Lockdown

Kumusta ka na?

 

 

 

 

 

March 2020

 

 

 

 

For one whole month, there were no new reported cases of Covid. Kaya ang mga tao ay talagang nag-relax. Madami pa nga ang nag-avail ng promo namin noon para sa valentines. We had few guests who canceled their reservations, pero mas madami pa din ang mga reservation at events ang natuloy. 

 

 

 

Walang pagbabago, wala ding restrictions. 

 

 

 

But that was last month. That was when we all thought that this would be over. Akala lang pala ang lahat ng iyon, dahil pag-pasok ng March ay nagsimula nanamang dumami ng new cases ng COVID. Bumaba din ang sales ng hotel dahil natatakot na ngayon ang mga tao sa threat ng virus.

 

 

 

Kaya ngayon ay nagpatawag ng emergency meeting si Sir Siwon sa mga staff na naka-duty, kahit Sunday. At siyempre, kasama nanaman ako doon. 

 

 

 

"Thank you so much for coming even on short notice." iyon ang bungad ni Sir Siwon nang makumpleto ang mga staff sa conference hall. "This is important and I want everyone to remain calm because the next thing that I will say will be quite surprising." my boss sighed. 

 

 

 

"Sir, pinapakaba mo naman po kami, parang may emergency situation naman tayo.." Hwasa tried to chuckle despite the atmosphere is heavy and serious. 

 

 

 

Ako naman ay nanatiling kalmado, naka-upo ng maayos sa swivel chair, hinahanda ang sarili sa mga susunod na sasabihin ni Sir Siwon. 

 

 

 

"We really are in an emergency situation, Miss Ahn." my friend gulped after hearing that. "The government will announce a nation-wide lockdown that will be effective starting tomorrow." 

 

 

 

Nakarinig ako ng bulong bulungan  Mula iyon sa ilang hotel staff pa na nasa loob ng conference hall. 

 

 

 

"I just came from a meeting with the local government. Ipinatawag ang lahat ng business owners sa city. The news will be announced at midnight but we were already informed so that we can take action immediately." 

 

 

 

Lockdown. Ginawa din ito sa Wuhan, China, para ma-prevent ang pag spread ng virus. Ang ibig sabihin noon ay kailangang matigil ang economy. 

 

 

 

Walang business, walang trabaho, transportation, wala ang lahat ng nakasanayan. 


 

 

Isa ito sa pinaka-kinakatakutan ko na mangyari. Napag-usapan na namin ng mga kaibigan ko kung ano ang magiging sitwasyon kung magkaroon ng lockdown sa Pilipinas, at hindi namin inaasahan na ganoon nga ang mangyayari. 

 


 

"Kasama sa protocol ang pagka-quarantine sa mga staff ng lahat ng businesses bago sila pauwiin. Because of the lockdown, all of you will be forced to stay here for two weeks." 
 

 

 

Tuluyan na akong napasandal sa swivel chair habang hinihilot ang sentido. Walang ibang maisip kung hindi ang safety ng kapatid ko na nasa Dasmariñas. 

 

 

 

"After two weeks, you will be able to go home. We will provide shuttles because there won't be public transportation by then. The hotel's operation will cease until further notice." nag-taas ng kamay ang head ng house keeping kaya napabiling ang tingin ni Sir Siwon doon. "Yes, Ms. Alcantara?" 
 

 

 

 

"Paano po 'yun, Sir? Paano ang mga pamilya namin? Paano namin sila papakainin, Sir, kung titigil ang operasyon ng hotel?" 
 

 

 

Muling nagbulong bulungan ang mga staff, naga-agree sa tanong na iyon ni Jane. Sir Siwon only sighed before facing all of us again. 
 

 

 

"The government will take care of the citizens." I doubt. "This will only last for a month. Sa buong buwan na iyon ay magbi-bigay ang government ng cash and relief goods sa mga tao." 
 

 

 

Saan kukuha ng pondo para doon? There are tens of thousands of poor Filipino families. Baka sa kanila pa lamang ay kulang na ang pondo ng government. Paano naman ang middle class? Mawawalan sila ng trabaho at kahit sila, apektado ng crisis na ito. 
 

