LDR

Kumusta ka na?

 

 

 

I was quick to learn a lesson from that incident. Muntik na akong makipag-break kay Seulgi dahil mas naniwala ako kay Sunmi. Nang sabihin ko iyon sa girlfriend ko, tinawanan niya lang at sinabing hindi naman daw siya papayag kahit hilingin ko na makipag-break sa kaniya. 

 

 

She said that she's never letting go of me for petty reasons. 

 

 

Panalo na talaga ako kay Seulgi Kang. 

 

 

Ang inaasahan ko na pag-balik niya ngayong buwan mula sa America ay hindi natuloy. Hindi na masyadong nagiingat ang mga pinoy laban sa covid, kaya bigla nanamang dumami ang positive cases. It felt like March 2020 again. Napilitan nanaman ang gobyerno na ilagay sa strict enhanced community quarantine ang ilang mga lugar sa bansa, which includes the Greater Manila Area. Kagaya noong isang taon, lockdown nanaman, may curfew, sarado ang mga. mall, at hindi pwedeng lumabas ang mga minor. 

 

 

Seulgi was supposed to fly back last week. Nakabili na siya ng ticket, pero nagsimulang mag-cancel ng flights sa mismong araw ng flight niya mismo. Kaya hindi siya natuloy. 

 

 

April na ngayon at hindi pa din agad bumababa ang positive cases ng covid. Niluwagan lang ng government ang restrictions, pero hindi pa din completely back to normal ang buhay. 

 

 

"Wala pa bang balita kung kailan magre-resume ang flights?" inis na tanong ni Seulgi habang kausap ko sa facetime. 

 

 

Araw araw niya akong tinatanong tungkol dito. 

 

 

"I don't work for the government, 'Ga. Hindi ko alam ang sagot dyan." sagot ko habang umiiling iling. 

 

 

"Don't you miss me?" she made a face. 

 

 

"Anong tanong 'yan." natawa ako. "Of course I do!" 

 

 

"Eh bakit parang hindi mo ako miss?" para nanamang bata na ngumuso ang girlfriend ko kaya sumimangot ako. 

 

 

Pwede bang tigilan niya? What's the use of pouting when I can't even kiss her! 
 

 

"Because I am teaching myself to be patient, when it comes to you. I am teaching myself to not be the clingy and toxic kind of girlfriend." 

 

 

Umirap si Seulgi. "You're not clingy nor toxic. Saan galing ang idea na 'yan?" 
 

 

Bumuntong-hininga ako. 

 

 

"Wala lang, naisip ko lang." 

 

 

Sumimangot siya. "Kailangan ko na talagang umuwi. Kung ano-anong naiisip mo dyan!" 

 


Natatawa talaga ako tuwing may rage si Seulgi. Araw-araw niyang sinasabi na gusto na niyang umuwi. 
 

 

 

Kung mayaman lang daw sana siya at may private jet, baka matagal na siyang nakabalik dito sa Pilipinas. Mabuti na nga lang din at hindi siya nag-pilit kahit na banas na banas na siya. 

 

 

We celebrated our birthdays seperately, this year. Noong February, dahil wala pa namang lockdown ay nag-dinner ang barkada sa Clareau. Favorite restaurant na yata namin iyon ngayon. 

 

 

Seulgi paid for the dinner. She said that she did not want me to celebrate her birthday alone, kaya tinawagan niya ang barkada para magsama-sama kami. Mabuti na lang din at free ang lahat. 
 

 

On my birthday, the 2021 version of enhanced community quarantine began. On that very day. Pero inanunsyo iyon ng government two days prior to the lockdown, kaya on March 27, pinilit ni Seulgi, nag dinner ulit kami ng mga kaibigan sa Clareau. Advance celebration ng birthday ko. 

 

 

It was fun, although things are stil new to me. Second birthday ko in lockdown. Noong nakaraang taon kasi, umpisa na din ng lockdown nang magbirthday ako. Iyon nga lang, I had Jennie and Rosé with me kaya hindi malungkot dito sa bahay. 
 

