String

Kumusta ka na?

Araw araw akong pinapakilig ni Seulgi. Iyon daw ang paraan ng pagbawi niya dahil hindi pa siya makauwi agad. 

 

 

May mga flight nang nag-resume, pero nagkaroon naman ng aberya sa company nila kaya't kinailangan niyang mag--stay muna sa California, kahit ang totoo ay uwing uwi na siya. Noong una nga ay ayaw niya pa na pumayag sa hiling nila Tita na mag stay muna siya. Pero napilit ko naman siya at napakiusapan, kaya hindi muna siya agad umuwi. She was already on the verge of buying a ticket for her flight back home, gustong takasan ang responsibilidad na ibinigay sa kaniya sa kompanya. 

 

 

Tito Jisub resigned from his position as their company's CEO last January. Si Minhyuk ang pumalit sa posisyon niya. Seulgi did not want to take a position from the company, pero she was introduced sa board as a Director. Nagulat ako nang malaman iyon dahil wala naman siyang background sa marketing at business management, pero sinabi niyang kaya naman dahil she is enrolled in a university sa California and she will get a degree in business management kahit na online lang ang classes niya. 

 

 

Wow, I learned another fact about my girlfriend. Dati ay tamad na tamad itong mag-aral. Sinong maga-akala na nag-aaral ulit ito ngayon para sa pag-manage ng company nila na ang industry ay malayo sa culinary? 

 

 

Minsan talaga, biglang nagiiba ang mga perspective natin sa buhay dahil sa kung anong bagay ang biglang dumating. Sabi nga nila, life can be full of surprises.

 

 

 

Sinarhan ko na ang laptop ko matapos ma-send ang huling message para kay Seulgi. Narinig ko na kasing tumunog ang doorbell kaya mukhang may tao na sa labas. Saturday ngayon at maaga akong tinawagan ni Tita Boa kanina dahil may dinner daw kaming pamilya at out of town daw ito. May kailangan lang silang tapusin ni Tito Yunho sa office kaya ida-drop off muna dito sa apartment sila Eunbi at kapatid ko na si Lia, para hindi na sila balikan mamaya sa Dasma. 

 

 

"Ate, kanina pa kami dito sa labas. Please tell me you weren't sleeping bago kami dumating." inirapan ko din ang pagma-maldita ng kapatid ko. 

 

 

Iyon pa nga ang una niyang sinabi sa unang pagkakataon na magkita kami ulit, after months! "Mag-sanitize ka muna bago ka umupo sa couch. Attitude ka ha." 

 

 

Natawa si Eunbi na nakasunod sa kaniya. "Naiwan niya kasi airpods niya sa bahay, Ate. Kaya, you know.." 

 

 

Kibit-balikat na lang ako at sinabayan siya sa pag-tawa. Sumunod na din si Eunbi sa bathroom para mag sanitize, dahil iyon ang sinabi ko sa kanila na dapat nilang gawin bago galawin ang kung ano sa bahay. Galing sila sa labas, kaya mahirap na. 

 

 

Since mamayang hapon pa naman ang byahe namin, these girls will be eating lunch dito sa apartment. Almost lunch time na kaya kailangan ko nang mag-prepare, habang hinayaan ko naman sila sa lounge at mukhang magne-netflix. Umpisa na kasi ng season two noong isang med-kdrama na pinapanuod namin, kaya baka iyon ang panuorin nila sa netflix. 

 

 

"Si Doyoung?" tanong ko nang maalala na kulang pala sila ng isa. 

 

 

"He's still at home, Ate. May tinatapos pa siyang papers na school-related, kaya nag-paiwan muna. But he'll fetch us later." 

 

 

"We'll ride with him?" litong tanong ko. 

 

 

Tumango naman si Eunbi. "Yeah. Mom said we'll just meet there. Kaya kay Kuya tayo sasakay." nagpatuloy na ako sa niluluto. Hindi din naman nagme message si Seulgi kaya hinayaan ko na lang. 

