Ang Pagkikita

Shy Type
Please Subscribe to read the full chapter

Hanggang ngayon pinapagalitan pa rin ako ng parang bata ni Ate Taeng. Mas worse pa siya mag sermon kesa kay Mama.

 

19 na kaya ako.

 

May jowa na nga ako eh.

 

Pause. 

 

Kinikilig ako. Jowa ko na si Karina. Ang surreal pa rin until now. 

 

Okay, go. 

 

Paano ba naman kasi, umuwi akong galing Batangas na puno ng Caladryl yung binti ko.

 

Yes, mga bading. Totoong kagat ng lamok. Wag kayong ano! 

 

At ang pinakamalaking kagat ay yung sa bandang collarbone ko.

 

Oo nakakagulat nga eh.

 

Nang makita yung ni Ryujin, pati ako nagulat. Anong kagat ng lamok? May double meaning ba yun? As far as I remember, Karina didn't go that far.

 

Wait ulit! 

 

Pause.

 

Takte, kinikilig talaga ako.

 

First time kong humalik ng ganon. Yung ano, French. 

 

Shet, di pa rin ako makapaniwala. 

 

Legit nalagutan ako ng hininga habang hinahalikan ako ni Karina. Hindi rin naman ako magpapatalo no! Kahit na konti lang experience ko, ayokong ipakita kay Karina na wala akong alam.

 

Kasi meron, meron, meron!

 

Nagustuhan niya nga eh.

 

Hehe.

 

Pero grabe lang talaga yung gabing yun. Sana pala birthday palagi ni Karina para maghalikan kami ng ganun no? 

 

Joke…or am I? 

 

Lumalandi na yata ako. Sabi nga ni Ning naninibago siya sa kalandian ko. Ito talaga ang nangyayari kapag pinapabayaan kang maging bading. 

 

Out and proud lang! 

 

Back to that night.

 

Gulat na gulat rin ako ng bigla niyang hinawakan pwet ko! Karina, please lang. Hindi pa ako ready sa mga ganyan na roles. Hinay hinay tayo beh!

 

Hindi naman sa hindi ko gusto, hindi lang talaga ako sanay. Naninibago pa rin talaga ang katawan ko sa mga paghawak niya sa akin. Para bang lumiliyab yung katawan ko everytime na lumalapit si Karina sa akin. At ang first instinct ko ay lumayo.

 

Sorry naman sa baby ko. It’s not you, it’s me. Charot!

 

Masasanay din ako. 

 

Of course naman.

 

Nasasanay na nga ako ng slight. 

 

Pero anything more intimate than a hug, kailangan ko pa magdasal ng sampung Our Father kay Sky Daddy. 

 

Ayun na nga, ang saya lang ng Batangas trip. 

 

Pagkatapos namin mag overnight ni Karina sa bahay kubo nila at pinag piyestahan ng lamok, nag sorry naman siya.

 

Hindi naman talaga namin plano mag stay dun. Pero after the intense kissing session, umupo lang kami at nagkwentuhan habang tumitingin sa langit.

 

Okay yung upo namin ay si Karina nasa likod ko habang ako naman nasa harapan niya. I sat in between her legs. Parang back hug ganun.

 

Ang…comfy pala ni Karina. 

 

Ayoko na lang mag divulge more info kung gaano ka comfy si Karina. Ayoko na rin mag backtrack sa nangyaring pag cuddle ko sa kanya habang natutulog kami.

 

Kasi nakakahiya.

 

At…basta! Akin na lang yung mga feelings ko about sa pagiging malapit ni Karina sa akin, okay?

 

Hindi ko nga magawang mag share kay Ning tungkol doon kasi sobrang..hnnnnnngggg! Hindi ko kaya. Mamumulang kamatis lang yata ako kapag ikekwento ko yun. 

 

Balik nga sa mga kagat ng lamok ko. 

 

Nakatulog lang naman kami ni Karina sa bahay kubo habang nag star gazing kami. Hindi na namin namalayan kasi ang sarap din ng hangin tapos yakap, yakap pa ako ni Karina sa likod. Tapos may discover din ako sa baby ko. Kung ang boses niya sa gabi over the phone ay hot, it’s hotter in person.

 

Kasi naman kung makabulong si Karina, nakakagoosebumps! Ang lalim talaga ng boses niya, lalo na’t inaantok siya. May pagka raspy na. 

 

I guess in the middle of our kwentuhan na rin, nakatulog kami. Next thing you know, ang dami ko ng kagat ng lamok. Ang unfair nga kasi si Karina, isa lang? 

 

Sabi niya pa mas kinagat daw ako ng lamok kasi ang puti ko daw, nakikita ng mga lamok ang dugo ko.

 

Hindi naman ako transparent, baby. 

 

Buti na lang may dalang Caladryl si Giselle. Sabi nga nila walking pharmacy siya.

 

Nilagyan ako ni Karina ng ointment sa binti ko at sa collarbone ko tapos sinabi ko pa sa kanya na seryoso si Ate Taeng tungkol sa banta niya dapat hindi ako makagat ng lamok.

