(TW) Death

Kumusta ka na?


 

 

 

Ang hirap pala. 

 

 

 

Kung ang simpleng pagkakasakit noong panahong wala pa ang pandemic ay mahirap para sa mga Pilipino, mas lalo ngayong may crisis na hinaharap. 

 

 

 

 

Nakakaawa ang mga medical frontliner. Madami sa kanila ang namatay dahil sa pandemic. The hospitals reached its maximum capacity, they are understaffed and their supplies are decreasing. Ang hirap magkasakit ngayon - lalo kung covid patient ka. 

 

 

 

 

Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naranasan na ma-decline ng ospital. I contacted every hospital in town, even in nearby towns, but nothing is available. Kahit pa si Tita Boa at si Tito ang sumubok tumawag sa ilang kakilala, hindi pa din naging posible na ma-admit ako sa kahit anong ospital. I was so desperate that I even agreed to be admitted in a public hospital, if there is a bed available for me. 
 

 

 

 

For the first time, in my life, I begged him to save me. Walang ospital ang may kakayahang tumanggap ng pasyente. I thought that I was going to die. I thought that I will leave this world with so many unanswered questions, and without even seeing my sisters for the last time. 

 

 

 

 

Pagkatapos kong maibaba ang cellphone dahil sa tawag ni Seulgi, I started having difficulty in breathing. Kahit nang si Ate Tiff pa lang ang kausap ko ay nahihirapan na ako. It worsened after my conversation with Seulgi. Siguro ay dahil may kasamang pag-iyak ko. Noong una ay akala ko, sandali lang iyon. Pero nang tumagal at mas lalo akong nahirapan, I had no choice but to call Jennie for help. 

 

 

 

 

 

"Rene? Is everything alright?" iyon ang bungad ni Jennie 'pag sagot ng facetime call ko. 
 

 

 

Hirap akong huminga, ang hirap din magsalita dahil dito. 
 

 

 

 

"H-help." I catched my breath even after saying that one word. Parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Hindi nakatulong na umiiyak pa ako dahil sa usapan namin ni Seulgi. 
 

 

 

 

"What happened!" gulat si Jennie nang makita akong nakahiga, namimilipit sa sakit. 
 

 

 

 

"I'm sorry." pilit kong sinabi. Umiling na lang siya. Hindi dapat siya pumasok sa kwarto ko pero ngayon.. she is risking her life to save me! 
 

 

 

 

"Tell me how you're feeling, Rene." 

 

 

 

 

Itinuro ko ang dibdib ko na hanggang ngayon ay nananakit. "I-I can't b-breathe." 

 

 

 

 

 

"!" tumayo siya at naghanap ng vaporub para ipahid sa dibdib ko. It somehow made me feel calm but it's still not working. "It's not working! Rosé!" 

 

 

 

 

"Y-yes ate?" nanginginig na pumasok sa kwarto ko ang kapatid ni Jennie, wearing double masks just like her sister. 

 

 

 

 

"Call St. Luke's! We have to bring Irene to the hospital!" 

 

 

 

 

Mabilis na kumilos ang magkapatid. Not even a minute passed when Rosé came back into my room to say that the hospital's line is busy. So we tried calling other hospitals.
 

 


 

 

Lahat ng tinawagan naming ospital, dalawa lang ang nagiging sagot. 

 

 

 

 

"Sorry, Ma'am. Our ER beds are full and we are no longer accepting patients." 
 

 

 

 

 

"You have to wait in line in order to be admitted, Ma'am. Right now, if we accept you, you are fifth in line to get a bed in the ER." 
 

 

 

 

 

Kahit si Tita Boa ay tinawagan ang lahat ng kakilala niyang doktor at direktor ng ospital. Even our family doctor wasn't available because he also tested positive for the virus. Kulang na lang ay ilabas na ako ni Tita sa bansa dahil lahat ng ospital ay hindi na tumatanggap ng pasyente. 
 

 

 

 

I was in a desperate situation. I was already thinking of the words I want to say to Seulgi, and to my sisters, in case I don't make it alive. I almost gave up on my own life, I was ready to accept my ending. 

 

 

 

 

But thankfully, Chanyeol's suggestions worked for me. Tinawagan namin ang kaibigan para tanungin kung anong first aid o home remedy ang pwedeng maging solusyon sa chest pain at shortness of breath. Sinubukan namin iyon, and it worked. 
 

