Untold #1

Kumusta ka na?

 

______________________________________________________________________________________________________________________________________

Tj Monterde - Hanggang Dito na Lang 

______________________________________________________________________________________________________________________________________

 

 

 

Sabi nila, hindi mo daw matuturuan ang tao na mag-mahal. 
 

 

 

Hindi ako naniniwala, ang hirap paniwalaan. 
 

 

I grew up in a broken family. Hiwalay ang mga magulang ko dahil against ang pamilya ni Papa, na isang Thai, sa Mama ko na Pilipino naman. They were married for two years. Sa Thailand daw kami nakatira noon. Pero pinauwi kami sa Pilipinas dahil pinalayas ng mga magulang ni Papa si Mama. We lost contact from him, since then. 

 

 

Lumaki akong galit sa tatay ko. I believed that if he really loved my mother, hindi niya hahayaan na matapos ang relasyon nila ng ganoon. He had a child - with my mother. Pero hinayaan niyang ipatapon kami ng nanay niya pabalik ng Pilipinas dahil lang sa isyu nila sa lahi namin. 
 

 

I am proud of my mother, still, because she was able to raise me into a fine woman alone. Nagsikap siyang magtrabaho para may makain kami sa araw-araw. Nagsikap siya para makapag-aral ako sa maayos na paaralan, at ako itong nangangako sa kaniyang hindi ko hahayaan na mauwi lang sa wala ang lahat ng pagsisikap niya. 
 

 


Nakita ko kung paanong iniwan at pinabayaan ng tatay ko si Mama. I will never forgive him for what he did. Nangako ako sa sarili na balang araw, magma-mahal ako ng tunay, at hindi ko hahayaang maranasan ng taong iyon ang naranasan namin ni Mama, sa taong minsan niyang minahal. 

 


 

Nang pumasok ako sa isang all-girls school, na-realize ko kung ano ang preference ko. Kaya pala hindi ako na-attract sa mga lalaki, dahil babae din ang gusto ko. At iisang tao lang ang nag-patunay noon sa akin. 

 

 

"Hey." tinaasan mo ako ng kilay, pagkatapos ay ngumisi ka. 

 

 

Kasama mo nanaman ang bestfriend mo, si Joohyun. 
 


 

Noong una mo itong pinakilala sa akin, natakot akong lapitan kasi mukhang mataray, may attitude, seryoso. Parang--ikaw din. Noong una tayong nagkakilala sa club. 

 

 

"Sama ka sa amin mamaya?" tanong mo habang naka crossarms, pinapanuod akong magligpit ng gamit ko. 

 

 

"Saan?" tanong ko pabalik. 

 

 

"Rufo's. Gustong kumain ni Irene ng tapsi, eh." natatawang sabi mo. 

 

 

"Ako ba? Wag ka magpaniwala dito, Lisa. Gusto ka lang makasama nito kaya ginamit akong excuse." 

 

 

Natawa naman ako dahil bigla mong nilakihan ng mata si Irene, as if may sinabi siya na hindi dapat. 

 

 

Isinuot ko na ang shoulder bag ko, finally, tapos na din mag-ligpit ng gamit at magpunas ng pawis. Nakakapagod din ang practice kanina at gutom na din naman ako. 
 

 

"Eh si Rosé, iiwan nanaman natin?" hindi ko agad pansin ang pag-simangot mo nang banggitin ko ang pangalan ng kapatid mo. 

 


Humagikgik si Irene. "What?" litong tanong ko. 

 

 

"Bakit naman kasi laging hinahanap yung wala naman dito." 

 

 

"Eh baka mag-tampo nanaman kasi si chipmunk kapag hindi natin sinama." 
 

 

Totoo naman. 
 

 

Chaeyoung, your sister, is my classmate. Ahead kayo ni Irene nang isang taon sa amin. Pero kahit ganoon ay naging close tayong apat. Kaming dalawa talaga ni Chaeng ang unang naging close, siyempre, dahil nasa iisang section lang kami. Tapos, tayo naman, naging close dahil sa madalas na sabay na practice ng clubs natin. Hindi ko naman inaasahan na ito pa ang magiging dahilan para mahulog ako sayo. Dahil seryoso - ano ba ang nagustuhan ko sayo? 

