Ang Wintots

Shy Type
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko. 

 

Parang nasa hot water na kasi ako ever since sinimulan namin tong bet na to ni Ryujin. Bakit ba kasi ako pumayag?

 

Akala ko kakayanin ko. 

 

Akala ko lang pala yun. 

 

Sa isip ko kasi, wala lang talaga. Walang problema kasi happy crush lang. Hindi pa to magiging something more. Pero iba lang talaga ang takbo ng universe at parang binibigyan nila talaga ako ng plot twist sa aking coming-of-age story.

 

Pero hindi ito ang gusto kong plot twist. 

 

Kasi nalilito na ako. 

 

Especially kasi mas nakikilala ko na siya. 

 

Nang sinimulan namin to ni Ryujin, binigyan niya ako ng parang rundown about kay Karina. Kung ano ang mga gusto niya at kung ano ang mga ayaw niya. 

 

Nung una, ang weird lang. Kasi akala ko uutasan lang niya ako diba? So bakit niya pa sasabihin yung mga gusto ni Karina. Diba simpleng “bilhan mo si Karina ng chocolates” ay okay na? 

 

Hindi yung “favourite chichiria niya ay yung Pringles na pink.” Okay? Does that mean na bibilhan ko na siya agad-agad ng Pringles na pink? Saan ba ako makakabili ng pink Pringles? At isa pa, hindi ko na need yun malaman? Sa isip ko kasi, kailan ko ba siya mabibigyan ng Pringles na pink? Gagawin ko lang naman mga utos ni Ryujin. 

 

Pero ngayon tumatawa na ako sa sarili ko kasi hindi lang kasi mga utos ni Ryujin yung ginagawa ko, kusa na akong gumagawa na hindi siya nagsasabi.

 

Tulad ng detox water niya. 

 

Ang sabi lang sa akin ni Ryujin nagdedetox si Karina kasi nga daw feeling unhealthy na siya after sa sunod-sunod na pagkain nila sa fast food during exam week. So ayun, kailangan daw niya magpurga! 

 

So binigyan ko siya. Kasi akala ko need niya. Kasi sabi ni Ryujin nagdedetox nga siya. 

 

Hindi ko naman alam kung anong nilalagay dun! Nung una akala ko may something na chemical chu chu na ilalagay. Lemon, pipino, at mint lang pala! 

 

Marami kaming pipino sa vegetable garden ni Ate Taeng. 

 

Pumunta pa talaga ako ng grocery para bumili ng lemon at mint. Sabi ng website, optional ang mint pero masarap nga daw kapag meron. Refreshing naman talaga ang mint. 

 

Sinamahan ako ni Ning sa mall. Bilang isang best friend ko nga siya, hindi siya nagkulang kakaremind sa akin about sa “happy crush” ko kay Karina at kung kakayanin ko ba to. 

 

“Bes, sure ka na ba dito? Happy crush lang talaga?” Tinutulak niya yung cart sa chichiria aisle. Since nandito naman na kami sa grocery, edi mag grocery na lang. 

 

“Concerned ka naman masyado Ning. Hindi naman yata ako mafafall?” 

 

“Sinasabihan lang kita. Madali ka pa naman magkagusto sa tao. Unang araw pa nga lang ng nakita mo si Karina, happy crush na kaagad eh. Ano kaya kung mas makikilala mo siya?” Tiningnan niya ako ng matalim. 

 

“Hindi naman yata, Ning. Awkward nga kami eh.” 

 

“Ang effort mo lang kasi sa detox water na to.”

 

“Sabi kasi ni Ryujin nag detox siya.” Depensa ko. “Ginagawa ko lang ang sinasabi ni Ryujin.” 

 

“Sinabi ba ni Ryujin na gawin mo? Or kusang ginagawa mo to?” 

 

Hindi na ako nakasagot. Patuloy na lang kami nag grocery. 

 

Ayaw ko talagang isipin na may mas ikakaclose pa sa amin ni Karina. 

 

Pero grabe, kinakain ko yung mga sinasabi ko kay Ning. Kasi sa mga sumusunod na araw, biglang nagiging comfortable si Karina sa akin. 

