Message

Kumusta ka na?

 

 

 

 

 

 

February 8, 2020

Day two of PTTA Travel Expo

 

 

 

 

Saturday ngayon at ako ang naiwan sa office. Si Solar naman ang kasama ni Ma'am Taeyeon sa pangalawang araw ng Travel Expo na in-attendan namin kahapon. Mayroon din kasi akong expected guest dito sa hotel ngayon araw, kaya hindi pwede na wala ako. Since my guest is a VIP, they will be needing special attention at kailangan na ako ang mag-supervise noon. Ako din kasi ang nakapag-close ng deal. 

 

 

 

Bukod doon, kailangan ko din icheck ang mga bookings sa OTA at siyempre, i-supervise ang front office bilang head ng department. Two days ko na din hindi naasikaso ang concerns nila dahil sa ibang concerns namin sa office at naging busy din for the preparations sa PTTA. Kahit iyong mismong pagsali kasi sa event, ako ang nakipag-coordinate sa mga organizers noon. Kaya as always, busy ako nang mga nakaraang week. 

 

 

 

Ang trabaho ni Solar sa office kahapon ay pagse send ng proposals sa mga nakausap namin from the expo na nag-bigay ng email address nila. We get most of our local guests from the Expo. Kaya kahapon, lahat ng email address sa mga business card na natanggap namin ay pinadalhan na agad ni Solar ng proposal. We send them our rates and packages, basically it's email marketing. Ganoon ang gagawin ko ngayong araw. 

 

 

 

"Ning, alam mo naman ang gagawin kapag may inquiries, diba?" 

 

 

 

Si Ningning ang kasama ko sa office. It's just the two of us, today. Kahapon kasi ay si Solar ang kasama niya. But since Ma'am Taeyeon scheduled Solar to be with her and Wheein today, I was assigned here in the office instead. Hindi kasi pwede na walang maiwan sa office. 

 

 

 

"Yes, ma'am. Don't worry po. Alam ko naman po ang gagawin." 

 

 

 

Ningning's internship will end on Tuesday. Nauna nang matapos last week ang mga kaibigan niya na sila Karina, Winter at Giselle. Naiwan lang si Ningning dahil may one week nga siya na nawala noong nagkasakit siya. Though, I know, na babalik sila agad after graduation. They are excellent interns and they were offered regular positions in the company. 

 

 

 

"Kapag may hindi ka alam sagutin, sabihin mo nalang sa guest that you'll check with the person in person in charge, first." tumango si Ningning. "Of course you'll have to ask for their contact number." 

 

 

10AM na ngayon at may iniintay akong guest na parating ng lunch time. Iyong VIP guest. Kaya pupuntahan ko ang kitchen at f&b para makita ang preparations nila doon. 

 

 

 

Ningning is a fast learner. May mga bagay na isang beses lang itinuro sa kaniya ni Wheein - ang nagma manage ng mga intern sa department namin, nakuha niya agad. Pero kahit ganoon, may ilang information na hindi namin shine share at tinuturo sa mga intern. They are also not allowed to make final decisions. Kung minsan kasi, sa mga phone inquiries, may mga guest na nagta-tanong ng discounts, nagta-tanong kung pwede ba nilang gawin ang isang bagay sa Hotel, or not. Kapag ganoon, hindi pwedeng sagutin ni Ningning. At dahil maiiwan ko siya sa office ngayon, kailangan kong ibilin sa kaniya ang mga bagay na ito. 

 

 

 

"Tawagan na lang po agad kita, Ma'am, kapag urgent." ngumiti siya. 

 

 

 

"Very good ka dyan." tumawa ako at lumapit na sa salamin para tingnan ang sarili. I then wore my stilettos. 

 

 

"Mag-facebook blitz po ba ako? Para sa valentines." 

 

 

"Ano ba ang sabi ni Ma'am Taeyeon?" 

 

 

"Wala naman pong bilin." 

 

 

"Hmm.. just do what you think is right." that's vague, kaya natawa siya. "I will be in the kitchen then the f&b. Call me only if it's important, okay?"

 

 

 

Dahil ine-expect ko na kailangan ko ngang bisitahin ang kitchen, nagbaon na ako ng extra blouse, this time. Hindi kasi pwede na humarap ako sa VIP na amoy pagkain. So now I am wearing my sky blue blouse partnered with my favorite black slacks and red stilettos from Prada. Then I will change into a neat cream blouse with a blue cardigan when I meet with the VIP later on. 

