Past

Kumusta ka na?

Medyo mabilis ba ang phasing natin? Hindi naman masyado. :D Just a quick introduction to Seulgi's character. 

 

Thanks for reading this! xoxo.

 

- a- 

 

 

=

 

 

August 2012

 

 

I'm in my fourth year as a high school student. Katatapos lang namin mag check ng test papers para sa first quarter exams. Dapat sana ay maaga ang dismissal ngayon, but we were held back dahil may announcement daw sa klase. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit kakatapos lang ng first quarter examinations ay naga-accept pa din ng transferee ang school. 

 

Sa harap ng buong class ay ang adviser namin na si Miss Agravante, kasama ang isang unfamiliar face na mukhang transferee. She's tall, she looks like a jolly person, but she also looks like someone who would only bring... trouble. Hindi naman sa hinuhusgahan ko siya base sa mukha niya. It's my first time seeing her, okay. Pero minsan ay may mga tao na madali natin makilala ang personality because of the atmosphere that they bring. In her case, ramdam ko lang talaga ang atmosphere ng isang trouble maker. 

 

"She's cute. Although medyo boyish." bulong sa akin ni Jennie while scanning the new person as we listen to Miss Agravante's introduction about her. "She's just like your type." binigyan ko ng makahulugang tingin ang kaibigan ko. 

 

We are studying at St. Scholastica's college - an exclusive school for women. And although this is a Roman Catholic school, hindi bago ang mga female students na naa-attract at nagkakaroon ng relationships sa kapwa. Take my best friend, for example. She's in a relationship with Lisa, a 3rd-year student and a member of the dance club. Palibhasa ay palaging nakakasama ni Jennie dahil halos sabay ang practice nila sa music club, kaya ayon, na- in love ang kaibigan ko na marupok. Kahit ako naman ay naa-attract. Sinong hindi kung nasa all-girls school ka? Pero hanggang doon lang. Hindi pa ako ready for relationships and I want to focus on my studies, kaya hanggang crush lang ako. Inspiration, ganon.

 

"You can sit beside Miss Bae, right there. She's also the class president so I'm sure you won't have a hard time getting along with her." wala sa sarili akong tumingin sa tabi ko, a vacant seat, bago harapin si Miss Agravante na ngayon ay nakangiti sa akin. 

 

"Thank you, Ma'am." sinundan ko ng tingin and newbie, hanggang sa makaupo siya sa tabi ko. I heard Jennie's soft chuckle because of my reaction. "Hi! I'm Seulgi Kang." 

 

Her dimples appeared when she smiled. Her voice sounded like a piece of music to my ears, She was very modest, careful of her actions beside me. She offered a hand but took it away when I did not accept it. She just shrugged before sitting beside me. I remained confused, still unable to process what just happened. 

 

"Close your mouth. She's a transferee. Don't scare her." I threw a death glare at Jennie who was on my other side. After that, I fixed my posture. 

 

What just happened? Parang kanina lang ay kung i-judge ko si Seulgi Kang because she displayed an aura of a trouble maker but here I am now, stunned and feeling crazy only because of a transferee! 

 

"Hi! I'm Jennie. Irene's bestfriend." si Jennie na nag-offer ng kamay kay Seulgi. They shook hands in front of me. I saw Jennie smirked before she grins at Seulgi. 

 

Really, girl? Right in front of my salad? Isumbong kaya kita sa jowa mo! 

 

"Where were you studying before this?" she asked, muli, feeling ko ay nakakaabala ako sa usapan nilang dalawa. 

 

"La Salle Zobel." sagot ni Seulgi. 

 

"Ohh.. why transfer here? Dream school ko ang Zobel!" 

 

"Jen.." I felt like it's not appropriate to ask such a question lalo at bago lang si Seulgi and they just met. Kaya sinubukan kong suwayin. 

 

"What?" inis niyang tanong sa akin. 

 

"Something personal happened. So, my parents wanted me to transfer." umismid ako. Jennie nodded her head. 

 

Sinasabi ko na nga ba! This girl is a trouble maker! She was probably kicked out of the school because I don't know which problems she caused. Or maybe naipon ang violations niya sa guidance office kaya siya na-kick out! With La Salle Zobel's standards, impossible na makatagal nga siya doon. Then why was she accepted in our school, anyway?

 

"Oh.. I see. Saan ka sa college?" Itong si Jennie at hindi naman mapigilan ang pagiging taklesa niya! 

 

"La Salle? or UST? I still don't know. Kung saan siguro makapasa." she chuckled.. para namang.. parang nadurog ang puso ko doon! 

 

Irene, hindi ka marupok! 