 

 

Doyoung, Eunbi's older brother finished Architecture in college. Licensed Architect na ito ngayon at nagta-trabaho sa company ng pamilya. Pero dahil sa kaniya nga ang in-line na maging next CEO ng business, nag-enroll siya sa La Salle for MBA. Gusto daw kasi nito na bukod sa may alam siya how the industry works, gusto din niya na marunong siyang magpalakad ng company. Kaya kahit nagta-trabaho, nag-aaral siya ulit. 

 

 

"Saan ba daw tayo pupunta?" tanong ko. 

 

 

Sasagot sana si Eunbi pero nakita kong pinandilatan siya ng mata ni Lia. Ang dalawang 'to.. "You'll know when we get there, Ate." 

 


Umirap ako. "Whatever." 

 

 

Hindi kailangang bantayan ang niluluto ko, kaya iniwan ko muna iyon na nakasalang sa kitchen at bumalik sa lounge para makinuod din sa kanila. Kagabi naman, natapos ko nang panuorin ang first episode ng hospital playlist season 2 pero gusto kong ulitin ulit ngayon, for research purposes. 

 

 

 

Telegram 

 

Bubu Bear 🐻💛

Hayaan mo na. You know how secretive kids can be, these days. :D 

 

 

Irene Bae

Makapag-sabi ng 'kids', akala mo naman ang tanda na natin! 

 

 

Bubu Bear 🐻💛

But we are! hahaha! We both turned 27 this year. 

 

 

Irene Bae 

Don't remind me of my age, 'Ga. 

Nakakainis kasi you know how I want to base the clothes that I wear sa pupuntahan ko, para bagay yung isuot ko. 

Eh ayaw nilang sabihin talaga. 

 

 

Bubu Bear 🐻💛

Joohyun.. 

You look pretty in anything you wear. 

Even with nothing. :D 

Kidding aside.. don't worry about what you'll wear. It's you that makes the clothes look prettier. 

 

 

 

Bigla naman akong namula dahil sa sinabi na iyon ni Seulgi. Para ko na din narinig ang boses niya nang binasa ko ang reply. 

 

 

"Si Ate, red as a tomato nanaman!" hindi ko nalang pinansin ang pangaasar na iyon ni Eunbi dahil busy akong kiligin!

 

 

Nagpatuloy sa panunuod ng hospital playlist ang dalawang bagets at salamat naman dahil hindi na nila pinansin ang kilig ko. Tuloy pa din kasi si Seulgi sa mga banat niya dito sa telegram. 

 

 

"Wait! Pause!" napalingon ako sa sinabing iyon ni Eunbi na saktong hawak ang remote para i-pause ang isang scene sa drama. "This part!" 

 

 

Lito kaming tumingin ni Lia kay Eunbi na turo turo ngayon ang screen ng tv.

 

 

"Anong thoughts mo sa part na 'yan, Ate?" tinuro ko ang sarili ko at tumango siya. 

 

 

Naka-flash sa screen iyong scene ni Songhwa at ng bestfriend niya na si Ikjun. The scene where she was telling him to not confess his feelings sa babae na gusto niya, dahil baka maging awkward lang silang dalawa. 

 

 

Ngumiti lang ako dahil nagi-intay pa din si Eunbi na sagutin ko ang tanong niya. 

 

 

"She probably felt na sa kaniya magko-confess si Ikjun." tumango si Eunbi. "And, maybe, she doesn't feel the same way kaya she gave him the advice na huwag na mag-confess. After all, he was just asking for her opinion lang naman, diba? So yung advice na binigay niya was based on how she'd probably react kung umamin man si Ikjun." 

 

 

"Pero it doesn't always mean naman diba na if you confess sa kaibigan mo for years, magiging awkward kung hindi ka niya gusto?" 

 

 

"It will depend on the other person. Kasi the friend can choose to not act awkward kahit di ka niya gusto. Nasa way din 'yon, kung paano niya ite take yung confession mo." kumunot ang noo ko. "Teka, bakit ba ganiyan mga tanong mo?" 

