Call

Kumusta ka na?

 

 

 

Ako na din ang naghatid kay Seulgi sa airport. Muntik pa siyang hindi tumuloy dahil ayaw niya daw akong iwan mag-isa. I thought she was going to cry when I dropped her off, mabuti ay hindi. 

 

 

We were texting each other and even video-called until before she got on the plane. She's flying Philippine Airlines then kaya late na ang flight niya, but I convinced her to go be at the airport four hours before the flight. Siyempre, Pinoy tayo eh. 

 

 

This is the second night without Seulgi. Ang hirap pala mag-adjust. Again, nasa adjusting period nanaman ako. 

 

 

Her scent is all over my room, even on my bedsheets. Earlier I woke up when I realized that there was no one beside me sa kama. I forgot that she's not here. I got used to her cuddles every time I wake up, so I almost panicked when I realized she wasn't here earlier. Hindi ko na muna siya tinawagan dahil she's probably sleeping. Sinabi niya din naman na siya na ang tatawag kapag available na siya so I guess I'll just wait for that. 

 

 

Even the dining table felt lonely. Tinatawanan ko na lang ang sarili ko dahil sa separation anxiety kahit dalawang araw pa lang naman kaming magka-hiwalay ni Seulgi. pano kaya ako sa mga susunod na araw -- at buwan?

 

 

"Tinawag-tawagan mo ako tapos hindi ka naman magsa-salita dyan?" nagulat na lang ako at natawa sa sarili nang marinig ang boses na iyon ni Jennie.  

 

 

"Ate, hayaan mo na, Ate Irene's probably in sepanx stage." 

 

 

"Ganito ka din ba, Jen, nung kakahiwalay niyo lang ni Kai?" I asked. 

 

 

"Hay, nako. Hindi naman naging mahirap for me dahil hindi kami live-in ni Kai." inirapan ko si Jennie. "Besides, we got used to the distance since the lockdown started, so.." 

 

 

"Ate Irene's probably not going to stand being for two months."

 

 

Natawa pa and magkapatid dahil sa halos hindi maipintang mukha ko dahil sa sinabi ni Chaeng. Kailan pa siya natuto sa ganoon?

 

 

"Chaeng, umuwi ka lang sa Australia, mga sinasabi mo ah."

 

 

She chuckled. "Sorry, Ate Irene. Anyway, how's work?"

 

 

Oo nga pala. Sa sobrang invested ko sa relationship namin ni Seulgi, at sa bakasyon namin ng mga nakaraang linggo ay nakalimutan ko ang tungkol sa trabaho ko. Perks of freelancing and working from home na din siguro. I have never been this lax sa pagta-trabaho. Parang hindi nga ako nagta-trabaho. Sakto din na mababait ang clients ko, hindi sila demanding at naiintindihan nila ang flow ng trabaho kaya hindi ako nahihirapan. Understanding din sila at hindi nage-expect masyado. 

 

 

Sa digital marketing, the trends are constantly changing so adjustments are always necessary. Kaya kapag may suggestion ako sa clients ko tungkol sa possible adjustments na kailangan namin gawin sa business nila, mabilis naman nila itong naiintindihan. 

 

 

Natutuhan ko din na generous ang western clients dahil kapag nagustuhan nila ang outcome ng trabaho, magbibigay sila ng bonus, agad. Appreciative sila. Hindi gaya ng ibang mga Pilipino na kung mag-demand, akala mo naman ay ang laki laki ng binabayad sayo.

 

 


"I currently have four clients. Hindi muna ako nag accept ulit ng bago dahil ayaw din naman ni Seulgi na marami daw siyang kahati sa oras." 

 

 

"The ever clingy Kang." natawa si Jennie. "Hindi ka ba susunod sa kaniya?"

 

 

"Saan?" umirap ito. 

 


"Sa California! Pano kung matagalan si Seulgi?" 

 

 

"Bakit ako susunod?" kumunot ang noo ko. 

 

 

Bakit iniisip nila na susunod ako kay Seulgi? She will only be gone for two months. I am not the clingy type of girlfriend. 

 

 

Isa pa, ano ang iisipin ni Tita Joyoung kapag sinundan ko si Seulgi dahil masyado ko siyang miss? She would think that I am so obsessed with her daughter at na hindi ko man lang hayaan na makasama niya ang pamilya niya on special occasions. 

 

 

"Seriously, Jen? No." natawa ako ng bahagya. "Ganyan ba pinapagawa mo kay Kai?" 

 

 

Hindi siya agad sumagot. "Well.. hindi naman.." natawa si bakla kaya inirapan ko na lang. If I know, nagde-demand yan minsan kay Kai.

 

 

"Ate, if not for the pandemic baka every month nandito yun si Kuya Kai dahil sa pagka-clingy nito si Ate Jen."

