para matapos na dahil umuusok na ang ilong nito dito.

 

 

 

 

 

“Talaga ba?” pabirong tanong ko kay Chaeng na katabi ko, matapos na mabasa ang message niya sa group chat.

 

 

 

 

 

 

“Alam mo namang takot ‘yang mga yan sayo, ate.”

 

 

 

 

 

“Kahit hindi naman ako multo?” inirapan na lang ako ni Chaeng at nagpatuloy na siya sa pagta type ng message sa group chat.

 

 

 

 

 

What I like about our friends is that even when some of them are kind of childish, they always have that willingness to help those who are in need. They value their life, and they are thankful that we have the ability to feed ourselves, when others couldn’t.

 

 

 

Kahit na mayroong pandemic ay nagagawa pa din naming tumulong sa iba. Lahat naman kami ay may maayos na trabaho ngayon, kaya’t may kakayahan din na tumulong. Moonbyul and Lisa’s respective firms resumed its operations two months after the lockdown. Si Wheein na dating ka-department ko sa hotel ay may online business na ngayon. Si Hwasa at Solar na lang ang naiwan sa office matapos ipatawag ulit ni Sir Siwon last month. Before that, they had their own ways to feed themselves as well, and they have never felt scarce kaya’t may pagkakataon pa din na sumali sa mga donation drive.

 

 

 

 

Group Chat

 

 

Wendy Son: Magpapadala din kami ng donation. Magkasama na yung sa amin ni Joy at kay Seulgi.

 

 

 

 

Seulgi Kang: Rene, I’ll send you a message after this for the details, okay?

 

 

 

 

Lalisa Manoban: Pwede naman dito. Sana’y naman kami sa mga mag-jowa na naglalandian dito, Seul.

 

 

 

 

 

Natawa na lang ako ng malakas kay Lisa, habang ang katapat ko na si Jennie ay bumuntong hininga.

 

 

 

 

 

Seulgi reconnected with our friends, too, after reconnecting with me. Noong una ay ayaw niyang gawin iyon dahil nahihiya pa daw siya sa mga kaibigan namin. Pero tinulungan ko siya na unti unting kamustahin ang tropa, na alam kong na-miss din siya ng sobra. It was great because everyone welcomed her warmly. Hindi nagulat si Wendy sa pagbabalik ni Seul dahil all along, alam naman pala nila Wendy at Joy ang tungkol sa kaniya, dahil nagkita sila doon ng unang punta ng dalawa sa Los Angeles.

 

 

 

 

 

 

The only person who was not too happy with Seulgi’s return was Jennie. Alam kong iyon ang nararamdaman niya. She hates that I accepted Seulgi as if nothing happened. Hindi man iyon ang sabihin niya, alam kong ganoon ang iniisip niya. I have already explained my side on Jennie pero hindi pa din siya ganoon ka-pabor sa desisyon ko. I cannot blame her, though. Dahil mali naman talaga ang naging choice ko.

 

 

 

 

 

Hwasa: Nasa office na ako. Nakausap ko naman na din jowa ko, magpapadala din ako sa kaniya ng donation. Kita na lang din tayo sa next next week para sa party ni Joy. Ingat kayo!

 

 

 

Oo nga pala, it’s November and almost time for Wendy and Joy’s wedding! The wedding will be held in the first week of December and that’s two weeks from now.

 

 

 

 

 

Ang orihinal na plano ay lilipad kami patungo sa Las Vegas – kung saan gaganapin ang kasal. Ngunit hindi naging posible iyon dahil sa pandemic. Thanks to technology, we can still watch the wedding and be with our friends virtually - through online video conferences. Ganoon ang mangyayari sa lahat ng guest nila sa kasal dahil mas pinili nila na sila lang at ang mga pamilya nila ang present sa site. 

 

 

 

 

 

As a little gift for Park Sooyoung na unang magpapakasal sa barkada, we have organized an online bachelorette party for her two days before her wedding. Alam ko ay may ganoon din na plano sila Seulgi para kay Wendy na mas close sa kanila. 

 

 

 

 

 

Jennie Kim: Wow, malapit na pala ang wedding, Joy. Sure ka na ba talaga dyan? 

 

 

 

 

Park Sooyoung: Wala nang mas sigurado pa dito, Jen. ;)

 

 

 

Irene Bae: Wow, sana lahat. 