 

 

And what if there really is a budget for this National Emergency... will they be able to put it in good use? 
 

 

 

"The government have enough fund to support everyone during this crisis. Pero kahit ganoon, the management will not let you all starve. For a month, you will still receive your pay, kahit pa hindi tayo operational." Sir Siwon's assurance was like a sigh of relief to everyone. 

 

 

 

Ang ilan kasing hotel staff, kagaya ng mga nasa house keeping at mga bellboy ay may mga sinu-suportahan pa na pamilya sa probinsya. Kaya kung walang financial assistance na maibibigay ang gobyerno pati ang company, paano nalang sila? 
 

 


"Please coordinate with Mrs. Im for the room arrangements. Your cooperation will be highly appreciated. We can all get through this." nagtanguan na lang ang lahat pagkatapos ay tuluyan nang lumabas ng conference hall si Sir Siwon. 

 

 

 

"Hindi ko naman ine-expect na literal na emergency nga ang agenda ng meeting natin." natawa ako ng mahina sa sinabi ni Hwasa. 
 

 

 

"Ikaw kasi, alam mo namang may crisis nga na nangyayari ngayon, nagawa mo pang mag-biro." I said. 

 

 

 

"That's what you call Filipino resiliency, my dear friend. Kaya natin nalalampasan ang mga problema, dahil dinadaan natin minsan sa biro." I shrugged at ngumuso sa harap ni Hwasa. 
 

 

 

"Pero hindi dapat sa lahat ng panahon, dinadaan sa biro ang problema." 

 

 

 

"Medyo heated na ang usapan niyo. Mag-relax nga kayo dyan." natawa na lang kami ni Hwasa sa sinabing iyon ni Ma'am Yoona na ngayon ay nasa harap namin at may hawak na clip board. "Dapat wala kayong galitan kasi two weeks kayong magkasama sa isang room!" 

 

 

 

Ibinigay na sa amin ni Ma'am Yoona ang isang key card para sa kwarto na tutuluyan namin ni Hwasa the whole time that we are quarantined in the hotel. Dumiretso na kami doon ni Hwasa. Dahil maaga pa naman, naisip ko na tawagan na sila Jennie at Chaeyoung to inform them about the situation. 

 

 

 

"Bakit, overtime ka nanaman?" iyon ang bungad sa akin ni Jennie sa facetime call. 

 

 

"Worse than that, actually." I softly chuckled. "Pwede ba akong magpadala ng mga damit kahit worth one week lang? Maglalaba na lang ako dito sa kwarto."

 

 

"Iiwan mo na kami, Irene? Dyan ka na sa Hotel titira?" magkasunod na tanong niya na tinawanan ko lang ulit. 

 

 

"Medyo OA 'yon, Kim Jennie." binati niya si Hwasa na sumingit sa usapan namin na iyon. 

 

 

"Alright, Jen. I want you to remain calm and to process the next things I am about to say." tumango tango naman si Jennie. "The government will impose a nationwide lockdown starting tomorrow to prevent the spread of the virus." 

 

 

"What does that have to do with you asking for clothes, then?" 

 

 

"Because we have to be quarantined here for 14 days before we can come home." I sighed. "You know how we interact with different guests every day. So just to be sure, we'll have to stay here for now." 

 

 

"So magpapa-test kayo?" isa din iyon sa nakalimutan kong tanungin kay Sir Siwon. 

 


"Hindi namin natanong kay Sir. Siguro bibigyan nalang kami ng instructions sa mga susunod na araw."

 

 

"Alright. Just text me the things I'll have to bring, bukod sa clothes mo. How about food? Should I drop by the grocery before going there?" sigurado ako na ipo-provide naman iyon ng hotel para sa amin. Afterall, Sir Siwon promised that he will take care of his staff no matter what. 

 

 

"Just the necessities siguro. I'll send you the list as soon as this call ends."

