Lucky

Kumusta ka na?


 

 

 

Sa sampung araw na naka-quarantine kami sa hotel ay halos maubos na ang mga bagay na pwede kong gawin para hindi ma-bored. 
 

 

 

Kung minsan ay nagpu-punta kami ni Hwasa sa gym para mag workout. Kapag naman ibang araw ay nagsi swimming kami. Kaya ngayon ay medyo nag-tan na ang skin ko dahil sa pagsa-sun bathing namin ni Hwasa minsan. Because we are practicing social distancing, we are not allowed to gather even inside the hotel. 

 

 

 

Kahit sa pag-gamit ng facilities sa hotel ay may schedule na sinusunod. Ang dapat na gumagamit noon ay ang roommates lang. Maximum of four staffs lang ang pwedeng mag-sabay sabay sa gym, sa poolside, at sa auditorium. 
 

 

 

"Pambihira, may schedule nanaman tayo ng swab test bukas!" reklamo ni Solar matapos mabasa ang memo na ipinadala ni Ma'am Yoona sa group chat ng mga staff na nandito sa hotel ngayon. "Hindi ko pa nga alam kung naka recover na ang ilong ko!"

 

 

 

Natawa ako. "Hayaan mo na. The management just wanted to make sure that we're not carriers before they let us go home."

 

 

 

In four days, we will be allowed to go home. Matatapos na ang 14-day quarantine namin, pero hindi ang nationwide lockdown. So kahit mag-negative kami after we get tested tomorrow, we are not allowed to go out. Walang pwedeng lumabas ng bahay, dahil sa lockdown. Mabuti na din lang at may enough supply sa apartment, dahil nakapag-grocery na si Jennie the night before the restriction was announced. 

 

 

 

On our second day of the quarantine, we were all tested for covid. Iyon naman din kasi ang dahilan kung bakit kami na-isolate dito sa hotel. To make sure that we were not infected from any of the guests that we have. Mabuti na lang din at wala nang in-house guests. The reservations were obviously canceled dahil bukod sa pag-implement ng nation-wide lockdown, canceled din ang lahat ng International and Domestic flights. Kaya talagang naka-pause ang economy ng bansa ngayon. 

 

 

 

 

"Pero masakit talaga. Mabilis pa yung process tapos mabibigla ka na lang dahil may tutusok sayo." 

 

 

 

"At least you won't be in agony na baka mahawaan mo parents mo, diba?" 

 

 

 

Hwasa lives with her parents who are quite old now. Ang sabi nila, high-risk ang mga senior citizen sa virus kaya mas lalo silang pinagi-ingat. 

 

 

 

 

"Sabi ko nga." umismid si Hwasa. "Natapos ko na yata lahat ng recommended movies sa netflix ko. Napaka tagal ng 14 days!" natawa na  lang ako dahil hindi na naubos ang rants ni Hwasa, like the usual. 

 

 

 

"Nakakatamad naman kung lagi tayo sa gym, hindi ko naman kasi kinakaya mga workout routine mo!" natawa na din siya. 

 

 

 

"Diba, one way to prevent getting infected is by excercising? Dapat magpa-pawis!" alam ko naman iyon, maybe that's also the reason why we were allowed to use the facilities of the hotel. 

 

 

 

Ang totoo ay natatakot din ako. I have a weak immune system. Mabilis akong maka-catch ng cough, colds and flu. Hindi din ako regular uminom ng vitamins, kahit na last month pa iyon sinuggest ni Chanyeol. I get sick easily. At ayon sa mga medical expert, ang mga may mahinang immune system ang madaling tamaan ng virus. Kaya kapag nagyayaya si Hwasa na mag-gym para magpa pawis ay sumasama ako, dahil kailangan iyon. 

 

 

 

Natatakot ako. Natatakot ako na mahawaan ng covid dahil gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang makita, makausap at makasama ulit si Kang Seulgi. 

