Ang Bring Your Girlfriend To Work Day

Shy Type
Please Subscribe to read the full chapter

 

Natakot talaga ako. 

 

Alam ko naman na hindi mawawala ang away sa relationships pero hindi ko kaya yung hindi ako kinikibo kapag may problema. Or kung may nagawa akong masama, gusto kong masabihan kaagad instead yung magugulat na lang ako na galit na pala sa akin ang girlfriend ko. 

 

Fault ko naman. Dapat alam ko na the first time pa nung nag comment si Karina sa paggamit ko sa cellphone ko pero hindi ako nag-isip. Masyado na yata akong naging komportable kay Karina kaya naging complacent ako sa actions ko. 

 

Pero, sana sinabi niya sa akin nung tinanong ko siya kung may problema ba. Kasi nang umalis siya na hindi nagpahatid, naalala ko yung mga time na nag-aaway kami ni MJ tapos walang kibuan halos dalawang linggo kasi hindi naman kami nakakapag-usap. Hindi kami legal so wala kaming time na mag-usap at walang place na pwedeng mag-usap. So ang nangyayari, naglo-long lang ako kay MJ hanggang sa maging okay na siya.

 

Hindi siya madali. Gustong-gusto ko na siyang makausap at ayusin ang problema namin pero wala naman kaming magawa. Si MJ din, ayaw gumawa ng paraan para maayos namin. Hinahayaan lang niya hanggang sa makalimutan namin na magkaaway kami at mawala ang galit niya sa akin, tsaka lang niya ako papansinin.

 

Ang saklap. Wala naman may gusto na ganyan ang mangyayari. Matagal na rin ako pinagsasabihan ni Ningning na makipaghiwalay kay MJ pero at that time, akala ko kasi na okay lang kasi kapag wala naman kaming problema, okay na okay si MJ sa akin. Mabait siya, sweet, at caring. 

 

Yun nga lang, rare lang siya nangyayari.

 

So yung away namin is the same thing. Paulit-ulit lang. Toxic na toxic na yung relationship namin na pati si Ningning ay nababahala sa aming dalawa. Hanggang sa bumitaw na lang si MJ at nakipag-break sa akin. 

 

Masakit. 

 

At akala ko, yun ang mangyayari sa amin ni Karina. Kung hindi lang pumunta si Ryujin at inexplain sa akin yung pagiging silent ni Karina kapag upset, mas mauulol yata ako. Grabe din yung pagpakalma ni Ryujin sa akin. Nakahinga din ako ng konti dahil sa kanya pero hindi nawala yung takot. 

 

Akala ko maghihiwalay din kami. Parang nag-flashback yung mga panahon na anxious na anxious akong makita at makausap si MJ at hindi makatulog dahil sa kakaisip kung anong mangyayari. Ang saklap pa na si Karina ay mahilig sa silent treatment. Nakakaulol kaya yun. Hindi maganda para sa mga taong katulad ko na madaling magoverthink. 

 

Nakakahiya man yung pagbreakdown ko sa harap ni Karina, masaya ako na nagkausap at nagkaayos kami. Mas naging maluwag din ang pakiramdam ko nang makita kong nagtatry din sa Karina na maging vocal tungkol sa feelings niya. Especially kapag upset siya. Kahit konting tampo lang. Na-appreciate ko yung pag voice out niya.

 

Ako rin naman.

Ayaw ko nang maulit yung away namin. 

 

It’s reassuring lang na nakikita ko yung pinangako ni Karina sa akin. Parang breath of fresh air yung ganitong klase na relationship. Alam kong I put Karina on a pedestal pero hindi naman ako tanga. I learned the hard way na rin na hindi magpapakaulol sa relationship. Sabi nga ni Ningning na dapat magtira ako ng pagmamahal sa sarili ko.

 

Kaya namin kahit sinasamba ko ang kagandahan ni Karina na parang si Mama Mary, aware naman ako na hindi siya perfect. May faults din naman talaga siya and yung mga unang pinakita niya sa akin, accept ko naman yun. Kasi nakikita ko rin na unti-unti niyang binabago yung mga bad habits niya.

 

The same goes for me na rin. Kapag bebe time namin, tinatago ko na lang yung phone ko. Ayaw ko naman i-DND kasi baka may emergency sila Mama or si Ate Taeyeon or if kailangan ako sa laundromat. 

