Drive

Kumusta ka na?

 

 

 

Throwback muna tayo. Alam ko na napagod kayo sa trabaho ni Irene kaya silipin muna natin ang mga ganap nila ni Seulgi noon. 
In this chapter, you will also find a hint about what (probably) happened resulting to Seulgi's disappearance. 

 

Happy reading! 

- ate eneri

 

        =
 

 

 

       November 2015

 

 

 

Long weekend ngayon dahil sa all souls day. Kaya ay umuwi muna ako sa amin sa Dasmariñas para naman makasama ko ang kapatid ko at makapag quality time kami. Sabay na din namin dadalawin ni Lia sina Mama at Papa sa cemetery. 

 

 

 

Dahil wala af nasa abroad nanaman ang family ni Seulgi dahil sa business nila, umuwi siya ulit dito sa Dasma kasama ko. Ganito ang ginagawa niya tuwing siya lang mag-isa ang naiiwan sa Parañaque. Ang kapatid niya kasi na si Yeri, sa America din nag-aaral kasama ang Kuya nila na si Minhyuk. Seulgi was left alone here in the Philippines as she chose to live a life here away from the expensive lifestyle they are living abroad. 

 

 

 

Umaga na ngayon, magta-tanghali na at itong bestfriend ko, wala pa yatang balak bumangon. Mahirap talaga kasing gisingin ang mga nagtu-tulog tulugan.

 



 

"Seulgi..." mahina pero may diing tawag ko sa kaniya. 
 

 

 

Kanina ko pa kasi kinakalabit at hinihila para bumangon na at makapag-breakfast. Inabot na nga kami ng lunch time. 
 

 

 

"hmm.. five minutes." I crossed my arms and pouted my lips, akala mo naman ay nakikita niya ang ginagawa ko. 
 

 

 

"You've been saying that in the past hour!" mahina siyang tumawa at ibinaon ang mukha sa unan. 

 

 

 

"Honey bear..." I heard her groan. "Sweetie Pie.. munchkin ko.. bangon ka na dyan." 

 

 

 

Sa wakas, tinanggal niya ang unan na naka- takip sa sarili at inis akong hinarap. Ako naman, ngumisi ng malaki dahil sa pagka-panalo ko. 
 

 

 

"'Ga.. I told you to not use those to me!" natawa na lamang ako nang malakas at natigil dahil sa paghampas niya. 

 

 

"Anong magagawa ko eh ayaw mong bumangon dyan?" 

 

 

"Opo na nga. Ito na po, babangon na nga po.." tumayo siya sa kama nang nakasimangot at sinimulang ayusin ang hinigaan niya. "Tapos na po ako, Bunbun ko." 

 

 

 

Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Sa isang iglap, ako na ngayon ang tinatawanan niya!

 

 

 

"Anong sabi mo?!" sakto naman at hawak ko ang isang unan at inambahan siya, pero dahil mabilis siya, nakatayo siya agad at nasa kabilang side na ngayon ng kama. 

 

 


"Ang sabi ko, I love youu, 'Ga!" kikiligin na sana ako pero pinigilan ko ang sarili at pinag-salubong ang kilay.

 

 

"Hindi. May sinabi ka before that!" 

 

 

"Alin ba 'don? Yung Bunbun?" tumawa ulit ng malakas si Kang Seulgi kaya naman inihagis ko ang unan na hawak sa kaniya.

 

 

 

She grabbed one for herself at hinagis din iyon sa akin. Ngayon, nawala na ang puma-pagitna sa aming dalawa at nagha-hampasan na kami ng mga unan. 

 

 

 

Pillow fights, huh? Hindi lang iyon para sa mga bata!

 

 

"I told you to stop calling me Bunbun!" 

 

 

"You did it first when you called me Honey bear and Sweetie pie!" sinamaan ko siya ng tingin at patuloy na pinagha-hampas gamit ang unan. 

 

 

"Gantihan na pala ngayon?" 

 

 

 

I got a hold of the giant- hotdog shaped pillow on my bed and tried to hit Seulgi with it. But I guess the pillow was heavier than I am and Seulgi is stronger kaya nadala ako ng unan nang subukan kong hampasin si Seulgi gamit ito. Sa bigat noon at pwersa ko ay nahulog si Seulgi pahiga sa kama - habang ako ay napa-ibabaw sa kaniya. 

 

 

It was like a slow-motion scene from the movie. I have never been this close and this physical on her. Sa unang pagkakataon ay nagdikit ng ganito ang mga katawan namin. Ramdam na ramdam ko ang mabibigat niyang hininga, at ang bilis ng tibok ng puso niya. Pilit kong hinarang ang mga buhok ko sa mukha kong namumula. I almost collapsed when I felt that Seulgi's hand traveled on my back as her other hand was supporting my waist. 