 

 

 

 

 

=

 

 

 

It's the eleventh day of our quarantine. Konting tiis na lang at makakauwi na ako sa apartment. I have already given instructions kay Jennie at Chaeyoung sa dapat nilang gawin kapag nakauwi ako. Diretso ako sa bathroom para maligo, they will disinfect my luggages, at iinom ako agad ng vitamins. Medyo matrabaho iyon, pero mas mabuti na ang nagi-ingat. Ayaw ko din kasi na mahawaan ko sila kung sakali. Ako, if ever, ang magda-dala ng virus sa apartment dahil ako lang naman ang sa labas nagta trabaho. 

 

 

 

 

8AM nang dumating ang mga tiga-health office para sa scheduled swab testing ng lahat ng staff ng hotel, including Sir Siwon. Nauna silang mag test sa mga nasa third floor. Kami naman ay nasa fifth floor kaya nagi-intay pa din until now. 

 

 

 

 

"Sana hindi sila yung nag-test sa atin last time! Ang bigat kaya ng kamay 'nong isa." natawa ako sa maagang reklamo ni Hwasa. 
 

 


Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw na ayaw ni Hwasa magpa-swab test ay dahil sa trauma niya sa gumawa noon sa kaniya 'nong first time namin. Masyado daw nakapasok sa ilong niya ang pag-long swab kaya halos lahat ng first timer ay ganoon ang reaction. 
 

 

 

 

Not long after, we heard knocks from the door. Ako na ang nag-bukas noon para papasukin ang dalawang doctor na kukuha ng specimen mula sa amin, dahil si Hwasa, kinakabahan nanaman ulit. 

 

 

 

"Goodmorning po!" bati ko sa kanila pag-pasok sa room namin. 
 

 

 

They are wearing full-PPEs, so their faces were almost unrecognizable. I can only imagine their inconvenience and uncomfortable feeling because of what they're wearing, but they need those to protect themselves. 

 

 

 

"Goodmorning po! I trust this is not your first time?" tanong sa amin ng medical professional. 
 

 

 

"Yes, Ma'am. Second time po namin." they both nodded. 
 

 

 

"Hindi naman po kayo yung nag-test samin last time?" kinakabahang tanong ni Hwasa sa kanila. 
 

 

 

"Hindi po." 
 

 

 

It was like a sigh of relief kay Hwasa. Tinawanan ko na lang tuloy. 
 

 

 

 

Ako ang naunang kuhanan ng specimen. Hindi kasing-sakit ng first time. Or baka tama din si Hwasa na mabigat nga ang kamay nang unang nag test sa amin kaya pareho kaming nasaktan. 
 

 

 

 

We were both done after five minutes. Hindi na nagtagal ang dalawang doctor dahil may kailangan pa din silang i-test sa floor pagkatapos namin. Besides, kailangan din nila talaga matapos agad para makuha na din ang result after 48 hours. Iyon kasi ang kailangan namin para maka-uwi na. 

 

 

 

 

"Have you seen our group chat, 'Rene? Nag-send ng zoom credentials sila Wendy." napa-tingin ako kay Hwasa tapos noon, sabay kuha ko din sa phone ko para tingnan ang sinasabing iyon ni Hwasa 

 

 

 

 

Groupchat: Bestfriends for Layf 👩‍🍳👩🏼‍💻👷🏻👨‍⚕️👩🏻‍💼

 

 

 

Moon Byul: 

Sosyalin na talaga tayo, dati tamang messenger lang, ngayon, Zoom na! 
 

 

 

Lisa Manoban: 

Ganon talaga kapag spokening dollars, diba, Wends? 
 

 

 

Wendy Son: 

Mga sira talaga kayo! May special announcement kasi kaya tayo mag video confe! 
 

 

 

Jennie Kim: 

Mabuti naman at umatras na sa wedding si Sooyoung. 👌🏻

 

 

Joy Park: 

Excuse me, Miss Kim! Tuloy ang kasal! 
 

 

 

Rosé:

Mas maganda siguro kung nagjo-join na kayo sa meeting, instead. Gigil na si Ate Joy dito. 

 

 

 

That was the last message kaya nag type na din ako ng reply that we will be joining. Sakto na open naman ang laptop ko kaya we connected through it. 
 