 

 

 

"Akala mo nanaman yata nasa runway ka." iyon ang bungad sa akin ni Chef Yuri pag-pasok ko sa teritoryo niya.

 

 

"Hindi ko kasalanan na pinanganak ako nang maganda, Ma'am." I joked na tinawanan niya lang.

 

 

"Hay, nako. HIndi ka talaga dapat pine-praise dahil lumalaki lang ang ulo mo!" 

 

 

"How are the preparations going, Ma'am?" 

 

 

"We are still preparing the ingredients. Full course meal ang in-avail ng guest mo kaya we will only start preparing their appetizer as soon as they arrive." tumango ako. 

 

 

"Hindi naman sila magi-intay nang ganon katagal, di'ba, Ma'am?"

 

 

"Of course. Mabilis lang naman 'yon." pinanuod ko ang mabilis, pero organized na movements ng mga Chef sa kitchen. "Gusto mo i-check yung quality ng meat na dumating from New Zealand?" 

 

 

 

Oo nga pala. The meats we use for the steak is imported from New Zealand. Request iyon mismo ni Sir Siwon. Wala na din kasing ganoon kagandang supplier na makuha dito sa bansa. 

 

 

 

"Hindi na, Chef. I trust you enough." tinapik ko na sa braso si Chef Kwon at tinuro ang pinanggalingan niya bago ako salubungin. "I won't disturb you, anymore. Tinignan ko lang progress niyo." tumango na si Chef Yuri at ako naman ay tuluyan nang lumabas sa kitchen. 

 

 

 

Mabuti na lang, hindi masyadong dumikit ang amoy ng mga pagkain sa blouse ko. But I will still change in to a more formal attire later. 

 

 

 

Sunod kong pinuntahan ay ang restaurant. The VIP booked a private room in our restaurant and so I'll have to check their preparations there as we are expecting the guests to arrive within an hour and a half. 

 

 

 

Malayo pa ako sa restaurant pero kita ko na ang maraming unfamiliar, uniformed men na nakapalibot sa labas ng restau habang ang iba ay may chine check sa loob. 

 

 

 

"Goodmorning, Ma'am Irene!" bati sa akin ni Lucas na nag-bukas ng glass door. 

 

 

"Si Ma'am Sooyoung?" tanong ko sa intern. 

 

 

"Nasa loob po, Ma'am." tumango na lang ako at dumiretso na sa kung saan nandoon ang head ng f&b. 

 

 

"Anong meron, Ma'am?" pabulong na tanong ko as soon as makalapit sa kaniya. 

 

 

"They're checking the facility. Para daw masigurado na walang magba bug ng usapan mamaya." napaismid ako.

 

 

"Are we in a movie or something?" pano ba naman kasi, kulang na lang ay mag-lagay ng K-9 dito!

 

 

"Nag-iingat lang 'yan sila. Alam mo naman ngayon.." tumango na lang ako. 

 

 

 

The very important guest that we are expecting is none other than Taguig City Mayor Lino Cayetano. The reservation was made by his Secretary last week. Ako ang contact noon kaya ako ang nag-asikaso. It is the Mayor's and his wife's wedding anniversary so they decided to have an intimate lunch with their family in our hotel. Kaya bukod kay Mayor ay inaasahan din namin dumating sina Senator Alan Cayetano and Sentator Pia Cayetano along with their families. Kaya nga siguro masyadong tight ang security. 

 

 

 

"Hindi ka sinama ni  Kim Taeyeon ngayon?" tanong sa akin ni Ma'am Sooyoung. 

 

 

"Buong buo, ah." natawa kami. "Ako pinaiwan niya sa office dahil dito kay VIP.."

 

 

"Ma'am Irene! Phone call po." napalingon kami doon ni Ma'am Sooyoung. Agad naman din ako lumapit. "Si Ms. Ningning po, urgent daw po."

 

 

"Thank you for waiting! This is Irene speaking." 

 

 

Nang matapos agad ang tawag ay bumalik na ako sa office. Ang Aling Maliit daw kasi, naiinis dahil hindi niya ako ma-contact, kaya tumawag mismo sa line sa office. Ayaw na ayaw kasi ni Ma'am Taeyeon na hindi agad sinasagot ang phone. 

 

 

"Kanina pa tumawag, Ning?" tanong ko as soon as makabalik ako sa office. 

 

 

"I called you as soon as we got off the phone, ma'am."

 

 

"Great. Thank you!" 

 

 

Tiningnan ko ang cellphone ko at nakitang may 12 missed calls doon mula kay Ma'am Taeyeon, at tig 10 missed calls mula kina Wheein at Solar. Kaya naman, hindi na ako nag-patagal pa at agad tinawagan si Taeyeon. 

