Ang Bet

Shy Type
Please Subscribe to read the full chapter

And if forever's not enough for me to love you

 

I'd spend another lifetime baby

 

If you ask me to

 

There's nothing I won't do

 

Forever's not enough for me to love you so



 

Tuluyan ng nag concert si Ning. Actually silang dalawa ni Chen kanina pa nag concert. Kanina nag duet pa sila ng Bakit Ngayon Ka Lang. Wala akong complaints. Ang gaganda ng mga boses ng twins. Pinagpala nga. Pwede na silang sumali sa Tawag ng Tanghalan.  

 

Ang sa akin lang is, wag naman nilang angkinin yung mic kapag nagkakaraoke kami. Si Chaeryeong na first time sumama sa aming karaoke sesh, ay gulat na gulat sa dalawa. Di kami maka kanta. 

 

Nag reserve pa kami ng songs and for what?!?! Kinanta rin naman ni Ning. 

 

Favourite ko pa naman yung Hanggang Ngayon ni Kyla. Song opener ko yun eh! 

 

Hindi na sila naubusan ng boses. Nag imbita pa talaga. 

 

Ang plano lang naman talaga namin after ng exams ay mag hangout lang before pumunta si Ning and Chen ng Cebu para sa birthday nila. Noong 24th pa yung birthday nila so parang belated hang out na rin ito. Usually, sumasama kami ni Soobin sa mga birthday trips ng twins pero nagiging busy na talaga kami sa pag mamanage ng shops.

 

O di ba, adulting kami ng slight ni Soobin? 

 

Pero masaya naman ako sa ginagawa namin. Nakakatuwa lang na natutunan ko lahat about sa business namin from the inside talaga. Part na to sa aking coming-of-age story!

 

Ayun nga, dapat hang out lang talaga kasi pagod kami kakaaral sa exams namin walang hiya! Pero si Ning nag insist na mag rent ng private karaoke room para daw pampawala ng stress. 

 

Tapos umorder pa ng maraming beer. Akala mo kung sinong nainom hindi naman? 

 

Kaka-18 niya lang! Si Chen go lang ng go sa kambal niya. Kung sa halos lahat ng bagay hindi sila magkasundo, nagkakasundo sila sa games at kalokohan. 

 

Ito na daw yung walwal night nila kasi legal age na sila. 

 

Hindi naman uso sa Chinese ang debut so di na nila gagawin yun. Kaya mag out of town na lang daw sila ng family nila sa Cebu. 

 

Pag 18 ko noong January, hindi rin ako nag debut. Di ko lang bet. Tapos new year din kasi yung birthday ko so pointless na yun. 

 

Nag walwal night din ako careof Soobin and Ate Taeng. Fresh from break up din ako two months prior kaya gora lang. Walwal na kung walwal.

 

Si Soobin ang nagbigay ng aking first shot of tequila as an 18 year-old. After that, parang ayaw ko ng maamoy ang tequila. Gumapang ako sa hagdanan papunta kwarto ko. Pagpasok daw ni Mama sa kwarto, amoy alak at suka daw. 

 

Tapos whole day akong nagsuka. Bwisit talaga. Si Ate Taeng din kasi instigator eh. 

 

Akala ko naman papagalitan kami ni Soobin pero siya pa yung tagay ng tagay sa amin. Inintroduce pa niya yung sake bombs. Yung i-drop mo yung shot ng sake sa beer tapos one shot mo lang yung baso. 

 

Grabe, sumasakit tiyan ko everytime naalala ko yun.

 

Pero memorable yung birthday na yun. Nalasing din kasi si Ate Taeng — found lying in a ditch. As in literal nahulog siya sa kanal. 

 

So, hindi ko alam paano namin uubusin tong tatlong bucket ng beer. Si Chaeryeong naka dalawa pa lang. Ako, ayoko ng uminom. Si Soobin at Chen lang yung nag tatandem sa pag-inom. Si Ning nga, isa pa lang nainom.

 

Di ko alam na ang walwal night niya is her concert night. 

 

Kahit birthday niya, share naman ng mic!

 

“Pakantahin mo naman kami, Ning. Sinosolo mo eh,” pag-reklamo ko. “Wala na rin kaming pulutan. Si Chae kasi ginawang ulam yung calamari.” 

 

“Hindi niyo ako pinag-dinner! Gutom ako!” Sinubo niya na yung last ng calamari. “Invite niyo ako tapos di niyo ako pakainin? Akala ko rich kayo?”

 

Hinagis ni Ning yung mic sa amin. “Ayan oh, kantahin mo na yung Hanggang Ngayon mo. Di ka pa rin naka move on, bes?” Tiningnan niya si Chaeryeong. “Order ka na lang Chae ng kahit ano.” Bakit ang amo ng boses pagdating kay Chae?

 

“Hoy anong hindi naka move on? Past na yun no.” 

