Ang Pagintindi

Shy Type
Please Subscribe to read the full chapter

Kinakabahan ako. 

 

Hindi nagsasalita si Karina kanina pa sa library. Ni hindi nga niya ako matingnan ng diretso. 

 

Mas gugustuhin ko ng magalit siya sa akin at pagsabihan ako kesa dito. Nakakatakot. 

 

Hindi ko alam kung anong iniisip niya. 

 

Alam ko naman na nagkamali ako. At alam ko rin na nakakainis yung ginawa ko. Hindi ko naman sinasadya. Masyado lang akong naging focus sa group project at hindi namalayan yung oras. Gusto ko na kasi matapos yun. 

 

Ayoko na kasi mag meeting pa. Masyado na akong busy, hindi na kami masyado nagkikita ni Karina. Namimiss ko na siya. 

 

Para nga akong nawalan ng kaluluwa nang buksan ko yung phone ko. Ang raming text ni Karina. Tumawag din siya. Mahigit 30 minutes na siyang naghihintay sa akin. 

 

Pati rin si Ning. Tadtad ako sa text. 

 

Napabalikwas na lang ako sa upuan ko at agad-agad kong inayos yung gamit ko. Nauna ng umalis si Somi. Nagulat lang si Taehyun at natawa sa itsura ko. Kung kanina daw mukha akong may galit sa mundo, ngayon naman daw, mukha akong hinahabol ni Michael Myers. 

 

Takot na parang ewan.

 

Mukha nga yata akong tanga. Napatawa na lang ako sa sinabi niya. 

 

Bigla naman dumating si Ning. Galit na galit. Hindi na ako nagtataka. Pagsasabihan na naman niya ako ng parang nanay. 

 

Ang awkward lang kasi nakatayo lang si Taehyun habang pinapagalitan ako ni Ning. Napansin ko rin na may ibang pumasok: si Karina at si Ryujin. 

 

Nakakahiya. 

 

Sobrang nakakahiya ako.

 

Parang gusto ko na lang ma eject sa library. 

 

Hindi ko na napansin na humihinga na ako ng malalim until nafeel ko yung kamay ni Taehyun sa likod ko. Hindi na rin ako makareact dahil sa pagsermon sa akin ni Ning. Para talagang armalite yung bunganga niya kapag magalit. 

 

Hindi ko naman siya mablame. Nagworry nga naman sila dahil hindi nila ako mareach. 

 

Nanginginig akong pinuntahan si Karina sa may door nang makaalis si Taehyun at si Ning. Hindi ko alam kung paano siya i-approach. 

 

Hindi ko alam kung nakinig siya sa explanation ko. Wala kasi siyang imik. Tumango lang siya. 

 

Hanggang sa mahatid niya kami sa bahay. 

 

Wala.

 

Ang dami ko ng kasalanan sa kanya. 

 

May magagawa pa ba akong tama? Kahit sa mga dates na pinaplano ko, puro palpak. Si Karina na lang palagi yung sumasalo sa mga kapalpakan ko. 

 

Ayoko ng magkamali. 

 

Gusto ko sana siyang makausap at tanungin kung galit ba siya. 

 

Ang hirap naman kasi hulaan yung iniisip niya. Yung mukha niya obvious na obvious yung emotion niya pero wala siyang sinasabi.

 

Magalit ka na lang sa akin, Karina, please. Hindi ko kaya yung hindi ako kinakausap. 



Pagpasok namin ni Ning sa bahay, nag extend yung sermon niya hanggang sa makapasok kami si kwarto ko.

 

Hindi pa pala siya tapos. 

 

Daig pa niya yung nanay ko kung pagalitan ako. 

 

“Winter ayusin mo yan habit mo. ‘Wag mong hayaan mawalan ng pasensya sayo si Karina.” 

 

“Hindi ko naman sinasadya yun, Ning.” Napaupo ako sa kama ko at napabuntung hininga. “Ano…ano ba dapat kong gawin? Feel ko ang dami ko ng kasalanan sa kanya.” 

 

“Mag text ka! Mag sorry ka!” Bulalas ni Ning. “Alam mo, pati ako naiinis sayo. Dati ka pa kasing ganyan. Hindi ka marunong magsabi kung nasaan ka. Kailangan pa namin mag search party para lang mahagilap ka.” 

 

Napayuko na lang ako. “Sorry naman. Tintatry ko naman mag-update kay Karina paminsan-minsan.” Suminghot ako, nalulungkot dahil nasaktan ko ulit si Karina. 

