Ang Realizations ni Winter Kim

Shy Type
Please Subscribe to read the full chapter

Nasabi ko talaga na masama akong tao kasi nasaktan ko si Karina dahil sa katangahan ko. Aaminin ko naman na mali talaga yung ginawa ko. Bad yun eh. Kaya nung makita kung paano siya naconfuse and nasaktan sa ginawa ko, napaisip ulit ako.

 

Kasi hindi ko pala kaya makita si Karina na nasasaktan. Mahirap umiwas sa taong makikita mo araw-araw at nakikita mong nasasaktan dahil sa ginagawa mo. At hindi niya alam kung bakit. 

 

Ang tanga ko lang. 

 

“So anong nakuha mo sa pag “distansya” mo kay Karina?” Tanong ni Ning habang nag air quote siya sa word na “distansya.”

 

“Hirap pala.” Napakamot ako sa batok ko at napatawa. Yung tingin ni Ning sa akin parang gusto na niya akong sabunutan. Sige for once, payag akong magpasabunot dahil sa katangahan ko. 

 

“Edi nasaktan mo?” Tumango ako, nahihiya. “Very good ka diyan,” sarcastic niyang pagsabi sa akin. “So anong gagawin mo?” 

 

“Tatapusin ko na lang tong November. Hindi naman na kami masyado magkikita after so that way, hindi ko na kailangan umiwas ng bongga. Mawawala din tong feelings ko kapag hindi ko na siya makakasama.” 

 

Sana. 

 

“Paano kung magkikita kayo dahil susunduin niya si Ryujin? Iiwas ka?” Tinaasan niya ako ng kilay. 

 

Napabuntong hininga ako. Paano ba kami dati? Pag nagkikita kami, binabati lang namin isa’t-isa at hindi nag-uusap. “Hi, hello lang Ning. Gaya ng dati.” 

 

“Alam mo sinasaktan mo lang sarili mo. Shunga ka rin eh. Duda ako sa mga plano mo sa buhay.” 

 

“Ano ba dapat gagawin ko?” 

 

Kahit ano kasing iisipin ko, wala akong maisip na ibang paraan. Mahirap kasi nagiging isang circle of friends na lang kami. Mabuti na nga lang at magkaiba kami ng year at kinukuha. At least may space pa talaga. 

 

Pagkatapos ng bet, wala na akong ibang reason para magkita pa kami or magkasama. Mamimiss ko makita ang Mama Mary araw-araw pero heto lang ako, isang peasant lang. Hindi ko na talaga yata deserve ang ma-ala fairy tale coming-of-age story with a great romantic plot twist. 

 

Hindi makasagot si Ning sa akin. Kasi alam kong wala din siyang ma-suggest. 

 

“Kakausapin mo pa rin si Ryujin?” 

 

“Gusto ko. Kapag may chance na makausap ko siya mag-isa. Kakausapin ko siya kaagad.” 

 

“Sure ka na?” Tiningnan lang niya ako na parang unsure lang sa gagawin ko. 

 

“Oo. Gusto ko lang mag sorry.”

 

“Pero kay Karina, magsosorry ka?” 

 

Natahimik ako bigla. Naguilty. Hindi ko na nga alam kung paano siya haharapin. Parang need ko pa ng time kumuha ng lakas ng loob at kapal ng mukha. 

 

Mostly kapal ng mukha.

 

“Oo.” 

 

Buong Tuesday hindi ko nakita si Karina. Lowkey hinintay ko siya sa library at baka pumunta siya. Halos mabali na nga yata yung leeg ko sa kakasilip sa pinto at every time na may darating, tumitingala ako.

 

Buti na lang hindi ako nagkawhiplash. 

 

Ang plano ko talaga ay kung magkita kami, kukumustahin ko siya at magsorry. Yun lang.

 

Pero hindi siya dumating. Ni-anino nga niya hindi ko nakita. Hindi ko naman tinanong si Ryujin kasi nahihiya ako hinahanap ko jowa niya. Baka ano pa isipin.