 

"Sa UST kami ni Irene!" I had no choice but to nod because she looked at me as if asking for my approval. "I'm sure you can pass both! You look like an intelligent student to me." 

 

"Looks can be deceiving," Seulgi said which hindi ko mapigilang hindi um-agree. 

 

"Right!" parang nagulat yata sila sa sagot ko na iyon. Bakit? Akala ba nila ay hindi ako attentive sa pinaguusapan nila?

 

"Nakikinig ka pala, Rene." Jennie chuckled. 

 

"Malamang. you two are like talking in front of me. Nakakaabala ba ako? Baka gusto mo na palit tayo ng seat." I rolled my eyes. 

 

"Alam mo, napaka selosa mo talaga." the last words were almost like a whisper. Hindi lang ako sigurado kung narinig iyon ni Seulgi. "I mean, wala naman akong sinabi na palit tayo ng seat. Ayaw mo kasi kausapin si Seulgi. Baka ma out of place yan."

 

"She doesn't look like someone who'd be out of place. Right, Miss Kang?" itinagilid niya ang ulo niya. 

 

"Yes.. Miss Bae." napakamot siya sa batok. 

 

"Sira ka talaga, Bae Joohyun!" masyado yatang napalakas ang tawa ni Jennie kaya napatingin samin si MIss Agravante. "Don't address her formally, Seulgi. Hindi naman 'yan worth of your respect." 

 

"Excuse me, I'm your class president!" muling napatingin si MIss Agravante dahil napalakas ang boses ko. 

 

"Is there anything wrong, Miss Bae?" ngumiti ako sa aming Teacher. 

 

"No, Ma'am. We're just exchanging our pleasantries with Miss Kang, here." siniko ko siya para mag-agree. Tumango naman siya. Good girl naman pala, eh. 

 

"That's good. I hope that you can be close with Seulgi too, as much as you are, with Jennie." 

 

"Of course, Ma'am! I can actually tell that they'll go beyond that!" tumawa si Jennie, ganoon din ang buong klase. 

 

Shock was evident in my face at wala akong ibang nagawa kung hindi ay kurutin si Jennie. Mabuti at hindi iyon nakuha ni Miss Agravante! 

 

"Are you crazy or you're just out of your mind?" inis kong tanong sa kaibigan nang mawala na ang tingin ni Ma'am sa amin. 

 

"May mali ba sa sinabi ko?" mas lalo lang akong nairita dahil sa reaction niya ngayon. 

 

"You're cute." at ngayon naman ay napatingin ako kay Seulgi dahil sa sinabi niyang iyon. 

 

Hindi ko namalayan na unti unti na pala akong ngumingiti dahil sa sinabi niyang iyon. 

 

 

=

 

October 2012

 

Nearly two months. Two months. Hindi ko inaakala na sa ganoon kaikling panahon lang ang kailangan para tuluyang lumambot ang puso ko para kay Seulgi. Or was it even hard in the first place? 

 

Lahat ng speculations ko tungkol sa kaniya ay baseless. While we were getting along, nalaman ko na kaya pala siya lumipat ng school ay dahil naging dahilan siya ng random fights ng mga babae at lalaki sa school. Her male and female admirers were involved in a fight, napatawag sa guidance office and received disciplinary actions. Pinag-aagawan siya ng mga classmate at batchmate niya doon! I even remember teasing her na ang haba ng buhok niya nang i-kwento niya iyon. 

 

I mean, reasonable naman. Kahit ako ay attracted sa kaniya. Her features, her behaviour, her voice, everything in her screams perfection! Kaya hindi ko din masisi ang mga classmate niya doon na halatang whipped sa kaniya kaya grabe din siya pag-agawan. 

 

"Bakit ba ang lalim lagi ng iniisip mo?" iyon ang una niyang sinabi nang mawala sa paningin namin si Jenni, who's probably with Lisa, again. 

 

"Nothing.. I'm just reminded of your first-day dito." natawa ako nang makita ang reaction niya. 

 

"You were harsh sa akin noon." she pouted. 

 

"I was?" then she playfully nodded. Cute. Parang baby!

 

"Iniisip ko nga if I should really call you Miss Bae all the time. Because you were so formal and you called me Miss Kang." 

 

"I'm sorry okay? It's just that I had a wrong impression of you." tumawa ako nang kumunot ang noo niya. 

 

"Like?"

 

"I thought you were kicked out kaya ka lumipat ng school." sinamaan niya naman ako ng tingin. 

 

"See! You think poorly of me!" 

 

"That's why I'm saying sorry, okay?" 

