Ang Christmas Break

Shy Type
Please Subscribe to read the full chapter

Ilang chapters ba ng coming-of-age story ko ang nakalipas para makaabot kami sa puntong ito? 

 

Mga 400 pages or 30 chapters yata kung sa libro to. Kung sa movie, mga 45 minutes yata. Sa buhay ko, napakatagal lang. Pero nandito na kami ngayon. Hindi naging madali. Actually, madali sana kung hindi lang ako shunga-shunga pero yun na nga. Ang buhay ay parang life lang. 

 

Maraming assumera at isa na ako doon.

 

Pero teka lang.

 

Wait. 

 

Hindi pa ako makapaniwala sa nangyari sa amin ni Karina. Hindi ko kasi inexpect yun. Ang plano ko lang talaga is mag-sorry sa kanya at sabihin yung dahilan kung bakit ko ginawa yung ginawa ko. Hindi naman talaga maiwasan na masabihan ko siya tungkol sa nararamdaman kasi yun nga naman yung main reason.

 

Kinikilig pa rin ako kapag iniisip ko yun. 

 

Akalain mong nagkagusto din sa akin ang isang Mama Mary? Truly blessed na yata ako sa pagiging Jesus lover ko. 

 

Pero bago muna yun, nakakapanghina pala talaga makatanggap ng text na seryoso galing kay Ryujin. 

 

Parang na-drain yung dugo ko ng mabasa ko yung text ni Ryujin. Coincidentally, magtetext din sana ako kay Ryujin kung pwede ko ba siyang kausapin. Naunahan lang ako. Kaya grabe yung nginig at kaba ko. 

 

Grabe yung timing ng universe. 

 

Napag-usapan namin na magkita kami after class ng Friday. 

 

Halos buong araw kabado ako. So Ryujin, parang wala lang sa kanya. At that time, akala ko pa na sila ni Karina so iba’t-ibang klase ang tumatakbo sa utak ko. Akala ko nalaman niya na may gusto ako kay Karina at sasabihan niya na lumayo ako sa kanya at sa friends niya.

 

Yung kaba ko, tagos sa uniform ko. Ang basa ng kili-kili ko.

 

Expected na ako na galit si Ryujin sa akin pero hindi ko inakala na sa ibang dahilan. 

 

Naalala ko pa, muntik na akong maihi sa takot. Joke lang. Pero, natakot talaga ako kay Ryujin. 

 

“Bakit mo iniiwasan si Yuyu, Winter? May galit ka ba sa kanya?” Yan ang una niyang sinabi sa akin ng magkita kami. 

 

Litong-lito ako. “Huh?”

 

“Akala ko ba crush mo si Yuyu? Bakit mo siya iniiwasan?” Galit na galit yung mukha ni Ryujin. Yung ilong niya pinagpawisan at lumalaki. 

 

Ako naman, litong-lito sa pinagsasabi niya. Crush ko naman talaga si Karina. Actually, more than crush. Pero bakit doon siya galit? 

 

“Ano?” 

 

“Bakit mo iniiwasan si Yuyu kung crush mo siya? Kaya ko nga ginawa yung bet para maging close kayo eh.” Ang lakas ng boses niya. Buti na lang walang ibang tao doon. 

 

At that point, hindi ko na alam ang pinagsasabi ni Ryujin. Sa isip ko, bakit niya pinipilit sa akin yung jowa niya? 

 

“Anong pinagsasabi mo? Bakit mo binibigay sa akin jowa mo?” Gulo kong tanong sa kanya.

 

“Winter hanggang ngayon pa rin?” Parang naiinis na natatawa yung boses ni Ryujin. Tapos tiningnan lang niya ako na hindi alam ang nangyayari at bigla siyang tumawa ng malakas. “Ang shunga mo talaga. Besties kami, Winter. Ilang beses ko ba sabihin sayo yun? No wonder ang weird mo lately.” 

 

Naguguluhan na ako. “Teka. Ano?” 

 

“Winter, hindi ko jowa si Yuyu. Bestie ko siya. Ate ko siya. Ew naman.” Ngumiwi yung mukha niya tapos nilabas niya yung dila niya na parang nasusuka. Ay grabe naman, si Karina na yun pero sukang-suka siya. “No offense Winter pero, kadiri lang. Sayo ni si Yuyu.” 

 

“So hindi talaga kayo?” 

 

“Ew no!” Diring-diri talaga siya. 

