Chance

Kumusta ka na?

 

 

 

Have you ever been so into someone that you only saw yourself with that person in the future?

 

 

Because I did. 

 

 

UST Paskuhan 2014. 

 

 

 

=

 

 

Ngayon ang pinaka-inaabangan na event ng mga Tomasino sa bawat taon. I am a second year college student at it din ang pangalawang paskuhan na a-attendan ko. Kasama ko ang mga blockmate na sila Solar, Wheein, Hwasa at ang bestfriend na si Jennie. Nasa grandstand na kami, iniintay ang pagdating ng mga kaibigan dahil open for outsiders ang paskuhan ngayon. 

 

 

Solar and I are taking up Marketing Management. Si Wheein naman ay Human Resources Management ang inaaral, samantalang Psychology student si Jennie. My bestfriend since college, akala ko na hindi ganoon ka-seryoso sa pagaaral, is taking up Psychology. Gusto niya daw kasing maintindihan ang nature ng human mind, their mental state, kaya ito ang pinili niyang course. 

 

 

"Hindi pa ba sila nagte text?" tanong ni Hwasa habang nakaupo at halatang inip na inip na dahil kanina pa namin iniintay ang mga kaibigan. 

 

 

"Wala pang reply si Byul, eh." Si Byul, ang girlfriend ni Solar na isa sa mga iniintay namin ngayon. 

 

 

"Tumatawag si Seulgi, Rene!" maingay na pag-announce ni Jennie sa grupo nang makita ang phone ko na umiilaw dahil sa tawag ni Seul. 

 

 

"Hi. Saan na kayo?" ni-loudspeaker ko ang phone para marinig din ng mga kaibigan. 

 

 

"Naglalakad sa P.Noval." tumango ako, as if nakikita niya. "Saan nga ulit kami diretso?"

 

 

"Pasok lang kayo sa Gate 7. makikita niyo din naman kami agad." I giggled, halata sa boses ang excitement na makita siya. 

 

 

"Kasama niyo si Byul?" tanong naman ni Hwasa. 

 

 

"Yeah." 

 

 

"Sabihin mo sa kaniya, wala na siyang girlfriend! Hindi nagre-reply kanina pa ako text ng text!" lahat kami ay natawa sa litanyang iyon ni Solar. Narinig kong sasagot sana si Byul pero agad ko nang binaba ang tawag. 

 

 

Maya-maya nang makita na namin ang grupo nila na naglalakad. Si Seulgi, ang bestfriend ko na isang Culinary Arts student sa La Salle, ang kaibigan niya na si Byul na future Civil Engineer, si Wendy at ang girlfriend nito na si Joy na nagte-take naman ng Business Administration, at si Lisa na kagaya ni Byul na engineering student din. 

 


"Napaka-tagal, ha!" reklamo ni Hwasa nang makita ang grupo. 
 

 

"Pano, si Joy, kung mag-make up. Akala mo sa night club pupunta, eh." 
 

 

 

"Pakielam mo ba? Solar, kulang nanaman sa aruga 'tong jowa mo, oh." 

 

 

"Bahala siya sa buhay niya, maghanap siya ng bagong jowa." nagtawanan kaming lahat nang marinig iyong iritableng reaksiyon ni Solar na ngayon ay sinusuyo na ni Byul. 

 

Umismid naman ako at napatingin kay Jennie nang makita ang huling tao na kasama ng grupo. Tahimik lang ito at tinatantsa kung magsasalita ba o hindi. Remember the lovey-dovey couple back in high school? Well, what happened to them back then remains in memory, now. Madami akong kilala na high school sweethearts na nagbe-break pagka graduate. Sadly, isa sila doon. Hindi namin alam kung ano ang dahilan, at hindi na din lang namin inalam ni Seulgi dahil ayaw din namang sabihin ng mga kaibigan namin. 

 

 

Now, I know that Jennie is already in a relationship with someone from the Engineering department of our university, too. Hindi ko pa nakikita kung sino iyon dahil hindi pa din naman niya pinapakilala. All I know is that the person she's currently seeing is a guy. 