 

 

"Nag-message na si Hyejin. Pwede na daw tayong magjoin sa zoom." tumango ako kay Seulgi, hawak hawak niya ang phone nang sabihin iyon. "Tawag ako ulit later, okay?" 

 

 

"Matulog ka na after. For sure this will end late." 
 

 

"Basta I'll call." 
 

 

Natawa ako nang ibaba na niya ang tawag.

 

 

Kinuha ko na din ang laptop ko para mabuksan na ang zoom. May magbi-birthday nanaman kasi sa tropa. Pero hindi tulad ng dati, online celebration lang kami ngayon dahil may mga restriction pa din at hindi pa pwede ang dine-in sa mga kainan. Pabor naman daw si Whee doon, at least hindi niya kailangang gumastos ng malaki. 

 

 

"Itong mag-jowa na 'to, napapaghalataan eh. Sabay pa kayong nag join." 
 

 

Natawa kami pareho ni Seulgi sa sinabing iyon ni Hwasa. 

 

 

"Happy beerday, Wheein! To follow na lang yung regalo ah!" bati ni Seul. 

 

 

"Yung akin din, Whee. For sure naman pwede na tayong magkita-kita next month?" hindi siguradong sabi ko. 

 

 

"Dapat lang para makauwi na ako!" 
 

 

"Napaka-impatient mo talaga, as always, chong." natawa si Seul sa sinabing iyon ni Lisa. 

 

 

"Buti pinayagan kayong mag-leave ngayong araw?" 

 

 

"Siyempre. Last month pa nagpaalam, eh." si Chanyeol, na nagu-unat pa. Mukhang galing sa shift niya sa ospital. 

 

 

"Byul, san ka?" 

 

 

Lahat kami ay napatingin sa bahaging iyon ng screen, kung nasaan si Byul. Hindi ko napansin na magkahiwalay pala sila ni Solar. Mukhang nasa site si Byul. 

 

 

"Buti pa kayo pinayagan ng mga boss niyo na mag-leave ngayong araw." umirap ito. "Gusto kong masapak 'tong client na nira-rush itong project na 'to eh." 
 

 


Tinawanan siya ng lahat dahil sa galit niya. 

 

 

"Nasan ka ba?" tanong ni Minho sa kaniya. 

 

 

"Aba, inabutan ako ng lockdown sa Tagaytay!" kinuha niya ang phone niya para ipakita sa amin ang site. 

 

 

Tagaytay. Sa highlands. 

 

 

Bigatin naman pala ang client nitong si Engineer! 
 

 

 

"Sana pala si Lisa na lang ni-recommend ko! Single naman yan at walang inuuwian na fiancé kaya ayos lang." reklamo nito. 

 

 

Natawa na lang ako, kahit ang mga mata ko ay nakatingin pa din sa bahay na itinatayo. 

 

 

Finishing na ito, kaya baka gusto ng client ni Byul na tutukan niya ang project. Maganda ang labas ng bahay, slightly different from the other houses around the area, pero may similarity din naman. 

 

 

European style. Iyon kasi ang theme ng mga bahay sa Highlands. 
 

 

 

"Grabe ka naman maka-single dyan kay Lisa." natatawang sabi ni Jennie. "Ayaw mo 'yan, mukhang malaki ang project na yan kaya for sure malaki din ang bayad sayo." 

 

 

"Mare, mabuti pa nga. Kaya lang, ginamitan ako ng kaibigan card, eh!" 

 

 

"Sino ba yang client na yan nang makausap namin." 

 

 

Tinawanan na lang ni Byul ang sinabing iyon ni Joy. Hindi niya sinagot ang tanong. Instead, naglakad siya papasok sa bahay. Binuksan niya ang double doors at agad bumungad sa amin ang mala-chandelier na nasa ceiling ng lounge. 

 

 

Inikot ni Byul ang camera niya para ipakita ang interior ng bahay. 

 

 

Minimalist ang design nito. Uso ngayon ang mga white, black, at light gray na pintura. At ang mga kulay na iyon ang makikita sa bahay. Tama si Byul, patapos na nga ito kaya siguro tutok siya sa project. 
 