 

“Oh my god.” Napabulong na lang ako sa sarili ko. Matagal na nga nilang sinasabi yun sa akin pero hindi talaga ako naniwala. That time talaga, parang na-drain lahat ng liquid sa katawan ko. 

 

Lahat ng ginawa kong pag-iiwas kay Karina nag replay sa ulo ko at gusto ko na lang magpalamon ng buhay sa lupa. O kaya, itapon sa outer space. 

 

Hindi lang kasi kahihiyan yung ginawa ko. Kundi katangahan. At higit sa lahat, kasakitan. 

 

Ang tanga ko lang. 

 

Hindi na ako makapag-salita ng ma-realize ko yung pagkakamali ko. Nakatingin lang ako kay Ryujin habang inulit-ulit ng utak ko yung stupidity ko. 

 

Tawa lang ng tawa si Ryujin. 

 

As in.

 

Hindi niya mapigilan ang tawa niya. 

 

Tapos sabi niya, “hulaan ko kung bakit ka ganyan maka-react.” Napabuntung-hininga muna siya para kumalma. Amused na amused siya sa itsura ko eh. “Crush mo si Yuyu noon. Nagugustuhan mo na siya ngayon. Akala mo jowa ko siya so iniiwasan mo siya.”

 

Nakatunganga lang akong tumango sa kanya. 

 

“No offense, Winter, pero ang bobo mo sa part na yun.” 

 

Hinintay lang ako ni Ryujin ma-collect ang sarili ko. My thoughts and emotions. Charot. 

 

Pero sa true lang, ang tagal ko kasing nakatunganga lang. 

 

Hinintay lang ako ni Ryujin hanggang sa kinwento ko lahat sa kanya. From the first time na narealize ko na crush ko si Karina, hanggang sa nagustuhan ko siya dahil sa bet namin.

 

Lahat ng nararamdaman ko kay Karina, binuhos ko kay Ryujin. Ang ewan lang din niya minsan mag react kasi ang animated ng mukha! 

 

Ngingisi siya kapag sinabihan kong kinikilig ako kay Karina tapos hahampasin pa niya ako tuwing sinasabi ko yung nararamdaman ko kapag kasama ko si Karina.

 

Ang sakit ng hampas niya! Pero hindi ako nag complain. Deserve ko yung mga hampas niya.

 

Nanlumo naman yung mukha niya ng kinwento ko yung pag-iiwas ko kay Karina. Kung pwede lang akong mapatay sa tingin, baka wala na ako. Nakakatakot si Ryujin magalit. 

 

Pero ng sinabi ko yung dahilan kung bakit ganun ako mag-isip, lumambot yung expression niya. 

 

Pero kinurot pa rin niya ako. Ang sakit! 

 

“Pahampas nga ng isa pa, Winter!” Biro niyang sabi. “Pareho lang kayo ni Yuyu eh. Frustrating. Paguntugin ko ulo niyo eh.” 

 

“Bakit frustrating si Karina?” Nagtataka naman ako. Ako lang naman kasi yung may kasalanan.

 

“Ah basta. Dapat kayo na ang mag-usap,” sabi niya. “Mag-usap kayo. Mag sorry ka! Ang lungkot kaya niya. Akala niya may nagawa siyang masama sayo.” 

 

Hindi ko naman mapigilan malungkot sa sinabi ni Ryujin. 

 

It’s all my fault talaga. 

 

“Kakausapin ko siya,” nahihiya kong sabi.

 

“Dapat lang! Mag confess ka na rin. Ang sakit sa mata yung pagiging shunga mo eh.” 

 

Napatingin na lang ako lupa. Nahihiya ako kay Ryujin. “Sorry.” 

 

“Wag ka sa akin mag sorry. Kay Yuyu.” 

 

Tinanguan ko lang siya. Napanguso na lang ako. “Mag sosorry naman talaga.” 

 

“Talaga lang or hindi lang batok aabot sayo next time. Ang pangit ni Yuyu magmukmok sa kwarto niya!”

 

Everytime na sinasabi ni Ryujin na malungkot si Karina, nalulungkot din ako. Nakakaiyak. 

 

“Ganyan, pareho kayo,” tinuro niya yung mukha kong malapit na talagang maiyak. Tapos natawa siya. “Bagay talaga kayo. Anyway, pumunta ka na lang sa party ni Yuna bukas. Ininvite ka niya diba?” Tumango ako. “Pumunta ka. Mag sorry ka!” 

 

So yun ang nangyari sa usapan namin ni Ryujin. 