 

 

 

After the call ay agad akong nag-type sa notes ng mga bagay na kailangan ko. Bukod sa mga damit, nag-padala din ako kay Jennie ng ilang sachet ng liquid detergent at fabric conditioner na ginagamit ko dahil plano ko na mag-laba dito sa hotel room namin. Nag-lista na din ako ng ilang supply na alam kong mayroon pa sa apartment para may chips at drinks ako dito, kahit paano. 

 

 

 

I also asked her to bring my laptop so that I can still be able to work even when I am stuck in this room. Pwede naman daw kaming lumabas ng room at gamitin ang facility sa hotel pero by schedule iyon, dahil kailangan nang mag-practice ng social distancing. Ibinilin ko kay Jennie na mag-grocery siya ng kailangan sa apartment na good for one month dahil baka magka-ubusan na ng supply sa mga grocery store. 

 

 

 

Pagka-tapos ay nag-iwan ako ng cash sa guardhouse para sa mga bibilhin ni Jennie para sa bahay. Nag-pabili din kasi ako ng ilang supply para may magamit pag uwi ko doon. Starting this day, also, hindi na tatanggap ng guests ang hotel. So Jennie will have to leave the things I asked for, sa guardhouse. Lalabas lang ako kapag tinawagan na 

 

 

 

"Buti na lang safe si Lia sa Dasma." 

 

 

"Now that you've mentioned, kailangan ko nga palang tawagan!" natawa sa akin si Hwasa.

 

 

"What, Ate? I was sleeping." inis na bungad ng kapatid ko as soon as the call got connected. 

 

 

"Sorry naman po, Princess. I apologize for waking you up, Your Highness." I joked. 

 

 

"Whatever. What is it?" 

 

 

"Your classes got canceled, right?" Pagkaka-alam ko ay nag cancel nang classes last week pa ang Governor ng Cavite. If so, then I don't have to worry too much about my sister's safety. 

 

 

"Yeah, since last week. Kaya nandito lang kami ni Eunbi sa bahay. Why?" 

 

 

"Tito and Tita are there, right?" minsan kasi ay naiiwan silang dalawa ng pinsan, kasama ang mga househelp dahil kailangan mag-overnight nila Tita sa Manila for the business. 

 

 

"Yeah. They are working from home. Wala naman kasing masyadong kailangan sa office kaya nandito lang sila sa bahay. Why ba? Cut the chase, Ate." I just rolled my eyes sa kapatid ko na napaka-iksi ng patience. Manang mana kay Ate Tiff, eh. 

 

 

"Nothing. Just be sure to take care of yourself and stay vigilant. Keep yourself updated sa mga nangyayari sa paligid. 

 

 

"I already know that. Don't tell me that you called because of that?" 

 

 

"No, of course. I just wanted to check on you." 

 

 

After few reminders ay nagpaalam na din ako kay Eunbi. Naka-receive na kasi ako ng tawag mula sa guardhouse na nai-drop off na ni Jennie ang mga gamit ko, kaya kailangan ko nang lumabas. Una kong hinanap sa mga gamit doon ang pinabili ko na lysol, para ma-sanitize ko ang suitcase bago ipasok sa kwarto namin. 

 

 

 

Now, what should I do? Matagal na panahon ang 14 days at sigurado ako na mababagot ako kung wala akong gagawin. So I'll have to make a schedule of activities that I should do during the time that I am here. Pagabi na din kaya nagsisimula nang dumilim at magbukas ang ilaw mula sa mga kalapit na building. Kaya lumabas ako sa terrace para tingnan ang view doon. 

 

 

 

The city lights. Everything seems normal. Traffic pa din, may mga tao na naglalakad. Ganito ang normal na buhay sa Taguig. Sino ba naman kasi ang maga-akala na biglang ganito kabilis ang spread ng virus na una lang na-discover sa Wuhan, China? Sino ba naman ang maga-akala na kailangang matigil ang lahat ng ito, ang normal na buhay ng mga tao?

 

 

 

The cold breeze of the wind touched my skin. I shut my eyes close as soon as I felt it. Looking at the sky made me calm. It looked peaceful, up there. The stars are shining bright even on a busy day like this. The atmosphere made me look back on the night Seulgi and I were involved in an accident in Tagaytay. Her reactions towards it still left me with so many questions. 