 

 

Napapikit naman ako nang hawiin niya ang mga takas na buhok at iipit ito sa left ear ko. 

 

 

"Goodmorning, 'Ga." ngiti niya sa akin pagkatapos gawin iyon. 

 

 

"G-good noon n-na." she softly chuckled on my ear which brought shivers on my spine. 

 

 

"Why are you stuttering, hmm?" napapikit ako. 

 

 

"Nauuhaw na ako." 

 

 

And just when I thought that this isn't as devastating, my little sister, Lia opened my room's door while Seulgi and I are in this position. 

 

 

"Tita Boa says it's lunchtime." sandali kaming tinitigan ng kapatid ko at awkward lang akong ngumiti. 

 

 

"Thanks, Lia! We'll be there in a minute." wala yatang lumalabas na salita mula sa bibig ko kaya si Seulgi ang sumagot sa kapatid ko.. Agad naman siyang natawa nang masarhan ulit ang pinto. "Now I'm awake and I guess you're still dreaming." 

 

 

 

I snapped and stood up from that position. I fixed my clothes at nag-iwas na ng tingin. 

 

 

"Let's go." 
 

 

 

 

Tahimik ako habang nagla lunch. Si Seulgi naman, aliw na aliw sa mga tanong sa kaniya ni Tita Boa. Tita is very familiar with Seulgi because this is not the first time that she came here in the house. Besides, we recently found out that our relatives are somehow connected. 

 

 

 

Mama grew up in Ilo-Ilo. Our family was among the richest family in the Island, along with Seulgi's family. Ang family business namin involves creation of wood crafts. We design and supply different wooden materials. Samantalang ang family naman ni Seulgi ay nasa industry ng glassworks. Ang mga planta namin ay nasa parehong probinsya. Our fathers belong in the same business industry, kaya't magkakilala ang mga pamilya. 
 

 

 

 

When my parents died in an accident, both Ate and I were too young to handle a business. Lalo siyempre si Lia. Besides, we never really had the chance to be exposed in the business as our parents did not properly introduced us into it. So although Mom is the highest stock holder in the company, the position of the CEO was assumed by Tita Boa,  after she buys Mom's stocks. 

 

 

 

Hindi na din kami naghabol ni Ate sa business, dahil we both have different careers we would like to take on. Although, of course we have shares in the company. Doon nanggaling ang ilan sa mga ginamit namin for our expenses the past years. Si Lia naman, she plans to take Architecture dahil may balak siya na pag-aralan ang company. Ang alam ko kasi, kay Lia o sa kapatid pinsan namin na si Doyoung - anak ni Tita Boa, ipapamana ang company. 

 

"May balak pa ba kayo puntahan after natin bumisita sa cemetery?" tanong sa amin ni Tita. 
 

 

 

"If okay lang po, mag dinner po sana kami sa Silang, Tita?" iyon ang sagot ni Seulgi kay Tita Boa at itinagilid ang ulo para maharap ako. 

 

 

"Well, sure. Sure you can, dahil baka hindi din kami dito mag dinner." umismid si Tita. "We will possibly head to Manila para bisitahin naman ang family ng Tito niyo." 

 

 

Tinanguan ko si Tita at napatingin sa kapatid ko. If Seulgi and I are going to Silang, then what about my sister? 
 

 

 

"Lia, darling. Why don't you come with us, too? Para may kasama din si Eunbi." nginitian ni Tita ang kapatid ko. 
 

 

 

"Sure po, Tita. I don't think that Ate would want me to come with them anyway." nasamid ako bigla sa sinabi ng kapatid. Mabuti na lang ay agad akong binigyan ng tubig ni Seulgi. 
 

 

 

"What did you say?" tanong ko kay Lia. 

 

 

"Nothing." ngumisi ito at binigyan ako ng makahulugang tingin. 

 

 

My poor little sister! She's probably thinking of what she saw earlier! 
 

 

 

"Besides, I would love to be with our cousins in Manila, too, po." 

 

 

"That's great, then! You'll have to pack extra clothes because we will stay overnight!" 
 

 

 

Overnight! Umismid ako. Ibig bang sabihin noon, maiiwan kami ni Seulgi dito sa bahay... ng kami lang? 


 

 

"Seulgi, ayos lang kahit na sa Tagaytay pa kayo mapunta. As long as ikaw naman ang kasama ni Joohyun, kampate kami." natawa na lang si Seul sa sinabi ni Tito. 