 

Hindi ko alam kung anong nangyari. Nung mga unang araw kasi, weird pa yung pakikitungo niya sa akin. Awkward ganun. Nahihiya pa rin kami sa isa’t-isa. At dahil nga almost araw-araw ko na siyang nakikita at nakakausuap, mas naging maluwag yung pakiramdam ko sa kanya. Siya rin sa akin…yata. 

 

Kasi kinakausap na niya ako na hindi nagmamadali. Although minsan nakasimangot pa rin talaga siya pero tinitingnan na niya ako ng maayos. Hindi na siya mukhang manabunot. May pa-smile pa nga siya eh. Yung smile na hindi forced! Noon kasi, parang pilit lang siya ngumiti sa akin. 

 

May mga bagay na napapansin ko sa kanya. Madalang lang talaga siya mag salamin pero sinusuot niya to kapag pagod ang mata niya. May habit din siya na tinataas yung salamin niya kahit hindi naman niya ito sinusuot.

 

Palagi ko siyang nahuhuli at minsan pag ginawa niya yun, tumatawa lang siya sa sarili niya tapos sasabihin na, “I keep thinking I’m wearing my glasses. Force of habit lang.” Sobrang endearing lang niya. Walang-wala sa mukha niya yung cute at mahiyain niyang personality. 

 

Hindi ko naman inaasahan na maging close kami ni Karina. Pero yung mga times na hinihintay niya ako matapos sa org meetings ko…kinikilig ako. Kahit alam ko na hindi pwede. Kahit alam ko na hinihintay lang niya ako dahil ako yung maghahatid sa kanya sa bahay nila. 

 

Just the thought lang kasi na may isang Mama Mary na naghihintay sayo…sino bang hindi kikiligin? 

 

Naranasan ko na rin yung sobrang pagka-sweet niya. 

 

Ang sabi ko lang talaga sa sarili ko, “I’m in danger.” 

 

Kasi…kasi…because…mahirap na.

 

Naalala ko lang nung sinamahan ko siya sa mall. Ang sudden lang nga ng pagsama ko sa kanya eh. Bago pa lang nag start yung bet, inutusan ako kaagad ni Ryujin na samahan si Karina. 

 

That time may number na si Karina sa akin. Awkward pa rin kami. Tinext pa niya ako na hindi naman required na samahan ko siya dahil lang sabi ni Ryujin. Makulit lang talaga si Ryujin. 

 

Sabi niya yun.

 

Siguro naman ayaw niya akong pasamahin dahil nga awkward pa kami masyado at ayaw niyang maging uncomfortable kasama ako habang may binibili. 

 

Pero of course, dahil fair player ako, sumama na ako. 

 

Susunduin ko dapat siya. Pero she insisted na magkita na lang daw kami sa mall para hindi hassle. 

 

Sobrang considerate naman niya. Sabagay, may car naman siya. Nagdadrive din siya. 

 

Si Ryujin kasi walang hiya. Charot! Joke lang yun! Part kasi sa bet. So syempre, kailangan ko gawin yung end of the bargain.

 

At ayun nga, ang weird lang ng araw na yun. 

 

Si Karina kasi parang hindi pa siya nakapunta sa mall. Para lang siyang batang nawawala. Natataranta na nalilito. 

 

Nagkita kami sa may National Bookstore. Buti na lang at sinamahan ko siya kasi ang rami niyang pinamili! Buhat-buhat niya dalawang bags ng office supplies. 

 

Syempre, tinulungan ko siya. Nagtalo pa nga kami eh.

 

“Win, you don’t have to.” Gustong-gusto ko talaga pag tinatawag niya akong Win. Siya lang kasi tumatawag sa akin ng ganyan. 

 

“Ako na. Ang dami mong dala.” Inabot ko yung isa pang plastic na hawak-hawak niya. Ayaw pa nga niyang bitawan pero binigay din naman niya sa akin sa huli. 

 

After that, para siyang nag malfunction? Hindi na niya alam kung saan siya pupunta. Palakad-lakad lang siya na parang walang direction. Ako naman, sunod ng sunod na lang. Hanggang sa napansin ko na naiinip na siya sa sarili niya.

 

Naiinip pa siya sa sintas niya na hindi na nakatali. Pasipa-sipa lang siyang naglalakad para hindi to matapakan. Actually, ako rin yung nainip sa ginagawa niya kaya hinila ko siya sa gilid at yumuko. 

 

Tinali ko ang sintas niya.

 

“Ano pa bibilhin mo?” 