 

Maayos na ang buong lounge, may mga ilaw na din na nakakabit at ilang mga furniture na naka-pwesto doon. Ang ilan sa mga gamit ay mukhang mamahalin. Siguro ay nasa abroad ang may-ari ng bahay na ito. 

 

 

"Tapos na pala, eh. Ang ganda, Chong!" 

 

 

Natawa si Byul. "Salamat, Chong. Ang ganda din ng ginastos ni client sa bahay na 'to." 
 

 

 

"Sino ba yan magpapa-ampon na ako sa client mo!" 
 

 

 

"Hindi daw siya willing mag-ampon."

 

 

Tumungo na si Byul sa may dining area. May iilang workers doon na bumati sa kaniya. Almost lunch time na din kaya baka dyan siya kumain. 

 

 

"Kailan ka uuwi sa Manila, Byul?" tanong ni Seulgi. 

 

 

"Aba ewan ko say--" umismid ito. "Sa client ko. And hindi pa din yata pwede mag travel dahil may checkpoints. I guess dito muna ako until lumuwag ang restrictions." 
 

 

Pilit nilang tinatanong si Byul na sabihin kung sino ang may-ari ng bahay. Mukhang may alam din si Lisa. Sa kanilang dalawa daw initially ang project na ito. Kaya lang, may ibang project si Lisa sa firm niya na mago-overlap sa pagtatayo sa project na ito kaya si Byul na ang tumapos. 

 

 

Gusto pa sana nilang ipag-tour si Byul sa buong bahay dahil talagang na-amaze sila sa design nito. Iyon nga lang, nag-aya nang kumain si Wheein kaya mamaya na lang daw ang tour - kung maalala ni Byul. 

 

 

"Jen, kayo, hindi kayo uuwi?" tanong ni Solar sa magkapatid na nasa Australia. 

 

 

"Wala pa kaming one year dito, pinapauwi mo na kami agad!" tumawa si Jen. "Pero kinasal sila Irene, uuwi kami." 
 

 

Inirapan ko ang sinabi niyang iyon. 

 

 

Nasabi ko na kay Jennie na settled na ang naging issue namin ni Seulgi. 
 

 

Mali. Issue ko pala kay Seulgi. 

 

 

Tinawanan lang ni Jen ang nangyari at namura pa ako dahil masyado daw akong paranoid at advance mag-isip. 

 

 

"Ouch! Ako yung engaged at mauunang ikasal kay Irene, pero hindi ka uuwi sa kasal ko? I am offended ha." ma-dramang sabi ni Solar na inirapan lang ni Jennie. 

 

 

"Please, alam natin na mauunang ikasal si Irene, Yongsun. Ipupusta ko ang relasyon namin ni Kai!" 

 

 

"Babe!" nagtawanan ang lahat nang umalma si Kai. "Don't even dare!" 

 

 

"I'm just kidding, baby." 

 

 

"Eh ikaw, Chu? Dyan ka lang naman sa Cebu. Kailan ka pupunta ng Manila?" nagpipigil ako ng tawa habang iniintay ang sagot ni Jisoo sa tanong na iyon ni Wheein. Hindi pa pala alam ng lahat. 

 

 

"Sino ba nagsabi sa inyo na nasa Cebu lang ako?" 

 

 

"Ha?" litong tanong ni Whee. 

 

 

"Nasa Australia ako." matamis na ngumiti si Jisoo. "I chased my dream." 

 

 

Ang kilig ko, sinamahan ng internal screaming!!

 

 

Last month, nagulat ako nang ibalita ni Chaeyoung na nasa Australia si Jisoo and they have reconnected. Ang Kim Jisoo pala, nag-resign sa hotel na pinagta-trabahuhan sa Cebu para lumipag sa Oz at doon maghanap ng ibang trabaho. She was quick to fix her papers. Nagulat na lamang si Chaeng nang mag-message ito sa kaniya, tinatanong kung pwede silang mag-meet sa isang local coffee shop sa Melbourne. 

