Hustle

Kumusta ka na?

Sabi ko naman sa inyo, quick introduction lang 'yon sa character ni Seulgi. Sa susunod nalang natin siya balikan. :D

 

Enjoy this chapter, too!

 

-a- 

 

 

 

=

 

January 14, 2020

 

 

It's the day after the chaos made by the Taal Volcano. Last night, the situation worsened and the volcano was raised to Alert Level 4. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mag-worry para sa bunsong kapatid na si Lia, who is living with a relative in Dasmariñas. Naga-aral kasi ang kapatid ko doon kaya pinatira muna ng kapatid ng mama namin. 

 

I remember how I convinced them last night about checking in our Hotel so that they could be safe from possible damages. Malapit kasi ang Dasma sa Tagaytay. Kaya hindi malabong hindi umabot sa kanila ang ashfall, lalo at nag-worsen ang kalagayan. 

 

 

"You can stay here for free, may 50% off din dahil I work here. At least I won't be too worried because I know you're safe here." I convinced her, for probably the ninth time. 

 

"Ate, hindi naman ako pababayaan ni Tita dito. And if susunduin mo ako, mawawalan sila ng kasama, pati si Eunbi." I rolled my eyes mid-air dahil sa reasoning ng kapatid ko. 

 

"Sinabi ko ba na ikaw lang? Siyempre, pati sila Tita!" 

 

"Ang kulit mo, ate. We're fine, here. Besides, I'm sure that both Tita and Tito will know when it's time to leave. Kapag mas lumala, don't worry. Ako mismo ang pupunta sa office mo to inform you." I softly chuckled. 

 

"Fine. Napakatigas kasi ng ulo mo, Bae Jisu!" 

 

"Mas paranoid ka lang kay Ate Tiff! She called earlier and she just asked me how I'm doing, then she said goodbye. Ikaw itong masyadong advance mag-isip." I'm surprised that Ate even called her. 

 

Ate Tiff worked part-time when she was in high school. It's not that our parents left us penniless. Gusto niya lang sa abroad mag college but our trust fund won't be enough. So she worked on her own para makapag save. And even when she was abroad, she also worked part-time while studying. Kaya most of the time, ako and naga-asikaso kay Lia. We lived with my mother's sister, Tita Boa, in Cavite. Doon ako umuuwi sa Dasmariñas noon, sa bahay namin doon. I just recently transferred here to QC with Jennie and Chaeyoung. 

 

Lia will be taking up Architecture in UST, kaya naman ay nagse-save na ako para makalipat sa mas malaking apartment or kahit makabili ng maliit na condominium or the two of us. Kung hindi pa din kaya ng savings, maybe I'll ask my housemates to move out with us. May ilang buwan pa naman ako para pag-ipunan iyon. 

 

"That's because Ate Tiff knows na I'll convince you, instead. Kaya lang hindi ka din nakinig. Anak ka talaga ni Daddy!" tumawa nalang sa kabilang line si Lia. 

 

In the end, hindi ko din talaga siya na convince na umalis muna sa Dasma. Kahit si Tita. May konting ashfall na daw na nakarating doon, pero hindi pa naman risky so they'll stay there. 

 

 

Maaga akong dumating sa office ngayon para maumpisahan na din ang mga report na dapat gawin. Baka kasi mamaya ay hanapin ito sa akin ni Ma'am Taeyeon. 7:30am pa lang. My colleagues usually arrive at 8. Si Ma'am Taeyeon naman ay ganoong oras din ang dating, pero hindi muna agad nagtatagal dito sa office dahil sa daily briefing nila with the boss. Kaya ngayon ay I have all the time to finish what I have to finish, kahit inaantok. Mamaya nalang siguro ako magbe breakfast, kasabay nila Solar. 

 

 

Nasa table ko na agad ang master list ng mga guests sa hotel. Iyong in-house guests namin, pati ang exected arrivals. Trabaho ko din na i-update ang data base araw-araw at ako ang nage encode ng mga ito. Inuna ko itong tapusin para may mai-present si Ma'am Taeyeon sa briefing nila mamaya. Ayaw na ayaw kasi 'non nang wala siyang sinasabi kapag tinatanong siya ng boss. Tapos ay inayos ko ang report tungkol sa contract na pipirmahan namin nila Miss Hyuna Kim mamaya. As soon as the contract is signed, kailangan ko naman mag-print ng memo na ibibigay sa bawat department. Tuwing may event sa hotel, we make sure to pass memorandum so that other hotel staffs are aware of what's happening. Siyempre, kung sino ang may hawak ng event na iyon, siya din ang magbibigay ng memo. Mabuti nalang at ang buong fifth floor ay dedicated para sa bawat office ng mga department. Iyong house keeping lang ang naiwan sa ground floor. 

 


"Goodmorning!!!" tama ako at sabay na dumating si Solar at Wheein nang mag-8. 

 

"Ang aga mo, ah. Dito ka natulog?" I rolled my eyes kay Whee. Oo, mahilig talaga ako mag roll-eyes. 

