Ang Inspirasyon

Shy Type
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi ko na mapigilan sarili kong tumakbo ng makita ko ang bestfriend ko sa harap ng school gate. Hinihintay niya ako, gaya ng pinagusapan namin kagabi, kasi gusto ko magkasabay kaming pumasok sa class. 

 

Oo, first day namin ngayon as full-fledged university students. Grabeng pag romanticize ko lang noon kung anong mangyayari pag nakapasok na kami. 

 

Sa movies kasi, ang saya lang nila. Marami kang friends, ang raming activities, maraming gala, at the best part ay yung mahanap mo yung jojowain mo. 

 

Alam mo yung, may pa slow-mo effect pang nangyayari ‘pag makita mo na yung tao na gusto mong mahalin habang buhay? Hindi naman talaga ako naniniwala dun pero libreng mag imagine diba? At hindi naman talaga jowa ang main goal ko. 

 

As an 18 year-old freshman, I just want to have fun! Charot. 

 

‘Di naman masyadong halata na excited kami no, na sabay kaming tumitili at tumatalon ng parang ewan ng magkalapit na kami sa isa’t-isa. Pero oo, kinikilig nga ako eh, para akong maihi sa excitement. 

 

Dito namin matetest kung kaya ba namin maging adult. 

 

Eto na yata ang point of our life na ma-experience namin yung “coming of age” thingy na palaging mga major themes sa mga movies about kids our age. 

 

“Winteeerrrr!” 

 

Kung makatili to parang pterodactyl na nanganganak. Di ko pa narinig yung sound ng pterodactyl pero ‘pag ang mga paleontologist naghahanap ng reference point, I volunteer Ning as tribute. 

 

Joke.

 

Pero ang nipis kasi ng boses, minsan ang sakit sa tenga. Pero love ko to. Mcdo lang pala.

 

“Bestfrieeend!” 

 

O di ba. Ako rin pala mala-pterodactyl kung tumili. Kaya kami mag bestfriend eh.

 

“Ano na! Excited na akong pumasok. Excited na akong makipagkaibigan sa kung sino-sino!” Kung magsalita din, parang armalite yung bunganga. Joke lang ulit. Mahal ko to. 

 

“Patingin nga ng excited?” 

 

Bigla namang nagpacute sa harapan ko. Tinawanan ko na lang siya at ikinawit ko ang braso ko sa kanya at nagsimulang maglakad papasok ng gate. 

 

Parehas kaming excited mag-tap ng ID sa reader. Medyo high-tech naman to kasi lumalabas lahat ng info namin, pati na rin ang picture namin! 

 

Kim, W.

Business Management

Time in: 07:33 am

 

Si Ning naman excited at walang pakialam makita yung mukha niya sa screen.

 

Ang ganda niya daw. Ang galing ng photographer kasi nacapture nga daw ang beauty niya. Oo na lang. 

 

Napagalitan pa nga kami ni Kuya Guard kasi si Ning ayaw ng umalis. Panay picture sa mukha niya sa screen. Maraming mga students naghihintay! 

 

Kung hindi ka pa sawa sa mukha mo, kami sawa na!

 

May isang babaeng sa likod na inis na inis na.

 

Grabe nakakahiya.

 

Hinila ko na lang si Ning paalis. Eto naman si gaga, may pahabol pang picture dun sa babae nagsita sa amin. For evidence daw. Ulol.

 

First day na first day tapos sinita pa kami. Yung naimagine kong pagpasok namin ng school na may pa montage ng scenes with matching background music ay naglaho na sa isip ko. 

 

So much for romanticizing uni life. Charot. 

 

***

 

Business Management kaming dalawa ni Ning. Parehas kasi family namin na may business. Yung sa family ni Ning, something about exporting goods from China. Taga China kasi family niya. 

 

Childhood friends kami ni Ning and ever since nag settle yung family nila dito sa Manila, naging close na family namin. Kapag umuuwi sila Ning sa China, may pasalubong ako palagi. 

 

Sinama pa nga nila ako after namin grumaduate ng high school eh. Gift daw nila Mama at Tita sa akin. First time kong umalis ng Pinas! Ang saya lang ng summer namin. 

 

Ang family ko naman ay may laundry shop business. Gusto ko talaga mag evolve yung business namin. Coin laundry mainly yung malakas. Marami na rin kaming branches sa Manila. 

 

Marami akong plano para sa business namin. Sa Japan kasi, may mga machines na pwede maglaba at magdry ng sapatos. Coin machine pa rin which makes it cheaper lalo na sa mga kabataan na mahilig mag collect ng shoes at hindi ma-afford yung mga shoe cleaning services dito.

 

O di ba. I cater to the youth. Vote for me! Char. 

 

At higit sa lahat, dream ko talaga magtayo ng laundromat slash cafe. Nakakapagod kaya maglaba, especially ‘pag wala ka sa bahay. Edi magkape ka muna while naghihintay!

 

I cater to everyone talaga. 

 

Sa business din namin, palagi lang kaming nagbibilang. Coin laundry nga eh. Kaya nga ang galing ko sa math. 

 

Hindi naman sa pinagyayabang ko (pero pinagyayabang ko talaga ‘to), but math genius yata ‘to. 

 

Bigyan mo ako ng kahit anong problem set, kaya ko yan. Without calculator.

 

Mic drop. 