 

Ganito pala yung mature relationship. Charot.

 

Two months pa lang kami. Pero walang halong biro naman, ang relationship ko with Karina ay leagues different sa relationship ko with MJ. Isa, legal kami. Dalawa, ginagawan talaga namin ng paraan para maayos. Tatlo, I think plus points na mas matanda sa akin si Karina at mas may experience. At hindi rin siya natatakot mag try ng mga bago.

 

Katulad na lang ng pagtulong sa akin sa laundromat.

 

Nakakagulat nga siya. Namention ko kasi na mas magiging busy kami kasi malapit na back to school. Marami na ulit magpap-dry clean ng mga uniforms so sinabihan ko si Karina na baka hindi kami masyado makapag hangout. Okay naman daw sa kanya. Magkikita naman daw kami araw-araw when school resumes.

 

Kinikilig ako! 

 

Excited tuloy akong pumasok sa school. Bahala kung lowkey kami dahil sa mga madre, ang mahalaga, makikita ko si Karina araw-araw. 

 

May two weeks na lang bago ulit magpasukan. Busy ako sa laundromat nang biglang sumulpot si Karina sa shop namin na nakangiti. Nahiya tuloy ako kasi ang dugyot kong tingnan. 

 

“Hi baby,” masigla niyang bati sa akin. Nahiya ako ng slight. Hindi pa rin ako sanay na open kami sa lahat ng tao kaya naman napakagat ako ng labi nang maghiyawan yung staff sa front counter. Jusko! Yung pisngi ko ang init! 

 

Mabilis kong hinila si Karina para pumasok sa staff room kasi pati yung customers namin ay nakatingin na. “Hi! Napa-visit ka?” Tanong ko sa kanya habang hinalikan niya ang pisngi ko. “May ipapa-laundry ka ba?” 

 

Umiling lang siya sa akin at pumalakpak once, “I’m here to help!” 

 

Hay sobrang cute din naman ng girlfriend ko. “Sure ka?”

 

“Yes, babe. Bored ako sa bahay and I missed you!” She pouted. Ay wag kang mag-pout sa akin Karina. Halikan kita diyan eh! “Two days na tayong hindi nagkita.”

 

“Sorry, baby. Babawi ako.”

 

“No need. I understand naman, babe. Kaya ako na ang gumawa ng paraan,” sabi niya sabay wink. “Tinanong ko na rin si Ate Taeyeon if I can help and she said na ikaw raw yung boss so ikaw ang bahala.” 

 

Ah, oo nga pala, ako ang temporary boss sa ngayon. Since graduate na si Soobin, pinapunta muna siya sa Singapore para mag conduct ng business research. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila ni Giselle. Pero sabi ni Karina, they will try to make it work daw. Matagal din doon si Soobin eh. 

 

Naghahanap sila Mama ng bagong manager bago ako bumalik sa school. Okay na rin for me kasi parang training ko na rin. Alam ko na rin naman kung paano i-manage ang isang shop. Working girl yata to no! 

 

Tiningnan ko ang girlfriend ko na mukhang excited magwork. Tinaas niya ang salamin niya. “What would you like me to do, ma’am?” 

 

Oh my goodness. Is this roleplay? Nilalandi ba ako ni Karina sa work? Remind ko nga siya na bawal maglandian sa work. Charot! Ako ang boss so magpapalandi ako.

 

“Miss Karina,” sakay ko naman sa roleplay niya. Iniisip ko kung saan siya ilalagay. Ayoko naman mapagod ang baby ko so ayoko siyang magtupi or mag steam ng clothes. Biased ako eh. “Sa front ka. Use your charms, babe.” Biro ko na ikinatawa niya. 

 

Before kami lumabas ulit sa front, binigyan ko muna si Karina ng work shirt. Naka white shirt lang kasi siya so pinahiram ko muna siya ng extra work shirt so she fits the part. Hinila ko ng saglit si Karina bago siya lumabas at dinampian ng mabilis na halik ang mga labi niya.

 

Ang landi ko!

 

“What was that for?” Karina touched her lips. “Akala ko ba professional tayo today, baby?” 