 

 

 

 

 

Nagulat ako sa malakas na pag-tawa ni Jennie na sinamaan ko nalang ng tingin. Anong problema nito? 

 

 

 

 

"Sometimes, I want to start believing that you're no longer sane." sabi ko. 

 

 

 

 

"Ikaw kasi.." medyo hinihingal pa nga ang gaga dahil sa pagtawa niya. "That was so unlike you!" 

 

 

 

"Bawal ba akong makigamit ng line ng mga mas batang generation?" natatawang tanong ko. 

 

 

 

"Hindi naman. Nakakapanibago lang." inirapan ko na lang siya at nagpatuloy sa pagsagot sa group chat. 

 

 

 

 

 

When the conversation died down, I have decided to put my phone down para makapag-focus sa dapat gawin. Magla-lunch time na kasi at hindi pa pala nakakapagluto ng pagkain namin. Nakalimutan kong ako ang assigned sa kusina ngayon. Kaya iniwan ko muna ang magkapatid sa lounge, kasama ang cellphone ko para magsimula nang lutuin ang lunch namin.

 

 

 

 

 

Hindi pa ako nakakatagal sa kitchen nang lumapit sa akin si Jennie, hawak hawak ang cellphone ko.

 

 

 

 

 

"Kaka-sana all mo. Andito na tuloy." mahina siyang tumawa bago muling bumalik ang atensiyon sa cellphone ko na hawak hawak niya. "Hoy Kang. Tandaan mo mga sinabi ko sa'yo ha."

 

 

 

 

 

Natatawa si Seulgi na nasa screen nang ibigay sa akin ni Jennie ang cellphone ko before giving me the dagger look. 

 

 

 

 

"Anong sinabi sayo?"

 

 

 

 

"Hmm.. wala naman." tinaasan ko ng kilay kaya wala siyang nagawa kung hndi ang tumawa na lang. "Walaaa. sabi lang ni Jen, grumpy na ang baby ko dahil gutom na daw." 

 

 

 

 

 

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Sinong baby mo?"

 

 

 

 

 

"Ikaw." ramdam ko ang pag-init ng mukha ko at ang pamumula nito. Wala na din akong magawa para pigilan ang mga labi kong nagngi-ngiti. "Uy, kinilig siya!" 

 

 

 

 

"Ang rupok mo naman, Saint Irene!" pareho kaming natawa ni Seulgi nang marinig ang boses na iyon ni Jennie mula sa lounge. 

 

 

 

 

Magaling ako mag-multi task kaya mabilis ko din natapos ang pag-prepare ng mga gulay na para sa sinigang. I have decided na pork sinigang na lang ang kainin namin dahil mabilis lang namin itong lutuin. 

 

 

 

 

Nang matapos kong buksan ang stove ay nagpaalam muna ako kay Jennie na papasok muna sa kwarto, since there is no need to watch the pork as it boils. Hindi naman dapat bantayan ang mga ganoon na niluluto. 

 

 

 

 

"Anong niluto mo?" tanong ni Seulgi nang tuluyan na akong makapasok sa kwarto ko at naupo sa tapat ng dresser ko. 

 

 

 

 

"Favorite mo po, Chef." 

 

 

 

"Ikaw?" malambing niyang sabi na muli nanamang naging dahilan ng pamumula ko. "You're as red as the tomato, Hyun!" hindi makapaniwala niyang sabi habang tumatawa pa din. 

 

 

 

 

Ang saya niya, ah?

 

 

 

 

"Nakaka-ilan ka na, ha."

 

 

 

 

"Kahit naman maka-ilan ako, sayo pa din naman ako uuwi." 

 

 

 

 

Hindi ko alam kung kikiligin ako o maiirita dahil sa pagiging corny ni Seulgi dahil sa totoo lang, I am feeling both! She has never been like this. Bakit biglang ganito siya? 

 

 

 

 

 

"Seriously, Kang Seulgi? Ayos ka lang ba dyan? Baka nilalagnat ka na ha." 

 

 

 

 

Natawa siya. "I'm fine. This is just me, being sweet."

 

 

 

 

"You're not sweet! It's cringey!" 

 

 

 

 

"Kunyare ka pa eh kinilig ka naman." I just rolled my eyes. 