 

 

"Ayun, naka-join si President Bae!" iyon ang una kong narinig as soon as I joined audio. 
 

 

 

"President ka dyan." inirapan ko si Byul. 
 

 

 

"Balita ko kasi, Rene, ikaw na ang papalit sa pwesto ni Sir Siwon kaya hindi ka pa umuuwi sa apartment niyo until now." natawa naman ako sa sinabi na iyon ni Lisa. 

 

 

 

"Sino ang source mo? Fake news kamo." I chuckled. "We had to stay here to be tested. Para sigurado din na wala kaming iuuwing virus." 

 

 

 

"Tama naman yan. Protocol din yan ngayon. Mas mabuti na ang safe." tinanguan ko si Chanyeon na ngayon ay nasa locker room, naghahanda para sa kaniyang duty. 
 

 

 

"Magsu-suot ka din ba ng PPE, Chan?" tanong sa kaniya ni Suho. 

 

 

 

"Hindi naman kailangan. Sa kabilang building kasi ang isolation ward. Sa West Wing, malayo kami. Besides, we do not have enough protective equipment para sa mga talagang front liner, kaya sila lang ang gumagamit." 
 

 

 

"Buti pala, Joy, nakaalis na ang flight niyo bago mag-lockdown dito." 

 

 

 

"Hay nako, oo nga. Kung hindi, baka ma-delay ang kasal dahil ma-stuck kami dyan sa Pinas." natawa kami sa sinabi ni Joy. 
 

 

 

"Ayaw niyo 'yon? Hindi na malaki ang gagastusin niyo dahil mas tipid dito sa Pilipinas." si Solar habang ngumunguya ng chips niya. 

 

 

"Wala naman kaming problema sa gastos." Wendy chuckled. "It's just that the venue we chose holds a special place in our hearts. Kaya gusto namin na doon talaga ang venue."  lahat kami ay tumango sa sinabing iyon ni Wendy. 

 

 

 

Oo nga naman. A wedding only happens once in your life. Kaya kahit na medyo magastos ito, dapat na maging all-out ang effort para maging super memorable nito. 

 

 

 

Kahit ako, gusto ko ng super memorable na wedding. I'm fine with it being simple, not extravagant. Ang mahalaga sa akin ay matandaan na sa araw na iyon, ipina-pangako kong habangbuhay na makakasama ang taong mahal ko. 

 

 

 

Seulgi, mahal ko.. kailan ka ba uuwi?

 

 

 

"Sino 'tong 'Kang's Ipad na nagjo-join audio?" kumalabog bigla ang dibdib ko nang marinig iyon mula kay Wheein. 

 

 

 

Kang.. iisa lang naman sa barkada ang ganoon ang last name. 

 

 

 

"Ah! Yung flower girl yan!" tumawa si Joy. 

 

 

"Gaga ka! Ginawa mong flower girl si Seulgi?" umalingawngaw ang tawa ng lahat, kasama na si Hwasa. Ako naman ay napahigpit ang hawak sa kumot. 

 

 

"Hoy Seulgi! Hanggang dito ba naman minumulto mo kami? Open-cam, you slug!" 

 

 

"Damn you, girl! We haven't seen you for years and you can't even show your face here?" 

 

 

 

Tapos noon ay nag-bukas ang camera ng bagong connect na device na iyon. Nakatapat sa ceiling kaya iyon ang nakikita namin, pati ang ilaw nila. 

 

 

 

"Ay, sino yan?" natahimik ang lahat sa reaction na iyon ni Jisoo.

 

 

 

Disappointed, I just sighed before listening to the conversation again. 

 

 

 

Umasa nanaman ako. 

 

 

 

I was already forming words that I will say to her, as well as my facial expression, only to find out that it's not her on the screen. Rather, it was her younger sister, Yeri. 

 

 

 

"Proxy yan ni Seul." Wendy chuckles. "Yeri, say hello to your uncles and aunties!" 

 

 

"Uncles and aunties ka dyan!" sumimangot si Byul. "Hey there, little one! I'm Auntie Byul. Where's your mommy?" 