 

 

Yang maganda mong ngiti, yang fluffy cheeks mo na palagi kong gustong kurutin, ang cute kasi eh. Yung mood swings mo - lalo ang pagtataray mo. May mga schoolmate tayong takot sa'yo o ayaw lumapit sa inyo ni Irene. Mukha kayong intimidating pareho, kasi. But that's what made you more attractive. That's what made me fall for you harder. 

 

 

I like that you are a strong, independent woman who doesn't care about people's judgments, or what other people say. I like that you can stand up for yourself, for your friend, and for your sister. You seem like an unbreakable woman -- you really are. It made me want to break your walls because I know that a strong woman like you deserves to be loved genuinely. I know that a strong woman like you loves strongly, too. 

 

 

 

"I really hate Mr. Romero.." sabi ni Chaeng paglunok ng isinubo niyang tapa. "Errm this is seur gurd.." 

 

 

Sabay sabay natin siyang tinawanan. Hilig talaga nitong si Rosé ang magsalita, kahit may laman pa ang bibig niya. 

 

 

"Damn. Tagal natin hindi nag Rufo's. I missed this!" uminom siya ng tubig. "Anyway, I hate Mr. Romero. If not for the bell, baka nasa class pa din kami until now because of his life's history." 

 

 

"Nag-kwento nanaman ba?" tanong ko, as I wasn't able to attend class this afternoon because of our club's schedule. 

 

 

"Oo! The same old kwento na he met his wife daw while in a conference, tapos he lost his wife when they attended a conference, too. Konti na lang yata, memorize ko na ang lovelife niya!" 

 

 

Hindi nauubusan ng kwento ang teacher na iyon. Kaya naman lagi din naiinis is Chaeng dahil imbes daw madami kaming matutuhan sa klase niya, mukhang mas mape-perfect pa namin ang exam na puro tungkol sa buhay niya ang tanong. 

 

 

Tinititigan lang kita habang nagku-kwento ang kapatid mo. Tuwang tuwa ka dahil sa reaction nito at sa boses na hindi maintindihan dahil sinasabayan niya ng pagkain ang kwento niya. You're looking at your sister like you're so proud of her, your gazes are full of love, full of adoration towards her. 

 

 

Iyang mga ngiti mo, para akong nilulunod at tinutunaw. 

 

 

 

Sabay kaming umuwi ni Irene. Naghiwa-hiwalay tayo dahil hindi naman pareho ang direction ng mga uuwian. Si Irene, uuwi sa bahay nila sa Dasmariñas dahil weekend naman ngayon. Silang dalawa lang kasi ng Ate niya sa apartnment na inuuwian dito sa Manila, at gusto ng Tita nila na nasa Dasma sila kapag weekends. 

 

 

Irene's parents died they were in second year. It was an unfortunate car accident. Naiwan siya, ang Ate Tiffany niya, at ang bunso nilang kapatid na si Lia. It was the darkest days of Irene's life. She had no time to mourn for her parents' death, dahil biglaan iyon at talagang hindi nila inaasahan. Dalawang buwan yata namin siyang hindi halos makasama. School at bahay lang ang buhay niya, dahil sa nangyari sa mga magulang niya. She suddenly shut down - which is, naiintindihan naman namin dahil hindi din nga biro ang nangyari sa kanilang magkakapatid. Good thing, though, na naiwan sila sa kapatid ng mama nila na tumatayong magulang nila ngayon. 

 

 

"Nagka-usap na ba kayo?" gulat ako sa biglang tanong ni Irene habang naglalakad kami. 

 

 

"Nino?" pabiro akong tumawa. 

 

 

"Ni Jen." ngumisi si Irene. "Umamin ka na ba?" 

 

 

Mabuti na lang at patag ang daan dahil baka natalisod pa ako dahil sa tanong ni Irene! 

 

 

Dahil ano daw? 

 

 

Umamin? Sayo? 