 

 

"Wow ha, thank you for exposing me. Mahal mo talaga ako." 

 

 

Hindi ako umimik, natatawa na lang talaga ako sa magkapatid na ito. Ito din ang nami-miss ko madalas lalo noong umalis na sila. 

 

 

The way I would sometimes be the referee when they're arguing, or how I would be stuck in the middle if they have opposing opinions about a certain topic - na pareho naman silang may point. It makes me wonder tuloy kung nandito pa din kaya sila sa Pilipinas kung walang pandemic?

 

 

At ako naman, siguro I would still be intoxicating myself with that 9-5 corporate job, kung walang pandemic na naganap. 

 

 

"So, will you be okay without a company in the apartment for like, two months?" tanong ni Jen. 

 

 

"I guess." ngumisi ako. "I was able to live alone for two weeks before Seulgi came anyway." 

 

 

"But this time it's two months." 

 

 

Ewan ko ba, kung bakit ang hirap talaga at delikado para sa mga babae ang tumira mag-isa sa Manila. Kahit sa mga exclusive condominium ngayon ay medyo delikado dahil may mga balita na pinapasok at ninanakawan ang mga condomenium na iyon. Sa ibang lugar naman, common pa din ang abduction na may kasamang at homicide sa mga babae. Kaya din ayaw sana akong iwan ni Seulgi, dahil sa takot sa ganung mga balita. 

 

 

"Safe naman dito sa complex natin, Jen. We've been living here for four years, wala naman masamang nangyari." natawa ako. "Except doon sa pagka-infect ko sa elevator?" 

 

 

"Oh my goodness! Pinaalala mo nanaman yan." umirap si Jennie. "Australia is almost back to normal. Soon, start na ng rollout ng vaccine. Eh dyan, wala pa din constant plan ang government, pero sige pa din ang mga tao sa pagiging relax nila?" 

 

 

Never namin hindi napag-usapan ang tungkol sa covid situation sa Pilipinas, and the way the government is handling it .. poorly. 

 

 

Totoo ang sinabi ni Jennie. Iyon din naman ang reason kung bakit pinauwi na sila ni Admiral. He's not seeing the light at the end of the tunnel. Masyado nang relax ang mga tao ngayon, porket magi-isang taon na nang magsimula ang lockdown. Sabi nga nila Chanyeol, parang sinalubong ng mga tao ang covid dahil nalaman nila na magkakaroon na ng vaccine. 

 

 

Eh wala pa nga. 

 

 

Kahit silang mga frontliner ay walang idea kung kailan darating ang mga in-order na vaccine ng bansa. Malapit nang matapos ang January pero wala pa din silang balita. Samantalang sa ibang bansa, umpisa na ng vaccine rollout, at sa ilang neighboring countries ay unti unti nang bumabalik ang sigla ng ekonomiya. 

 

 

"Ewan ko ba. Basta ako I'll probably just stay at home the whole time na wala si Seulgi dito. Parang before, online transactions na lang ulit muna." 

 

 

"Tama yan." sabi ni Jennie habang ngumunguya ng chips. "And keep yourself busy sa trabaho muna. Di mo mamalayan, nandyan na si Seulgi bukas." 

 

 

"Sana nga." 

 

 

Nag-paalam na ang magkapatid dahil nap time na daw nila. Oo nga pala, nasa Australia na sila kaya kapag work hours doon, work hours din nila. Hindi na kagaya noong nandito pa sila sa Pilipinas na gabi nagta-trabaho dahil sa baliktad na timezone with the client. 

 

 

Biglang tumahimik sa office nang ibaba ko ang tawag. Hindi naman ako normally giniginaw pero nilamig ako kaya in-adjust ko ang aircon. 

 

 

I am used to living alone. Dahil ganoon mostly ang nangyari noong high school ako at nang mag college. I studied in Manila, habang si Lia ay sa Cavite nag-aaral, dahil ever since ay kay TIta Boa na siya tumira. Ganoon din naman ako, at si Ate Tiff. Yun nga lang, dahil mas matanda kami kay Lia at medyo malaki ang age gap, mas mabilis kaming natuto na maging independent. 

 

 

Noong high school ako, may mga panahon na minsan lang umuwi sa Cavite dahil may dorm naman sa Manila. Isa pa, masyadong busy sila Tita Boa para araw araw pa akong magpa-hatid sundo from Cavite to Manila. Sa una ay hindi sila payag dahil baka hindi daw ito maging safe para sa akin. Pero soon ay naintindihan din nila kung bakit gusto kong maging independent, matuto mabuhay mag isa at hindi solely nakadepende sa kanila. Iyon din ang dahilan kung bakit ko tinanggihan ang offer ni Tita to run our family's company. 