 

 

 

Nakatulog ako ng maayos nang gabing iyon, at nagising kinabukasan nang parang walang nangyari. Hirap pa din akong huminga, pero ramdam kong I am finally far from the flat line. 
 

 

 

 

 

"Hindi ko talaga mapapatawad si Seulgi kung may nangyari na masama sa'yo that day!" tinawanan ko na lang ang sinabing iyon ni Jennie. 
 

 

 

 

 

Hawak niya ang cellphone at ibinagsak iyon sa lamesa pagkatapos ng kaniyang sudden rant. 
 

 

 

 

"Napaka-random mo talaga, Jen! Hayaan mo na 'yon." tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa couch at lumapit sa work station ko. 
 

 

 

 

"Hahayaan ko? When you almost died, samantalang siya, nage-enjoy sa mga babae niya?" nawala ang ngiti ko nang ibigay sa akin ni Jennie ang cellphone niya, bukas ang isang pamilyar na application. 
 

 

 

 

 

Tinitigan kong maigi ang post ni Seulgi sa Instagram account niya. Iyong hindi private, iyong account na fina-follow ng barkada. 
 

 

 

 

Ang ikinagagakit pala ni Jennie ay ang post ni Seulgi ng picture nila ni Chef Jung - iyong owner ng restaurant na kinainan namin nang umuwi sa Pilipinas sila Wendy. 

 

 

 

 

"Akala ko ba iyong si Tzuyu ang girlfriend niya?" itinagilid ko ang ulo para mas maharap ng ayos si Jennie. 
 

 

 

 

"Bakit sa akin mo tinatanong?" I chuckled. "Ang saya niya, ha. Hindi niya ba alam na muntik ka nang mamatay?" 

 

 

 

 

 

"Just let her be, Jen. Mukha namang matagal na siyang..." tumikhim ako. "walang pakielam sa akin." 

 

 

 

 

"A jerk that she is." 

 

 

 

 

Hindi ko alam kung nabalitaan ba ni Seulgi ang nangyari sa akin two weeks ago. Hindi na din naman kasi kami nakapag-usap ulit ng kami lang pagkatapos ko siyang babaan moments before I almost went critical. At ano naman kung malaman niyang muntik na akong mawala? Will it change a thing? 

 

 

 

 

Dahil two weeks na din ang nakalipas, lampas na ako sa fourteen-day quarantine ko, at nag-negative na ulit ako, including Jennie and Rosé, balik na kami ulit dito sa mini office namin sa apartment. Sama sama na ulit kami kapag nagta trabaho at kahit si Rosé ay sa kwarto na ulit ni Jennie natutulog. 

 

 

 


We also decided to just opt for online delivery services for our groceries. Uso naman ngayon ang online transactions, kaya't maraming nago-offer ng services na ganoon. We hust have to choose which type of product we need, we will pay for it online, and the courrier will leave everything on our door. Hindi na din kasi pumayag si Tita Boa na lumabas pa ako ulit para sa supplies namin. I had no choice but to agree, dahil totoong natakot ako sa nangyari sa akin two weeks ago. 

 

 

 

"Speaking of the jerk." ngumuso si Jennie sa screen ng pc ko dahil may incoming skype call doon mula kay Seulgi. "Huwag kang marupok, ha." tapos ay tinapik niya ako sa balikat at bumalik na sa work station niya. 
 

 

 

 

"Reminder ulit, Ate Irene. Huwag marupok." tinawanan ko nalang ang pahabol ni Rosé. 
 

 

 

 

Sinuot ko na ang headphones ko at inihanda ang sarili, tapos ay sinagot ko ang tawag na iyon mula kay Seulgi. 


 

 

 

"Great! Thanks for finally answering my call, Hyun!" automatic na napataas ang kilay ko sa sinabi ni Seulgi. 
 

 


 

 

"Uh, yes? Goodmorning, Miss Kang? How can I help you?" alangan kong tanong. 
 

 

 

 

"I have been calling and texting you for days but you are not responding!" 

 

 

 

Galit nanaman siya? Ano ba ang gusto nitong mangyari? 

 

 

 

 

"Oh, I am sorry if this is business-related. I have been occupied with my other clients that I had no time to check if you were messaging me. I also checked if Ms. Chou was reaching out to me but she is not, so I guess we do not have a problem with our collaboration?" sobrang proud ako sa sarili ko dahil nagawa ko siyang sagutin in a formal tone! 
 

 

 

 


Hindi ito ang panahon para maging marupok ako sa kaniya! 
 