 

 

"Gulat na gulat ka dyan. Akala mo naman hindi ka halata." tumawa si Irene, yung pang-Tita laugh niya.  "Nakakaramdam din 'yon. Kaya lang, alam mo naman, iniintay niya na sabihin mo." 

 

 

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig ko mula kay Irene. 

 

 

Nakakaramdam ka? Ramdam mo na.. gusto kita? 

 

 

"Para kang shunga dyan, Lisa!" hinampas ako sa balikat ni Irene. "Hindi ko 'to sinasabi sa'yo para i-pressure ka. Pero kasi kung pareho kayong dalawa na maghihintayan, sayang yung panahon. Fourth year na kami, college na kami next year. Baka nakakalimutan mo.." 

 

 

Buong weekend yata akong hindi mapakali dahil sa sinabi na iyon ni Irene. Hindi ako makapaniwala na after all these years, pareho pala tayo ng nararamdaman para sa isa't isa! Gusto mo din ako, at nararamdaman mo ang paminsang mga gesture ko! 

 

 

Kaso, may point din si Irene nang sabihin niyang graduating kayo this year. Ano nga ba ang nangyayari sa mga couple na naghihiwalay pagkatapos ng high school? Legit na hiwalayan yata. 

 

 

Potek, hindi pa nga tayo, iniisip ko na agad ang hiwalayan! 

 

 

 

 

=

 

 

Di ako yung type na mage-effort ng todo kapag aamin o manliligaw. Para saan pa ang mga extravaganza na iyon, eh ang mahalaga lang naman, maamin mo yung nararamdaman mo? Besides, hindi ko din naman gagawin ang confession in public. 

 

 

Isipin mo, nag effort ako ng maraming balloons at flowers tapos hindi naman pala sasagutin? Pressure din iyon para sa tao na paga-aminan ko dahil iisipin niyang kawawa ako kung hindi ako sasagutin dahil baka mapahiya lang. 

 

 

In short, pipiliin kong umamin sa iyo nang tayong dalawa lang. Walang audience, walang magarbong props. Hindi naman kasi kailangan iyon, diba? Hindi din naman ikaw yung type ng tao na mahilig sa ganoong mga ka-echosan. 

 

 

"Mamaya na ba?" mahinang bulong ni Irene na tinanguan ko. "Wag ka kabahan. Baka mawala sa isip mo yung sinaulo mong speech." 

 

 

Tinitigan ko siya nang masama at sumimangot. "Wala akong minemorize 'no. Kailangan pa ba ng speech?" 

 

 

"Eh ano balak mo? Sabihin mo lang agad agad na bet mo siya, ganon?" 

 

 

"Oo! Baka mabatukan lang ako 'non kung hahabaan ko pa ang sasabihin ko eh in the end ang point ko lang naman ay gusto ko siya." 

 

 

Natatawa si Irene at tinusok pa ako sa tagiliran. "Yie!! Inamin niya na din na may gusto siya kay Ruby Jane!" 

 

 

Lumaki ang mata ko at napahawak sa bibig. Ayaw na ayaw ni Jennie na marinig ang pangalan na iyon! 

 

 

"Pasalaman ka malayo pa siya at hindi ka narinig.." 

 

 

Tumigil kami ni Irene sa pag-tawa at tumahimik na dahil palapit ka na, kasabay na naglalakad ang kapatid mo. Nakapag-plano na kami ni Irene kung paano mapapa-sama sa kaniya si Chaeng para may alone time tayo. Simple lang naman. Dinner ulit sa Rufo's dahil iyon ang paborito mong kainan na malapit lang dito sa school. 

 

 

Isa pa, doon din tayo unang nag-'date'. 

 

 

"Anong trip 'non si Irene? Hindi naman mahilig 'yon sa mcdo dahil hindi kumakain ng chicken." nag-kibit balikat ako sa tanong mo. "Sinuhulan mo 'no?"

 

 

"Luh, sinasabi mo dyan?"

 

 

Tumawa ka. "Ewan ko sa'yo. Saan tayo?" 
 

 

"Sa walang kasawaang Rufo's." 