 

“Sinong present mo, babs? Si Miss Inspiration ba?” Binato ko si Soobin ng tansan ng beer.

 

“Baliw. May jowa yung tao.” 

 

“Pero happy crush, Wintot?” Inirapan ko na lang si Ning at hinanap yung Hanggang Ngayon ni Kyla sa songbook. 

 

“Alam mo,” nagsalita ulit siya. “Parang delicades ka na dyan sa Miss Inspiration mo ha.”

 

“Ha?” 

 

Ngumiwi yung mukha niya after niyang uminom ng beer. Di pa nga sanay. “Pansin ko lang iba na yung patingin-tingin mo kay Karina. Remind lang kita na jowa ni Ryujin yan.”

 

“Alam ko.”

 

“Parang hindi naman.” Nagsalita si Chaeryeong habang tumitingin sa menu. “Palagay ko naman totoo yun sinabi ni Ryu na besties lang sila.” 

 

“Paano mo naman nasabi yun? At kailan mo pa tinawag si Ryujin ng Ryu?” Nagtatakang tanong ni Ning. “Ay ewan, wag kang maniwala. Ang touchy at clingy nila para maging besties lang. May paghalik pa nga sa clinic diba? Magjowa yun.” 

 

“Oo nga eh pag nakita ko sila parang ang sweet lang nila sa isa’t-isa. At once or twice ko lang sila nakita ha!” Sabat naman ni Chen. 

 

Tama, hindi mo sila makita na hindi magkadikit except nung nag-away sila. Tapos pag nakita mo si Karina sa bahay nila Ryujin…basta asal jowa. 

 

“Paano na yan babs? Wala na tayong chance sa Miss Inspiration mo.” 

 

“Ewan ko sa inyo. Anong chance? Wala naman akong binabalak! Bad influence talaga kayo.” Sumimangot na ako. Paano naging tungkol sa akin yung usapan? Amp! 

 

“Bakit yung pag-uwi mo nung nag dinner kayo, kilig na kilig ka?” 

 

“Hindi kaya! Happy lang ako na naresolve namin yung nangyari!” Pag defend ko. “Bakit ikaw, babs? Sino yung palagi mong ka-chat? May jowa ka na ba?” 

 

“Secret ko na lang yun, babs!” Nag peace sign siya at tumawa. “Tapos hindi naman palagi! Parang once lang kaya yun nag-usap kami. OA neto.” 

 

“Bahala ka, Winter. Basta mag-ingat ka at wag kang ma-fall kay Karina. Di ka naman masasalo.” Babala ni Ning.

 

Alam ko lahat yun! Di naman ako tanga. 

 

Matapos nun at nag shift naman yung pinag-usapan namin tungkol sa invitation ni Giselle sa amin. Nanghihinayang si Ning na hindi makasama sa trip ng mga clingies sa Tagaytay. Birthday celebration para kay Giselle kasi birthday niya sa October 30. Magkasunod lang pala sila ni Ning.

 

“Sayang! Makakasama ko na sana si Kuya Kambal!” 

 

“Ning, diba may ka-MU ka na?” Napalingon ako kay Chaeryeong. Ngayon ko lang to nalaman. Bakit walang sinasabi sa akin tong shunga na to. 

 

“Hoy Ning, anong MU? Bakit hindi ko alam to? Akala ko ba bestfriend mo ako?” 

 

“Grabe ka, Chae! Wala akong ka-MU!” 

 

“Yung first year com-sci na ka-org mo?” Ilaglag mo pa si Ning, Chae! Hindi nagsasabi eh. 

 

“Ka-org ko lang yun! Ma-issue ka talaga!” 

 

“Nakakatampo ka, Ning!” Tinulak ko siya ng mahina. “Others na ba ako? Di ka na nagkwento!” 

 

“Ang OA, Wintot! Hindi bagay! At wala naman akong kwento talaga? Si Chae lang tong ma-issue.” 

 

“Si ano ba yun? Yung matangkad na singkit?” Tanong ko. May naalala kasi akong lalaki nakasama niya minsan tuwing may rehearsal sila. Hindi ko na matandaan pangalan. “Siya ba, Ning?” 

 

Hindi ako pinansin! Naghahanap ng kanta! 

 

“Sus palusot mo lang si Kuya Kambal, Ning eh. May girlaloo na kaya si Kuya Kambal.” Bakit ang daming alam ni Chaeryeong? Kaya ba ang haba ng buhok niya kasi marami siyang alam na sikreto?

 

“Joke lang naman kasi yung kay Kuya Kambal. Hello? Ang gwapo niya so malamang may girlaloo na yun no!” 

 

 “Ang landi mo talaga Ning kahit kailan. Hindi kita kambal.” Nag make face si Chen kay Ning. Ang childish lang ng dalawang to. 

 

“Mas malandi ka Chen!” Sabay bato ng tinidor. 

