Pre-Covid

Kumusta ka na?

January 2020

 

Kinukusot kusot ko pa ang mata ko nang patayin ko ang cellphone ko na kanina pa tumutunog. Masyado kong na-enjoy ang holidays at nawala sa isipan ko na oras na pala para bumalik sa realidad. Monday na nga pala, kailangan nang bumalik sa trabaho. 

 

Who would have thought na ganoon ka-bilis ang araw? Parang kahapon lang, kasama ko pa ang mga kaibigan ko na ine-enjoy ang bakasyon namin sa Boracay. Now I have no choice but face all the paperwork waiting for me in the office. ni hindi pa nga ako nakakahinga! Kung pwede lang sana ay huwag nalang akong mag-trabaho. Kaya lang, sa realidad ng buhay, hindi pwedeng wala kang trabaho. Who, in their right mind would stay at home, idling at the age of twenty-six? Wala. Walang responsableng adult ang gagawa noon. 

 

Kaya kahit inaantok pa ako at tinatamad, wala akong choice kung hindi ang ligpitin ang higaan ko, pumasok sa banyo para maligo at magbihis, at bumaba para mag breakfast. 

 

"Goodmorning, Irene!" 

 

Bumungad sa akin ang kaibigan ko na nagluluto ng breakfast. Mabuti nalang talaga at in-accept ko noon ang offer ni Jennie na samahan sila ng kapatid niyang si Chaeyoung sa apartment na ito. Noon kasi, sa bahay namin sa Cavite ako nauwi. Kaya mas maaga sa 7am ang gising ko para hindi ako abutan ng malalang traffic papasok sa office ko na located sa Taguig. 

 

"Sorry, late na akong nagising kaya hindi na ako nakapag luto ng breakfast." dumiretso ako sa coffee maker para makapag timpla ng kape. "Anong oras sila umuwi kagabi?" 

 

Kagabi ay dumating sa apartment ang ilang mga kaibigan namin, kasama ang boyfriend ni Jennie kaya anong oras na din ako nakatulog. Siyempre, nakakahiya naman kung iiwan ko lang kay Jennie ang lahat ng ligpitin kaya nagpa-late na din ako. 

 

"Mago-one na din sila nagising. May mga pasok na din kaya kahit inaantok, pinilit mag drive ni Jisoo." nilapag ko na sa lamesa ang coffee at umupo sa tapat ni Jennie. 


"Si Chae?" 

 

"Tulog." ngumisi ako at umiling. 

 

Minsan talaga ay di ko maiwasan na mainggit sa magkapatid na 'to. They both have stable jobs, kahit home based. Hindi sila kagaya ko na kailangang gumising ng maaga at anong oras nang umuuwi, palaging pagod, dahil sa toxic na trabaho. Although pareho silang may degree, si Jennie na tapos nang Psych, si Chae na nagtapos din ng Communications Technology Management, pinili nila na mag-freelance. Kaya less stress! At kahit ganoon, mas malaki pa ang kinikita nila kaysa sa akin na 9 hours nakaupo sa office chair, maraming mga papeles na pinipirmahan, madalas na mag overtime pero walang pay!

 

Gaano ka-unfair ang mundo?


"Naka busangot ka nanaman dyan." tinawanan nalang ako ni Jennie bago siya magsimulang kumain. 

 

"Tinatamad nanaman kasi akong pumasok." 

 

"Anong bago?" tinitigan niya ako. "Sinabi ko naman kasi sayo. Quit that toxic job and start setting up your office at home. Hindi worth it lahat ng pagod mo dyan sa trabaho. Kita mo nga, ilang taon ka na dyan, pero hanggang ngayon, wala ka pang savings! And your investments, wala din. Ikaw ang nagta trabaho para mas yumaman ang mga boss mo." 

 

Totoo naman, at may point si Jennie. Ganoon naman talaga, hindi ba? Ganoon talaga ang economy. Tatlong taon na ako sa Hotel na pinagta-trabahuhan ko, bilang Sales Account Representative. 

 

Ilang mug ng kape ang naubos ko, countless overtimes, kung minsan ay sa office pa ako natutulog. I was even recently diagnosed with Anemia dahil sa mga madalas na pagpupuyat ko para sa trabaho. Pero ang bank account ko, wala pang improvement hanggang ngayon. I can't even buy my own condo unit, kahit na sa isang sikat at malaking Hotel ako nagta trabaho. Pagkatapos ay nitong December lang ako na-grant na makapag loan para makabili ng sasakyan. 