 

Tumawa na lang ako. At pagkalabas namin, binitawan ko ang mga kamay niya. “Ngayon, professional na tayo.” 





***

 

The first 30 minutes, nag familiarize muna si Karina sa shop. Ilang beses na siyang nakapunta dito pero hindi pa rin niya alam ang mga gamit. Pinoint out ko yung rows of washing machines pati na rin dryers. Most of the machines na meron kami ay tumatanggap lang ng coins so may coin exchange din kami. Tinuro ko rin kay Karina yung mga tables na pwedeng gamitin para magtupi, pati na rin yung area kung saan pwede tumambay habang naghihintay sa laundry nila. 

 

Sa front counter naman, tinuro ko kay Karina ang iba’t-ibang brands ng detergent at fabric softener na meron kami. Pwede naman gumamit ang mga customers namin na sarili nilang detergent pero may binebente din kami in case wala silang dala. 

 

May ilang vending machines din kami para sa mga chips at drinks. Mas mabuti sana kung may maliit kami na tindahan para sa mga snacks and drinks pero hindi kaya ng manpower namin. Next project ko na lang yung kapag ako na ang may hawak ng business namin. Mag-eexpand ako ng cafe. 

 

Hindi mahirap turuan si Karina kung paano gamitin yung system na gingamit namin sa computer. Simple lang naman para mag check ng ticket number at makita ang information ng customers namin.

 

And just like that, ang girlfriend ko ay working girl na din. 

 

Power couple yarn? Charot! 

 

Iniwan ko si Karina kay Ate Judith bago ako pumasok ulit sa staff room. Hindi naman pwede na iiwan lang mag-isa si Karina na walang enough training no! For now, she’s shadowing Ate Judith lang. Sinilip ko nga siya paminsan-minsan at ang cute cute ng girlfriend ko mag try mag initiate ng conversation sa mga customers namin.

 

Best in customer service lang! 

 

“Hi Ma’am, what can I help you with today?” Ayun pak, Englisher yan. Nagulat yung ale na regular namin at parang natameme sa pagbati ni Karina sa kanya. Bumalik na din ako sa ginagawa ko at hinayaan ang girlfriend ko na mag work.

 

Ang saya pala.

 

Masaya ako na si Karina ang gumawa ng paraan para magbonding kami. Kahit ganito yung set-up. Sinabi ko naman sa kanya na babawi ako at hindi ako tatanggap ng no kaya I promised her na mag-iisaw kami after work at mag movie marathon sa bahay nila. Doon na lang din ako matulog since maaga ulit ako sa shop kinabukasan. 

 

Sa freq

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
mychacha
Yay!

Comments

You must be logged in to comment
winter1205
0 points #1
Chapter 41: Wahahahha BABY BABY BABAY! YES BABY😂 Label muna mga vading😂
winter1205
0 points #2
Chapter 40: Luh winter anyare ,grabe gabi na nagchat..
stillem193
0 points #3
Chapter 54: Chapter 54: Shems nand2 na aq 🤩 batak n batak mag basa, isang linggo 😭
stillem193
0 points #4
Chapter 52: TANGINANG YAN 😭😭😭 RYUJIN KATOK KC AYAN 2LOY INIS SI ATE MO KK
winter1205
0 points #5
Chapter 38: WINTER anuna na, kumiss kna na rin sa cheek, para lips na sa susunod🤭
stillem193
0 points #6
Chapter 50: Kala ko pawis tumutulo,,, luha ko pala,,,, ios ios👌PERO HUY NGINA ANG ROLLER COASTER NITONG CHAPTER 😭😭😭 kinikilig ako andyan na c 3 words 8 letters
stillem193
0 points #7
Chapter 49: Shet omg bakit blank buong chapter❓❓(naiiyak na ak r2 oh)
winter1205
0 points #8
Chapter 36: Bwct ka taehyun
Hay karina tama lang yan cancel nyo date nyo kahit ako badtrip sa ngyayare haiist😩😣
stillem193
0 points #9
Chapter 47: Bwisit na lamok yan 😭
stillem193
0 points #10
Chapter 46: Nako karina ikaw di mo ba inaalagan nang maayos yan tsktsktsk dami tuloy kagat ng lamok BDSHBDHABD PUTABGINA 😭😭😭