 

Nag worry naman si Karina pero inassure ko naman sa kanya na wala lang yun. Ayaw kang talaga ni Ate Taeng na magkapeklat ako kasi ang ganda daw ng skin ko. 

 

Ewan ko ba sa kanya. 

 

Minsan binebaby niya ako masyado.

 

Baby na nga ako ni Karina eh.

 

Chos! 

 

At dahil nag worry si Karina sa mga kagat ng lamok ko, hinatid niya talaga ako sa bahay. Sabi ko naman na okay lang at mag Grab lang kami since hindi kami masundo nila Soobin at Ning.

 

Pero she insisted. Hindi pa nga siya nakapag-rest at nakapagayos ng gamit niya, hinatid na kami agad. Ni-hindi man lang siya nag hi sa parents niya. 

 

Birthday na birthday niya pa nga. 

 

Siya na rin daw manghingi ng sorry kay Ate Taeng dahil hindi daw niya ako naalagaan ng mabuti.

 

Ako nga dapat mag sorry sa mommy niya eh. Kasi binigyan ko siya ng napakalaking pasa sa maganda niyang mukha. Sa birthday niya pa!

 

Hindi pa rin ako maka get over dun.

 

Nasaktan ko lang naman ang aking Mother of Christ na girlfriend. Sumasakit pa rin talaga puso ko everytime naalala ko yung pag bato ko ng bola. Ang lakas kaya nun! Si Soobin kasi umilag! Para sa kanya yun eh.

 

Ayan tuloy. Nagmukhang chipmunk yung girlfriend ko. Napakagandang chipmunk.

 

Pero yung pasa niya talaga! Naiiyak ulit ako! Buti na lang hindi ako binigyan ni Ate Irene ng sampung milyon para layuan ang kapatid niya dahil sa ginawa ko.

 

Si Karina naman, alam kong masakit yun pero okay lang daw. Sanay na daw siya sa mga sipa dahil sa Taekwondo. Baby, hindi talaga yun okay. Buti na lang wala siyang concussion kasi if ever man, I would never forgive myself.  

 

Masakit talaga yun kasi nung naghalikan kami (jusko, namumula ulit ako) napadiin ko ng konti yung hawak ko sa mukha niya at nasaktan siya. Pero grabe si baby ha! Kahit masakit, go ng go pa rin siya. 

 

Ayan tuloy, mas grabe yung pasa niya when we woke up. 

 

I’m sorry, baby. 

 

Babawi ako.

 

Pagkadating namin sa bahay, hinila ko muna si Karina before kami makapasok. Tinanong ko siya kung okay lang ba kung mameet niya parents ko if ever nasa bahay sila.

 

Sinagot lang naman ako ng, "I'd have to meet them sooner or later anyway." 

 

Oh pak! Ang brave na talaga ng baby ko!

 

Pero naghabol pa siya ng sinabi, "It would've been nicer kung hindi ganito yung situation pero I take responsibility sayo kasi dinala kita sa Batangas."

 

Ako na si Rapunzel. Ang haba ng hair ko eh! 

 

She takes responsibility daw! 

 

Mainggit kayo please lang. Ang cool pala ng girlfriend ko! 

 

Shy type no more! 





Sermon ang inabot namin pagpasok namin sa bahay. Buti na lang wala sila Mama at Papa.

 

Ewan ko ba kay Ate Taeng at ang mga kagat ng lamok ang una niyang nakita pagdating namin. 

 

“Anong nangyari sa binti mo?”

 

“Bakit hindi ka nag off lotion?” 

 

“Diba sabi ko mag-ingat kayo?” 

 

“Sino ba kasi maysabi na magtambay kayo sa malamok na lugar?”

 

“Karina, akala ko safe dun?”

 

Parang armalite lang yung bunganga. Pwede sila ni Ning mag duet.

 

Papagalitan na sana niya si Karina ng makita niya ang mukha ng girlfriend ko. Aawayin ko pa naman si Ate kung papagalitan niya si Karina. Birthday niya kaya! 

 

“Anong nangyari sa mukha mo? Bakit ka nagkapasa? Nag wrestling ba kayo dun?”

 

“It was an accident lang po, Ate,” mahinang sabi ni Karina. Feel ko yung takot ni Karina kay Ate Taeng. Medyo natatawa ako kasi ang liit-liit ni Ate tapos nakatingala siya habang kinakausap niya si Karina. Parang galit na smurf.

 

Sinabi ko naman kay Ate na ako ang may kasalanan. Tiningnan lang ako ng masama at sinabing, “Deserve mo pala makagat ng lamok eh.”

 

ATE???

 

Pero okay na rin at ako lang ang pinagalitan at hindi na si Karina. Baby ko yan? Birthday niya tapos papagalitan lang? 

 

Naku. 

 

Pagkatapos ng mahabang sermon ni Ate ay hinatid ko na si Karina sa kotse niya. 