 

 

Iniintay ko ang makahulugan mong ngiti, handa na husgahan mo ako dahil sa tuwing magkasama tayo, tapsi ang kinakain natin. Tumawa ka nalang sabay iling. 

 

 

"Tara." 
 

 

Nangiti ka at unang naglakad. Sa totoo lang, kinakabahan ako. This will be the first time that I will be confessing my feelings for someone, let alone a girl. 

 

 

Para akong mangingisay dahil sa biglang paghawak mo ng kamay ko. Hindi mo ito binitawan hanggang sa makarating tayo sa Rufo's at maka-order. Wala ka pa yatang balak bitawan ito, kung hindi lang siguro natin kayang kumain.

 

 

"Ang bilis mo naman." bati mo sa akin dahil nagsimula na akong ligpitin yung utensils ko. 

 

 

"Gutom ako, eh." 

 

 

Tinitigan kita habang kumakain ka. Even the way you eat screams elegance. Ganito ba talaga kapag born with a silverspoon? Yung kahit pang-masa ang kinakain mo, nagagawa mo itong pagmukhaing elegante at sobrang sarap. 

 

 

Well, masarap naman talaga ang tapsi dito sa Rufo's. 

 

 

"So, wag mo sabihin na pumunta tayo dito para lang kumain." 

 

 

Kinakabahan akong napatingin sayo. Your eyes were anticipating. I gulped. Para akong natuyuan ng laway. Ganito pala yung pakiramdam ng magko-confess ka sa taong hindi mo sigurado kung anong magiging reaksyon sa sasabihin mo. 

 

 

Sa totoo lang, hindi ko din alam talaga kung ano ang sasabihin sa'yo. Gaya kasi ng sabi ko kay Irene, I didn't prepare a long speech for this. I wanted it to sound as natural as it can be. Ganoon naman dapat, hindi ba? 

 

 

"Actually may sasabihin talaga ako sayo.." simula ko, halata ang kaba sa boses. "I long wanted to say this to you. I just couldn't find the right time for it." 

 

 

"Baka ang ending nito mangutang ka lang ha?" sinamaan kita ng tingin. Nagawa mo pa talagang magbiro. "Joke lang, osige, continue." 

 

 

"Jen, alam mo yung sa tuwing kasama kita, parang buo na ang araw ko agad? Kahit na may masamang nangyari sa akin ngayong araw, kayang kayang mawala 'yon, isang ngiti mo lang. You have that effect on me." sandali akong tumigil para huminga. Hindi naman siguro ako tunog nagra-rap doon? "Noong una, akala ko normal lang 'yon. Because I am attached with you - because we're close. Kaso kasi, habang tumatagal, parang mas lumalalim. Parang hindi ka na lang basta nagpapasaya sa akin." 

 

 

Tinitigan mo ako ng mabuti, inaaral ang mukha ko at ang mga susunod kong sasabihin. 

 

 

"You are what keeps me going. Yung mga ngiti mo, yung mga yakap mo, at kahit yung simpleng pag-hawak mo sa kamay ko. Para akong nalulunod sa tuwing ginagawa mo 'yon." ngumisi ka. "And then I realized, hindi na lang pala ito simpleng adoration sayo, bilang kaibigan ko. I have grown fond of you that I want all these only for myself. Gusto kong sa akin ka lang ganito, at hindi sa iba." 

 

 

Unti unti kong inangat ang ulo ko. Parang wala lang sayo ang mga sinasabi ko. Nakangiti ka at inaabangan kung hindi pa ako tapos sa speech ko. 

 

 

"Dahil gusto kita, Jennie. Gusto kita hindi lang bilang kaibigan. Gusto kita bilang si Jennie Kim." 

 

 

Katahimikan. 

 

 

Hindi ka agad nagsalita. Hinayaan kita doon. 

 

 

Handa naman ako dito, eh. Alam ko naman na hindi mo ako gusto. 

 

 

"Yun lalng pala ang sasabihin mo." napatingin ako ulit sayo. "Sana diretso mo nang sinabi na tayo na." 

 

 

Loko ka talaga. Nagawa mo pa akong tawanan sa ganitong sitwasyon! 