 

 

I am not the type of person kasi na comfortable kapag nakukuha mo lahat ng bagay in an instant. Mas gusto ko yung pinaghihirapan, mas gusto ko yung nage-effort ako. 

 

 

Sinubukan ko na mag focus sa trabaho pero wala naman akong masyadong tasks ngayon kaya binuksan ko muna ang sariling Instagram account ko. Nakapag-post na pala si Ate Jessica ng wedding pictures nila, which happened noong December 31st. 

 

 

Ate Jessica and her husband are a good pair. They look happy, kahit nabuo ang relasyon nila dahil sa pragmatic marriage. Sa bawat swipe ko ay may bagong picture na lumalabas. Isa doon ay kasama si Ate at ang boyfriend niya na bestfriend ng husband ni Ate Jessica. 

 


I must admit, they look good together talaga. Kahit sa totoo ay paminsan-minsan, talagang nanghihinayang ako kay Ate Tiff at Taeyeon. Para silang si Jennie at si Lisa. They were perfect for each other, kaso, life had other plans. Masaya si Taeyeon for what Ate Tiffany had achieved kahit na ang kapalit noon ay ang kaligayahan niya. I'm sure Taeyeon still loves my sister, pero wala na lang siyang ibang magawa ngayon. She just had to love her from afar, dahil iba na ang nararamdaman ng kapatid ko. And I admire Taeyeon for that. Mahal na mahal niya si Ate Tiffany kaya't ayos lang sa kaniya ang masaktan siya, basta masaya si Ate ngayon. 

 

 

As for my sister, I am sure she loved Taeyeon, too. Naalala ko noong tinanong ko siya kung pinagsisisihan niya ba na iniwan niya si Taeyeon kapalit ng kung ano ang mayroon siya ngayon. Ngumiti lang si Ate noon, akala ko nga hindi niya sasagutin ang tanong ko. Ang sabi niya noon, 

 

 

"I didn't choose. Life did. And even though I love her, I can't fight what life has decided for us." 

 

 

Sayang lang, kasi they deserved better. Taeyeon deserved better, too. 

 

 

Speaking of the devil. 

 

 

"What do you need, Ate?" bungad ko pagka-sagot sa tawag niya. 

 

 

"Grabe ka naman, tumatawag lang ba ako sa'yo kapag may kailangan?" inirapan ko ang pa-tampong boses niya. 

 

 

"Tell me, Lia.. what is the purpose of her call most of the time?" 

 

 

"To ask how we're doing, Ate." I sighed. 

 

 

Hindi talaga dapat pinagsasama ang dalawang 'to dahil lagi silang nagti team up against sa akin! Yung totoo, kapatid din naman nila ako, ah.. 

 

 

"Buti pa si bunso, ginagalang ako bilang ate." Ate Tiffany giggled. "Ikaw ha, hindi mo sinasabi sa'kin." 

 

 

"Ang ano?" litong tanong ko. 

 

 

"Umuwi pala ulit ng California si Seulgi?" 

 


"Ah, oo. Hindi mo ba alam? Mapaaga yung wedding nila Krystal at Minhyuk kaya pinauwi siya ni Tita. Plus I heard the vaccine will be available for the citizens kaya magpapaturok na din siya." sagot ko. 

 

 

Tumango si Ate at halos mahilo ako sa paglalakad niya. Bitbit kasi ang cellphone at papunta yata sa kitchen. Magluluto na siguro ng breakfast niya. 

 

 

"I can't imagine the kind of stress the Jungs are going through. Imagine holding a wedding a month after the other?" tumawa si Ate. "Lia, do you want to get vaccinated na din? We can fix your papers for that. At this rate kasi baka by 2022 pa mag-vaccine rollout for citizens dyan sa Pilipinas." 

 

 

Hindi ako sumabat. Ate knows my side about this. Kaya ngayon ay si Lia naman ang tinatanong niya. 

 

 

Kapag kasi sinabi ni Lia na payag siya at gusto niyang sumunod kay Ate sa Los Angeles, no choice ako kung hindi sumunod din. Hindi ko naman hahayaan na mag-ayos ng papeles mag-isa ang kapatid namin dahil lang sa ayokong tumuloy. 

 

 

"I think it's still too early to decide about that, Ate. Besides, I am still studying and mahirap mag-ayos ng papers today." paliihim akong napangiti. 

 

 

My bunso, parang kailan lang. She was just a small baby when our parents left this world. I remember her crying along with me and Ate Tiffany during our parents' funeral. She cried with us, even when she didn't know why we were crying. Tapos ngayon, she can already voice out her own opinion and decide for herself. 

 

 

Our baby's slowly growing up. How I wish for time to stop. 

 

 

"Nakakatampo talaga kayong dalawa." Ate Tiffany pouted. "Wag niyo naman ipahalata masyado na ayaw niyo akong makasama." 