 

 

"We'll make sure to update you both po, kung saan man kami mapunta.." 

 

 

 

After lunch, we all decided to get ready to leave tor the cemetery. Kami na lang pala ni Seulgi ang nagbihis dahil tapos na sila Tita. Ang plano kasi ay before lunch kami pupunta doon, para na din makaiwas sa maraming tao. Kaya lang, dahil sa tinanghali ng gising si Kang Seulgi, ngayon pa lang kami makakaalis. 

 

 

"Lia." pabulong na tawag ko sa kapatid ko nang masalubong ko siya pag-labas ng kwarto. "Are you sure you won't come with Seulgi and I later?" 

 

 

"And what, Ate? Be the thirdwheel?" natawa si Seulgi na nasa likod ko. Inirapan ko nalang tuloy. 
 

 

 

"Thirdwheel?" tanong ko sa kapatid ko, magkasalubong ang kilay. 
 

 

 

"Yeah. I don't want to see you two being so sweet while I'll be out of place." 
 

 

 

"Lia! Dito ka na sa amin." tawag ni Tita kay Lia nang pasakay na kami sa sasakyan. 
 

 

 

Kaya ngayon, feeling ko, buong araw na kaming dalawa lang ni Seulgi ang magkasama. 
 

 

 

"Look at what your sister is thinking after seeing us kanina." natatawang sabi ni Seulgi habang nagda drive.. driving me crazy. 

 

 

"You have corrupted my sister's mind!" 

 

 

"Ako?" humawak pa siya sa dibdib niya para idiin iyon. I just rolled my eyes at her. "You were the one who resorted to violence, first." 
 

 

 

"Sabi ko nga, ako na. Ako naman lagi." natawa na lang siya at nag-focus na sa pagda drive. 
 

 

 

Seulgi and I doesn't like calling each other with those weird and cringey endearments. We both agreed on that. Napag-usapan din namin na hindi namin iyon gagamitin kahit sa respective parterns namin, in the future. 
 

 

 

Oo naman, Seulgi. Hindi ko iyon itatawag sa iyo. 
 

 

 

Pero sa ilang mga pagkakataon na nag-aasaran kami, ginagamit namin ang mga endearment na iyon, kagaya ng nangyari kanina. 

 

 

 

"May flowers naman sa labas ng cemetery, right?" tinanungan ko si Seulgi. Paliko na kasi ang sasakyan sa main entrance ng memorial park. 

 

 

This will be the second time na makakasama si Seulgi sa pagbisita namin kay Mama at Papa on all souls day. Madalas kasi talagang wala sa bansa sila Tito at Tita, mainly because they have expanded their business at gusto nila na mag focus doon. 


 

 

Si Seulgi, kausap sila Tito, Eunbi at Lia. Habang kami ni Tita ang nasa harap ng puntod ni Mama at Papa. 

 

 

 

"Your mom would have been so proud of you and your sisters if they were alive." ngumiti ako ng tipid sa sinabi ni Tita. It has been years but I am still grieving over the death of my parents. "And I'm sure that she would also entrust you with Seulgi, as much as we do now." 


 

 

"T-tita.. S-seulgi and I are.." gulat akong napatingin kay Tita. ang akala niya ba, si Seulgi at ako? 
 

 

 

"You're bestfriends, I know." ngumiti si Tita at hinawakan ang kamay ko. "But I know that you have feelings for each other, hija. You can lie to the world, but you can't lie to yourselves." 

 

 

Tipid akong ngumiti. Mama must have left the world early, but she left me with Tita Boa who loved me and my siblings as much as we are her own children. 
 

 

 

"I like Seulgi, Tita. I just don't know if she feels the same way to me." tumango si Tita Boa at tinapik ako sa balikat. 

 

 

 

"She likes you too, darling. I just don't know what's stopping you both from realizing that." tumawa siya. "But please know that you have our full support. Whatever happens." 
 

 

 

Almost 4PM nang umalis kami sa memorial park. Nag-paiwan kami sandali ni Seulgi dahil nagmamadaling umalis sila Tito para makaawis sa traffic pa-Manila. Kaya ngayon ay simula na ng roadtrip namin ni Seulgi papunta sa Tagaytay. 
 

 

Am I real?
Do the words I speak before you
Make you feel

 

 

Tagaytay na daw, dahil pumayag naman si Tito. We'll eat dinner at Bag of Beans dahil according to Seulgi, maganda daw ang view doon at gusto niyang panuorin ang sunset doon. So basically, a romantic sunset date? 
 