 

Mabuti na rin ng hindi kasi may time pa akong mag-isip at magdasal. 

 

Wednesday.

 

Magkikita kami ng Wednesdays. 

 

Nag peptalk pa ako sa sarili ko sa may locker na kakayanin kong harapin si Karina. Pero iba talaga ang takbo ng universe kasi ng hindi ko pa hinahanap si Karina, bigla naman siyang sumulpot kung nasaan ako. 

 

Kaya mo Winter. Isa kang Kim. Small but terrible, Kim. Hindi ka pinalaki ni Ate Taeng na duwag.

 

Gusto ko na lang pala ibaon sarili ko sa lupa.

 

Ang lakas ng loob kong mag hi sa kanya na parang walang nangyari pero nakakatakot si Karina talaga kapag hindi ngumingiti. Especially kung alam mong may galit yung tao sayo. At isa pa, yung mga mata niya kasi, ang taray lang. Parang any minute, malulusaw ako sa mga titig niya.

 

Hindi niya ako binati. 

 

Tinitigan lang niya ako. 

 

Fault ko naman to. Deserved, I think.

 

Bakit ko ba kasing naisipan umarte na parang wala akong katangahan na ginawa? 

 

Actually, triny ko talaga umarte na okay lang ako. Para hindi niya mapansin na may something sa akin pagdating sa kanya. 

 

“Karina?” Kinakabahan akong tinawag siya. 

 

Mas naguilty lang ako ng makita ko ang pagchange sa mga titig niya. From mataray lang to questioning. Nakita ko sa mga mata niya yung confusion. Obvious na may gusto siyang tanungin, na may gusto siyang sabihin sa akin. 

 

Nanginginig kasi mga mata niya habang tinitigan lang niya ako. 

 

Hindi ko na mapagilan kamutin yung kamay ko. Nervous habit ko talaga yun. Nagiging malala lang talaga tuwing magkasama kami ni Karina. 

 

Nagulat na lang akong hawakan niya yung mga kamay ko at sinabi niya yung pangalan ko. Biglang uminit yung katawan ko. Grabe naman, kahit ba naman ganun lang yung ginawa ni Karina ay kikiligin ako? 

 

Ang lala. 

 

Nagpanic ako ng umakto siyang umalis at wala pa akong nasabi sa kanya so bigla ko na lang hinila yung bag niya. 

 

“Uhm, ano…” Huminga ako at kumuha ng lakas ng loob. “Karina…uhm, gusto ko sana mag-sorry.”

 

“Kasi ano…may iniisip lang ako. Hindi ko sinasadya na ikaw yung napagbutungan ko.” I lied. 

 

Wala na akong ibang maisip na idahilan sa ginawa ko nung Monday. 

 

Hindi ako nag expect na matatanggap ni Karina kaagad yung sorry ko. Kaya naman bumawi ako. Sa kanilang dalawa ni Ryujin.

 

Pero naging okay kami.

 

Tiniis ko ang mga huling araw ng November. Kahit na kinakain ako ng guilt at feelings ko kay Karina ay tiniis ko lahat.

 

Sa mga araw na yun, nakapagdecide na talaga ako na magiging okay ako sa feelings ko kay Karina. Kasi patapos na. 

 

Mag momove on ako.

 

Pero bakit kung kailan talaga ako nakapag-decide ay pinaglalaruan ulit ng universe ang feelings ko?

 

Ano ba yung mga pinagsasabi ni Karina sa akin? Bakit naman ganun yung mga binibitawan niyang mga salita? Bakit naman ganun siya kung makahawak sa akin? Kung makayakap?

 

She was glad it was me?

 

She wants to be closer to me?

 

Karina, ayoko talaga. Maling-mali yung mga gusto mong mangyari. 

 

Kasi kapag tinuloy ko pa yung pagkakaibigan ko sayo, iba na. 