 

Samantalang si Jennie at ang kapatid niya na si Chae, almost five hours lang sa isang araw ang trabaho, walang ginagawa every weekends, and they can freely choose when to work. May oras pa nga sila para mag shopping! at may budget din, para doon, siyempre. Kaya naman, minsan ay napapaisip din ako - what's stopping me from leaving this toxic job? Kahit na palagi akong pagod na pagod, kahit hindi na ako masaya. 

 

"Don't tell me, iniintay mo pa din siya na biglang magpakita sa hotel na yan?"

 

Sandali akong napakurap-kurap dahil sa tanong ni Jennie. Ano pa nga ba? Hindi ko din alam, eh. 

 

The reason why I chose to work in this hotel is that I once had a dream with someone and we agreed to take the first step of that dream in this hotel. Iyon nga lang, nandito ako ngayon, pero siya, wala. Ang sabihing siya din ang dahilan kung bakit pinili kong mag-stay dito, hindi ko matiyak. Hindi din ako sigurado. 

 

"O-ofcourse, not." umismid si Jennie at nag-iwas nalang ako ng tingin. 

 

Oras na din naman para bumyahe kaya nagpaalam na ako sa kaniya, bago niya pa madugtungan ang usapan.Sa ngayon ay hindi pa ako ulit handa na pag-usapan ang taong iyon, and I don't know if I will ever be ready to talk about it. Bahala na. 

 

Muntik pa akong maabutan ng traffic dahil nagtagal ako sa kakatunganga sa loob ng sasakyan. Kung hindi pa ako tinawagan ng katrabaho ko ay baka may marka nanaman ng late sa time sheet ko. Naiipon na 'yon, malamang naiipon na din ang bawas sa sahod ko for this month! Magkano naman kay ang matitira sa akin? 

 

Wearing my navy-blue blouse and black slacks, I graced the main entrance of the hotel. The sound of my stilettos and my dramatic entrance is head-turning, akala mo'y VIP guest ako or Heiress ng hotel na ito. I greeted everyone who greeted me, at kinamusta ang mga nasa front office bago sumakay sa elevator para sa opisina namin na nasa fifth floor. Nakasabay ko pa doon ang ilang mga guest na nagku kwentuhan tungkol sa pagiging satisfied nila sa service ng aming 5-star Hotel. For sure, Ma'am. Grabeng trabaho ang ginawa ng department namin para maging successful ang pa-Chrismas Party at New Year's Eve dito sa Hotel. 

 

Nang tumunog ang elevator ay lumabas na ako. Nadaanan ko ang ilang staff ng ibang department na busy pa mag-chikahan dahil ang mga department head ay nasa daily briefing pa. For sure ay matagal iyon, dahil first Monday ng taon. 

 

"Goodmorning!" masayang bati ko pag-pasok sa office. 

 

"Goodmorning, Irene! Kamusta tulog?" I just rolled my eyes sa kaibigan ko na si Solar, bago dumiretso sa cubicle ko. 

 

"Inaantok pa nga ako, kaloka! Anong oras kayo umuwi kagabi?" inayos ko ang swivel chair para makalapit sa kaniya. Ang isa pa naming kasama na si Wheein ay ganoon din ang ginawa. 

 

"Mago-one thirty. Hindi na kami sumabay kila Jisoo, si Byul kasi ayaw pa magising." umiling iling siya habang kinu kwento iyon, probably having a vivid memory of how her girlfriend looked like bago sila makaalis sa apartment namin kagabi. Mahirap kasi gisingin talaga si Byul lalo kapag maraming nainom. 

 

"Nag-breakfast ka na?" tanong ni Whee. 

 

"Naabutan kong gising si Jennie. Siya na nagluto ng breakfast." sabay silang tumango. 

 

"Wala pa 'yon silang trabaho, eh. On-vacation pa clients nila kaya pati sila."

 

"Sana ol." 