 

 

Halos maibuga ko ang tubig na iniinom nang marinig iyon mula kay Byul. Akala niya yata ay anak ni Seulgi si Yeri! 

 

 

 

"Mommy's at work." sagot ni Yeri. "Oh, hi Ate Irene!" 

 

 

Lahat yata sila, kahit si Hwasa ay napatingin sa akin, waiting for my reaction after being greeted by Yeri. 

 

 

 

"Hi, Yerim! It's nice to see you again!" 

 

 

 

"It has been so long, Ate! I can only see you through Ate Seulgi's Instagram, now. I miss you so much!!" napaawang ang labi ko dahil sa sinabing iyon ni Yeri. Then she's still following me, huh. 

 

 

 

Pilit akong ngumiti. "Y-yeah. Good thing you're invited to the wedding and we'll get to see each other again, by then." 

 

 

 

"I'm so excited to see you again! We'll eat dinner together with Ate Seul and roam around like how we used to before!" 

 

 

 

 

Hindi ko na nasagot ang sinabing iyon ni Yerim, as Wendy properly introduced her to everyone as Seulgi's younger sister. Ang makita siyang muli ay enough assurance sa akin para malaman na ayos lang ang pamilya nila, at na nasa mabuting kalagayan si Seulgi. Siguro, iyon na lang muna, kung hindi pa talaga siya handang mag-pakita ulit. 

 

 

 

 

 

December 2015

 

 

 

Umpisa na ng December break. Tita Jiyoung, Seulgi's mom, invited me for a sleepover in their house in Parañaque, kaya naman ay nasa byahe na kami ni Seulgi papunta doon. I was surprised when she arrived at our house in Alabang with a driver, kahit na ang dalang sasakyan ay iyong kaniya. Turns out that she stopped driving after our accident last month. Ang dahilan, hindi ko alam. 

 

 

 

Tita Boa's family, which includes me and my younger sister, Lia, will spend the holidays here in Manila since we did it in Dasmarinas last year. Sakto din para doon na lang ako sa Alabang ihatid ni Seulgi bukas. Like usual, hindi din sumama si Lia sa akin, kahit sinabi kong pwede niya naman maka-bonding ang kapatid ni Seulgi na si Yeri. 

 

 

 

"Mommy, we're here!" Seulgi announced as soon as the double doors opened. 

 

 

 

"Ate Irene!!!" isang tumatakbong bata na naka-pigtail ang sumalubong sa akin sa lounge, inunahan si Tita na makababa mula sa grand staircase. 

 

 


"I said, no running, Yerim!" natawa kami ni Seulgi sa sinabing iyon ni Tita sa bunsong anak. 
 

 

 

 

"Take it easy, Yeri. It's not like I'll leave immediately." I chuckled after being pushed back because of her aggressiveness. 

 

 

 

 

"I missed you so much, Ate! It felt like forever!" 

 

 

 


"Silly! We just facetimed each other last week." I said. 
 

 

 


"Yeah, but that's different because I can't hug you there." 

 

 

 

"Buddy, I'm your sister, not Ate Irene, okay?" natawa kami sa sinabing iyon ni Seulgi pagkatapos ay ginulo ang buhok ng kapatid. 
 

 

 

 

"I don't care, I only want Ate Irene." Yerim pouts at mas kumapit sa tuhod ko. 
 

 

 

 

"Goodmorning po, Tita." bati ko sa Mommy ni Seulgi pagkatapos makipag-beso

 

 

 

"Goodmorning to you, too, hija. Kamusta ang byahe?" 
 

 

 

"Ayos lang po. I was just surprised na hindi si Seul ang nag drive." 
 

 

 

Tita chuckled. "Yeah. She stopped driving after what happened last month." I only nodded. 

 

 

 

 

Naiintindihan ko naman na baka hindi pa talaga handa si Seul na mag-drive ulit. That's the case for some people. Baka naging traumatic para sa kaniya ang nangyari sa Tagaytay. 