 

Ang disappointing ko naman.

 

“Bes…” umupo si Ning katabi ko. “Ang sa akin lang naman, nag-aalala din kami, especially si Karina. Sino ba ang hindi? Sabi niya wala ka daw update sa kanya since lunch tapos hindi ka pa sumipot sa usapan niyo. Mas nag-aalala yun sayo kesa sa galit.”

 

“I know.” Humiga na ako sa kama at tinakpan yung mukha ko ng unan. Ang saklap.

 

“Ito pa. Si Taehyun.”

 

“Ano naman si Taehyun?” Nagtataka kong tanong. 

 

“Napansin ko lang kahit na ni-reject mo na siya, lapit pa rin siya ng lapit sayo. Ano yung paghaplos niya sayo kanina? Yung pagdala ng libro mo?” Tiningnan niya ako ng masama. “Alam mo tahimik lang yan si Karina pero naapektuhan din yun. Di lang yun nagsasabi.”

 

“Ning, hindi ko nga napansin yung ginawa niya kasi hiyang-hiya na ako sa inyo,” paliwanag ko sa kanya. “Hindi ko na nga siya pinapansin minsan since inask out niya ako. Ayoko siya bigyan ng reason para i-pursue niya ako. Pero group mates kami so hindi ko naman siya maiwasan.” Napapikit na lang ako, frustrated sa nangyayari. “Kaya nga gusto ko ng matapos kaagad yung project namin para hindi na kami magkasama.” 

 

“Bakit kung maka-tawa ka kanina, parang ang saya mo lang?” Tinaasan niya ako ng kilay. Hindi ba siya naniniwala sa akin?

 

“Nag joke siya. Syempre tumawa ako. Hindi naman ako essa para i-ignore siya. Friend ko pa rin naman si Taehyun.” Napailing din ako sa nangyari dati nang may nagkagusto sa akin na lalaki. “Tapos…tapos ayoko rin na biglang i-hate niya ako gaya ng nangyari dati sa akin. Ang sakit kaya nun.”

 

“Okay, okay, sige na. Sorry naman. Ayokong mag-away kayo ni Karina dahil sa isang hatdog.” Ngumiwi yung mukha niya, at nilabas yung dila like diring-diri siya. 

 

Mas lalo akong kinabahan. “Bakit? May sinabi ba siya?” 

 

“Wala. Pero knows ko na yun. Nasesense ko siya.”

 

“Wala pala siyang sinabi eh.”

 

“Wag mong hintayin na magsabi siya, bes.” Tumayo na ulit si Ning. Bago pa siya lumabas sa kwarto ko, pinayuan pa niya ako. “Based lang sa personality ni Karina na mahiyain, hindi talaga yun magsasabi. Kausapin mo si Karina mamaya. Mag sorry ka ulit. Sure ako na mas worried lang yun sayo.” 

 

Tumango na lang ako. 

 

Humiga na lang ako sa kama ko, iniisip kung paano ko kakausapin si Karina. 

 

Nabalot ulit ako sa kaba.

 

What if hindi na ako kakausapin ni Karina? What if hindi siya magtext sa akin? Paano ko siya i-approach? 

 

Paano —

 

Naputol yung pagiging praning ko nang tumunog yung phone ko.

 

After akong pagalitan ni Ning, nilakasan ko na yung volume sa ringtone ko kanina sa sasakyan. 

 

Agad-agad ko naman kinuha yung phone ko. 

 

Si Karina. 

 

Nag text.

 

Nakauwi na daw siya. 

 

Nakahinga din ako ng maluwag. Napangiti na lang akong nag-reply sa kanya. Pero hindi ko na muna siya kukulitin. Bigyan ko siya ng konting space bago ako makipag-usap sa kanya. 



Okay naman yung pag-uusap namin kahit ako lang yun nagsasalita. Nakikinig lang siya sa akin. Okay na rin yun kesa sa i-ignore niya ako.

 

Hindi na rin na bring up yung tungkol kay Taehyun. Mas binigyan ko ng pansin yung pagiging shunga ko sa phone kesa kay Taehyun. Hindi ko rin naman talaga napansin yung ginawa ni Taehyun kanina so hindi ko din alam kung paano simulan.

 

Lalaki lang yun. Hindi naman importante. Plus, wala naman akong gusto sa lalaki.