 

 

Sabay kaming natawa ni Lia dahil nga sa 'pagtatampo' na iyon ni Ate.

 

 

"Not now, but soon siguro, Ate. I'm sure we'd all be together, soon." 

 

 

Seulgi.. I know where her life is, right now. 

 

 

Kahit hindi niya sabihin, alam kong nasa America na ang buhay niya ngayon. Umuwi siya dahil sa akin, para sa akin. Pero sino ako para pilitin siya na dito na ulit sa Pilipinas mag settle, kahit na umuwi lang siya sandali dito para magka-ayos kami? 

 

 

If this relationship with Seulgi turns out to be a relationship of a lifetime, handa naman akong iwan ang buhay ko dito sa Pilipinas para samahan siya sa America. After all, she has already done enough things for me. Kaya panahon na para ako naman ang bumawi para sa kaniya. 

 

 

Ibinaba na nila Ate ang tawag. Lia has to go to bed, too. Sinabi ni Ate na tawagan ko daw si Seulgi, dahil nakausap niya naman na daw ito kanina kaya pwede ko nang tawagan. Iyon ang ginawa ko. 

 

 

I have been dialing her phone for quite some time, now, ring lang ito ng ring. 

 

 

Until finally, sinagot niya na ito. 

 

 

"Hi!" nakangising sabi ko kahit hindi naman niya nakikita. "Did I wake you up?" 

 

 

Matagal bago sumagot ang nasa kabilang linya, which is unusual dahil madalas nga ay si Seulgi ang unang bumabati. 

 

 

"Who is this?" 

 


Agad nanlamig ang buong katawan ko dahil sa narinig. 

 

 

It was from an unfamiliar voice. A woman. 

 

 

Pinigilan ko ang sarili ko na manginig at mag-isip ng kung ano, kahit sa totoo ay kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko, lalo ang posibilidad na kung sino ang taong sumagot sa tawag ko kay Seulgi. 

 

 

"Isn't t-this K-Kang Seulgi's p-phone?" putol putol na tanong ko. 

 

 

"How rude of you to not answer my question. And you're calling someone you're not sure of the number?" 

 

 

Napapikit ako nang mariiin. Hindi ko siya nabosesan kanina dahil sa mabilis na kaba ko. Ngayon na medyo mahaba na ang sinabi niya, mukhang alam ko na agad kung sino ito. 

 

 

"I know this is Kang Seulgi's phone. May I please talk to her?" buong tapang kong sabi, kahit sa totoo ay nagbabadya nanamang tumulo ang mga luha ko. 

 

 

"I asked who you are. Your contact information is not even saved from my girlfriend's phone." 

 

 

And I think, that's when I lost it. 

 

 

Matagal bago ako makasagot ulit. Pilit kong pinipigilan ang sarili sa paghikbi, natatakot na baka marinig niya iyon. Tanong pa din siya nang tanong kung sino ako, pero hindi ko talaga kayang sumagot pa. 

 

 

"No one. I think I got the wrong number. I'm sorry." 

 

 

Tuluyan ko nang ibinaba ang tawag at inilapag ang phone ko sa lamesa. 

 

 

Tulala akong napatingin sa monitor ng desktop ko. Picture namin ni Seulgi sa Tagaytay ang wallpaper nito. 

 

 

Hinayaan ko na lang tumulo ang mga luha ko habang tinititigan ang picture namin na iyon. Halo halong galit, sakit, at napaka-daming tanong ang pumasok sa isip ko. Hindi ko alam kung saan ako mas masasaktan. 

 

 

Is it the fact that my number is not registered on her phone?

 

 

Or the fact that her ex-girlfriend is in her place, so early in the morning, and even introduced herself to me as her girlfriend? 

 

 

Her girlfriend. 

 

 

Sinagot ni Sunmi Lee ang tawag ko kay Seulgi at nagpakilala siyang girlfriend ng girlfriend ko. 

 

 

Kung ganoon, dalawa kami na girlfriend niya? Kaya naman pala hindi pa siya tumatawag hanggang ngayon. Kinalimutan niya ang girlfriend niya sa Pilipinas dahil mayroon din siya sa America. 

 

 

Hindi ko na alam. 

 

 

Umuwi yata talaga si Seulgi sa California dahil miss na siya ni Sunmi. Ginamit niya lang sigurong dahilan ang kasal ni Krystal at ng Kuya niya. 

 

 

 

 

______________________________________________________________________________________________________________________________

 

 

Sorry for only updating now, hehe. Got caught up with work and life plus JOYLO has become the priority. 

 

Please support our busy cake girls, stream their music videos, and make them feel our love through comments in their sns! 

 

Stay safe, everyone! :)

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)
No comments yet