 

 

 

"Really, Joohyun? Do you really think that I was calling you for the business?" 
 

 

 

 

"Yes? May iba pa bang dahilan?" litong tanong ko. 
 

 

 

 

"Of course! I am worried because damn, I am your best friend!" I sighed. Heto nanaman ba tayo sa usapan na ito? 
 

 

 

 

"Do you mind if I end the call now because I have to step out of my office so we can continue talking about this or do you want Jennie and Rosé to hear it?" tahimik lang siya at hindi sumagot. Tumango ako at in-end ang skype call na iyon, mabilis na tinanggal ang suot kong headphones. 

 

 

 

 

"Not business-related?" tanong ni Jennie na tinanguan ko. 
 

 

 

 

"Excuse me. Sa lounge lang ako sandali." 

 

 

 

 

"Ate Irene?" hawak ko na ang door handle at handa nang lumabas nang tawagin ako ni Chaeng. "Hindi ka marupok, okay?" 
 

 

 

 

I softly chuckled bago tuluyang lumabas patungo sa lounge. Umupo ako sa may countertop at binuksan ang dim lights. Sinuot ko din ang wireless earphones para hindi nila marinig ang magiging usapan namin ni Seulgi. 
 

 

 

 

 

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Ito na ba ang araw na matagal kong inintay? 


 

 

 

 

"Akala ko hindi ka na tatawag." ang sabi niya as soon as the call got connected. 
 

 

 

 

 

"I am true to my words." natahimik si Seulgi. "Ano nga ulit ang usapan kanina? Ah.. about us, being bestfriends.." 

 

 

 

 

 

"Look, Hyun... I know that I have been an for doing what I did to you three years ago. And is probably still a jerk for coming back right now like nothing happened." 
 

 

 

 

 

Umismid ako. "You still are." 
 

 

 

 

 

"But please, hear me out." Seulgi's voice softened at parang kinurot naman ang puso ko dahil doon. Kaya umupo ako ng maayos, matamang nakikinig sa kaniya. "If.. only if I had a choice, I wouldn't leave that night. I was getting ready to meet you, when I was informed that we have a flight to catch." 
 

 

 

 

 

The day after our graduation, Seulgi and I agreed to meet at St. Scholastica's, where we first met and where we finished high school. 
 

 

 

 

Handa na ako noon. Handa na akong aminin sa kaniya ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ganoon din ang plano niyang gawin, because it was her who offered to go there to talk. Dahil may sasabihin daw siya. I figured that it would be the best time to confess, too. Kaya excited ako nang pumunta sa dati naming school. 
 

 

 

 

 

I was so nervous and excited at the same time. It was summer, we agreed to meet at 6PM. I know she was always late so I waited until pass-six. I waited until 10PM. There were no signs of Seulgi though. 
 

 

 

 

 


Nilamok ako, nagpalipas ng gutom, at takot kahit madilim na. Alam kong hindi hahayaan ni Seulgi na lumipas ang araw na iyon nang hindi nagpapakita sa akin. Palagi siyang dumarating, kahit madalas na late sa napag-usapang oras. And there is no reason for her to play a prank on me. So I waited. 
 

 

 

 

 

Pero walang dumating, hindi siya dumating. 


 

 

 

 

 

At kasabay ng pag-buhos ng ulan sa gabing iyon, ang pagbuhos din ng mga luha 'kong ilang oras kong pinigil. Pambihira, I was dumped by my own bestfriend!  
 

 

 

 

 

"I agreed to leave, but I left half-heartedly. Believe me, Hyun.. gusto kong daanan ka muna sa inyo bago tumungo sa airport. Because I didn't want to leave without saying goodbye. I wanted to at least see you, because I knew I'd be gone for long.. I was worried especially when it started pouring." napapikit ako, inaalala ang gabing iyon. "You were afraid of the thunder and lightning.. and you were there, in an open field, waiting for me." 
 

 

 

 

 

I hate that what Seulgi is doing now is only reminding me of the pain and anxiety that I experienced that night. This talk is petty and I don't get why she's even bringing it up. 
 

 

 

 

 

Ayoko pang umalis. Ayokong umuwi. I had a slight hope that maybe she was just stuck in traffic. Or that something came up kaya't hindi pa siya dumadating. Kung hindi pa siguro ako hinila ni Jennie para makauwi, baka inabot ako ng magdamag sa field na iyon. 