 

Ayoko ng isipin yung katangahan ko in the past. Every time kasi na nirelive ng utak ko yun, para gusto kong mag evaporate sa world.

 

Gusto ko yung present. Kung anong meron kami ngayon ni Karina. Friends with feelings. Pati ako natatawa sa sinabi ko eh. Pwede ko naman sabihin na MU kami? O kaya…ano…d-d-dati — hindi ko masabi kasi kinikilig ako! 

 

Nakakakilig lang talaga isipin na may gusto din siya sa akin.

 

Sa akin? Isa lang naman akong Winter Kim. Maganda, matalino pa. Yan ang sabi ni Mama. 

 

Gust niya ako.

 

Hehe. 

 

Hindi ako magsasawa sabihin yun. Karina likes me. 

 

Jusko. Paki kurot nga ako. Hindi naman to panaginip diba? Ito na ba yung punto sa coming-of-age movie na patungong happy ending? 

 

Pero ayokong pangunahan. Kasi it’s too early. Go with the flow lang tayo. Kung saan ako comportable sabi ni Karina.

 

Speaking of that, iba pala talaga ang attention galing kay Mama Mary. May idea naman ako kung gaano ka attentive si Karina dahil sa mga friends niya pero iba pag ikaw yung subject of her attention. Charot. 

 

Kung ako noon ay hindi mapigilan tingnan siya, mas malagkit ang mga tingin ni Karina. Hindi ako sanay. Yung pag titig niya tapos kapag mag eye contact kami, mag smile siya ng napakalawak without breaking eye contact. 

 

Ako yung nahihiya! Hindi ko kasi alam kung anong gagawin kapag ginagawa niya yun. Parang nag mamalfunction yung utak ko. Lahat ng ginagawa ni Karina, nag bubuffer lang ako. Especially, kapag nagiging close siya.

 

Papa Jesus, let me breathe talaga. 

 

Nasasanay na ako sa mga yakap niya pero yung mga haplos niya? Yung mga slight hawak niya sa kamay ko? My god! Paano ko masusurvive ang isang Mama Mary? 

 

Hindi ako sanay na ganito yung pag treat sa akin ng isang taong may gusto sa akin kasi patago kami ni MJ before. Nakakapanibago lang na si Karina ay walang pakialam sa mga tao at ready magpakita ng affection. 

 

Physically affectionate talaga siyang tao. Clingy nga sabi nila. Hindi ako nagcocomplain! Like ko naman. Hindi pa talaga sanay yung katawan ko magreact sa mga ginagawa niya. 

 

Sabi ko pa sa kanya na babawi ako dahil sa ginawa kong katangahan pero paano? Hindi lang sa busy ako, pero si Karina yung panay magbigay ng attention. 

 

Kailangan ko ng mag step up. Hindi ako pwedeng mag gay panic kapag nandiyan siya. Nasaan na yung confidence ko? Ang yabang ko pang tanungin siya kung jojowain niya ako pero speechless and motionless lang si ako palagi. 

 

Masasanay din ako.

 

Ako din yung mag first move. Hindi lang ako hanggang milk tea at tsaa!

 

More po! 

 

Pero ang hirap kasi. 

 

She’s so…Karina is soo…grabe lang. 

 

Paano ba sabihin? She catches me off-guard. Char not char.  

 

Ang ganda niya lang talaga.

 

Sa tuwing nakikita ko siya, para akong lumilipad. Ang OA ko ba? Ibang klase lang talaga siya eh. Palagi kong inuulit sa ulo ko na siya si Karina na may gusto din sa akin.

 

Yung utak ko minsan nagooverdrive sa mga thoughts about sa kanya. Sa smile niya. Sa mukha niya. Pati na rin yung paglakad niya. Minsan kasi kapag naglalakad siya, parang model. Ginagawang runway yung hallway. My gosh naman talaga. 

 

Tapos before pa ako makagalaw ay mag internal panic muna ako. Feel ko nga nagtataka si Karina sa galawan ko minsan kasi late ako mag-react. Buffering lang. 

 

Di ko na kasalanan na ganyan yung effect niya sa akin. She leaves me breathless. 

 

JUSKO! 

 

Kapag narinig ako ni Ning, masusuka yun. 

 

Tapos yung pagkakilala ko sa kanya na shy type noon ay ibang-iba na ngayon. I mean, mapapansin mo pa rin yung pagka-mahiyain niya pero mas confident siya sa mga ginagawa niya. As in, nakakaloka po!