 

The three of us have been together since college. Si Solar ay nagtapos ng Marketing Management, si Whee naman ay isang Tourism Management graduate na piniling magtrabaho sa hotel dahil ayaw niya daw mag undergo ng training para makapasok as Flight Attendent sa isang airline. Sabay sabay kaming nag submit ng resume sa hotel na ito at sabay sabay din natanggap. 

 

"Goodmorning, mga bakla!!" si Hwasa, kasama ang kaibigan namin na si Winter ang iniluwa ng pinto. Hindi pa siguro nagbe breakfast ang mga 'to kaya naghahanap ng kasama. 

 

"Tapos na kami mag breakfast." sabay na sabi namin ni Solar bago tumawa. 

 

"Well, ako, hindi pa." si Whee iyon na dala na ang mug niya at saka sumama sa dalawa pang kaibigan para mag breakfast. 

 

"Nakapasok si Byul?" tanong ko. 

 

"Pinilit ko. Hindi pwedeng hindi, baka mawalan siya ng trabaho. Mahirap na, hindi pa tapos bayaran yung bahay." 

 

Ang girlfriend ni Solar na si Byul ay isang Civil Engineer sa isang firm. They have been together since second-year college and recently decided to live together. They both earn enough to pay for their bills, their car, and their house. Kaya kahit masyado nang toxic kay Solar ang trabaho dito sa hotel, hindi pa din niya magawang mag resign. Aside from the fact na bread winner siya ng pamilya nila, may mga binabayaran pa sila ni Byul.

 

"Sa totoo lang, gusto ko nalang din talagang umalis dito, kaso naiisip ko din si Taeyeon. Maiiwan mag-isa."

 

Ang head ng department namin ay si Taeyeon Kim na kaibigan din namin mula pa noong college. Ewan ko ba, lahat yata kaming magto tropa ay dito nagta-trabaho. Kulang nalang ay automatic na dito ang punta ng lahat ng Tomasino, eh. 

 

"Kung sabagay, kawawa din si Taeyeon kapag walang mga naiwan na tauhan niya." 

 

Bumalik na sa office si Wheein kaya nagpatuloy ang kwentuhan naming tatlo. Alas-10 na pero mukhang hindi pa din tapos ang briefing ng department heads. Pero kahit wala pa si Manager sa office, nag umpisa na kami sa trabaho. 

 

Assigned ako sa Online Travel Agency, or OTA. The hotel accepts bookings through Booking.com, Agoda, Traveloka, Airbnb and the likes. Trabaho ko at ni Wheein ang mag review ng online reservations at i-process ang mga iyon. Bukod doon, hawak ko din ang Front Office. Ako ang nagre-review ng mga feedback at complains ng mga guest. 

 

Mukhang madali, pero mahirap ang trabaho lalo kapag peak season. Minsan, sumasabay pa doon ang ilang event na ginaganap sa hotel na ako ang nagha handle. Kapag ganoon, talagang wala akong choice kung hindi ang mag overtime sa office. Gusto kasi ni Taeyeon na nafa finalize na agad ang contract, reports and such kapag ganoon.

 

=

 

 

Kapag madaming trabaho, talagang hindi mo mamamalayan ang oras. 12:30 na pero hindi pa din tapos ang meeting ng mga head. Kaya naman ay nag decide kami na mag lunch na sa cafeteria. Nauna kami ni Solar dahil hindi pwedeng walang maiwan sa office. Usap usapan sa mga staff na nagla lunch ang dahilan kung bakit napatagal ang briefing ng mga head. Marami kasi yatang concern ang President ng hotel kaya hindi sila agad natapos. 


"Miss Irene!" tawag sa akin ni Sehun na nasa reception area ng caf. "Nakabalik na daw po sa office si Ma'am Taeyeon. Hinahanap po kayo ni Miss Solar. Emergency meeting daw po." 

 

"Tara na, bago umusok ang ilong ng aling maliit." natawa ako kay Solar bago punasan ang gilid ng aking labi. 

 

Taeyeon, although we're friends, is very strict at work. Siguro ay isa din siya sa mga dahilan kung bakit minsan ay medyo toxic sa office. I understand naman, dahil masyadong mabigat ang pressure sa kaniya. Our department is like the backbone of the hotel. We keep the hotel running. Parang kami din ang nagpapa-sweldo sa mga staff. If our department works poorly, affected ang lahat ng department. Ganoon ka-importante ang Sales and Marketing. 