 

 

 

 

 

Akala niya yata ay hindi ko napapansin na napapadalas ang mga banat niya ngayon. Sobrang random ni Seulgi at bigla bigla na lang siyang magsasabi ng kung anong sweet o cheesy banats niya. Hindi ko alam kung nagiging playful lang ba siya talaga o may nais ipahiwatig. 

 

 

 

 

 

I did not want to believe the latter, dahil baka sa huli ay madismaya lang ako. Kung sabagay, sweet din naman kami sa isa't isa noon. Siguro ay nanibago lang ako dahil tatlong taon kaming hindi nag-usap, at dahil wala namang ibang tao na nagaparamdam sa akin ng ganito, siya lang  Wala namang ibang naging sweet sa akin nang mga panahon na wala siya. 

 

 

 

 

 

"Heto na, seryoso na." she coughed at nagseryoso na nga. Biro lang nga talaga ang kanina. "I am going to ask a favor sana, tungkol sa donation drive.."

 

 

 

 

 

Kaya naman pala siya tumawag. Nabanggit niya din kanina sa group chat. Ang donation nila ni Wendy ay ipapadala through me. Babayaran nila na lang daw ako kapag ipinadala ang payment next month. Hanggang ngayon kasi ay patuloy pa din ang contract namin as Social Media Manager ng business page ng dalawang restaurant nila. 

 

 

 

 

 

Kaya pagkatapos ng tawag na ito ay magpapadala ako ulit ng donation kay Wheein.

 

 

 

 

 

"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko kay Seulgi dahil alam kong medyo late na din sa Los Angeles. 

 

 

 

 

 

"Pinapatulog mo na ako? Ayaw mo na ba akong kausap?" inirapan ko. "Joke lang.. maaga pa po. 9PM pa lang. I usually sleep by 12, so.." 

 

 

 

 

Nagpatuloy pa ang usapan namin ni Seulgi. Pero sandali din akong lumabas para icheck ang niluluto ko, dahil baka mapagalitan ako ni Jennie kung makalimutan ko iyon dahil sa 'landi' namin ni Seul, gaya ng tawag niya doon. 

 

 

 

 

 

Isang katok sa pinto ni Seulgi ang narinig ko na muntik nang maging dahilan para ibaba ko ang tawag. 

 

 

 

 

"Baby? Can I come in?" napalingon si Seulgi, hindi halata ang gulat sa mukha niya, at kasunod nito ay nakita ko ang isang pamilyar na mukha sa screen.

 

 

 

 

"Oh, hi! Nice to see you, Irene!" 

 

 

 

"Likewise." pilit akong ngumiti kay Chef Jung na ngayon ay kausap at kaharap na pala ni Seulgi. 

 

 

 

 

Sandali lang si Krystal at nagpaalam na din sa akin matapos makausap si Seul. Ako naman ay pilit na kinakalma ang sarili para hindi halatang apektado sa nangyari. 

 

 

 

 

 

"Sorry. Aalis kasi sila ni Kuya kaya nag-paalam. I think I should hang up, now, too. Para makakain ka na din." sabi niya sa akin at ngumiti nang parang walang nangyari. 

 

 

 

 

"O-okay. Sleep well tonight." hindi ko na inintay ang sagot niya at ibinaba na ang tawag. 

 

 

 

 

 

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. 

 

 

 

 

Heto nanaman tayo, Bae Joohyun. Nagse-selos ka nanaman nang walang dahilan. 

 

 

 

 

At ito namang si Seulgi, mukhang tine-take advantage ang sitwasyon namin ngayon. Ewan ko ba kung laro lang ang lahat ng ito para sa kaniya.

 

 

 

 

 

----------------------------------------------------

 

Irene niyo, nagse-selos nanaman. Hahahahaha

You'll probably guess kung naga-assume lang ba si madam dahil tinawag ni

Krystal na 'baby' si Seulgi or kung wala namang meaning iyon talaga. :D

 

By the way, shawtawt sa mga tumutulong kapag may donation drive! 

Totoo yung part na 'yon kay Wheein. May friend kami na nag-organize ng 

donation drive noong bagyong Ulysses at from Bulacan siya. 

Remember to share your blessings if you have the chance to do so. :) 

 

 

Have a great long-weekend! 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)
No comments yet