Sunday

Kumusta ka na?

 

 

 

 

Medyo late na nang magising ako. I had no time to cook breakfast. Kaya gaya ng nakaugalian, umalis ako sa apartment nang hindi pa naga-almusal. Besides, I don't expect my housemates to be awake and cook my breakfast, every morning. Hindi ko naman sila mga yaya. Just because their work is not much of a pain in the , doesn't mean that they are responsible for all the chores in the house. 

 

 

Kaya naman, heto ako, kinakain sa basement parking ng hotel ang biniling take-out mula sa isang sikat na fast food chain. Kahit sa pagkain ko ay nagmamadali ako. Buhay nga naman, oh. I can't even enjoy a simple burger and fries, now. Sunday at ngayon ang araw ng kasal ni Miss Hyuna Kim at Sir Hyojong. Ang mga guest na nag-rush deal sa aming hotel dahil sa na-cancel na reservation nila sa Escala, Tagaytay. Almost a week after the Taal Volcano started spewing ashes, we're still getting lots of reservations each day as the situation in Tagaytay is still getting worse. 

 

 

Kahapon ay nag overtime nanaman ako sa office para i-supervise ang last-minute preparations para sa event ngayong araw. If not for this event, I would be at home, probably waking up at 12 and watching Netflix the whole afternoon. Walang pasok every Sunday. Usually, isang tao lang ang nasa office kapag Sunday, since we don't get that many inquiries, phone calls, and reservations kapag Linggo. For this week, si Wheein sana ang assigned. Pero dahil may event ako today, ako ang nasa office para i-supervise iyon, and at the same time,  cater phone calls, facebook inquiries, guests if someone comes, and be responsible with the office. While.Supervising.The.Wedding.Of.My.Guest. 

 

Ngayon pa lang, talagang tinatamad na ako bumaba ng sasakyan ko. 

 

"Hello, Miss Irene! The Head Chef is asking if you're already in the office? Tumatawag daw po kasi pero walang sumasagot." iyon ang bungad sa akin ng phone call mula sa Front desk officer. 

 

"I'm still in the parking. Did she say why?" 

 

"Chef Kwon said that she needs your approval about something, Ma'am." I sighed. 

 

"Okay. Please call Chef Kwon and tell her that I'm on my way to the kitchen. Doon muna ako bago sa office." 

 

"Copy that, Ma'am. Have a great day!" 

 

"Thanks, Giselle!" nagpakawala ako ulit ng hangin nang maibaba ang tawag na iyon. Muntik ko pang sabunutan ang sarili dahil sa katamaran ko na umpisahan ang mga trabaho ngayong araw. 

 

 

Pero kailangan 'to. Paulit ulit ko iyong sinasabi sa utak ko habang naglalakad papunta sa kitchen para alamin ang concern ni Chef Kwon. 

 

 

"May problems ba tayo, Chef Kwon?" iyon ang una kong tanong sa kaniya pag-pasok ng kitchen, not minding the different smells of the foods and how it's gonna stick to my clothes. Great!

 

"Tayo? Wala namang tayo, Miss Bae. I'm already married." sinamaan ko nalang ito ng tingin matapos akong tawanan. "Sabi ko nga, serious tayo dito." 

 

Tinuro niya ang pinto para makalabas kami sa kitchen. She probably noticed, too, 

 

 

I am very particular about the clothes I wear. Kahit na masyado akong busy sa trabaho at pagod, hindi ako nagpapa-laundry. I prefer washing my clothes, myself. I use a certain brand and I have my own style when washing my clothes. Kung ipa-laundry ko ang mga damit ko, do I have to demand to them to use the fabcon that I use? Or do I supervise them? Ilang beses nang may nagmagandang loob na ipa-laundy ang mga damit ko but I ended up washing them again, dahil hindi ko nagustuhan. 