 

 

Gulat si Chaeng sa umpisa pero pumayag din agad siya because she wanted to make sure na nasa Australia nga si Jisoo. Hindi siya makapaniwala noong una. Nag-usap sila, lalo tungkol sa medyo unfinished status nila bago umalis ang magkapatid. Obvious naman na pareho silang may gusto sa isa't isa. Pareho nilang mahal ang isa't isa. Chaeyoung did not want to let her go or to end their friendship just like that. Kaya tuwang tuwa siya nang malaman na isa sa dahilan kung bakit lumipad ng Australia si Jisoo ay para i-pursue siya. Ngayon, nililigawan na ni Jisoo si Chaeng at mabuti na din at may trabaho na siya sa isang hotel din sa Melbourne. 

 

 

"Dream? Pangarap mo ba na magtrabaho dyan sa Australia?" tanong ni Lisa. 

 

 

"Sira." umiiling iling si Jisoo habang natatawa. "Pero, yes. Pangarap ko naman din magtrabaho sa Marriott. Kaso, yung pangarap na tinutukoy ko, hindi career related. Tao.." 

 

 

"Ano, Lisa, hindi mo pa din ba gets?" tumawa nang malakas si Wendy. "Si Chaeng kasi! Sinundan ni Jisoo si Chaeng!" 

 

 

Parang ang bagal para ma-proseso iyon ni Lisa. Mangha lang siyang pumalakpak, iiling iling na din at tinatawanan ang sarili. 

 

 

"Naunahan nanaman ako 'don." nakita kong sinamaan ng tingin ni Jennie si Lisa sa sinabi niyang 'yon. "Joke lang! Ito naman si Jen. Hindi ako pumapatol sa magkapatid 'no!"

 

 

Para talagang sira, kahit kailan itong si Lisa. Although, ang cool din dahil sobrang civil nila ni Jennie at nagagawa pa na magbiro tungkol sa past relationship nila. Iyon nga lang, sayang din talaga silang dalawa. 

 

 

They were a perfect couple. Palagi kaming magkakasama noon at naging mag-tropa na din si Lisa at Seulgi. Pareho kasi sila ng ugali. Tapos, noong nagbreak naman ang dalawa, nagulat na lang kami ni Seul dahil sobrang casual nila. Parang walang nangyari. Parang hindi sila nag break. Things weren't awkward between the two of them. Hindi sila nag-iwasan. Mabuti na lang din at ganoon dahil hindi na kami naipit ni Seulgi sa gitna nilang dalawa. 

 

 

Nag-usap usap lang sila tungkol sa mga kalokohan nila since college. Parang naging mini reunion nanaman ang online birthday celebration dahil ngayon lang namin ulit nakasama si Jisoo. Sunod sunod ang tanong nila dito tungkol sa pagpunta sa Australia at siyempre, pag-pursue kay Chaeyoung. Buti na lang at hindi din nagkaroon ng problema kay Admiral at sa Mommy nila Jen dahil pareho namang hindi homophobic ang mga ito. Besides, may experience na din naman sila kay Jennie kaya hindi na ito naging problema. 

 

 

"Teka muna, maiba." sabi ni Suho tapos maibaba ang nilagukan niyang wine glass. "Sino Architect niyang project mo dyan, Byul?" 

 

 

Hindi pa din pala sila tapos sa mga tanong nila tungkol sa current project ni Byul. Kung sabagay, kahit ako ay curious, pati sa owner ng bahay dahil ang ganda talaga ng pagkaka-design dito. 

 

 

Sakto naman na may naglalakad sa likod ni Byul, as if cue iyon para magpakilala ang hinahanap na tao ni Suho. 

 

 

"Narinig ko na may naghahanap sakin." sabi nito at kumaway sa screen. "Uy, Seul! Kamusta! Ayos ba 'to--" hindi na natapos nung tao ang sasabihin nang biglang i-mute ni Byul ang microphone at may kasama pang pag off ng camera nito. 

 

 

Natawa ako. "Ano yon?" tanong ko. 

 

 

"Ewan ko ba dyan kay Taemin. Baka kung ano-ano nanaman sasabihin eh." binigyan ko nalang ng makahulugang tingin ang girlfriend ko na nagkibit balikat. "Ano nga ulit sinasabi mo kanina, Architect Lee?" 