 

"Nakakaloka. Gutom na din ako pero importante 'to. Please understand." tumango kami ni Solar at agad na umupo sa swivel chair pagka-pasok sa office. "Hinahanap na ni boss ang calendar of events for this year. Gusto niyang naka-plot na lahat. Expected niya daw na by today sana may maipapakita na tayong overview ng project for Chinese New Year. Kaso, wala akong naipakita. Hindi niyo pa nasisimulan, diba?" 

 

"Natawagan ko na po yung graphic designer, kanina, ma'am, para sa design ng tickets and tarpaulins. Ipa-rush ko na ba? Within this day maisend yung design?" tanong ni Wheein since siya ang assigned sa task na iyon. 

 

"Yes, Whee! Ayokong maipit nanaman dahil dyan kay Sir Gerry. Napaka hilig mag-procrastinate! Napakalaki ng binabayad sa kaniya pero ang bagal naman mag trabaho." hinilot nalang ni Taeyeon ang sentido niya, halatang na-stress dahil sa meeting kanina. "Solar, nakipag-coordinate ka na ba sa Kitchen para sa menu ng buffet?"

 

"Hindi pa po, Ma'am. Late dumating ang head Chef kanina kaya wala pa siya sa office pag tingin ko kanina. But I'll work on that, today." 

 

"Oo nga pala, late din siya sa briefing." she sighed. "Irene.. mag telemarketing ka ngayon. Offer mo 'yong Chinese New Year at Valentines. Iyon muna, for now, since hindi pa naman ganoon ka finalized ang rates natin for other events. Gusto ko, by tomorrow, complete na ang plans natin for all the events next year. Para bukas, may ipe-present na ako kay boss." 

 

Heto nanaman tayo. Tinambakan niya nanaman ako ng trabaho. Nabawasan naman ang mga papel na kailangan kong asikasuhin kanina. But now she expects me to do telemarketing while plotting the plans for our events this year? Tapos ay inaasahan niya na matapos ko ang lahat by the end of the day?

 

"Ipasa mo muna kay Wheein yung OTA. Prioritize the reports at ang telemarketing. Mataas ang Sales natin last year, kaya mataas din ang expectations ni boss this year." 

 

Madami pa siyang iba't ibang bilin. Almost 30 minutes na yata kaming nagu-usap usap nang may mag knock sa pinto. Isang staff ng House keeping na may ibinulong kay Taeyeon. 

 

"Solar, please turn the tv on." inabot ni Solar ang remote control at isang nakakabahalang balita ang bumungad sa amin. 

 

"Taal Volcano started spewing ash Monday afternoon, prompting the Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) to raise its alert status to Level 2.  at 11:30am. At 2pm, Phivolcs raised the status again to Alert Level 3, indicating “magmatic unrest.” The ash column then had reached one-kilometer high.

The Volcano continues to show unusual activities up to this point. Residents from the Island and nearby provinces are forced to evacuate as the situation is expected to worsen. Meanwhile--"

 

Hindi ko na natapos ang sinasabi ng news anchor dahil sunod sunod na tumunog ang mga telepono sa office. Nagkatinginan kaming lahat. 

 

We know for sure that today's going to be a long day. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)

Comments

You must be logged in to comment
kreidz #1
Chapter 16: BANGGGGG
its_aaarrriii
25 streak #2
Chapter 41: 😭🫶
xantheaverielle
#3
Chapter 42: Sobrang ganda 🥺 Probably the first Tagalog fic that I've read in a while na super daming emotions ang pinaramdam sa'kin 😩 Love how balanced the story is with the angst and fluff. Nothing too extravagant, just the story of them falling in love and how they surpassed all the struggles. Thank you so much for writing this author! Kumusta ka na po? I hope you're doing well, you really wrote this beautifully :)
KangLj #4
Chapter 17: Kilig muna bago yung sakit piste
KangLj #5
Chapter 4: Ang alam ko kasi si Irene ang ghosterist e haha cutie
ketchuppo324
#6
Chapter 16: T_T
yourdailyreader #7
Chapter 24: jusko seul, keep your together naaa
yourdailyreader #8
Chapter 7: napaka asado ni irene! hahah
yourdailyreader #9
Chapter 4: naks! strong and independent woman! hehehe
yourdailyreader #10
im starting this now.