 

At narealize ko talaga yun ng buong-buo ng bigla siyang mag text sa akin ng grocery list. Nagtaka ako. Kasi tapos na yung bet. December na.

 

Kasi nga tanga ako, pinagbigyan ako. Sa isip ko talaga, parang hindi dapat para sa akin yung text na yun. Para kay Ryujin.

 

Pero ginawa ko pa rin.

 

At doon, para akong nagkasala sa kaibigan ko. Kasi hindi ko dapat ginawa yun. Ang dapat kong ginawa ay finorward yung text ni Karina kay Ryujin. Kasi siya yung jowa. 

 

Ano ba tawag dun? Cheating ba yun? Pero hindi naman si Karina yung nag cheat. Ako. Ang dumi lang ng pakiramdam ko.

 

Hindi ko na talaga dapat ginawa yun. 

 

Narealize ko yung kabobohan ko ng makarating ako sa bahay nila Karina at nagulat lang siya nandun ako at hindi yun beb niya. 

 

Ang tanga ko lang no?

 

“So sorry, Win! Naabala pa kita. I know the bet is over. This was supposed to be for —”

 

“Ryujin.” Ako na yung tumapos sa sinabi niya. 

 

Ang bigat sa pakiramdam pag alam mong may masama kang nagawa. At aware ka sa mga ginagawa mo.

 

Ning, masama na yata akong kaibigan. 

 

Dapat umalis na ako eh. Pero sinamahan ko pa rin siya. Hindi ko rin naman magawa siyang iwanan kasi naawa ako sa itsura niya. Halatang sobrang sakit ng katawan niya.

 

And the whole time, para akong nasusuka sa mga ginagawa ko.

 

At yung madumi kong pakiramdam dumoble ng marinig ko ang mga pinagsasabi ng mga Marites. 

 

Hindi naman sila ganito kalala dati. 

 

Pero ang pangit na nga ng image ni Karina sa uni, mas lalo pang pumangit. At napagkamalan pa akong kabit. 

 

Sobrang tarnished na yung image ni Karina.

 

Gusto ko lang buhusan buong katawan ko ng alcohol at linisin yung sarili ko. 

 

Sa lahat ng ayaw ko sa buong mundo, yung infidelity.

 

Kasi nawitness ko yan. Hindi naman nangyari sa akin pero nakita ko kasi paano nasaktan yung taong walang kaalam-alam sa mga ginagawa ng partner niya.

 

Yung tipong ikakasal ka na dapat pero nagawang mag cheat pa rin sayo? Yung tipong kakaengage mo lang sa birthday mo pa mismo, tapos next month, nangabila siya? 

 

Nabuntis pa niya yung babae. 

 

Anong mafefeel mo? Na sa every birthday mo, maalala mo yung pagiging unfaithful ng partner mo? Imbes na happy occasion yung kaarawan mo, you get reminded lang sa pangbabastos ng tao sayo. 

 

So ayoko talaga ng feeling na yun. Ayokong gawin yun sa ibang tao, especially sa kaibigan ko. 

 

Alam ko naman na hindi magawa ni Karina yung mangaliwa pero just the thought of it lang is disturbing.

 

At ngayon na pinag-uusapan na kami ng masama, mas lalong naging firm yung decision ko na iwasan na ng tuluyan si Karina.

 

Ang pangit na nga ng tingin ng mga tao sa kanya, pinagkakamalan pa siyang two-timer?

 

Maling-mali.

 

Ang bait ni Karina. Ang sweet. Ibang-iba siya sa mga pagtingin ng mga tao. So ayoko ng makadagdag pa sa kung ano man ang mga binubulong ng mga tao dito.

 

Hindi nila alam kung gaano ka mahiyain si Karina. Hindi na fault ni Karina kung sa tingin nila maldita siya. Hindi rina niya kailangan mag explain sa kanila. Yung mga Marites, dapat kilalanin ang tao before mag judge. 