 

Hinawakan ko ang kamay niya at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya. I felt her slowly plant a soft kiss on the top of my head, which made me close my eyes. Kung noon ay inis at galit ako sa kaniya, ngayon ay aaminin kong hulog na hulog na ako kay Kang Seulgi. 

 

"Well then I'm sorry, too, because I cannot accept your apology." inayos ko ang upo at humarap sa kaniya. 

 

"At bakit?" nagtaas ako ng isang kilay. 

 

"Because it's not something you should be sorry for." magpo protest pa sana ako nang inilagay niya ang isang daliri sa labi ko. Napatigil tuloy ako sa pag-sasalita. 

 

Parang biglang tumahimik and paligid, I can only meet my heart beating fast. Napakurap kurap ako dahil sa ginawa niya. 

 

"Wag kana mag-protest. I'm not gonna let you win anyways." 

 

"'kay." 

 

Wala na akong ibang magawa kung hindi ang bumalik sa position kanina at ngumiti mag-isa.

 

Ngayon ang quarterly evaluation para sa dance at music club. Kaya busy si Lisa at Jennie sa mga practice nila. Ang lahat ng student ay required na panuorin ang recital ng bawat member ng club. Kaya nandito kami ni Seulgi ngayon sa auditorium, iniintay ang recital ng mga kaibigan namin. 

 

Seulgi and I are close enough to be in this kind of position. Kung minsan nga ay magka-holding hands pa kami kapag nasa klase, or kahit kapag naglalakad sa campus. Naka-ilang sleep over na din siya sa amin sa Cavite kaya naman ay super close na talaga kami, no doubt. I am attracted with her, and it shows in the way I act around her, sometimes. Showy ako, sometimes clingy, even sa text. Sa ngayon nga ay parang mas close pa kami kaysa saming dalawa ni Jennie noon! Hindi ko din naman siya masisi dahil naging busy siya sa club at siyempre, kay Lisa. 

 

Nang matapos mag perform si Jennie ay tumabi na agad siya sa amin ni Seulgi. Now we're only waiting for Lisa's turn. Makahulugan akong tiningnan ni Jennie bago siya tuluyang umupo sa vacant seat sa tabi ko. 

 

"Anong meron?" she asked. 

 

"Anong anong meron?" tanong ko, hindi alam kung ano ang ibig niyang sabihin. 

 

"Oh please don't act like you don't know." I rolled my eyes on her. 

 

"Ang alin ba?" 

 

"Bakit ganyan position niyo?" bulong niya sa akin para hindi marinig ng katabi ko. 

 

"Eh ano naman?!" 

 

"May something na?" bumilog ang mga mata ko nang ma-realize kung ano ang ibig sabihin ni Jennie. Tumatawa nalang siya habang hinahampas ko. Ngayon tuloy ay kahit si Seulgi ay nakikisali na sa kahibangan ni Jennie!

 

"Stop it, Love, you're hurting her." natigil ako sa ginagawa nang marinig iyon kay Seulgi.

 

Did she just? 

 

"Did you just call her Love?" hindi mapigilan ni Jennie ang ngumiti at ako naman ay hindi pa din makapag salita. 

 

"Y-yeah. I call my friends Love, too." tipid na ngumiti si Seulgi at nag focus nalang sa nagpe perform. 

 

Nakaramdam ako nang isang kurot mula kay Jennie at wala akong nagawa kung hindi ang ngumiti nalang. Tinawag niya akong Love? Tinawag ako na Love ni Seulgi Kang? Mahal niya ako?

 

 

Hindi pa din ako nakaka recover sa nangyaring iyon kahit nang dumating si Lisa. She invited us for dinner sa bahay nila kaya sumama na din kami. 

 

"Bakit parang wala sa sarili si Irene?" tanong niya pero parang wala akong lakas para sagutin iyon. 

 

"Don't ask her, Love. Mahabang explanation." nakitawa si Seulgi sa dalawa. 

 

"You okay?" hawak ni Seulgi ang isang kamay ko, hinihimas iyon nang tanungin ako. Napatingin ako sa mga kamay namin na ngayon ay magkapatong, bago siya tingnan na ngayon ay nakangiti. 

 

"Yeah." I smiled back at nagpatuloy nalang sa pagkain. 

 

I felt her smile again after I said that I'm fine.

 

Paminsan minsan ay nagnanakaw ako ng tingin sa kaniya. I can't help but be amazed, be attracted to her. Hulog na hulog na ako sa'yo, Seulgi Kang. 

 

=

 

Paalala para sa mga nasa similar situation:

 

Check the label, mga mamsh! chz. :D

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)
No comments yet