 

Si Karina lang. 

 

The whole week, sinuyo ko si Karina. Gusto ko lang bumawi dahil sa ginawa ko. 

 

Nakakalungkot lang na medyo off si Karina sa akin minsan. Hindi naman sa tinatarayan niya ako, ang quiet niya lang. Gaya ng dati nung hindi pa kami close. 

 

Ang lungkot lang kasi ang layo na ng progress namin tapos babagsak ulit sa awkward phase? Nakakadismaya isipin.

 

Napansin din ni Ryujin yung nangyayari sa amin dalawa ni Karina.  

 

“Pasensya ka na kay Yuyu, Winter,” sabi niya habang naglalakad kaming dalawa papunta sa room namin. “Tahimik lang talaga siya kapag may iniisip or upset. Pero hindi ka naman niya i-ignore. Nagtetext pa rin siya sayo diba? Nag-uupdate?” Tumango ako. “Give her time. Lalandiin ka rin niya ulit.” Tumawa siya at tinulak ako ng mahina nang makita niya akong namumula.

 

Maloko din to si Ryujin.

 

Pero totoo yung sinabi ni Ryujin. Naging okay rin si Karina at niyaya niya akong mag facetime habang nag-aaral. 

 

Kinikilig ako. 

 

To be honest, nakakadistract siya. Palagi kong sinasabi na gustong-gusto ko yung nagsasalamin siya. 

 

Jusko.

 

Ang attractive niya pa lalo kapag nakasalamin tapos nag-aaral. Parang mataray lang na librarian yung peg pero ang ganda lang! 

 

Tapos tinititigan din niya ako habang nagmememorize ako ng formula. Baka masagot ko sa exam ay assets = Karina. My gulay! 

 

Pero kahit na distracting yung Mama Mary beauty niya, nakaka-inspire din mag-aral. 

 

Miss inspiration pa nga!

 

Ang saya lang ng exam week. Super nilolook forward kong matapos yung exams hindi dahil sa tapos na yung school year, kundi mag dedate kami ni Karina. Ang saya sumagot ng exams kapag may reward sa huli!

 

Excited na rin akong pag-usapan yung plano namin sa summer. Baka pwede ko na siyang tanungin…hehe.

 

Aalis nga lang si Karina papuntang Baguio for four days after ng exams pero positive thinking lang ako. Mas marami pa akong panahon makasama siya sa summer. Four days lang naman akong mangungulila. CHAROT!

 

Ang saya ko lang sagutan yung last exam ko. Feel ko kahit mali-mali yung sagot ko, okay lang. Joke lang. Syempre nasagutan ko naman lahat ng maayos. Inspired by Mama Mary kaya ako!

 

Naghiyawan kaming lahat nang matapos namin yung exam. Lumabas kami sa classroom na nagcecelebrate, cheering dahil na survive namin yung first year namin sa uni. 

 

Grabe, ang rami ngang nangyari sa akin first year pa lang ako. Di ko akalain magkakaroon ako ng Karina sa buhay ko among other things. Chos!

 

Naramdaman kong may humawak sa mga balikat ko habang naglalakad. Nilingon ko at napailang na lang ako nang makita ko na si Taehyun yung nasa likod ko. Gumagawa yata sila ng celebratory train at ako yung naisipan niyang hawakan.

 

Triny kong alisin yung hawak niya sa akin ng palihim pero masyadong maraming tao at ang sikip na ng hallway. Akmang aakbay pa si Taehyun sa akin ng makita ko si Karina sa di kalayuan at mabilis akong kumawala kay Taehyun. With force pa yun kasi ang higpit ng hawak niya sa balikat ko!

 

Tumakbo ako papunta kay Karina na nakangisi. Dapat sa parking area pa kami magkikita. Pero hindi naman ako nagcocomplain kung sinusundo niya ako. 

 

“Karina!” Tinawag ko siya. “Nandito ka!” 

 

“Yeah, I’m here.” Mahina niyang sabi sa akin. 

 

Nagpaalam na kami nila Ryujin at unti-unting nawawala yung ngiti ko. Parang may something wrong. Hindi ako kinikibo ni Karina. Ang layo rin niya sa akin. Usually, kapag naglalakad kaming dalawa, kulang na lang i-super glue yung braso niya sa braso ko. 