 


Pero.. teka.. tayo na? 

 

 

"Ha?" naguguluhang tanong ko sayo. 

 

 

"Tayo na." umirap ka. "Diba sabi mo, you want all of me for yourself? Gusto mo ako, gusto din kita. Kaya tayo na." 

 

 

Biglang nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi mo. Hindi ako handa dito! 

 

 

Tayo na?! Girlfriend na kita?!

 

 

"You look like you're constipated, babe." namula ako bigla sa sinabi mo. Woah, woah, ang bilis ng phase natin! "Opps. Masyado bang mabilis?" 

 

 

Tumawa ka habang tinitigan kita ng masama. "Tayo na?" tanong ko pa din, hindi sigurado. 

 

 

Tumango ka. "Kahit ako din naman, nararamdaman ko yung mga paramdam mo. Kahit ako, minsan hindi ko din mapigilan i-express yung nararamdaman ko para sayo." you shrugged. "Kung hindi ka pa nag-confess ngayon, baka inunahan na kita." 

 

 

Ano daw?! 

 

 

 

=

 

 

Malakas ang pagtawa ni Irene nang ikwento natin sa kaniya ang nangyari sa Rufo's nang gabi na iyon. Kantsaw ang inabot ko sa kaniya, dahil akala niya naman daw ay may nakahanda akong pakulo -- ang confident ko kasi noong ipinaalam ko sa kaniya. Sinabi niyang hindi niya inaasahan na ganoon pala ka-simple ang confession ko. At ang bilis daw dahil tayo na agad. 

 

 

If I know, inggit lang naman si Irene dahil wala pa siyang jowa. Sinasabi niyang wala pang panahon pero alam naman natin na choosy kasi siya kaya't hanggang ngayon eh single pa din siya. Besides, hindi din naman lahat ng estudyante dito sa school natin ay bakla, kahit pa all-girls school ito. 

 

 

Nagkaroon ng landi life si Irene nang may dumating sa section niyo na transferee from La Salle Zobel. Excited ka nang ipakilala ito sa akin. Noong una nga, akala ko pagseselosan ko yung bagong classmate niyo. Kasi kung ikwento mo sa akin, parang wala kang jowa eh. Pero, gets ko naman, siyempre, na masaya ka lang at excited para sa bestfriend mo na noong una ay kung tarayan si Seulgi, wagas! 

 

 

"Gano na kayo katagal ni Jennie?" tanong sa akin ni Seulgi nang minsan na naiwan kami habang kayo ni Irene ang umo-order sa cafeteria. 

 

 

Tipid tipid tayo ngayon dahil may binabalak kayong outing next week. 

 

 

"This July lang. Tagal ko kasi nag-hold back." tumango si Seulgi. "Ikaw ba?" 

 

 

"Anong ako?" tinitigan ko siya ng masama at natawa na lang siya. "Ano ba ibig mo sabihin?" 

 

 

"Hindi mo ba gusto si Irene?" nagulat siya sa diretsong tanong ko. Para namang hindi pa nasanay sa akin ang isang 'to. "Halata ka kaya. Kung makatitig ka 'don kay Mareng Joohyun. Ganyan ko din titigan si Jennie eh." 

 

 

Ngumisi lang ng nakakaloko si Seulgi. "Halata naman pala eh bakit mo pa ako tinanong?" 

 

 

"Anong plano mo? Yun kasi ang tanong ko." 

 

 

Hindi ko din alam bakit at paano kami biglang nag-click nito ni Seulgi, eh. Pero kung paano kayo ka-solid ni Irene, ganoon din kami ka-solid ni Seulgi. Siguro dahil marami kaming magkaparehong personality. Kaya mabilis din kaming nagkasundo. 

 

 

"Ayokong madaliin. Compared naman kasi sa inyo ni Jen, kami ni Irene, nito lang nagkasama. Parang masyadong mabilis kung sasabihin ko agad sa kaniya na gusto ko siya." umiling si Seulgi. "Sa ngayon, gusto kong i-enjoy muna namin. Yung wala kaming feelings na iniisip. Ang hirap kasi kung ipipilit ko, kung gugulatin ko siya, kung ipe-pressure ko siya, tapos sa bandang huli, hindi naman pala siya sigurado." 