 

 

"Kanina pa kayo nagi-intay?" marahang tanong sa akin ni Seulgi as soon as she broke the hug. 

 

 

"Hmm.. medyo." 

 

 

"Bagal ni Joy, eh. Kahit kailan talaga." umiling siya at pinagmasdan ang kaibigan ko na si Jennie. "I hope you don't mind her presence." bulong niya doon na hindi na lang pinansin ni Jen. 

 

 

"Why would I mind?" she shrugged at lumapit na kila Wendy para batiin ang mga kaibigan. 

 

 

It has been quite a while since Seulgi and I last saw each other. Naging busy sa mga exam at requirements na kailangan ipasa dahil magba-bakasyon. Today's the last day of school for the year. Bukas ay simula na ng December break. Second week na ng January ang resume ng classes. Kaya baka bukas ay umuwi muna ako sa amin sa Cavite. Kaya naman kahit itago ko, halatang halata ang pagka-sabik ko kay Seulgi. I can't help but cling to her. 

 

 

"Tara na. Magsa-start na." sabay sabay kaming tumango sa sinabing iyon ni Wendy. Nauna na silang maglakad ni Joy. Pamilyar din ito sa campus dahil dito sa UST noong first year. Nag-transfer lang sa La Salle noong second sem ng first year. Kaya ngayon ay irregular student pa din siya sa UST.

 

 

"Who's gonna perform tonight?" ang mahinang bulong ni Seulgi sa tainga ko ay enough para kilabutan ako. Hindi pa din pala ako sanay kapag masyado siyang malapit sa akin. 

 

 

"Spongecola yata." nakita ko ang pagliwanag ng mata niya dahil sa sagot kong iyon. Isa ang spongecola sa mga paborito niyang banda! 

 

 

Patapos na ang event nang umakyat sa stage si Yael, Erwin, Ted, at iba pang member ng band na hindi pamilyar sa akin. Sila pala ang main event ng paskuhan! Ang tutugtog habang fireworks display. 

 

 

Tinitigan ko si Seulgi na seryosong nakatingin sa stage, excited sa performance ng paborito niyang band. Her side profile is as beautiful as her front view. Everything about this girl is just so beautiful, and perfect. Hindi pa din ako makapaniwala that I once judged her based on her looks. Ironic, I must say. Dahil ngayon, ang mismong dahilan ng pag-husga ko sa kaniya ay siya ring dahilan ng pagkahulog ko sa kaniya. 

 

 

Her aura from before screamed like that of a troublemaker. She looked like someone who wouldn't do anything well. She looked like a brute, to me. Pero sino nga ba ang niloko ko? She turned out to be the person who would make me happy, who would make me feel complete, who would give me unexplainable feelings, who would bring butterflies in my stomach. My trouble maker. I smiled at that thought. 

 

 

Just then, the band started playing a familiar tone. My eyes remained on Seulgi, who is now looking at me with the same, intent gaze. 

 

 

Aahh Ahh Ahh Ahh Ahh Ahh
Gitna ng tabang at tamis
Kaya't hinagpis na hinahanap-hanap
Binabalik-balikan, inaasam-asam

 

 

She smiled back at me after realizing that I have been staring at her for a while now. 

 


Bawat hudyat ng lambing
Buka ng bibig, sayo'y hinihintay
Naghahandang lumipad, naghahandang bumitaw

 

 

The shock was evident on my face when Seulgi held my hand and intertwined it with hers. Ngumiti ulit siya at pinag-masdan na ulit ang banda, habang ang mga kamay namin ay hindi pa din mapag-hiwalay. 

 

 

Paulit-ulit mang masdan maganda mong mukha
Di magsasawang mahulog ang loob

 

 

Lahat yata ng tao, sa banda ang focus habang ako itong sobrang distracted kay Seulgi, lalo sa ginawa niya sa mga kamay namin. I have known her for four years, now. Sa loob ng apat na taong iyon, never akong nagsawa na pag-masdan ang kaniyang magandang mukha. Alam kong hulog na hulog na ako sa kaniya, pero kagaya ng lyrics ng kanta, hinding hindi ako mag-sasawang mahulog pa sa kaniya, 

 

 

Because it's her, it's Kang Seulgi. 