 

 

Lia sighed. "Confused kasi yan kung magco-confess na siya kay Hyewon o hindi pa." 

 

 

Natawa ako nang malakas dahil sa reaksyon ni Eunbi nang sabihin iyon ng kapatid ko. Tipid lang itong ngumiti sa akin at alangang tumingin. 

 

 

"Eh kasi Ate.. I have a feeling na Hyewon likes me too, the same way na gusto ko siya. Pero what if mali pala ako? What if she's acting that way sa akin dahil close kami? dahil bestfriends kami? And what if mag-confess ako tapos maging awkward kami dahil hindi niya pala ako gusto?" 

 

 

I left out another soft chuckle. "Dami mong tanong." umiling ako. "May mawawala ba sayo kung aamin ka sa kaniya? If you're that confident na gusto ka din niya, then do it. Do it for yourself. At least, if it turns out to be mutual, wala kang ire-regret."

 

 

 

"Oo nga. Malay mo, if your gutfeel turns out to be true, may fiancé ka na din in four years." pinandilatan ng mata ni Eunbi si Lia. Alternate lang talaga silang dalawa. 

 

 

May tinatago ba sa akin ang mag-pinsan na 'to?

 

 

"Sinong may fiancé?" tanong ko. 

 

 

"Ah, hehe." napakamot sa batok si Lia. "Just a.. classmate of mine.. maaga magpapakasal." 

 

 

Sinamaan ko nalang ng tingin ang dalawa at nagpatuloy na sa panunuod ng drama. Ako naman ay bumalik sa kitchen para tingnan ang niluluto ko na kakainin namin. 

 

 

 

After our lunch, naligo na ako at nagbihis. Nag-offer naman ang dalawa na sila na ang magliligpit kaya ayos na din iyon. Besides, nag-message na din kasi si Tita Boa na nakaalis na daw sa Dasma si Doyoung at baka masundo kami by four, kung wala masyadong traffic. 

 

 

At ganoon nga ang nangyari. Lampas lang ng konti si Doyoung sa 4pm nang dumating sa may lobby. Hindi pa kami agad nakababa dahil nakatulog ang dalawang Prinsesa at pahirapan bago magising. Nag-retouch din sila kaya natagalan pa bago kami bumaba. Muntik pang abutin ng isang oras. 

 

 

"Bi.. Dad said we have to be there before seven. At this rate, baka eight pa tayo makarating." bungad ni Doyoung nang makasakay na kami sa sasakyan. 

 


"Sorry, Kuya. Sarap ng niluto na lunch ni Ate Irene kaya nakatulog kami." nag-peace sign nalang ito sa Kuya niya. 

 

 

"Let them be.. hindi naman siguro tayo abutan ng traffic." sabi ko. 

 

 

"Sana nga, Ate. Ito kasing si Eunbi.." umiiling na lang ako at natatawa habang nag-maniobra si Doyoung. 

 

 

Wala sana akong idea kung saan kami pupunta pero nakita ko ang waze sa cellphone niya kaya nalaman ko na agad. 

 

 

Late natapos ang trabaho ko kagabi at maaga akong nagising kanina, kaya iidlip muna ako dahil baka nga matagalan ang byahe namin pa-Tagaytay. 

 

 

 

 

"Ate.." ramdam ko ang pagyugyog sa akin ni Doyoung. Napasimangot tuloy ako. 

 

 

Anong oras na ba? 

 

 

"Ate.. wake up." he chuckled. "We're here." 

 

 

Agad akong napadilat. Kunot noo ako habang iniikot ang paningin sa paligid. Madilim na pero may streetlights. Sapat iyon para makita ang mga damo at ilang naka-park na sasakyan sa labas. 

 

 

"Nasan tayo?" tanong ko kahit alam ko naman ang sagot. 

 


"We're in Tagaytay." tiningnan muna ni Doyoung ang sarili sa salamin bago binuksan ang pinto ng sasakyan. "Let's go. Everyone's waiting." 