 

 

 

 

Nakatingin ako sa malawak na field habang inaalala ang sinabing iyon sa akin ni Seulgi. Pareho kami ng opinyon sa ilang mga bagay, pero ang opinyon niya na iyon ay kinontra ko noong una. Akala ko kasi, nagsasayang lang siya ng panahon sa paghihintay kay Irene.. Akala ko kasi, pwede namang umamin na din siya, gaya ng ginawa ko sayo noon, dahil gusto kita. 

 

 

Ngayon ko lang na-realize na tama ang desisyon ni Seulgi. Hindi siya nagmamadali. 

 

 

Hindi din sana ako nagmadali. 

 

 

Dahil ano nga ba ang nangyayari sa atin ngayon?

 

 

"Parang ang selfish mo naman kung pipilitin mo akong mag-La Salle na din, dahil lang sa doon ka magka college." you laughed without humor, napayuko na lang ako. "That's childish. Oo, girlfriend kita.. but why would we change each other's plans and dreams only because we have already depended on each other because of this.. relationship?" 

 

 

Akala mo siguro, hindi ko napapansin. 

 

 

You, acting cold towards me. Hindi lang sa replies mo sa messages kundi pati sa paraan ng pagtrato mo sa akin kahit magkasama tayo. 

 

 

Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago. May nagawa ba akong mali? May nasabi ba ako? May.. iba na ba? 

 

 

"Right. I'm sorry about that, babe. Hindi ko na ipipilit." malungkot akong ngumiti. 

 

 

 

Tinatanong kita kung saan ka magpapatuloy ng college. First choice niyo talaga ni Irene ang UST, kahit noong una ay pareho niyong gusto mag-UP. Ewan ko ba sa inyo at biglang nagbago ang isip niyo. I was trying to convince you na mag UP na lang, dahil doon ko balak mag college. Maganda kasi ang Engineering courses nila doon, at balak kong mag take ng Civil Engineering kaya't doon ako sa college. Nasobrahan yata ako sa pag-convince sa iyo kaya nainis ka sa akin ngayon. 

 

 

It is almost your graduation. Naiintindihan ko na busy ka dahil sa rehearsals niyo. Matagal na tayong hindi nakakalabas, matagal na din nang huli tayong mag-usap tungkol sa relationship natin. Gusto kong tanungin ka kung ano ang nangyari, kung bakit tayo nagkakaganito, pero pinipigilan ko. Alam kong pagod ka, busy, at stressed dahil sa nalalapit niyong graduation. 

 

 

Isa pa, tama si Seulgi. 

 

 

Hindi dapat magmadali. Hindi kita dapat madaliin. 

 

 

Um-attend ako ng graduation mo. Your parents even took me with you, sa family dinner niyo pagkatapos ng graduation rites. Hindi na sana ako sasama pero nag-text sa akin si Mama na late ang uwi niya dahil kailangan mag-overtime sa site. Engineer kasi ang Mama ko at madalas siyang wala sa bahay ngayon, dahil sa project nila outside Manila. 

 

 

Proud ako dahil pareho tayong legal sa mga pamilya natin. Ako ang naunang magpakilala sayo kay Mama, bilang girlfriend ko. Of course, she was surprised at first, dahil ang bata ko pa daw para magkaroon ng girlfriend. Pero wala na din magawa si mama dahil alam niya din naman ang epekto mo sa akin. Then, you introduced me to your parents, too. Takot ako noon sa Dad mo na sundalo. But they were sweet sa akin, and they supported us kaya't naging comfortable ako sa kanila. 

 

 

Hindi ko tuloy alam kung bakit ang awkward ko sa dinner kagabi, dahil ganoon din ang pinaparamadam mo sa akin. Hindi ko alam, kung bakit nagkaganito. 

 

 


"Kanina ka pa?" mahinang tanong mo at naupo sa tabi ko. 