 

Jusko walwal night pa nga. 


 

****

 

Saturday. Seven am. Makati. 

 

Kami ang nag open ni Soobin sa isang branch namin dito sa Makati. Officially start na ng sem break so officially start na din kami sa pag mamanage ng branch na to for the whole week.

 

Exciting lang kasi first time ko tong gawin! Pwede ko ng ma-apply yung mga natutunan ko sa school dito. Usually kasi taga-bilang lang ako ng coins at minsan tumutulong bumabalanse ng books pero yung pang isang araw lang. Nag hire sila Mama ng Accountant for month-ends. 

 

Nag request ako na kung pwede kong i-try yun next time. Oo naman daw. Sige go! I’m excited lang talaga! 

 

Sa ngayon, nag inspect lang kami ni Soobin ng mga machines kung may mga dumi or natitirang damit na hindi nakuha. Naglinis din kami ng konti. May CR din dito so chineck ko na rin yun kung malinis ba. 

 

Yung mga tables para pagtupian ng damit, inayos ko na rin. Inayos ko na rin yung mga upuan pati na rin yung mga basket na pwedeng gamitin. Chineck ko na rin yung inventory namin ng mga sabon at fabric softener. Pwede kasi silang bumili dito. 

 

Si Soobin chineck yung computer for outstanding pick-ups ng dry cleaning at yung mga scheduled pick-ups for today. 

 

Tuturuan niya ako mamaya kung paano gamitin yun. May customer management software kasi kaming ginagamit para mas madali ma track yung mga customers at yung mga pinapalaba nila. 

 

Mas madali na i-manage yung mga customers pag ganun. Sa rami naming branches, needed na talaga yun. At makikita mo rin yung history nila. So everything is well accounted for. 

 

NAKS. 

 

Kaya sa year-end, hindi na rin masyado mahirapan ang Accountant mag balanse ng books diba? Lahat nandyan na sa computer. Computer na lang niya. 

 

Feel ko na talaga maging business owner. Charot! Sa pag graduate ko daw sabi nila Mama. 

 

Malapit na mag nine. Nine kasi kami nag open at yun ang earliest pick up ng dry cleaning. 

 

“Babs, pahinga ka muna. May 15 minutes pa naman tayo,” tawag ni Soobin sa akin sa office. 

 

Oo, may office kami sa likod! May break room din for the staff. O di ba, napaka accommodating lang ng aming shop for staff and customers.

 

Apat lang naman staff namin and lahat sila nakapasok na. Naghihintay na lang sila mag nine. 

 

“Okay, babs!” 

 

Nag-stay na lang muna ako sa front since wala pa naman tao. Kinuha ko cellphone ko sa bulsa ko para i-check. Hindi naman ako palaging nag che-check ng phone. Di ko lang habit. Minsan ko lang ginagamit and usually naglalaro lang ako. 

 

Hindi ko pa na-check phone ko since this morning. Ino-open ko lang talaga to para sa time at nakita ko kanina na ang raming notifications sa Instagram. 

 

Minsan ko lang naman ginagamit yun. 

 

Tiningnan ko na notifs ko. 

 

Text ni Ning. 

 

Messages sa gc.

 

Notif sa game.

 

Instagram replies? 

 

Hindi ko naman ginagamit yung IG

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
mychacha
Yay!

Comments

You must be logged in to comment
winter1205
0 points #1
Chapter 32: yun oh, may pagkiss na sa pisngi yiee.. alow na aliw ako sa kulit ni winter, ang cute 😁
winter1205
0 points #2
Chapter 30: panira ng moment ning , nakakita lang pala ng nagyayakapan😂😂😂
Excited nako sa landi ng mama mary🥰
winter1205
0 points #3
Chapter 29: Thank you Lord nagkalinawan din sa wakas!

Aminan next, let's gooo!😂
winter1205
0 points #4
Chapter 28: awang awa nko sayo karina...
ang sakit na sa heart ng gnagawa mo winter😞
winter1205
0 points #5
Chapter 27: mag usap na kayo ng maayos, mag aminan na kau, chapter 27 na tau mga vaklang to jusko😩
winter1205
0 points #6
Chapter 24: go karina!! landiin mo pa, MOREEEEE PLEASE🤩🤩
stillem193
0 points #7
Chapter 42: TANGINA KINIKILIG AKO SHET FINALLY FINALLY FINALLY (may oc kami— math,,, pero e2 ak kinikilig ☺️☺️☺️☺️👊🤣)
winter1205
0 points #8
Chapter 20: ayiiieee may progress na , kinikilig ako😆
stillem193
0 points #9
Chapter 36: TOL TAEHYUN TOL DISTANSYA KASI, ALAM MONG PAMILYANG TAO KINEKERENGKENG MO ASAN ANG UTAK MO#?!*?#*??#
winter1205
0 points #10
Chapter 15: Wwahahahahh hi winter🤣😂