 

“Uhm, ink for the printer.” 

 

Tumingin ako kung nasaan kami. “Silicon valley?” Tumango siya. “Tara.” 

 

Ako na yung nag lead papunta sa store. Nakakainis nga kasi pagdating namin, yung mga lalaking sales rep ay tinutulak ako para makausap si Karina. 

 

“Ink lang po kailangan namin Kuya,” napabulong ako sa inis. 

 

Pero eto kasi yung nangyari. 

 

Paano ba to. Puso ko. Dapat talaga hindi ako ganito mag react eh. Napapahamak ang puso ko.

 

Pero eto na.

 

Si Karina napansin niya yata na binabalewala ako ng mga sales rep at tinutulak palayo so dumikit lang siya sa akin. Si Mama Mary po ay sadyang napakasweet. Nasabi ko na talaga na mahilig siya sa mga physical touch kasi jusko, mahabagin! Yung kamay niya nakapwesto lang sa likod ko. 

 

Hindi naman super dikit pero alam mo yung naghohover? At pinapakita niya sa mga sales rep na kasama niya ako. Alam ko, ang babaw ko nga naman. 

 

Pero kasi…ewan ko. Ang ewan ko lang. 

 

So after namin makabili ng ink ay parang hindi na mawala yung kamay niya sa likod ko. Kasi naman hawak-hawak ko yung pamili niya, so parang nilelead niya rin ako habang naglalakad kami sa mall. 

 

Ang rami din tao so pag may makakasalubong kami na parang mababanga ako, hinahawakan niya likod ko para mapalapit sa kanya at maiwasan yung mga tao.

 

Kulang na lang talaga bigyan ako ng jacket dahil yung balahibo ko palagi lang tumatayo. Para akong kinuryente every time ginawa niya yun. 

 

Tapos ng pumunta kami ng bakery para bumili ng tinapay, napansin niya yata yung paglaway ko sa chocobread. Kasi ng tinulungan ko siya ilagay yung mga pamili sa kotse niya, inabutan niya ako ng isang plastic bag puno ng chocobread at kung ano-ano pa.

 

Masaya pala siya kasama kasi nanlilibre. Char.

 

“Uhm, I noticed you were looking at it earlier.” Nahihiya pa niyang sinabi. “Hindi ko rin alam what else you liked so I just got a bunch of other stuff. Thank you, Winter.” 

 

Syempre natouch si ako! Nagpapacute pa akong nagsabi na napakarami yung binili niya for me pero sa totoo lang, gustong-gusto ko yung chocobread. 

 

Pagkatapos ng aming mall adventure ay parang naging close kami? May nag switch lang! Not complaining pero ayun nga, I’m in danger.

 

Magkakasala na talaga ako kay Ryujin.

 

Sa mga hintayan namin at sa paghahatid ko sa bahay nila, grabe na kasi yung kilig ko. Hindi ko na kaya. Umaapaw yung kilig at pagiging guilty ko. Para mas nangingibabaw yung feeling ko na may mali sa mga ginagawa ko.

 

Kasi hindi na yata happy crush ang nararamdaman ko para kay Karina.

 

At parang na confirm ko to ng pumunta kami ng Starbucks nung isang araw bago ko siya hinatid sa kanila. Nag crave kasi si Karina so pinagbigyan ko na lang. So pumunta kami ng Robinsons. 

 

Nakita namin si MJ, yung ex ko. 

 

Interesting lang yung conversation namin ni Karina after. 

 

Umupo lang kami muna ni Karina before kami umalis. Nagulat lang ako ng may kumalabit sa akin sa likod at paglingon ko, bumungad yung matamis na ngiti ni MJ.

 

“Winter! Ikaw nga!”

 

“MJ!” 

 

Sobrang tuwa ko lang na nakita ko siya kaya hindi ko mapigilan mapatalon at mapayakap sa kanya. Ganun din naman si MJ – niyakap niya ako ng mahigpit. Ang tagal na kasi ng last kami nagkita. 

 

“I miss you,” sabi ni MJ ng makawala siya sa yakap namin.

 

“Namiss rin kita!” Bati ko rin sa kanya. Tapos tiningnan ko si Karina at inintroduce ko siya. “Karina, si MJ pala…friend ko.” Hindi ko nga alam kung ipapakilala ko si MJ na friend or ex pero bilang MJ is MJ, siya na yung humabol na nagsabi.