 

 

Dahil kilala na kita, handa na ako kilalanin ka pa

Dahil kasama na kita, ang nais ko lang makasama ka pa

 

 

"Seulgi.." mahina ang pagtawag ko sa kaniya, careful to not ruin her excitement from enjoying her favorite band. 

 

 

"Hmm?" humarap siya sa akin, nakangiti. 

 

 

"Are you enjoying this?" I heard her chuckle. 

 

 

"Of course." she smiled genuinely. "I'm listening to my favorite band perform live, with my favorite person." 

 

 

Araw-Araw mayroong spark, may holding hands pasway-sway pa
Dahil kilala na kita, handa na ako kilalanin ka pa

 

 

"Thank you, Seul." 

 

 

"For what?"

 

 

"For being with me in the past years." 

 

 

Sandali siyang tumigil, processing what I just said. Pagkatapos ay ngumiti siya, iyong ngiti na mas lalong nag pahulog sa akin. 

 

 

I love her. I have been admiring her since second-year high school and I only realized now that what I have for Seulgi is more than just admiration. I have experienced being attracted to different people. Although I have my eyes set only for Seulgi, I can't help but notice other pretty lads or handsome men. But only one person can make me so nervous, anxious, and at the same time happy whenever we're together. Only one person. Seulgi. 

 

 

Hindi ko alam if she feels the same way sa akin. Or if it's only me giving meaning to her gestures and the way she treats me. Hindi ko alam. Wala din akong lakas ng loob na tanungin siya tungkol doon. Especially now that I finally confirmed that I don't just like her. 

 

 

"Thank you for coming into my life." she said, in return for the kind words that came out of my mouth earlier. 

 

 

"Were we always this sweet?" tumawa nang mahina si Seulgi bago ilagay ang mga kamay sa balikat ko. 

 

 

"Thank you." 

 

 

Kasabay ng pag-simula ng fireworks display ay ang pagkalabog ng dibdib ko, joining the rhythm of the fireworks, along with the live band. Hindi pa din mai-proseso ang ginawang paghalik niya sa noo ko. It felt like, among the sea of Tomasinos celebrating and enjoying the event, there's just me and the person I love dearly, enjoying every minute with each other. 

 

 

I can only my future with her, no one else. 

 

 

 

=

 

 

Napailing nalang ako sa sarili nang maalala iyon. Bakit ba naman kasi sa lahat ng kanta, at sa dami nang bagong opm bands, iyong kanta pa na iyon ng Spongecola ang tugtog dito sa reception ng kasal? 

 

 

Hindi nakakatulong ang mga bagay bagay sa pag-kalimot ko kay Seulgi. Or so I thought. Nagmo move on nga ba ako sa kaniya? Kanina lang ay halos ihagis ko ang phone ko sa inis nang makitang may comment siya sa recent post ni Jennie, at sa akin ay wala, gayong fina follow niya naman ako! 

 

 

"Ma'am Irene." bulong ni Leslie, isa sa mga staff na naga-assist dito sa rooftop. 

 

 

"May call po from the front office. May guest daw po kayo na nagiintay sa lobby." kumunot ang noo ko doon. 

 

 

"But I'm not expecting anyone?" she shrugged at bumuntong hininga nalang ako. 
 

 

4:30pm na. Don't tell me, may magpapa ocular nanaman? 
 

 

 

Nag-paalam muna ako sa Supervisor ng f&b sa taas na si Heechul bago bumaba para sa sinasabing guest ko daw. Paulit ulit na nagpe play sa utak ko ang memory mula sa paskuhan na iyon habang nasa loob ako ng elevator. Natigil lang ito nang tumunog at magbukas, hudyat na nasa tamang floor na ako. 
 


 

The sound of my stilettos was the only thing that can be heard in the lobby, along with the soft jazz music playing at the lounge. Sa reception muna ako tumingin para sana itanong kung sino ang guest na nagiintay, nang ituro sa akin ni Angel ang mga nakaupo sa couch. 
 