 

 

 

 

"Nag-merienda na ba kayo? I'll have it delivered sa labas. Mukhang nauna na si Yeri, excited mag-swimming." natawa si Tita at nag-utos na sa house helps para mag-padala ng merienda doon. 
 

 

 

 

Tama nga si Tita dahil pag-labas namin sa kaniyang garden, nage-enjoy na sa pool si Yerim. Tinawag tawag pa kami ni Seulgi nang makita kami. 

 

 

 

 

"Later, Yeri. Your Ates are tired from the trip. Let them rest for a while." the cute little kiddo pouted her lips before swimming away from us. 
 

 

 

 

It reminded me of how we were also a happy family, before. We would sleep in my parent's room because we wanted to be beside Lia all the time. We were afraid that she'd grow up fast. 
 

 

 

She was only a few years younger than Yerim when we lost our parents. 

 

 

 

 

"Does your Tita Boa know that you'll be spending the night here?" tanong ni Tita Jiyoung sa akin. 
 

 

 

I nodded. "Yes, Tita. She even sent us off." 

 

 

 

"That's good. Alam mo naman, Seulgi, na kahit magka-kilala ang mga pamilya ay hindi mo pwedeng basta na lang kaladkarin si Irene kapag gusto mo." pareho kaming natawa sa sinabi ni Tita. "Anyway, I'll leave you both, for now. Silipin ko lang ang Dad niyo sa office. I'll also inform him, Irene, that you're already here." ngumiti na si Tita at umalis. 

 

 

 

Kami naman ni Seulgi ay naiwang pinapanuod ang kapatid niya na sayang-saya sa pag-swimming. Yeri is 10 years old. Mas bata siya ng four years kay Liya na ngayon ay fourteen years old na. 

 

 

 

"Yerim's lucky to have you as her Ate." naka-ngiting sabi ko habang pinagma-masdan pa din si Yeri. 

 

 

 

"Lia is lucky, too, because she got to have you as her sister." inirapan ko na lang ang walang originality na si Kang Seulgi. "I'm lucky to have you, too." 

 

 

 

"As my bestfriend?" kunot ang noo, umiling si Seulgi. "What? Do you want to be my sister, too?" I chuckled. 

 

 

 

Lumapit pa siya, almost closing the distance, para titigan ako. "I want to be more than that."

 

 

 

She want us to be more than just bestfriends or siblings.. Kung ganoon, ano ang gusto niya?

 

 

 

Does she like me too?

 

 

 

"You know I have been---KANG YERI!!!" 

 

 

 

Before she can even continue what she was about to say, her younger sister splashed water on her and now they're running around the garden, with Seulgi overly irritated on Yeri after being wet. 

 

 

 

 

-------------------------------------------------------------------------

 

 

Hinahanda ko lang kayo para sa pag-appear ni Seulgi sa present timeline. :D. 

Malapit na, ilang chapter na lang! 

Thank you for reading this and have a great weekend!

@ateneri

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)

Comments

You must be logged in to comment
kreidz #1
Chapter 16: BANGGGGG
its_aaarrriii
25 streak #2
Chapter 41: 😭🫶
xantheaverielle
#3
Chapter 42: Sobrang ganda 🥺 Probably the first Tagalog fic that I've read in a while na super daming emotions ang pinaramdam sa'kin 😩 Love how balanced the story is with the angst and fluff. Nothing too extravagant, just the story of them falling in love and how they surpassed all the struggles. Thank you so much for writing this author! Kumusta ka na po? I hope you're doing well, you really wrote this beautifully :)
KangLj #4
Chapter 17: Kilig muna bago yung sakit piste
KangLj #5
Chapter 4: Ang alam ko kasi si Irene ang ghosterist e haha cutie
ketchuppo324
#6
Chapter 16: T_T
yourdailyreader #7
Chapter 24: jusko seul, keep your together naaa
yourdailyreader #8
Chapter 7: napaka asado ni irene! hahah
yourdailyreader #9
Chapter 4: naks! strong and independent woman! hehehe
yourdailyreader #10
im starting this now.