Ang Confucionism ni Winter Kim

Shy Type
Please Subscribe to read the full chapter

Ang rami kong tanong. 

 

Mahigit isang buwan na din akong full-fledged university student. Masaya! May bago na akong friends. Si Ning, ganun pa rin – maingay, walang preno ang bunganga. 

 

Nakakahiya nga siya minsan eh. Tinawag ba niyang Sugar Ate si Ate Karina kanina? 

 

Jusko!

 

I don’t know her! 

 

Hindi naman masyadong coming-of-age story yung experience ko sa far pero tingnan natin! Kakastart ko lang.

 

Pero eto kasi yun. Paano ko ba to simulan.

 

Kaninang lunch kasi parang nawala yung kaluluwa ko sa nangyari. 

 

I could still feel her lingering touch on my arm. CHAROT! 

 

Hindi naman sa cliche pero natakot nga ako sa nangyari kanina kasi muntik na ako masagasaan ng motor! Buti na lang nandun si Miss Inspi — I mean si Ate Karina! 

 

Pero I think mas natakot ako sa sinabi niya kesa dun sa nangyari. Alam mo yun ang deep na nga ang boses niya tapos galit pa yung tono? Nakaka-intimidate lang talaga.  

 

Ikaw kaya sa lugar ko? 

 

Mukha na ngang Mama Mary yung naghatak sayo eh, tapos Wonder Woman pa kung i-save ka? 

 

Pwede ba yun? Ang unfair nga naman ni Lord. 

 

Pero, in all seriousness (char), Ate Karina has the face of Mama Mary and I think naman ay ugaling Mama Mary din siya. 

 

Kasi naranasan ko na yung pagiging mabait niya. Hindi naman niya ako masyadong kilala pero yung mga times na nanghingi ako ng tulong sa kanya, tinulungan niya naman ako.

 

Especially yung sa cufflinks ko. 

 

Natataranta na kasi ako that time. Di ko na alam kung anong gagawin dun pero ginawan niya ng paraan yung problema ko. Hindi ko inexpect na ang isang bobby pin ay pwedeng gamitin proxy as cufflink.

 

At sa totoo lang – at nakakaguilty na nafefeel ko to bilang jowa siya ng kaibigan ko – kinilig ako ng slight ng binigyan niya ako ng extra cufflink. 

 

Ang sweet lang kasi ng gesture!

 

Sorry Ryujin, kinilig ako sa jowa mo. Happy crush lang talaga to, promise. Peksman. 

 

Kaya nabwibwisit na rin ako kapag naririnig ko yung mga Marites na pinag-uusapan siya every time na lang hinahatid or sinusundo si Ryujin sa class namin. Kasi wrong sila!

 

Kahit bihira lang kami nagkakasama at nag-uusap, alam ko hindi totoo yung mga sinasabi nila tungkol sa kanya. 

 

Hindi nila alam kung gaano siya kabait at kaamo. Ang cute nga niya kasi palagi lang siyang nakasimangot, except kung kasama niya si Ryujin, pero kapag kinakausap ko siya, ang hina ng boses at ang hinhin. Minsan nauutal siya. Ang cute! It’s endearing. 

 

Tapos ang sweet niya! Napansin ko lang na ang lambing niya kay Ryujin and maasikaso. 

 

Alam ko naman na alam niya kung ano ang pinag-sasabi ng mga Marites tungkol sa kanya, pero kahit ganun, hindi siya natatakot ipakita yung kasweetan niya kay Ryujin.

 

Kasi kung ibang tao yun, baka nahihiya na at titigil. 

 

Ang swerte ni Ryujin sa jowa niya.

 

At yun nga, speaking of Ryujin and Ate Karina, nalilito ako. Okay, hindi naman sa nalilito ako, pero ang hirap kasi paniwalaan si Ryujin. Dahil na rin yata sa experience ko sa ex ko.

 

Yung one time na binilhan niya si Ryujin ng lunch, pati na rin kami binilhan ng fries, tinanong namin si Ryujin about kay Ate Karina. 

 

Ang sweet lang niya kasi! Kung pwede ko lang talaga sapakin yung mga Marites, ginawa ko na. Mukha lang siyang mataray. Tahimik din kasi. 