 

 

"Mabuti naman, Irene! Akala ko hindi ka na humihinga dyan!" napapikit na lang ako habang pinakikinggan pa ang mahabang sermon ni Ma'am Taeyeon. Ano ba ang
bago? "Sana naman kasi, trabaho ang inaatupag hindi puro facebook!" 

 

 

 

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Dahil seryoso, iyon ba ang dapat kong marinig ngayon?

 

 

 

Hindi na nga ako makalma dahil sa mga report na tinapos ko kaninang umaga, pagkatapos ay kailangan ko din magpabalik balik sa kitchen at restaurant para tingnan ang preparations nila doon para sa pag-dating ng VIP. Eh samantalang siya doon, kahapon, tamang upo lang at tamang pagsa-spotify habang kami ni Wheein ang abala sa mga nagi inquire! Tapos ito pa ang maririnig ko mula sa kaniya ngayon?

 

 

"Sorry po, Ma'am. Tiningnan ko kasi po yung progress ng preparations nila sa kitchen at restaurant." kinagat ko ang labi ko, iniintay ang magiging reaction niya dahil for sure, she'll take this as me, talking back to her. 

 

 

"Wala akong pakielam!" napapikit ako ulit. "May limang guest dito na nagi-intay na ma-sendan mo ng quotiations, ASAP. Kanina pa 'to nag-iintay. Napakabagal mo kasi kaya naipon na!" 

 

 

Sumandal ako sa swivel chair ko at hinilot ang sentido. I felt how NIngning was looking at me, concerned, kaya hinarap ko siya at nag-gesture na ayos lang ako. 

 

 

"I'll send you the details as soon as this call ends. Gawin mo agad kung ayaw mong mapatungan ka ng trabaho." 

 

 

"Yes, Ma'am." 
 

 

 

Pagka-baba nang tawag na iyon ay sunod sunod ang mga messages mula sa kaniya. Pictures iyon ng notes ng details para sa gagawin kong quotations. At hindi nga siya nagbi-biro, lima nga iyon. 

 

 

 

One New Message From: 

Ma'am Taeyeon

 

Solar will send you the email address of each guest. Finish it as soon as possible. 
 

 

 

 

I just typed a simple reply to acknowledge her message as she doesn't want being left on read. Tapos ay napatingin ako kay Ningning at nginitian siya. 
 

 

 

"You can eat your lunch now, habang nandito ako. I'll leave again when the VIP arrives at hindi pwedeng walang maiwan sa office." tumango si Ningning at tumayo na. 

 

 

 

"You okay, Ma'am?" 
 

 

 

Napatingin ako sa intern, nagngingilid ang mga luha. Sa lakas ng boses ni Ma'am Taeyeon, sigurado akong narinig niya ang usapan namin sa phone kanina. Tumango ako sa kaniya at umayos na nang upo sa aking swivel chair. 
 

 

 

"I'm fine." nabasag ang boses ko pag-sabi noon. I nodded on her one more time before she went out of the room. 
 

 


 

That's when I wiped the tears forming on my eyes. Hinayaan ko na umagos ito nang ilang sandali pagkatapos ay kinalma ko na ang sarili ko. 

 

 

 

I don't have time to cry as I have a pile of works to do. 
 

 

 

=

 

 

 

 

Hindi ko na namalayan ang oras. It's almost 12 noon at natapos ko na ang lahat ng pinapagawa ni Ma'am Taeyeon. Now I just have to send these to its respective receivers. Mabuti na lang din at wala pang tumatawag sa akin para papuntahin sa lobby para sa pag-salubong sa mga VIP. 

 

 

 

"Ning, kapag hinanap ako, nag change lang kamo ako ng top. Susunod ako agad." tumango si Ningning sa sinabi ko. 
 

 

 

I saved the final proposal that I made before heading to our private bathroom. Mayroon kaming sariling comfort room sa office dahil hindi gusto ni Ma'am Taeyeon ang shared bathroom. Nag change lang ako ng top pagkatapos ay nag-retouch ng make up. 
 

 

 

Sakto naman na final touches na lang ang kailangan nang maka receive ako ng tawag na kailangan na namin mag line up sa lobby. Ibinilin ko na din kay Ningning ang mga dapat niyang gawin sa office. Pati ang pagse-send ng proposals na ginawa ko through email. I made sure that I gave her clear instructions bago ako lumabas ng office. 
 