 

"Grabe naman 'yon. Hindi naman ako F.O. para dito matulog." minsan kasi ay ang mga tiga-Front Office ay nakiki 'tambay' o 'tulog' dito sa office namin. Iisa lang halos ang space namin, since I handle that department as well, at hindi naman sila madalas sa office. Ginagamit lang nila ang office kapag kailangan nilang mag ayos bago ang duty nila. 

 

"Malay ba namin sa pagiging workaholic mo." tinawanan ko nalang si Solar. 

 

"Hindi pa ako nagbe breakfast." umupo na si Solar sa pwesto niya at binuksan na ang computer. 

 

"Kayo nalang ni Whee. Ako na maiwan dito. Nag breakfast ako sa bahay." I crossed my arms at natatawang nilapitan siya. 

 

"Himala." 

 

"Nadiligan kasi 'yan kagabi kaya sinipag magluto ng breakfast." natatawang sabi ni Wheein habang kinukuha ang mug niya. 

 

"Gaga!" tumawa nalang kami pareho nang tuluyang maisara ang pinto ng office. 

 

Solar is very vocal about her life, ever since we were still in college. Kahit din naman kasi si Byul ay may lahing abnormal kaya hindi na bago sa amin ang ganoong mga topic. 

 

Naabutan namin sa cafeteria ang kaibigan na si Hwasa, kasama si Winter at Karina. Hwasa and Winter works for the HR Department at si Karina naman ay sa Admin. Juniors namin sila sa college. Graduating na sila ngayon at nago-on the job training sa aming hotel. I heard that they both have plans to continue working here. Si Karina ay sigurado na dahil nakatanggap na din ng offer mula sa kaniyang department head. As for Winter, hesitant pa daw siya. 

 

"Balita ko, anong oras ka na nakauwi kahapon." bungad ni Hwasa sa akin nang makaupo kami sa tapat niya. 

 

"May guest kasi na dumating before mag 4:30, so I had no choice kung hindi i-ocular visit." 

 

"Konti nalang talaga maniniwala na akong may plano ka na palitan si Ma'am Taeyeon as Manager ng Sales and Marketing, eh." natawa nalang ako sa sinabi ni Hwasa. 

 

"Tigilan mo nga. Nakikinig mga intern, oh." 

 

"Mas mabuti na iyong ngayon palang, mulat na sila sa katotohanan. Diba, Karina?" 

 

Usap-usapan sa Admin na ang Accountant na si Ma'am Sunny ay nagma-magic at kino corrupt ang budget ng hotel. Palaging tinatanong nila Wheein at Hwasa si Karina tungkol doon, pero walang idea ang intern. Kaya ngayon ay hindi pa din kami sure kung totoo nga iyon or baseless rumor lang. 

 

"Kamusta naman pala si Lia sa Dasma?" tanong sa akin ni Whee. 

 

"Ayon, ayaw pumayag na dito muna sila, kahit mag check in sana. Safe pa naman daw kaya doon muna sila." ngumiti ako. "Eh sa inyo sa Bacoor, Winter?" 

 

"Okay naman din po. Malayo naman kaya hindi naman kami affected. Hindi nakarating ang ashfall." nginitian ko siya at tumango. 

 

 

Pabalik na sana kami sa office nang sabay na tumunog ang phone ni Hwasa at Wheein. Gulat na gulat sila nang makita ang notification, at nagkatinginan pa nga. 

 

"Anong meron?" tanong ko nang maramdaman na parang may gusto silang sabihin, gusto nilang mag react, pero pinipigilan ang mga sarili. 

 

"W-wala." sagot sa akin ni Hwasa. 

 

"Y-yung landlord namin. P-pinagbabayad na kami ng r-rent." tinaasan ko sila ng kilay. Kahit kailan talaga, ang dalawang ito. 

 

"We've been friends for seven years. Sa tingin niyo ba hindi ko pa alam kapag nagsi sinungaling lang kayo?" tinaasan ko sila ng kilay at nakarinig nalang ako ng tawa mula kay Karina at Winter. "Anong meron?" 

 

"J-just an Instagram n-notification." kabadong tumingin si Whee kay Hwasa. 

 

"Patingin?" nagta talo pa sila sa mga tinginan kung papayagan nga ba ako na makita iyon. In the end ay kusa namang ibinaba ni Hwasa ang cellphone niya. 

 

 

Kinuha ko iyon para malaman ang dahilan ng pagkagulat nila. It's true, though. Notification nga ito sa Instagram. 

 

 

After clicking the notification, it directed me to the profile of the person for their new post. Kita ko doon ang carousel na kaniyang pinost. The first picture was the view. I saw her face when I swiped left. 

 

 

Kaya naman pala. Kaya naman pala ayaw nilang ipakita sa akin. 

 

 

"A-akin na."  hinablot ni Hwasa ang cellphone niya mula sa akin. I maintained a poker face, habang silang dalawa ay kabado ang mga itsura. 

 

"Okay ka lang?" tanong ni Whee after being silent for about two minutes. 

 

"Yeah. Bakit hindi?" 

 

"The picture.." 

 

"It was nice to see her again." 