 

 

"Ah, wala, hehe. Tinatanong ko lang kung kamusta ka." may kasama pa itong pag-kamot sa ulo. 

 

 

"Wala namang nagbago. Ito, mahal na mahal pa din si Irene." 

 

 

Bigla akong namula sa sinabi niyang iyon, sinamahan pa ng sabay sabay na pangangantsaw ng mga kaibigan namin. 

 

 

Ako naman tuloy ang biglang napa-off ng camera. 

 

 

"Ang ganda ng design, Taemin! Ikaw naman pala gumawa." nag thumbs up si Wendy sa kaibigan. "Magpapa-drawing na din kami ni Joy para sa bahay namin sa Pilipinas ha." 

 

 

Si Taemin naman ngayon ang kinamusta nila. Naging schoolmate kasi nila ito noon sa La Salle. Minsan ay nakakasama din namin kapag may mga lakad ang barkada dahil pinsan ito ni Kai. At iyon nga, close sila ni Seulgi dahil magbe-bestfriend din daw mula pagka-bata. 

 

 

Hindi na din kami nagtagal sa zoom. Kailangan nang bumalik nila Byul sa trabaho, si Solar ganoon din. Antok naman na ang mga nasa abroad. Anong oras na din kasi. Kaya nag-paalam na kami bago pa sila makapag bukas ulit ng mahabang topic at abutin nanaman ng anong oras ang usapan. 

 

 

Gaya ng sabi niya kanina, tumawag ulit si Seulgi. Kaya itinigil ko muna ang pagliligpit sa pinagkainan ko para masagot ang tawag niya.

 

 

"Sabi ko, matulog ka na, eh." bungad ko sa tawag niya. 

 

 

"Pasaway ako, eh." she even smirked. "I just wanted to say goodnight." 

 

 

"Goodnight, 'Ga. Now, please sleep." parang bata na umiling ang girlfriend ko sa sinabi kong iyon. 

 

 

"Oh! bago ko pala malimutan.." kinuha niya ang cellphone niya at may pinindot doon. Tapos ay nakita ko sa messages ang screen shot ng isang conversation. 

 

 

Napakunot ang noo ko habang binabasa iyon. 

 


Message mula kay Sunmi. 

 

 

"Hindi na ako nag-reply." she shrugged. "I already made things clear, sa kaniya, last month pa. Hindi ko gets kung bakit parang hindi pa malinaw sa kaniya ang napagusapan namin." 

 

 

Noong nakaraan, Sunmi made another attempt to eliminate me from Seulgi's life and to make me think that my girlfriend is cheating. Pero hindi iyon umabot to an extent na naniwala nanaman ako at nagisip ng kung ano. I already learned from what she did. Ang tanga ko naman kung maniniwala nanaman ako sa kaniya, instead sa girlfriend ko. 

 

 

Nalaman ni Seulgi ang ginawang iyon ni Sunmi and she didn't just settle with a threat this time. Talagang sinabihan niya na ito na friendship over na silang dalawa. Hindi din naman kasi apologetic si Sunmi sa ginawa niya at mukhang determined na paghiwalayin kaming dalawa. 

 

 

Kaya nang sabihin ni Seulgi na she will remove anyone that gets on our way, totoo iyon dahil ginawa niya. Kahit sa ex-girlfriend niya, sa first love niya, at sa taong nakaka-relate siya. 

 

 

"What if someday, your friend finally realizes her fault and apologizes?" 

 

 

Parang nandidiri siyang tumingin sa akin. "I refuse to call her my friend." umismid ito. "No friend would dare to break her friend's relationship." 

 

 

Natawa ako kahit kinikilig na sa loob. "Relax. Triggered ka eh." 

 

 

"Ga.. I will never give her a chance. Enough is enough." she sighed. "If I ever forgive her, and let her in my life again, who knows what she'll do again?" 

 

 

"Will you let her?" lumunok ako. "Ruin us?" 

 

 

"No." she marked with finality. "Not her or anyone else." 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)
No comments yet