 

Pero may distance kami. At straight lang yung tingin ni Karina. Hindi rin niya ako kinamusta. Palagi naman niya tinatanong ng ‘how’s your class’ pero kahit pag tanong kung okay lang ba yung exam ko ay wala. Tuloy-tuloy lang siyang naglalakad papunta sa kotse niya.

 

May nangyari ba?

 

May nagawa ba ako? 

 

Naguguluhan ako. 

 

Okay naman kami kagabi. Kahit kaninang umaga. 

 

Pero bakit ganun? Bakit biglang nagiba yung ihip ng hangin? 

 

Hindi ko mapagilang mag worry nang makapasok na kami sa sasakyan ni Karina. Tatanungin ko pa lang siya kung may problema ba nang bigla na lang siyang nagsalita. 

 

Lumamig yung buong katawan ko. 

 

“Winter. Can we cancel our date today?” 

 

“Ha? B-bakit?” Pinipigilan ko sarili kong hindi maiyak sa nangyayari. Bakit ang sudden? “M-may problema ba?” 

 

Napabuntung-hininga lang siya before niya i-start yung sasakyan. “I’m just not feeling well today. I’ll take you home.” 

 

Wala na akong masabi. Ang rami kong iniisip. 

 

Bumalik yung sinabi sa akin ni Ning last week, umiikot sa isipan ko. 

 

‘Wag mong hayaan mawalan ng pasensya sayo si Karina. 

 

Ayaw na niya ba sa akin? Na realize ba ni Karina na mahirap akong magustuhan dahil puro pagkakamali yung ginagawa ko? 

 

Kung sana lang…sana lang kausapin niya ako para hindi ako mag-isip ng masama. 

 

Fault ko ba?

 

Gusto kong malaman para naman alam ko kung anong dapat kong gagawin. Para ma-correct ko yung pagkakamali ko. 

 

Di kaya, sawang-sawa na siya sa mga kapalpakan ko at ayaw na niya akong bigyan ng chance? 

 

Ano ba kasi yun, Karina? 

 

Tinignan ko lang siya habang nag-drive at ang cold lang ng expression niya. Tinitigan ko siya ng matagal hoping na bumaling yung tingin niya sa akin pero hindi. Kahit yung pag tingin niya sa side mirrors, iwas na iwas siya sa mukha ko. 

 

Ganun na ba yun? Malaki ba yung galit niya sa akin na hindi niya ako matingnan kahit one second man lang?

 

Ang tahimik pa sa kotse. Nakakabingi. 

 

I think mas gusto ko na sigawan niya ako kesa sa ganito. Nakaka-anxious kasi yung pagiging quiet niya. 

 

Hindi ko na kaya.

 

“K-karina,” simul

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
mychacha
Yay!

Comments

You must be logged in to comment
winter1205
0 points #1
Chapter 1: ohhh, akala ko si Yuyu is si Winter🤩

Karina maltese tlaga?😂
stillem193
0 points #2
Chapter 34: WAIT TANGINA GAGO KINIKILIG/NATATAWA AKO PERO ANG ILEGAL KAPAG MAY GAGAWIN PA AKO 😭😭😭😭😭😭 (haha sunod ulit)
stillem193
0 points #3
Chapter 33: E2 ak patawa tawa lang,, kunwari walang kakabisaduhin 😁🥰🥰 shet research pahirap ka talaga
stillem193
0 points #4
Chapter 32: To summarize, chapter sha na pagkabaliw ni Winter kay Karina mababasa mo 😁😁 (gets na gets qta win)
stillem193
0 points #5
Chapter 32: Madami ul8 ak gagawin (kakabisaduhin, haha research lintik ka, friday ka nalang utang na loob) pero e2 ako nag babasa 😁😁😁 pano kc pagod ak kagabi kaya di ko nayari chap na to,,, 🥴 (nag alarm pa ako alas onse para mag basa, natulog lang ul8 ak 😁)
stillem193
0 points #6
Chapter 31: KINIKILIG AKO GANYAN NALANG KAYO PALAGI, PLEASE
stillem193
0 points #7
Chapter 30: YUNG KILIG KO, ABOT LANGIT
stillem193
0 points #8
Chapter 29: LT NG BUONG CHAPTER NA TO OHMYGOD 😭😭😭👊
stillem193
0 points #9
Chapter 28: No na no sa miscommunication ohmygod saqt sa ulo
stillem193
0 points #10
Chapter 27: SHET DAMI KO PANG GGWIN PERO NAND2 AK NAFRUFRUSTRATE