 

“Hi Karina!” Bati niya. Nag hi din naman si Karina. “We also used to date.” 

 

Nakita ko naman yung pagkagulat ni Karina sa sinabi ni MJ. Binagsak lang kasi niya na walang pa intro-intro man lang. Napakamot lang ako sa batok ko at napailing. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. 

 

Namumula akong pag-explain ang nature ng relationship namin. “Ah, oo, ex ko si MJ. Pero clean break naman kaya friends pa rin kami.” 

 

Actually, hindi ko alam kung bakit ako nag-explain? Parang kinailangan ko lang kasi linawin yun? Ewan ko. 

 

Nagtinginan lang din kami ni MJ na parang natatawa sa mga nangyari. Bilang ang tagal na namin hindi pa nagkita ay nag catch up muna kami. Hindi rin nagtagal si MJ kasi may naghihintay sa kanya.

 

Niyakap niya ako ulit ng napakahigpit. May pabulong pa si Ate mo MJ!

 

“Wintot, ang ganda niya. Nililigawan mo ba siya?” 

 

“Gago may jowa yan.” Bulong ko pabalik.

 

“Ay sayang naman. Bagay sana kayo.” 

 

Pinalo ko siya sa likod at humahagikhik kaming dalawa sa bulungan namin. Napatingin ako sa itsura niya ng kumawala na kami sa isa’t-isa. Ang ganda pa rin ni MJ. Pero bffs na lang kami. Sadyang hindi lang talaga nag work yung pagiging mag-girlfriends namin. 

 

Kinurot niya yung pisngi ko. “Catch up tayo soon! Kailangan mag meet tayo nila Daehwi, pati na rin si Ning! Namiss ko na siya kamo!”

 

“Sure, sure. Sabihan ko si Ning.”

 

“Aasahan ko yan ha?” May pahabol pa siyang pa-hug. “Punta kayo sa uste minsan, libre ko kayo.” 

 

Tumango lang ako sa kanya. Nag wave naman siya kay Karina at si Karina, tinanguan lang niya si MJ. “Bye Karina. It was nice meeting you.” 

 

Smile smile, wave wave. Ganun lang si Karina. 

 

“Sorry,” sabi ko na lang ng maka-alis si MJ. “Natagalan yung pag-uusap namin.”

 

“It’s okay.” Nag smile siya habang iniinom niya yung drink niya. “It’s good you guys are still close.” Tiningnan niya ako na para bang inuusisa niya pagkatao ko. Minsan talaga kapag ganito yung mga mata ni Kari

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
mychacha
Yay!

Comments

You must be logged in to comment
stillem193
0 points #1
Chapter 54: Chapter 54: Shems nand2 na aq 🤩 batak n batak mag basa, isang linggo 😭
stillem193
0 points #2
Chapter 52: TANGINANG YAN 😭😭😭 RYUJIN KATOK KC AYAN 2LOY INIS SI ATE MO KK
winter1205
0 points #3
Chapter 38: WINTER anuna na, kumiss kna na rin sa cheek, para lips na sa susunod🤭
stillem193
0 points #4
Chapter 50: Kala ko pawis tumutulo,,, luha ko pala,,,, ios ios👌PERO HUY NGINA ANG ROLLER COASTER NITONG CHAPTER 😭😭😭 kinikilig ako andyan na c 3 words 8 letters
stillem193
0 points #5
Chapter 49: Shet omg bakit blank buong chapter❓❓(naiiyak na ak r2 oh)
winter1205
0 points #6
Chapter 36: Bwct ka taehyun
Hay karina tama lang yan cancel nyo date nyo kahit ako badtrip sa ngyayare haiist😩😣
stillem193
0 points #7
Chapter 47: Bwisit na lamok yan 😭
stillem193
0 points #8
Chapter 46: Nako karina ikaw di mo ba inaalagan nang maayos yan tsktsktsk dami tuloy kagat ng lamok BDSHBDHABD PUTABGINA 😭😭😭
stillem193
0 points #9
Chapter 46: PUTANGINA 😭😭😭 ANG HAROT HAROT OHMYGOD
winter1205
0 points #10
Chapter 34: sorry nalang taehyun wahahhaa😂 winter lakas ha, ikaw na tlaga😂😂😂😂