 

 

"Ang shala talaga ni Madam, naka blazer pa!" tinawanan ko nalang ang sinabi na iyon ni Ma'am Yoona. 
 

 

 

"Para presentable, Ma'am." sagot ko. 
 

 

 

"Nakakainis nga at nakalimutan ko dalhin ang heels ko. Ang liit ko tuloy!" Sabay sabay namin tinawanan ang reklamo na iyon ni Ma'am Sunny. 
 

 

 

I remember other's accusations of her. Dahil doon ay nag-decide si Sir Siwon na mag-conduct ng sarili niyang investigation at nalaman doon na hindi naman kino- corrupt ni Ma'am Sunny ang accounts. Sir Siwon found the staff who spread the rumor at finire iyon. 

 

 

 

"Irene, come with me." tawag sa akin ni Sir Siwon na tinanguan ko. 

 

 

Lahat ng head ng bawat department ay nakatayo ngayon sa lobby, handa nang i-welcome ang mga VIP. We are like in a scene of a movie, because of our position. Isinama ako ni Sir Siwon sa main entrance at katabi ako na iwe-welcome ang mga guest. 

 

 

Kinakabahan kong inayos ang damit ko nang tumigil sa vertical ang isang itim na expedition. Bumaba mula sa front seat ang isang body guard at pinag-buksan ng pinto si Mayor. 

 

 

 

"Welcome to Red Mare Hotel, Sir." bati ni Sir Chiwon at nakipag- shake hands kay Mayor nang makababa ito sa sasakyan. 

 

 

"It's nice to finally meet you, Mr. Choi!" maligayang bati ni Mayos at tinanggap ang kamay ni Boss. 

 

 

"This is Irene Bae. She is the one who organized your banquet. She is also the Head of the Front Office, Sir." my boss gestured me at lumapit naman ako para makipag- shake hands kay Mayor. 

 

 

"It's a pleasure to have you here, Sir." 

 

 

Sunod naming binati ang wife ni Mayor kasama ang kanilang mga anak. 

 

 

Sir Siwon and I walked the Mayor to the private room they reserved. Siniguro namin na comfortable na sila doon, bago kami umalis para i-welcome naman ang dalawang dumating na kapatid ni Mayor na mga Senator. 

 

 

 

Mabuti na lang, tapos na kami sa introductions nang tumawag si Ningning sa front office dahil mukhang kino-contact nanaman ako ni Ma'am Taeyeon. Bumalik ako sa office at naupo, napagod dahil sa pagbalik-balik ko sa restaurant at sa lobby. Sumandal ako sa swivel chair at kinuha ang cellphone ko. Nabasa ko doon ang message ni Ma'am Taeyeon. 

 

 

One New Message From: 

Ma'am Taeyeon

 

Tama na ang publicity mo dyan. May mga se-sendan ka ulit ng proposal. ASAP 'to. Big fish.

 

 

 

Pumikit ako ng mariin. Halo halong pagod, sakit ng ulo dahil sa init at gutom ang nararamdaman ko ngayon. Pero binalewala ko iyon dahil part iyon ng trabaho.

 

 

 

This is the reality, Irene. You have no other choice but to do this. 

 

 

 

Paulit ulit lang iyon sa isip ko hanggang matapos ko ang mga trabaho sa araw na 'to.

 

-----------------------------------------------------------------------------------------------

 

I apologize for the typographical errors. I don't proofread. 

Have a great weekend!

 

@ateeneri on twitter. :D

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)

Comments

You must be logged in to comment
kreidz #1
Chapter 16: BANGGGGG
its_aaarrriii
30 streak #2
Chapter 41: 😭🫶
xantheaverielle
#3
Chapter 42: Sobrang ganda 🥺 Probably the first Tagalog fic that I've read in a while na super daming emotions ang pinaramdam sa'kin 😩 Love how balanced the story is with the angst and fluff. Nothing too extravagant, just the story of them falling in love and how they surpassed all the struggles. Thank you so much for writing this author! Kumusta ka na po? I hope you're doing well, you really wrote this beautifully :)
KangLj #4
Chapter 17: Kilig muna bago yung sakit piste
KangLj #5
Chapter 4: Ang alam ko kasi si Irene ang ghosterist e haha cutie
ketchuppo324
#6
Chapter 16: T_T
yourdailyreader #7
Chapter 24: jusko seul, keep your together naaa
yourdailyreader #8
Chapter 7: napaka asado ni irene! hahah
yourdailyreader #9
Chapter 4: naks! strong and independent woman! hehehe
yourdailyreader #10
im starting this now.