 

At ayaw ko rin pagkamalan ng kabit. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Baka i-disown din ako ni Ning kung i-continue ko yung pagiging close ko kay Karina. 

 

Catholic school pa naman. Pero puro chismis lang. Most of the time puro lies lang naman. 

 

Sinabi ko kaagad kay Ning tungkol sa mga narinig ko. Yung plano kong pag-iiwas na talaga. Nag-expect kong masermonan pero niyakap lang ako ni Ning ng mahigpit.

 

“Winter, 18 ka pa lang pero ang laki-laki ng problema mo.” Ginulo niya yung buhok ko. “Hindi ko gusto yung gagawin mo. Hindi naman kasi totoo yung mga pinagsasabi ng mga Marites na yan pero hindi kita mapipigilan kasi yan ang nararamdaman mo.”

 

“Ang pangit ko naman na kaibigan para sabihin sayo na mawawala din yan diba? You’ll get over it ganun?” Natawa siya. “Basta bes nandito lang ako para mag karaoke session.” 

 

Kinuha niya yung bluetooth mic. “Ang hirap pala magkagusto sa isang Mama Mary.” 

 

Binatukan ko siya. “Gaga ka talaga.” 

 

Almost by Tamia.

 

Gaga talaga to si Ning. Yan pa yung piniling kanta. Tinutulungan ba talaga niya akong mag move on or ano? 

 

Pero sige, ikanta ko na lang to. 

 

It really hurts, naevis. 





I miss the times that we never had

What happen to us, we were almost there

Who ever said it's impossible to miss

What you never had, never almost had you





Nagtaka lang si Chen ng dumating siya bakit kami umiiyak habang kumakanta. Pero hindi rin nagtagal, sumali din siya.

 

With feelings pa talaga. 

 

Pansin ko lang may hugot si Chen pag kumanta kami ng sad songs. Palagi niya kasing inaangkin yung mic. 






I cannot believe I let you go or what I should say is

I should have grabbed you up and never let you go

I should have went out with you, I should have made you my boo, boy

Yeah, that is one time I should have broke the rules



Should have went on the date, should have found a way to escape

Should have turned almost into if it happen, now it's too late

How could I celebrate a love that wasn't

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
mychacha
Yay!

Comments

You must be logged in to comment
winter1205
0 points #1
Chapter 32: yun oh, may pagkiss na sa pisngi yiee.. alow na aliw ako sa kulit ni winter, ang cute 😁
winter1205
0 points #2
Chapter 30: panira ng moment ning , nakakita lang pala ng nagyayakapan😂😂😂
Excited nako sa landi ng mama mary🥰
winter1205
0 points #3
Chapter 29: Thank you Lord nagkalinawan din sa wakas!

Aminan next, let's gooo!😂
winter1205
0 points #4
Chapter 28: awang awa nko sayo karina...
ang sakit na sa heart ng gnagawa mo winter😞
winter1205
0 points #5
Chapter 27: mag usap na kayo ng maayos, mag aminan na kau, chapter 27 na tau mga vaklang to jusko😩
winter1205
0 points #6
Chapter 24: go karina!! landiin mo pa, MOREEEEE PLEASE🤩🤩
stillem193
0 points #7
Chapter 42: TANGINA KINIKILIG AKO SHET FINALLY FINALLY FINALLY (may oc kami— math,,, pero e2 ak kinikilig ☺️☺️☺️☺️👊🤣)
winter1205
0 points #8
Chapter 20: ayiiieee may progress na , kinikilig ako😆
stillem193
0 points #9
Chapter 36: TOL TAEHYUN TOL DISTANSYA KASI, ALAM MONG PAMILYANG TAO KINEKERENGKENG MO ASAN ANG UTAK MO#?!*?#*??#
winter1205
0 points #10
Chapter 15: Wwahahahahh hi winter🤣😂