 

 

 

 

 

 

 

 

=

November 2015

The Night of the Accident

 

 

 

 

Tahimik lang si Seulgi buong byahe. I tried to examine her face and read her eyes so I can find out what's running on her mind pero nag-iiwas siya ng tingin. 

 

 

 

Diretso siya agad sa kwarto pag-baba nang sasakyan. I didn't even hear her say a word. Hindi ko na lang pinilit dahil baka shocked pa din siya sa nangyari. Nag-stay muna ako sandali sa kitchen para uminom ng tubig at para makausap si Ate Tiff. Pass-12 na kasi at siguradong narinig niya na ang news from Tita Boa. 

 

 

 

"Are you sure you're okay? Why don't you ask Tita to bring our family doctor to have you checked." natawa ako sa reaction ni Ate. 

 

 

"I'm fine, Ate. That won't be necessary. But I think.." I bit my lip. "Seulgi's not okay." 

 

 

"For sure, she is still in shock. So hindi niyo ba kailangan magpa-check up ulit?" umiling ako. 

 

 

"Hindi na. I'll just talk to Seulgi para ma-kalma din siya." 

 

 

Ibinaba na ni Ate ang tawag tapos noon, as she have to get ready for work. During the day kasi, Ate works part-time as a barista, at after lunch naman ay start na ng classes niya. Hindi na ganoon ka-hectic since she will be graduating this year din. 

 

 

Bago ako umakyat, nag-timpla din ako ng milk para kay Seulgi. Baka kasi hindi siya makatulog dahil sa nangyari, so I need to calm her down. Tama naman ang hinala ko dahil pag-pasok ko sa kwarto, naabutan ko pa siya na nasa terrace, tahimik na nakatingin sa langit. 

 

 

"Hindi ka makatulog?" marahang tanong ko sa kaniya nang makalapit. 

 

 

Umiling siya. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko, if something bad happened to you earlier." 

 

 

"That was an accident, Seul.." 

 

 

"Accident!" napa-singhap siya. "Accident that happened again because I wasn't careful!" kumunot ang noo ko dahil sa narinig. Talagang sinisisi niya ang sarili sa nangyari. 

 

 

"It's no one's fault, 'Ga. Hindi natin ginusto ang nangyari." I smiled. "I'm fine. Nothing else happened. Iyon ang mahalaga." 

 

 

"But what i-if.. what if.." umiling ako at hinawakan na ang magkabilang kamay niya. 

 

 

"Don't think of the what-ifs. What's important is that we are both okay. Please don't worry about it too much, hmm?" 

 

 

 

Hinigit ko siya sa isang yakap dahil mukhang may sasabihin nanaman. I hugged her so tight to assure her that there is nothing she should be worried about. As long as we are both safe, walang dapat ipag-alala. 

 

 

 

"Why are you here outside?" tanong ko, yakap pa din siya. 

 

 

"The sky somehow makes me feel calm." sandali akong kumawala sa yakap para matingnan siya. She slightly smiled after seeing me smile, too. 

 

 

"You have me here, now. Plus the sky. I really hope you're already calm." 

 

 

"I am." hinaplos niya ang buhok ko at niyakap na ako ulit. 

 

 

 

Ngayon, pareho kaming nakatingin sa langit, magka-yakap pa din, feeling calm, secured, and peaceful in this warm hug. 

 

 

 

 

 

----------------------------------------------------------------------------------------

I know that the previous chapter was a cliff-hanger. 

Hahayaan ko muna kayong isipin ang mga dahilan ng disappearance ni Seulgi, and how 

the previous chapter's related to it. Sa ngayon kasi, hindi pa natin masasagot. ;) 

 

Please know, too, that the whole story will be written from Irene's point of view. 

Baka sa final chapter pa natin malaman ang POV ni Seulgi. May sinusundan lang akong writing style. 

kaya ganoon. hehe. 

 

Again, thank you for reading this, and stay safe, always! 

 

-eneri

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)
No comments yet