 

Bago kasi mag Christmas break, lumabas kami. Hindi lang kami ni Karina…kaming lahat. Although side note, di pa talaga kami lumalabas ni Karina na kaming dalawa pa lang. Babalikan ko ang thought na yan later. Dapat ayain ko siyang mag date!

 

Anyway, lumabas kaming lahat. Kumbaga, yun ang aming Christmas hang out kasi hindi kami magkikita over the break. Hindi rin kami magpaparty or whatever. May sarili kaming mga party with our families.

 

Si Karina, parang pinanggigilan ako. Hindi ako nagmamaganda ha pero yun nga ang nangyari. Bago kasi kami magsiuwian, nag-usap muna kami ni Karina. 

 

Hindi kami magkikita over the break kasi busy with Christmas stuff. Pero may ibibigay daw siya ng gift sa akin. Sabi ko ako rin pero hindi ko pa alam kung ano. Magkikita na lang daw kami after sa bagong taon since birthday ko rin naman at balik na ng klase.

 

Kinilig naman ako. 

 

May Mama Mary na dadalaw sa birthday ko. Blessed kung blessed! 

 

Tapos bago siya umalis ay tiningnan lang niya ako. May parang gustong sabihin sa akin pero hindi niya masabi. 

 

So inunahan ko na lang siya. Since assumera akong tao, nag-assume ako na yun ang gusto niyang sabihin. 

 

Hindi ako nagkakamali. 

 

“Mamimiss kita,” sinabi ko sa kanya ng mahina. Unti-unti siyang nag smile sa akin. Ito yung type ng smile na nawawala yung mga mata niya. Napaka-rare na smile pero pag ganito mag smile si Karina, knock out ka talaga. Grabe lang. 

 

Dito din nagsimula yung panggigil niya sa akin. Bigla niya lang hinawakan mukha ko with her two hands at pinisil cheeks ko. “I’ll miss you, too,” ganti niyang sabi sa akin. 

 

Na-overwhelm ako! Hindi ako makagalaw. Para akong statwa. 

 

Napansin niya yung pagkapula ng cheeks ko at hinapolos niya yung mukha ko gamit ang mga hinlalaki niya. 

 

Hindi ko alam kung gaano katagal niya hinawakan ang mukha ko. Kasi at one point, akala ko talaga hahalikan niya ako.

 

Susmaryosep lang! 

 

Yung dibdib ko parang sasabog. Grabe kasi kung makatingin. Pinagmasdan ko lang yung mga mata niya habang tiniti

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
mychacha
Yay!

Comments

You must be logged in to comment
stillem193
0 points #1
Chapter 42: TANGINA KINIKILIG AKO SHET FINALLY FINALLY FINALLY (may oc kami— math,,, pero e2 ak kinikilig ☺️☺️☺️☺️👊🤣)
winter1205
0 points #2
Chapter 20: ayiiieee may progress na , kinikilig ako😆
stillem193
0 points #3
Chapter 36: TOL TAEHYUN TOL DISTANSYA KASI, ALAM MONG PAMILYANG TAO KINEKERENGKENG MO ASAN ANG UTAK MO#?!*?#*??#
winter1205
0 points #4
Chapter 15: Wwahahahahh hi winter🤣😂
winter1205
0 points #5
Chapter 7: uuyy babs👀
winter1205
0 points #6
Chapter 1: ohhh, akala ko si Yuyu is si Winter🤩

Karina maltese tlaga?😂
stillem193
0 points #7
Chapter 34: WAIT TANGINA GAGO KINIKILIG/NATATAWA AKO PERO ANG ILEGAL KAPAG MAY GAGAWIN PA AKO 😭😭😭😭😭😭 (haha sunod ulit)
stillem193
0 points #8
Chapter 33: E2 ak patawa tawa lang,, kunwari walang kakabisaduhin 😁🥰🥰 shet research pahirap ka talaga
stillem193
0 points #9
Chapter 32: To summarize, chapter sha na pagkabaliw ni Winter kay Karina mababasa mo 😁😁 (gets na gets qta win)
stillem193
0 points #10
Chapter 32: Madami ul8 ak gagawin (kakabisaduhin, haha research lintik ka, friday ka nalang utang na loob) pero e2 ako nag babasa 😁😁😁 pano kc pagod ak kagabi kaya di ko nayari chap na to,,, 🥴 (nag alarm pa ako alas onse para mag basa, natulog lang ul8 ak 😁)