 

 

Hindi ko alam kung ano ang status namin ni Seulgi. She isn't even vocal about it. Pero madalas ay affectionate kami sa isa't isa. Hilig niyang hawakan ang kamay ko kapag nagda drive. 
 

 

 

"We have a reservation under Seulgi Kang." nginitian niya ako matapos kami igiya ng receptionist papunta sa labas. There were tables set up sa may veranda, at iilan lang ang mga nandoon. 

 

 

"Kailan ka nagkaroon ng time para makapag-pareserve?" I asked. 

 

 

"Tito pulled some string just so we coukd have dinner here." she chuckled. "Oh! Sakto talaga tayo! Look at the view!" 
 

 

That the love I have for you
Will see no ending?

 

Ang sabi ni Seulgi, look at the view. Kaya hindi ko ma-alis ang tingin ko sa kaniya. To me, she is the best view I could look at. 
 

 

 

Napangiti siya sa akin nang mahuli na nakatitig lang ako sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko. Napa-pikit ako dahil doon.

 

 

Well, if you look into my eyes
Then you should know
That there is nothing here to doubt

 

 

Seulgi, ano tayo? Iyon ang mga salita na gustong gusto kong sabihin. Gustong gusto kong itanong. Natatakot lang ako na baka may magbago kapag itinuloy ko. Natatakot ako na baka wala lang ito sa kaniya. 

 

 

Nothing to fear
And you can lay your questions down
'Cause if you'll hold me

 

 

"Happy monthsary, 'Ga." isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin. "Forty-one months ago, I transferred in St. Scholastica's College and there, I met the most beautiful woman on earth." 

 

We can fade into the night
And you'll know 

 

 

"I know that you'll think that this is a crazy idea and that we're not a couple anyway." she chuckled. "But I am doing this because I want you to know that I'm here to stay. I will only leave if you tell me to, Joohyun."

 

 

 

"Couples aren't only the only ones who can celebrate a monthsary, anyway." I smiled at her. "You know how much I'm thankful to you, for coming into my life, 'Ga." 
 

 

 

The world could die
And everything may lie
Still, you shan't cry

 

 

"Happy monthsary, Seulgi." 

 

 

"I love you.."

 

 

I bit my lower lip as I hear her say those three words. It has become normalcy now, huh? 

 

 

'Cause time may pass
But longer than it'll last
I'll be by your side

 

 

"I love you too." 

 

 

 

=

 

 

We decided to go to starbucks after dinner. Siya kasi ang nag-bayad sa Bag of Beans at sinabi kong hindi ako papayag umuwi nang hindi siya nililibre. Kaya pumayag siya na mag-coffee muna bago umuwi, dahil maaga pa naman 

 

 

 

Madilim na, dahil almost eight na din. Inabot kami ng traffic papunta sa starbucks downhill dahil mga ganitong oras ang peak hours. But I don't mind, because being stuck in traffic means that I can chat with Seulgi more. Ayaw niya kasi na nawawal ang focus kapag nagda-drive. Ayaw niya nang kinakausap at ginugulo, gusto niya ay focus na focus lang siya sa pagma maneho. 

 

 

 

Hindi ko alam kung paano nangyari, but we were suddenly involved in a multiple-car collision. Kaya sa halip na sa starbucks ang punta namin, sa ospital kami ngayon papunta, sakay ng isang ambulance. 

 

 

"Seulgi.." mahinang tawag ko sa kaniya dahil kanina pa siya tulala, hindi makausap, at nanginginig. "'Ga.."

 

 

"H-hmm?' ramdam ko ang panginginig ng boses niya. 

 

 

"Are you okay?" umiling siya. Her eyes showed her concern for me. "Are you worried?" tumango nang parang baby si Seulgi. 

 

 

 

Nginitian ko siya at hinawakan ang kamay niya to assure her that I'm fine. 

 

 

"Minor injury lang 'to, Ga. Please don't worry, hmm?"

 

 

Nanatiling ganoon si Seulgi hanggang sa makarating kami sa ospital. I have undergone CT Scan and X-ray to make sure that there is no internal bleeding and fractures. Pagkatapos simentuhan ang kaliwang braso ko ay na-discharge din naman ako agad. Hindi na kailangan ma-admit dahil hindi naman ganoon ka-seryoso ang nangyari. 

 

 

 

Thankfully, Seulgi just got few stitches on her head. Pero hindi pa din siya makausap. Hindi na nanginginig pero tulala pa din. So I had no choice but to call our driver so he could pick us up as I know that Seulgi won't be able to drive in this state.

 

 

 

 

-----------------------------------------------------------------------------

214 by Rivermaya

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)
No comments yet