 

 

 

 

 

"Seulgi. You do know that hearing about your self-pity won't do anything, right?" lakas-loob kong sabi, kahit sa totoo ay nasaktan din ako para sa kaniya. 
 

 

 

 

 

 

"Yes." she sighed. "I just wanted you to know that I didn't intentionally do that. I didn't want to leave you, especially during that night, Hyun." 
 

 

 

 

 

"Pero ginawa mo. Nagawa mo na. Maibabalik pa ba natin, Seul?" 

 

 

 

 

Tumingin ako sa mga mata niya. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko nang makitang nasasaktan din siya, and that whatever she is saying is the truth. She is being sincere. 

 

 

 

 

 

"I'm sorry." I bit my lower lip as I tried to stop my tears from falling, pero hindi ko na mapigilan. 
 

 

 

 

 

 

Ang marinig ang mga salitang iyon mula sa kaniya ay sobrang sakit. Sobrang bigat. 

 

 

 

 

"I was ready to tell you about what's going on, but I guess life had other plans for us.." tumango na lang ako sa sinabi niyang iyon. "Please don't cry, hmm? 'Ga?" 
 

 

 

 

 

Lalo lang yata akong napa-hagulgol dahil sa huli niyang sinabi. This is the first time in three years! 
 

 

 

 

 

"Huwag mo nga akong tawagin niyan. Baka magalit pa sa akin ang girlfriend mo." may halong pait sa boses ko. 

 

 

 

 

"Girlfriend?" lito siyang tumingin. Ako naman ay tumawa ng mahina bago pahirin ang mga luha ko. 

 

 

 

 

 

"Sino ba? Si Tzuyu? or si Chef Jung?" tanong ko na kinagulat niya naman. 

 

 

 


 

"What are you talking about, Hyun?" hindi siya makapaniwala sa tanong ko. 
 

 

 

 

"Your girlfriend." 
 

 

 

 

 

Umismid si Seulgi at nag facepalm. "I don't have a girlfriend!"

 

 


 

 

Nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Her posts with either Tzuyu and Krystal are always intimate! Plus the captions!
 

 

 

 

"You even called Tzuyu, 'Love'!" 

 

 

 

 

Seulgi chuckled na mas lalong nagpainis lang sa akin. "I call you love, too, before, right? I told you I call my friends love. Nakalimutan mo na ba 'yon?" natawa siya. "Kung sabagay, you are a more special kind of friend." 
 

 

 

 

 

Naramdaman ko ang pag-kalabog ng puso ko sa sinabi niyang iyon. Kahit ang simpleng mga salitang iyon, nagpapakilig pa din sa akin. 
 

 

 

 

 

Bae Joohyun, hindi ka marupok!

 

 

 

 

 

"Wala akong girlfriend, 'Ga.  Kaya wala kang dapag pag-selosan, kahit magkalayo tayo ngayon." Iyong mga ngiti niya ay parang apoy na tumunaw sa nagye-yelo kong puso. 

 

 

 

 

Or I didn't know if it was stone cold, in the first place. 

 

 

 

 

 

 

"Hindi pa tayo tapos. Akala mo yata nakalimutan ko na ang ginawa mo, porket bumabanat ka dyan?" I smirked, at siya naman ay natigil sa pag-tawa. 

 

 

 

 

 

"Ay, sorry, hehe." I just rolled my eyes on Seulgi. 
 

 

 

 

 

"But you know what, Seul? I believe that sometimes, there are things that are better left unsaid." ngumiti ako. "If you're still not ready, then let's not talk about it." 
 

 

 

 

 

 

Alam kong I will never be ready for the real reason why she left. Kung handa man siya, I don't think I am. 
 

 


 

 

 

"I am ready. And I will still be ready until you say that it's time." 
 

 

 

 

 

Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Kang Seulgi. And at that very moment, I knew that it's game over for me. 

 

 

 

 

 

Puwede ko na sigurong palitan ang mga santo dahil sa karupokan ko. 

 

 

 

 

                   ------------------------------------------------------
 

 

Alam niyo ba, I got an invitation for a webinar today pero mas mahal ko kayo at ang seulrene kaya inuna ko 'to, kesa ang trabaho ko! Hahahahahaha char. 

 

Multitaskerist lang po talaga ako. 🤣  Hindi matigil ang kamay ko sa pagsusulat kaya tinapos ko na din. Anyway, share ko lang yan. ㅋㅋㅋ

 

Thank you for reading this and please stay safe (and sane)! 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)
No comments yet