 

 

Totoo naman. She hasn't posted on her social media for six months. Wala sa aming magka-kaibigan ang may alam kung nasaan siya, kung ayos lang ba siya, kung.. kung may asawa na ba siya.. 

 

Hindi ko sure kung alam ng mga bestfriend niya na sila Lisa at Byul kung nasaan siya. Or if she still communicates with the two. Kaya understandable ang reaction nila Wheein at Hwasa nang mag notify sa kanila that she has posted after a while. Her Instagram feed shows the places she's been to. Ang alam ko'y isa siyang Chef at Travel Photographer kaya kung hindi pagkain, picture ng mga lugar na napuntahan niya ang pino post niya. She rarely posts a picture of her face. 

 

Kamusta na kaya siya? I haven't seen her for ages. Does she still have that cute, round face that resembles that of a mochi ball? Is she still morena, or is she white, now? Naaalala niya pa kaya ako?

 

 

"Tara. Balik nalang tayo sa office." Wala sa sarili akong tumango sa suggestion ni Wheein. 
 

 

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din ang posibleng mga sagot sa sarili kong mga tanong. Hindi ko alam kung bakit kahit ilang taon na ang lumipas, ganoon pa din ang epekto sa akin ni Seulgi. Ako kaya, ganoon pa din kaya ang epekto ko sa kaniya? 

 

I doubt. Nakatagal nga siya nang ilang taon na hindi ako kinakamusta. Siguro ay may girlfriend o boyfriend na siya ngayon. 

 

"Nag-post si Seulgi sa Instagram!" 

 

"Ay oo nakita ko din. Napaka ganda pa din kahit tumatanda na kayo--" iyon lang ang narinig ko sa usapan nila Solar at Ma'am Taeyeon nang makapasok kami sa office. Hindi ko nalang iyon pinansin at dumiretso nalang sa cubicle ko. 
 

 

I was trying hard to focus on my work but I keep hearing them whisper about Seulgi's most recent post. I bet Wheein already told them what happened in the cafeteria. 
 

 

Seulgi and I.. is a topic that I keep on avoiding. Hindi ko alam kung kailan ako magiging handa na pag-usapan ang tungkol doon. I am curious about how she's doing right now but my pride is also stopping me from asking about it to our friends. Or maybe, hindi lang talaga ako handa na malaman na may iba na. 

 


"Irene.." ang pagtawag sa akin ni Ma'am Taeyeon ang nagpabalik sa akin sa realidad. 
 

 

"Yes, Ma'am?" inikot ko ang swivel chair para maharap siya. 
 

 

"Starting tomorrow pala, sasama ka na sa akin sa daily briefing with the boss. That's part of your responsibility as the Head of the Front Office." 
 

 

Oo nga pala, I was recently apointed as the head of the front office and Assistant Manager of the Sales and Marketing Department. Hindi ito promotion. This won't be visible in my paycheck. It's just another responsibility and additional work that I will be doing. 

 

"Sure, ma'am. I'll make sure to finish the reports today para po mai-present ko sa briefing." tumango siya. "May iko close ako na deal later, Ma'am. I need your approval because I kind of gave them a discount." Lumapit si Ma'am Taeyeon sa akin kaya ipinakita ko na ang draft ng contract na pipirmahan ni Miss Hyuna mamaya. 

 


Himala naman at hindi kumontra si aling maliit sa draft ko. 
 

 

"This is huge. Ang ganda ng pasok sa 2020. 260k agad." 
 

 

Yes, the package I offered is worth 260 thousand pesos. It was for the venue, the set up, sound system, the food, as well as the corkage fee para sa ibang ipapasok nila na pagkain. I was able to give the client a discount of 15 thousand pesos, dahil tinanggal ko ang ilang miscellaneous fee and such. Kapag ganoon, kailangan ko ang approval ni Ma'am Taeyeon. Hindi basta basta pwedeng ibahin ang rate dahil baka kapag nakita iyon ng accounting department, sa amin ma charge. 
 

 

I spent the whole morning writing my reports. Kung minsan ay sumasagot din ako ng phone calls. I also checked our OTAs dahil araw-araw ay may reservations kami mula doon. After lunch, I got ready for my guest's arrival for the contract signing. The wedding will be happening on Sunday kaya maganda iyong makapag down payment na din sila, para mai-coordinate ko na sa other concerned departments ang tungkol sa event. 

 

 

Three Years. Almost four. Ganoon katagal na panahon nang wala si Seulgi sa Pilipinas. Ganoon katagal namg wala akong contact sa kaniya. I barely managed to get through those years by focusing on building up my career. 
 

 

Kaya ngayon na muli siyang naging active sa social media, bakit ako madi distract? Bakit ako kakabahan? Bakit ako magpapa-apekto? Kinaya ko na ang mga panahon na wala siya, bakit ngayon pa ako manghihina nang ganito? 
 

 

 

________________________________________________

Ghosterist ba si Seulgi? Hindi ko din alam, eh. ^^

 

This will be the last update for this week. Have a great weekend! :) 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)
No comments yet