 

Ganoon ako sa mga damit na sinusuot ko. And I also hate being in the kitchen for long. Dahil kahit anong dami nang ilagay kong downy, dumidikit pa din ang amoy ng ulam. Mabuti sana kung ibang araw, kaso, may event ako ngayon and I can't afford to smell like fish when I meet my guest later. 

 

 

"I know na hindi mo gusto ang ambiance sa kitchen kaya dito nalang tayo mag-usap." I chuckled at Chef Kwon's remark. "I just want to inform you that there will be changes sa isang dish na ise serve natin sa buffet. Kinulang kasi ng ingredient dahil wala daw makarating na supply dito sa Manila, from Tagaytay." 

 

 

"Akala ko naman kung ano ang problema, Chef Kwon." she slightly chuckled. 

 

 

"Siyempre, I only wanted to inform you before proceeding. Baka kasi magulat ka diba kapag biglang nagreklamo yung guest mo." 

 

 

"This is the aftermath of the eruption, 'no, Chef?" Chef Kwon nodded. 

 

 

"Hindi makaluwas ang supplier natin. Wala naman tayong agad makuha na back-up. So we settled with what we have in the kitchen, habang hindi pa nakakahanap ng bagong supplier." 

 

 

"I'm sure she'll understand."

 

 

Sandali pa kaming nag-usap ni Chef Kwon bago ako umalis matapos maka receive ng tawag mula sa Rooftop Restau, kung saan gaganapin ang kasal. The wedding will be happening at 3pm. Alas-nuebe pa lang ngayon at busy pa sa pagse set up ang mga staff. Yesterday, they finished setting up the lightings, the chairs and the decorations. Medyo pricey because the guests wanted a garden wedding. So we made the set-up look like that of the wedding in Crazy Rich Asians, as per the guests' request. 

 

 

Ngayon naman ay ang sound system ang inaayos ng mga staff, pati ang pag set up ng tables. Hindi pa ako nakakapasok sa office, dahil mula sa parking lot ay dumiretso ako sa kitchen, at ngayon naman ay sa rooftop. Sumakay ako ng elevator and pressed the button of the right floor. 

 

 

"Goodmorning, Ma'am Irene!" iyon ang bati sa akin ng receptionist as soon as I went out of the elevator. Ngitian ko nalang bago dumiretso sa labas para tingnan ang concern ng mga staff na naga-ayos. 

 

 

"Goodmorning, Ma'am!" ang lumapit sa akin ay si Sehun na Team Leader ng mga waiter at server dito sa rooftop. 

 

 

"May problema ba?" tanong ko habang pinagmamasdan ang mga nagpe-prepare.

 

 

"Ipa-check ko lang po sana, ma'am, ang set up ng chair and tables." agad na kumunot ang noo ko sa sinabi ni Sehun. Tapos na kami doon, ah?

 

 

"Tapos na 'yan, diba? Besides, you already have the seat plan! Maayos naman ang pag-plot ko doon so I don't see a reason why you failed to follow that." I crossed my arms as I point at the tables which are not properly set up. 

 

 

Sa ayos na ginawa nila, hindi kakasya ang 160 guests! Baka pang 120 lang ito!

 

 

"N-nawala po kasi ng Intern yung seat plan, Ma'am." nagtaas ako ng kilay, ngayon naman ay nakayuko na si Sehun. Kailangan kong kumalma dahil sa problemang ginawa ng mga ito!

 

 

"Which intern is it?" tinawag niya ang intern na tinutukoy. I'm not surprised to see the intern who always makes trouble. Sinasabi ko na nga ba! "Was it you who lost the seat plan?" I asked in a cold tone. 

 

 

"Y-yes m-ma'am." 

 

 

"Alright. I won't waste my time and energy because you never learn. Besides, this is not the first time you did trouble, Lucas. I am very disappointed." umiling iling ako. "Go back to work." I just sighed as I watch the intern continue with his work, with very careful movements, aware of my presence. 

 

 

"I am very sorry, Ma'am. Susubukan po namin na gawin ang set up according to the seating plan." 