 

 

Lito pa din ako kahit walang choice kung hindi ayusin ang buhok bago ilagay ulit ang face mask ko. Tinanggal ko na ang seatbelt ko at lumabas ng sasakyan. 

 

 

Ang sabi ni Tita, family dinner. Kaya nang makita ko sa waze kanina na sa Tagaytay ang punta namin, I expected to wake up sa parking ng Balay Dako, Bag of Bean's or Leslie's. 

 

 

Eh bakit kami nasa Highlands ngayon - sa residential area pa nga? 

 

 

"Are you sure this is the right place?" tanong ko kay Doyoung habang pa-hakbang kami sa garage. 

 

 

"They're already inside, Ate. Tayo na lang iniintay. So, of course, I am sure that this is the right place." 

 

 

He just shrugged then smirked at me. 

 

 

Everyone's just acting weird, today. What's even weirder is that the house we are about to enter is oddly familiar. It's dark, but I can sense that I have already seen this design somewhere I just couldn't remember. 

 

 

Dim ang lights sa lounge pagka-bukas ng double doors. We were greeted by a spacious receiving area. Nasa kani-kaniyang pwesto na si Tito at Tita, with two other people facing me from their back. Probably the homeowners. 

 

 

Si Eunbi at Lia naman ay nakaupo sa couch, parehong may hawak na cocktails at nakangisi sa akin. Ang dalawang 'to talaga. 

 

 

"Congrats, Ate!" isang tapik sa balikat ang ibinigay sa akin ni Doyoung bago siya lumapit sa mga magulang niya para batiin ang mga ito. 

 

 

I was surprised when the two unknown people faced my direction. May hawak silang champagne glasses at nginitian ako, as if offering me a toast. 

 

 

Hindi ako makapag-salita sa nakita ko. This is a lot to take in. 

 

 

The house.. This house.. No wonder why it looked familiar. This is the same house shown to us by Moonbyul, last month! Her project, along with Taemin! 

 

 

When I thought that seeing Tito Jisung here with Tita Jiyoung is enough for a surprise, I was almost startled when I heard someone playing the guitar. I slowly moved my head to face the direction where the sound from the strings is coming. 

 

 

And there, I saw my life. Looking at me intently while her hands are strumming the guitar. 

 

 

We were inches away from each other, and I couldn't move closer to her because I am still in disbelief. 

 

 

Wise men say
Only fools rush in

 

 

 

Para nanaman akong nasa cloud nine dahil sa nangyayari. I don't expect her to be here, more so with her family, our whole family. 

 

 

 

But I can't help

falling in love with you

 

 

 

 

Dahan dahan pa din lumapit si Seulgi sa akin. Hindi ko alam kung maiiyak ako o matatawa with the way she looks. This is not the first time I've seen her play the guitar, nor her first time singing for me. Kaya't hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa pakulo niyang ito, at masyado akong kinikilig, naiiyak, para isipin pa iyon.

 

 

 

Shall I stay?
Would it be a sin?

If I can't help falling in love with you

 

 

 

Para na akong maiiyak because of the way she sings the song. Parang may gusto nanaman siyang sabihin na idinadaan niya sa kanta. 

 

 

 

Like a river flows
Surely to the sea

 

 

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko habang mas lalo pang lumalapit sa akin si Seulgi. Seryoso ang mga mata niya habang dinadama ang kanta. 

 

 

Darling, so it goes
Some things are meant to be

 

 

 

Nagulat ako nang tuluyan niyang bitiwan ang gitara at lumapit na sa akin ng tuluyan. Napangiti na lamang ako sa kaniya, kagat-kagat din ang pang-ibabang labi, halatang pinipigilan ang mga luha niyang nagbabadya. 

 

 

 

 

So take my hand
Take my whole life, too

 

 

 

 

Seulgi, singing this rendition of the voice in acapella is making me feel a lot of things. This is making me feel how much I love this woman, and how she feels exactly the same to me. 

 

 

And those lyrics.. she sang without removing her eyes on mine. 