 

Biro lang. Need ko rin naman ng calculator minsan. 

 

***

 

Pagpasok namin sa gate, napansin namin na may pinagkakaguluhan sa may parking area. Malalagpasan kasi namin yun papuntang building namin. 

 

Ako naman na may pagka-Marites (slight lang), di ko mapigilan mapatingin. 

 

Naglalakad pa rin kami sabay tingin-tingin na din. Di rin to magpatalo si Ning sa pagka-Marites. Yung leeg niya kung makasilip parang giraffe. 

 

Bumublong yung mga tao sa paligid so mas nacurios na din ako.

 

Sino ba si Karina? Maganda ba yan? Bakit ang famous niya? Bakit pinag-uusapan kaagad wala pa ngang alas otso sa umaga. 

 

Napatingin ako sa pinakalikod ng parking lot ng makita ko ang napakahaba ng legs ng babae na bumaba sa sasakyan. 

 

Di naman ako manyak pero kasi, yung uniform namin, di mo masabing maganda tingnan, especially yung skirt. 

 

Si Ate Girl kasi, bakit parang tailored na tailored yung uniform sa kanya? Tapos ang haba pa ng buhok kahit nakatali. Likod pa lang nakikita ko ha pero feel ko ang ganda niya. 

 

Inikot niya yung sasakyan before siya umakbay sa isang girl na mas maliit sa kanya.

 

Wait lang, yung side profile ni Ate Girl! Ilong pa ba yan o Mount Everest? Ang tangos naman! 

 

Tumingin ka dito. Lingon lang ng konti.

 

Diba sabi ko hindi ako naniniwala sa pa slow-mo pag nameet mo na yung taong gusto mong jowain? Parang naniniwala na kasi ako eh.

 

Pag lingon kasi ni Ate Girl, parang tumigil yung takbo ng panahon. Hindi ako nagkakamali na maganda siya. Yung mukha niya ang liit. Yung ilong ang tangos. Yung mata niya, parang pusa na mukhang mataray. Bagay na bagay sa mukha niya. Tapos yung buhok niya na pa sway-sway to the left and right as she walked. Wow.

 

Kahit saglit lang ung pagkakita ko sa mukha niya, para akong lumipad sa ere. Eto na ba ung moment na nakikita ko sa movies? Anong yung kanta?

 

Come on, leave me breathless

Tempt me, tease me

Until I can't deny this

 

“Wow, parang ang sarap maging inspirasyon.” 

 

“Ano pinagsasabi mo bes?” 

 

Napatingin naman ako kay Ning. Di ko namalayan nasabi ko pala yun ng malakas

 

“Ang ganda niya. Parang ang sarap maging inspirasyon.” Inulit ko sa kanya. 

 

Tumawa lang siya at hinampas yung balikat ko. “May jowa na yata eh. Tingnan mo.” Nguso niya. 

 

Di ko napansin na hindi lang magkaakbay si Ate Girl at Ate Liit. May pa-hawak pa sa bewang! 

 

Suddenly, yung pa slow-mo kanina ay naglaho na rin sa isip ko. Bahala na nga. 

 

“So? Nagagandahan lang naman ako eh. Masama ba yun?” 

 

“Ewan ko sa’yo.” 

 

Inirapan ko lang siya.

 

“Tara na nga.” Sabi ko sabay hila sa kanya papunta sa building namin. 

 

***

 

Hindi pa rin nawala yung pagbulong ng mga tao hanggang sa makapasok na kami sa room. Sino ba kasi yan si Karina at bakit ang famous niya? Napaka-Marites naman ng mga tao dito. Catholic school ba to o Chika Minute?

 

Nakaupo na kami ni Ning sa tabi ng redhead na babae. Natural hair colour ba niya to? Ang ganda kasi sa kanya and

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
mychacha
Yay!

Comments

You must be logged in to comment
winter1205
0 points #1
Chapter 32: yun oh, may pagkiss na sa pisngi yiee.. alow na aliw ako sa kulit ni winter, ang cute 😁
winter1205
0 points #2
Chapter 30: panira ng moment ning , nakakita lang pala ng nagyayakapan😂😂😂
Excited nako sa landi ng mama mary🥰
winter1205
0 points #3
Chapter 29: Thank you Lord nagkalinawan din sa wakas!

Aminan next, let's gooo!😂
winter1205
0 points #4
Chapter 28: awang awa nko sayo karina...
ang sakit na sa heart ng gnagawa mo winter😞
winter1205
0 points #5
Chapter 27: mag usap na kayo ng maayos, mag aminan na kau, chapter 27 na tau mga vaklang to jusko😩
winter1205
0 points #6
Chapter 24: go karina!! landiin mo pa, MOREEEEE PLEASE🤩🤩
stillem193
0 points #7
Chapter 42: TANGINA KINIKILIG AKO SHET FINALLY FINALLY FINALLY (may oc kami— math,,, pero e2 ak kinikilig ☺️☺️☺️☺️👊🤣)
winter1205
0 points #8
Chapter 20: ayiiieee may progress na , kinikilig ako😆
stillem193
0 points #9
Chapter 36: TOL TAEHYUN TOL DISTANSYA KASI, ALAM MONG PAMILYANG TAO KINEKERENGKENG MO ASAN ANG UTAK MO#?!*?#*??#
winter1205
0 points #10
Chapter 15: Wwahahahahh hi winter🤣😂