 

 

"And how are you planning to do that? Play a hunch?" muli akong bumuntong - hininga. "Have someone go to the office. Magpi print nalang ulit ako at ipapadala ko dito. And where is your Supervisor, anyway?" 

 

 

"He will be here after lunch, ma'am." tumango nalang ako, disappointed but not surprised on their Supervisor na pinipili palagi na pumasok ng late tuwing may mga event dito sa rooftop! 

 

 

Umalis na ako doon bago pa muling uminit ang ulo ko. Their Supervisor, Heechul, is known for making trouble, too. I heard that he was a Manager of the F&B in a Hotel-resort in Cavite which recently closed. Pero hindi ko maintindihan kung bakit napaka unprofessional ng trabaho niya dito ngayon. I don't even know how he trains his interns dahil palaging may hindi magandang nangyayari sa department nila! Ang intern na si Lucas ay ilang beses nang nakabasag ng baso, nakawala ng mga importanteng dokumento. Kaya hindi na din matapos-tapos ang internship niya dito sa hotel because of the disciplinary actions that he received. Hindi ma-credit ang ilang oras na trabaho niya dahil doon. 

 

 

Si Giselle ang naabutan ko sa office pag-pasok ko. Malamang ay tapos na ang duty niya kaya nandito na siya para mag-ayos bago umuwi. 

 

 

"Ang aga naman na naka-simangot ka, Ma'am." tinawanan ko nalang ang sinabing iyon ni Giselle bago umupo sa aking swivel chair para buksan ang computer. 

 


"Sinong hindi sisimangot at mai-stress kung may ginawa nanamang trouble ang f&b sa taas?" 

 

 

"Lucas again?" hindi ko na kailangang sumagot dahil alam na agad ni Giselle ang sagot sa tanong na iyon. 

 

 

"Sino ang duty ngayon?" 

 

 

"Si Angel po, Ma'am. Siya ang mid. Tapos by 12pm papasok po yung reliever." 

 

 

Giselle is also an Intern. Classmates niya sila Karina at Winter. May isa pa silang classmate at kaibigan na si Ningning, na napunta naman sa aming department. Hindi nga lang nakakapasok dahil nagkasakit daw at nagpapahinga muna. 

 

 

I am actually amazed at how the four of them work. Far from that clumsy intern sa f&b, kahit na magkaka-edad lang naman sila. I can see that these girls are more matured and professional than their other batchmates. 

 


"Wala namang problema kagabi, Giselle?" I asked, dahil siya ang graveyard shift sa Front Office, kasama ang isa pang regular staff na una nang nakauwi. 

 

 

"Wala naman po, Ma'am. Aside from the fact na late nanaman nakauwi at lasing pa ang regular na si Mr. Lee." tinawanan ko nalang iyon. Kung minsan kasi ay napapag-kuwentuhan namin ang ilan sa mga guest na naging regular naman na. 

 

 

Dumating sa office ang isang intern na mapapagkatiwaalan naman. Ito ang nautusan ni Sehun para  kuhanin ang nai-print ko nang copy ng seating plan na naiwala ni Lucas. Ibinigay ko iyon sa kaniya at binilin na ingatang mabuti at huwag iwala. 

 

 

When the intern and Giselle left, I began answering facebook inquiries. May ilang emails din ako na chineck para sa ilang concerns ng mga nagpapa-book na guests. I did not properly track the time kaya hindi ko namalayan na 12:30 na pala. Kailangan ko nang mag-lunch nang mabilis bago pumunta ulit sa rooftop para icheck kung ayos na ba ang preparations nila doon. By 2pm kasi ay magsisimula nang dumating ang mga dadalo sa kasal. 

 

 

"Ikaw pala ang alay ngayon, Rene." malakas na boses ni Hwasa ang sumalubong sa akin nang makapasok ako sa cafeteria. She's halfway done with her meal, at sa tabi ay si Ma'am Yoona na Head ng Human Resources. 