 

 

 

 

For I can't help falling in love with you
For I can't help falling in love with you

 

 

 

 

Gusto ko siyang yakapin, hampasin, halikan, sa kilig ko dahil sa ginawa niya. 

 

 

Pero hindi pa pala tapos. Hindi yata mauubusan ng surprise si Seulgi ngayong gabi. 

 

 

Slowly. she bent her knees, got something from her pocket, and looked up to me. 

 

 

Hindi ko alam kung paano magre-react. Napahawak ako sa bibig ko dahil sa gulat. Hindi ko na din mapigilan ang tuloy tuloy na pagtulo ng luha ko. 

 

 

"Hi.." she softly giggled. "You're probably surprised na andito ako. Kami, actually. We all arrived last month." 

 

 

"Bakit hindi mo sinabi?" tanong ko, naiiyak, na tinawanan niya lang. 

 

 

"Eh di na ruin ang surprise." she giggled. "Do you remember when I told you na before I propose, I'll make sure to ask for your hand muna from Tito Yunho and Tita Boa. And I didn't only ask them, I made sure that they will be part of this, too." 

 

 

Bumuntong-hininga si Seulgi at dahan-dahang binuksan ang red velvet box na hawak niya, revealing a flashing diamond ring in front of me. 

 

 

I am almost brawling because of what's happening. "So Bae Joohyun, in front of all these people, I would like to ask you.." she looked at me with those bear-like eyes. 

 

 

 

Say it, baby. I can't wait to answer it with a yes. 

 

 

"Will you spend the rest of your life with me?" 

 

 

"Tinatanong pa ba yan?" 

 

 

Ibinigay ko ang kamay ko sa kaniya, hindi maka-hintay na ilagay niya ang singsing sa daliri ko. And when she finally does, agad niya akong hinigit sa isang mahigpit na yakap. 

 

 

Finally. I am finally home... 

 

 

 

 

 

"Tama na yan! Tapos na ang moment niyo. Kailangan na muna nating i-plano ang kasal!" pareho kaming natawa ni Seulgi sa sinabing iyon ni Tito Jisung. 

 

 

"I'll have to contact our designer friend for the gowns, agad! Or suit ba ang gusto mong isuot, anak?" excited na tanong ni Tita Jiyoung kay Seulgi na nakapulupot na ngayon ang mga kamay sa waist ko. 

 

 

"Hold on, mom! We just got engaged!" natatawang sabi ni Seulgi. 

 

 

"Hindi naman namin kayo pine-pressure, mga anak. Pero kahit isang apo lang! We don't care about how much it'll cost you, basta may apo." 

 

 

"Hindi daw pine-pressure pero hinihingan mo na agad ng apo!" natawa si Tita Boa. "On your right pace, mga anak. Basta andito lang kami whenever you need our help." 

 

 

 

Niyakap ko sila Tito Jisung dahil hindi ko pa pala sila nababati simula nang dumating ako. Ito naman kasing si Seulgi, ang daming surprise. 

 

 

 

Seulgi lead us to the dining room para doon na daw ituloy ang usapan at makakain na din. Nawala bigla sa isip ko ang tungkol sa bahay na ito. Maybe I'll just ask her about this later. 

 

 

"I know you have questions. Let's talk about all that later, okay?" bulong niya sa akin at hinalikan pa ako sa noo. 

 

 

Tinanguan ko nalang ang fiancé ko at naupo na sa tabi niya. Masayang masaya ang mga magulang namin at excoted na silang pinagu-usapan ang tungkol sa magiging kasal. 

 

 

Ngayon pa lang, nakikita ko na kung paano kami mai-stress ng fiancé ko dahil siguradong involved talaga sila Tita Jiyoung at Tita Boa sa pag-plano ng kasal. Knowing them, hindi nila hahayaan na kami lang ni Seulgi ang mag organize nito. 

 

 

Nginitian ko ang fiancé ko at nagsimula nang kumain. 

 

 

Fiancé ko. 

 

 

Paulit ulit iyon sa utak ko pero hindi pa din ako makapaniwala na totoo iyon. 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)
No comments yet