 

 

Bakasyon na. Dalawang araw na ang lumipas simula nang graduation mo. Nag-text ka kanina para magkita tayo sa MOA at makapag usap. Pumayag ako agad dahil ang tagal na din nating hindi lumalabas -- more so, matagal na tayong hindi naguusap. 

 

 

"Sorry." agad akong napatingin sayo. "Traffic eh." 

 

 

Naramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin tapos noon. Hindi din ako makapagsalita, wala din naman kasi akong idea kung ano ang saasabihin sayo. 

 

 

"Gutom ka? Starbucks tayo?" 

 

 

Umiling ako. "We can talk here. Antayin na din natin ang sunset?" 

 

 

Pumayag ka at sabay tayong napatingin sa langit. Malapit nang lumubog ang araw, dumidilim na din ng konti dahil dito. 

 

 

Wala ka pa din yata balak magsalita.. 

 


"Okay pa ba tayo?" biglang tanong ko, hindi natiis ang katahimikan. "Kasi.. hindi ko alam kung may nagawa ba ako. Kung may dapat ba akong ayusin, baguhin." 

 

 

"Yung totoo? Hindi ko din alam." bumuntong-hininga ka. "Wala namang mali, eh. Wala namang kulang. Wala ka namang nagawa. It's just that--" 

 

 

Nakita ko ang pagaalinlangan sa mga mata mo. 

 

 

Ang lungkot, ang sakit. 

 

 

Hindi ko kayang titigan ka ng ganiyan, dahil parang pinipiga ang puso ko sa sakit. 

 

 

Tinanguan kita at tipid akong ngumiti, sapat na pinaalam sa iyong handa akong marinig ang susunod mong sasabihin. 
 

 

 

"Nawala na lang, bigla." pinanuod ko ang biglang pagtulo ng luha mula sa mga mata mo. "Totoo pala 'yon? Yung magigising ka na lang tapos, wala na pala.." 

 

 

Bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi mo. 

 

 

Alam ko naman, eh. Ganito na din naman ang inaasahan ko. 

 

 

Nagsimula sa simpleng hindi mo pagtawag sa akin ng babe, matatagal na replies sa messages ko, panlalamig mo kahit magkasama tayo.. kailan din nga ulit ang huling beses na sinabi mong mahal mo ako? 

 

 

"Ayokong isipin. Ayokong paniwalaan. Pero kasi.. kung yun yung sinasabi ng puso ko, parang ang unfair naman." napakagat ka sa labi mo. "Ang unfair sa'yo. Na ikaw na lang yung kumakapit." 

 

 

Bakit parang ang dali para sayo na sabihin ang lahat ng 'to? 

 

 

Oo, ramdam ko yung sakit sa mga mata mo. Pero bakit parang handang handa ka dito, at parang matagal ka nang nakapag-practice ng sasabihin mo? 

 

 

"Ayokong.. I don't want to try and keep you for myself, habang sinusubukan kong ayusin ang sarili ko.." 

 

 

Natahimik na lang ako. 
 

 

Ganoon na lang ba talaga yun? Hanggang dito na lang talaga? 
 

 

"Hey.. bakit hindi ka makapag-salita dyan?" 


 

 

Tipid akong ngumiti. "We're breaking up, right?" 
 

 

 

Iyon na yata ang pinaka malungkot na ngiting ibinigay mo sa akin. At sa mismong oras din na iyon, naramdaman ko. 
 


 

Alam ko. Wala na talaga. 

 

 

"Hindi ko na din ipipilit. Kasi kahit tanungin mo ako ngayon, ayokong pumayag. Ayokong pakawalan ka." seryosong sabi ko. "Pero dahil mahal kita, hahayaan kita sa gusto mo. Hindi naman ako selfish to ask you to stay and love me again." 


 

Ramdam ko ang mahigpit na paghawak mo sa kamay ko. Ang sakit tingnan ng mga mata mo na parang naaawa at naga-alinlangan dahil sa mga sinabi mo. 

 

 

Nginitian kita. "I don't want a messy break up. Mabuti na din yung ganito." 
 

 

Lumubog na ang araw. Nagbukas na din ang mga street lamps kaya inangat ko ang tingin ko sayo. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa bench. 