 

Pero eto yun.

 

After umalis ni Ate Karina sa Founder’s Hall, agad namin tinukso si Ryujin na ang sweet nga ni Ate Karina. 

 

Si Ning ang nagsimula! As usual. 

 

“Ang sweet ni Ate Karina no? Grabe yung pag-alaga niya sayo. Close na close kayo. Sana all.” Sabi ni Ning, yung bunganga niya punong puno ng fries. 

 

“Yup.” 

 

Naalala ko yung linyahan sa A Very Special Love at biniro ko si Ryujin, “gaano ka close?” 

 

“We’re besties!”

 

Nagwala si Ning! Pati na rin ako napaubo sa kinain ko. Si Chaeryeong, tahimik lang na tiningnan si Ryujin. Para bang inuusisa niya yung information nasagip niya. 

 

“HINDI AKO NANINIWALA!” Sumigaw naman na napakalakas si Ning. “Besties pero ang clingy clingy niyo?”

 

Di rin ako makapaniwala. Alam ko na ‘to eh. Na-experience ko na to eh. At hindi masaya.

 

“Alam ko na ang galawan mo Ryujin. Di mo ako maloloko. Ginawa na rin to ng ex ko dati. Besties lang daw kami?” 

 

Mabait naman yung ex ko dati. Naintindihan ko kung bakit niya ginawa yun kasi hindi alam ng parents niya about sa uality niya. So hinayaan ko na lang. Pero ang pangit lang sa feeling yung tawagin kang bestie. Kaya ayaw ko sa word na yan. 

 

“Besties pero beb ang tawagan? Tapos Yuyu?” Patuloy pa rin si Ning. “Besties pero grabe yung PDA niyo?”

 

“Sweet lang talaga si Yuyu!”

 

“Ewan ko sayo, Ryujin. Besties pero kung makangiti sayo, parang ikaw yung nagdala ng liwanag sa madilim niyang mundo? Ang besties, kami ni Winter. At hindi kami ganyan maglandian – actually hindi talaga kami naglalandian.” 

 

Ang corny ni Ning. 

 

Gusto ko rin dugtungan yung mga sinasabi ni Ning pero napaisip din ako. Dahil na rin dun sa nangyari sa ex ko. 

 

Baka hindi out si Ryujin? Or si Ate Karina? Baka same lang din yung situation nila na hindi pa alam ng family nila ang uality nila. 

 

Baka hindi sila legal?

 

Pero nag sleepover si Ate Karina sa bahay ni Ryujin. So baka si Ate Karina yung hindi out?

 

Pero si Ate Karina wagas kung magpakita ng pagmamahal. All out siya. 

 

Ayaw ko naman silang i-out kung ganun man yung situation nila kaya hindi ko na lang tinanong at inaakusahan pa si Ryujin. Privacy na nila yun. Sila na bahala kung gusto nila sabihin about sa relationship nila or hindi.

 

Gusto ko tuloy bawiin yung sinabi ko sa kanya about sa galawan niya. Sorry na, Ryujin.

 

Kaya hinayaan ko na lang. 

 

Pinandilatan ko na lang din si Ning para tumigil siya sa kaka-okray kay Ryujin about sa relationship niya with Ate Karina. 

 

“Hay naku, bahala kayo kung ayaw niyo maniwala. Besties kami.” Umokay na lang kami. Mukha naman hindi siya naiinis pero still, stop na nga before pa mainis ng tuluyan. 

 

Akala ko hanggang doon lang yung pagkalito ko sa kanilang dalawa. 

 

Nawitness ko kasi ang buong dynamic ng magkaibigan ni Ryujin ng kumain kami sa labas kanina. 

 

Grabe talaga sila. 

 

Ininvite kami kaninang umaga kung gusto daw namin sumama mag lunch out kasama yung friends niya. Included na dun si Ate Karina.  

 

Siyempre natuwa ako! Gusto ko silang makilala. Isang buwan ko na rin kilala si Ryujin pero hindi pa namin nakikita yung iba niyang friends.

 

Nawala nga yung antok ko eh. Si Ning masyado din excited. 