 

 

I smiled genuinely at the two women smiling in front or me. Kailan ko nga ulit sila huling nakita? 
 

 

"Nice to see you again, Irene." si Wendy, ang kaibigan namin mula pa sa college ang unang bumati sa akin. 
 

 

"Nice to see you two, here, as well." I offered them to sit which they did. "How are you?" 
 

 

"Doing great! We just got her the day before yesterday and figured to visit you to catch up!" ang masaya at madaldal na si Joy ay ganoon pa din, taon man ang lumipas. 
 

 

"Wow! How long is your vacation, this time? I would gladly cater you but I'm afraid this isn't the perfect time." 
 

 

"Teka nga muna. Nasa Pilipinas naman tayo. Bakit ba tayo English nang english?" natawa ako agad sa sinabi ni Joy. "Busy ba?" 
 

 

"Medyo. I have an ongoing event and it won't end in an hour, kaya kailangan ko pang mag stay dito, until it ends." 
 

 

 

"But it's a Sunday?" I chuckled on Wendy's remark. 
 

 

"Yeah. Supposed to be my rest day, right?" 
 

 

"We saw Jennie sa mall and she told us you were here so we tried visiting." tinanguan ko nalang ang sinabing iyon ni Joy. 
 

 

"I can come with you, sana, since patapos na din ang office hours. Kaya lang, hindi ko talaga pwedeng iwan ang event." 
 

 

"We understand. Then maybe we can just set up another day?" I agreed with Wendy's suggestion, ngayon ay nakatayo na sila, handang magpaalam. 
 

 

 

"Tawagan namin ang iba. Perhaps we can take this chance to have a mini reunion. Ang tagal na din nating hindi nakumpleto." 
 

 

"Pero hindi pa din maku kumpleto." nagtinginan sila Joy at Wendy pagkatapos sabihin iyon ni Joy. Tumingin sila sa akin awkwardly pagkatapoos noon. 
 

 

 

Ah.. I guess they also do not know where she is. Akala ko pa naman ay alam ni Wendy kung nasaan siya. Lalo at close sila. Silang tatlo nila Byul, at Lisa. 
 

 

Bakit, Irene.. kung malaman mo ba na alam ni Wendy ay magtatanong ka? Kakamustahin mo siya? Ganoon ka karupok? 
 

 

Nagpaalam na ako sa dalawa nang makatanggap ng tawag mula sa rooftop, na kailangan ako sa taas. Hindi ko naman maiwasan ang manghinayang dahil akala ko.. akala ko may chance na akong makaalam ng update sa buhay niya. 
 

 

It looks like life is too cruel that it did not even want me to have a slim hope that Seulgi and I still have a chance. 
 

 

 

Wala na ba talaga?? 
 

 

 

                       ______________________________
 

 

 

song used: 

Singapore Sling by Spongecola

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)

Comments

You must be logged in to comment
kreidz #1
Chapter 16: BANGGGGG
its_aaarrriii
30 streak #2
Chapter 41: 😭🫶
xantheaverielle
#3
Chapter 42: Sobrang ganda 🥺 Probably the first Tagalog fic that I've read in a while na super daming emotions ang pinaramdam sa'kin 😩 Love how balanced the story is with the angst and fluff. Nothing too extravagant, just the story of them falling in love and how they surpassed all the struggles. Thank you so much for writing this author! Kumusta ka na po? I hope you're doing well, you really wrote this beautifully :)
KangLj #4
Chapter 17: Kilig muna bago yung sakit piste
KangLj #5
Chapter 4: Ang alam ko kasi si Irene ang ghosterist e haha cutie
ketchuppo324
#6
Chapter 16: T_T
yourdailyreader #7
Chapter 24: jusko seul, keep your together naaa
yourdailyreader #8
Chapter 7: napaka asado ni irene! hahah
yourdailyreader #9
Chapter 4: naks! strong and independent woman! hehehe
yourdailyreader #10
im starting this now.