 

 

"Dinner tayo? At least we'd have one last happy memory together." 
 

 

Akala ko.. hindi ka papayag. Huli na din naman 'to, isip ko. 
 

 

Para kahit papaano, sa isip ko, masaya ang huling celebration natin ng monthsary natin. Na kahit nagbreak tayo sa araw na 'to, matatandaan ko siya bilang yung araw na naging tayo sa Rufo's. 

 

 

 

 

 

 

 

"Congrats." lahat ng mata ng mga kaibigan natin, nasa atin ang tingin nang tumigil ka sa harapan ko. 

 

 

Isa isa mo kasi kaming niyakap pagkatapos ng pakulo ni Kai. Nasa veranda pa din tayo ngayon ng bahay nila Irene at katatapos lang ng fireworks. New year na, akalain mo nga naman. 
 

 

"Thank you, Lisa." nagulat ako nang bigla mo akong yakapin pagka-sabi mo noon. 
 


 

But I was too weak to hug you back. I was also hesitating. Nasa likod mo kasi ang boyfriend mo, na ngayon ay fiancé mo na. 

 

 

"I'm happy, for you both." I gave out a genuine smile. 
 

 

Totoo naman. 
 

 

 

Mahal kita. Mahal pa din kita kahit matagal nang natapos ang istorya natin. Ikaw lang naman yung sumuko, hindi ba? 
 

 

 

Pero kahit ganoon, kahit alam ko sa sarili ko na mahal pa din kita, handa naman akong tanggapin ang mga choices mo sa buhay. Handa akong bitawan ka nang tuluyan, dahil alam kong mas masaya ka na ngayon. Hindi man ako ang kasama mo. 

 

 

"Oh, anong tinitingin tingin niyo dyan?" sabi ko na lang at ibinalik ang tingin na binibigay ng mga kaibigan natin. "Mga Marites!" 
 

 

 

"May dahilan ba para titigan namin kayo, Lisa?" umirap si Joy. "Tamang hinala ka nanaman dyan."

 

 

"Tara na sa loob. Nilalamig na ako.." 

 

 

Naiwan ako sandali sa veranda at pinanuod kayong isa-isang pumasok sa loob. Kitang kita ko sa mga mata mo kung gaano ka kasaya, lalo nang yakapin ka ni Irene. 

 

 

Yang mga ngiti mo, minsan kong hiniling na sana ako ang dahilan. Minsan akong naging dahilan. Masaya ako dahil kahit sa sandaling pagkakataon, pinaranas mo sa akin kung paano ka mag-mahal. 

 

 

Mali. 

 

 

Tinuruan mo akong mag-mahal. 

 

 

Hindi ako naniniwala sa true love dahil sa ginawa ng tatay ko kay Mama. Pero dahil sa'yo, natuto akong magmahal. Noong una, akala ko ikaw yung mamahalin ko hanggang sa pagtanda. Akala ko, ikaw ang makakasama kong bumuo ng pamilya. 

 

 

Pero mahal, hanggang dito na lang pala. Oras na para ako naman ang magpatuloy. 

 

 

Kaya't ngayong gabi, kasama sa iiwanan ko sa nakalipas na taon ay ang nararamdaman ko sayong matagal nang dapat pinalaya. 

 

 

Salamat, Kim Jennie. 

 

 

 

 

 

______________________________________________________________________________________________________________________________________

 

 

Sabi sa kanta ni Ariana Grande, 

 

 

One taught me love
One taught me patience
And one taught me pain

 

 

So if Jennie taught Lisa to love, who taught patience and pain to who? :D

 

 

Salamat sa pagbabasa nito! May two bonus chapters pa for two different ships. :) 

 

 

Also, plug ko lang po na I will be starting a new project, Social Media AU naman this time. Wala pa siyang title, pero naumpisahan ko nang sulatin, hahaha. I'll upload them by the time na may title na. 

 

 

You can find me on twitter as @jhynslg. Final writing account ko na talaga 'to. This won't suddenly change gaya ng isang account ko. :D

 

 

Have a great day! 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)
No comments yet