 

“Sorry kay Ate ha. Ang extra niya talaga minsan,” hinawakan ko ang kamay niya. “Sorry din sa mukha mo, baby.” Naiiyak na naman ako habang tinitingnan yung mukha niya. Mas obvious na yung pasa niya. Para talaga siya binugbog. Halik lang dapat ang dadampi sa beautiful face ng girlfriend ko! 

 

Hinaplos ko ang mukha niya and nakita ko yung pag wince niya. Masakit pa talaga. “Sama na lang din kaya ako sa inyo ulit, baby? Mag sorry ako kay Mommy mo.” 

 

Pagkadating kasi namin sa bahay nila, hindi na kami pumasok sa loob. Hinatid kaagad kami ni Karina so hindi ko na nakita parents niya. 

 

Magsusumbong kaya si Ate Irene? 

 

Dapat talaga nagpakita muna ako before ako umuwi eh! Ang bad ko. 

 

Bigla naman lumiwanag ang mukha ng baby ko, “Really?” Napasmile na din ako kasi ang cute din talaga ni Karina. Eto rin yung na discover ko sa kanya eh. Ang cute cute ni Karina. Privilege ko na talaga makita ang side na to sa kanya. 

 

“Oo. Magagalit mommy mo eh,” pag whine ko. Napapout na lang ako sa kanya eh. “Samahan na kita. Mag sosorry ako kay mommy mo. Responsibility din kita, baby. Binilin ka kaya ng mommy mo sa akin. Tapos birthday mo pa.” 

 

Natawa lang siya at biglang napahawak sa mukha dahil sa sakit. Huhu, kahit pagtawa, sumasakit ang mukha ng baby ko! Kiniss ko naman. Light lang para hindi masakit. 

 

“Mommy was just joking. Hindi naman siya magagalit. She’ll just be worried,” ngumiti siya. “Plus, I will go to Yuyu’s house para macheck din ako ni Mama. Pero I’d love it if you come home with me.” 

 

Come home with me daw!

 

Jusko! 

 

Also, doctors pala ang parents ni Ryujin. Napanatag naman ang loob ko ng slight pero gusto ko pa rin talaga siyang samahan. Gusto ko rin makasama si Karina ng matagal pa since birthday niya nga.

 

“Susunod na lang ako sayo, babe. Hindi ako mapakali talaga. Punta ako sa inyo, okay? Ayoko ma ruin birthday mo dahil sa akin.” 

 

“You could never ruin it, babe,” pinisil niya cheeks ko. Nangigigil na naman po siya. “Pero, we’re having dinner with everyone tonight. Okay ka lang sumama?” 

 

Everyone? Ay nakaka-intimidate naman. “Sino si everyone?”

 

“Well, my family. Sila Yuyu and parents niya. Baka sasama din si Ate Sohee.” 

 

Ay ayan na naman po si gay awakening niya. Pero, over na ako! Iuuwi nga ako ni Karina diba.

 

Hehe.

 

Kinakabahan ako pero kakayanin. Para sa baby ko. “Okay lang, babe. Basta wag mo ako iiwan mag-isa.” 

 

“Never,” ngumisi siya. “Magbibihis ka pa ba? I’ll wait for you na lang.” 

 

Tumango ako. Medjo expired na ako so need ko mag quick wash ng kili-kili para fresh naman tayo. “Mabilis lang ako. Dito ka lang sa kotse mo. Baka ano pa sasabihin na Ate. I’ll be quick lang.” 





Napatago na lang ako sa likod ni Karina after kong mag sorry sa parents niya. 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
mychacha
Yay!

Comments

You must be logged in to comment
winter1205
0 points #1
Chapter 41: Wahahahha BABY BABY BABAY! YES BABY😂 Label muna mga vading😂
winter1205
0 points #2
Chapter 40: Luh winter anyare ,grabe gabi na nagchat..
stillem193
0 points #3
Chapter 54: Chapter 54: Shems nand2 na aq 🤩 batak n batak mag basa, isang linggo 😭
stillem193
0 points #4
Chapter 52: TANGINANG YAN 😭😭😭 RYUJIN KATOK KC AYAN 2LOY INIS SI ATE MO KK
winter1205
0 points #5
Chapter 38: WINTER anuna na, kumiss kna na rin sa cheek, para lips na sa susunod🤭
stillem193
0 points #6
Chapter 50: Kala ko pawis tumutulo,,, luha ko pala,,,, ios ios👌PERO HUY NGINA ANG ROLLER COASTER NITONG CHAPTER 😭😭😭 kinikilig ako andyan na c 3 words 8 letters
stillem193
0 points #7
Chapter 49: Shet omg bakit blank buong chapter❓❓(naiiyak na ak r2 oh)
winter1205
0 points #8
Chapter 36: Bwct ka taehyun
Hay karina tama lang yan cancel nyo date nyo kahit ako badtrip sa ngyayare haiist😩😣
stillem193
0 points #9
Chapter 47: Bwisit na lamok yan 😭
stillem193
0 points #10
Chapter 46: Nako karina ikaw di mo ba inaalagan nang maayos yan tsktsktsk dami tuloy kagat ng lamok BDSHBDHABD PUTABGINA 😭😭😭