 

 

"Good afternoon, Ma'am." bati ko sa katabi ni Hwasa, hindi pinansin ang kaibigan. 

 

 

"Wow. Good afternoon din sa akin." tinawanan nalang namin ni Ma'am Yoona ang sinabing iyon ni Hwasa. 

 

 

"Ngayon pala yung wedding, 'no?" 

 

 

"Yes, Ma'am. Kaya medyo busy po. Buti at wala din masyadong tumatawag sa office kaya hindi ganoon ka-hati ang katawan ko." 

 

 

"Oh.. Would you like some help? Nasa office si Winter, I can send her to yours kung kailangan." 

 

 

Among all the department heads, si Ma'am Yoona ang mabait at pinaka paborito ko. Not that I don't like my own Manager. But I guess that I just like Ma'am Yoona's personality better. She is so charming, gentle and kind. Bagay na bagay sa kaniya ang department na hawak niya. 

 

 

"Thank you for the offer, Ma'am. But I'm fine with just me, po. Besides, baka ma shock din si Winter since she's not used to getting outside calls." I softly chuckled. 

 

 

"Yeah, oo nga pala. Although a fast learner, she will still need a guide dahil ibang department nga pala." tumango ako. 

 

 

Hindi nagtagal ay lumabas na din ng cafeteria ang dalawa. Hindi sila makatagal pa dahil mag-isa lang ang intern sa office.

 

 

So I had no choice but to play with my phone as I eat alone. I have no problem with eating alone. Kaya lang, kung minsan ay nakakaramdam ako nang awkwardness lalo kapag may mga kasabay sa cafeteria na may kasamang kumain. Kaya hindi maiwasang hindi makaramdam ng self pity. Kapag ganoon, ang ginagawa ko nalang ay mag explore sa aking social media accounts, which I did. 
 

 

I opened my Instagram account to check what's on my newsfeed. Nag check na din ako ng ilang Instagram story ng mga kaibigan ko. Solar went on a date with her girlfriend, Moon Byul. Wheein went shopping. Ma'am Taeyeon is enjoying her spa time. Jennie is taking up yoga classes while Chaeyoung is just at home, doing her thing. 
 

 

Habang ako ay nandito sa office, on a Sunday, busy with multiple responsibilities. Muli ay napapatanong ako sa sarili kung masaya pa ba ako sa ginagawa ko - sa trabaho ko? 
 

 

Mas lalong nadagdagan ang mga iniisip ko nang makita ko ang post niya. 
 

 

 

hi_sseulgi: Weekends. You deserve a tap on the shoulder for making it through this day, too. Enjoy your rest day!

 

 

 

It was a picture of a wine glass with red wine in it, and a plate with a steak. Pero ang caption ang tumatak sa akin. 
 

 

Yeah. We all deserve a rest day. But maybe not everyone. Maybe resting is not for me. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)

Comments

You must be logged in to comment
kreidz #1
Chapter 16: BANGGGGG
its_aaarrriii
30 streak #2
Chapter 41: 😭🫶
xantheaverielle
#3
Chapter 42: Sobrang ganda 🥺 Probably the first Tagalog fic that I've read in a while na super daming emotions ang pinaramdam sa'kin 😩 Love how balanced the story is with the angst and fluff. Nothing too extravagant, just the story of them falling in love and how they surpassed all the struggles. Thank you so much for writing this author! Kumusta ka na po? I hope you're doing well, you really wrote this beautifully :)
KangLj #4
Chapter 17: Kilig muna bago yung sakit piste
KangLj #5
Chapter 4: Ang alam ko kasi si Irene ang ghosterist e haha cutie
ketchuppo324
#6
Chapter 16: T_T
yourdailyreader #7
Chapter 24: jusko seul, keep your together naaa
yourdailyreader #8
Chapter 7: napaka asado ni irene! hahah
yourdailyreader #9
Chapter 4: naks! strong and independent woman! hehehe
yourdailyreader #10
im starting this now.