 

Si Chaeryeong nakakatawa. Sabi niya excited niyang maka-hang out si Ate Karina kasi kahit na halos araw-araw namin siya nakikita dahil sa paghatid at sundo niya kay Ryujin, hindi naman namin nakakausap. 

 

Nagmamadaling umalis din kasi minsan. 

 

Kaya sabi ni Chaeryeong, “Excited akong marinig si Ate Karina magsalita ng more than two sentences. Yung mahaba!” 

 

Gaga talaga! 

 

Tumawa lang si Ryujin tapos sinabi niya, “Di natin sure.” 

 

Ha?

 

“Panis na yata laway ni Ate Karina no?” Dinugtungan pa nga ni Ning! Amp! Yung bunganga talaga niya walang preno. 

 

Buti na lang at cool si Ryujin. Tinatawanan lang niya si Ning. Tapos tumatango din. Umagree talaga! 

 

Ako naman, excited akong kumain…oo sa pagkain talaga ako excited. Pasta and burgers daw eh…

 

“Ang bagal naman ng oras. Gusto ko ng kumain.” 

 

“Suuuuuuus. Inaantok ka lang kanina eh.” 

 

Bestfriend ko ba talaga si Ning? Nilalaglag ako eh. 

 

“Maiinspire ka ba sa pagkain, Winter?” Isa pa to si Chaeryeong! Nakikisakay! “Pero, parang hanggang tingin ka lang no?” 

 

Si Ryujin nagtataka na kung anong tinutukoy namin. Parang na OP yata siya sa amin kasi kumunot yung noo niya and feel ko gusto niyang tanungin kung anong meron sa inspiration ng pagkain. 

 

Pero…

 

Happy crush nga lang. Happy crush! 

 

Off limits. Jowa ng tropa. Happy crush lang talaga! 

 

Anyway…

 

Kanina lang naman kami nagkausap sa mga conyong friends ni Ryujin, napapa-English na rin ako.

 

Anyway…char! 

 

Sa Jack’s Loft kami kumain. Nilibre pa nga kami ni Ate Karina!

 

O di ba, ang galante? Swerte talaga ni Ryujin.

 

Akala ko naman na kung makasama namin si Ate Karina ng matagalan at harap-harapan ay magsasalita siya or at least titingnan kami habang nag-uusap. 

 

Pero hindi!

 

Umiiwas pa rin ng tingin. Parang always siyang hindi mapakal

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
mychacha
Yay!

Comments

You must be logged in to comment
stillem193
0 points #1
Chapter 54: Chapter 54: Shems nand2 na aq 🤩 batak n batak mag basa, isang linggo 😭
stillem193
0 points #2
Chapter 52: TANGINANG YAN 😭😭😭 RYUJIN KATOK KC AYAN 2LOY INIS SI ATE MO KK
winter1205
0 points #3
Chapter 38: WINTER anuna na, kumiss kna na rin sa cheek, para lips na sa susunod🤭
stillem193
0 points #4
Chapter 50: Kala ko pawis tumutulo,,, luha ko pala,,,, ios ios👌PERO HUY NGINA ANG ROLLER COASTER NITONG CHAPTER 😭😭😭 kinikilig ako andyan na c 3 words 8 letters
stillem193
0 points #5
Chapter 49: Shet omg bakit blank buong chapter❓❓(naiiyak na ak r2 oh)
winter1205
0 points #6
Chapter 36: Bwct ka taehyun
Hay karina tama lang yan cancel nyo date nyo kahit ako badtrip sa ngyayare haiist😩😣
stillem193
0 points #7
Chapter 47: Bwisit na lamok yan 😭
stillem193
0 points #8
Chapter 46: Nako karina ikaw di mo ba inaalagan nang maayos yan tsktsktsk dami tuloy kagat ng lamok BDSHBDHABD PUTABGINA 😭😭😭
stillem193
0 points #9
Chapter 46: PUTANGINA 😭😭😭 ANG HAROT HAROT OHMYGOD
winter1205
0 points #10
Chapter 34: sorry nalang taehyun wahahhaa😂 winter lakas ha, ikaw na tlaga😂😂😂😂